FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 17: Baby

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 17: Baby
"... (robotic beeping sounds) ... "
BB-8 in 'Star Wars: The Force Awakens'


https://tengudnessfanfics.blogspot.com/


"Morning Ate!"

Masiglang bati ni Yeri kay Joohyuna na kasalukuyang abala sa harap ng kalan.

Deadmakels lang ang lola nyo.

Naupo si Yeri sa hapag kainan at sinimulan nang inspeksyunin yung mga nakahain na pagkain, habang tuloy lang sa pagpriprito si Baechu.

"Ang tyang?" Tanong ni Yeri habang ngumunguya ng tinapay.

"Tulog pa. Napagod ata kaiiyak kagabi."

"Pasok na pasok sa banga yung acting ng tyang kagabi ah... winner na winner yung pagsuot nya sa ilalim ng lamesita," nakangising sabi ni Yeri.

Ng dahil sa sinabi ng kanyang kapatid naalala na naman ni Joohyun yung eksenahan nilang mag-tiyahin kagabi.

Pang best supporting actress kaya ang acting ng lola nyo last night, si tita cute cute syempre yung best actress.

Eh how about yung tyanak?

Posthumous Award for Film Service, well... muntik na. Emphasis on the word 'Postumous' and 'muntik,' kasi kung hindi talaga nakapagpigil sa Baechu kagabi ay baka nayap-yap-yap na nya ang kanyang kapatid. Buti na lang at naawat sya ni Seulgi.

Pero kahit na buset na buset ang lola nyo dahil naunsyami na naman yung chorvahan nila ni  Bebiber, ay agad din naman itong nag-disappear nung makita nya ang kanilang tyang na umiyak na parang bata habang nakasuot yung upper half ng katawan nito sa lamesita.

"Kasalanan 'tong lahat nung mangjujulang bakla na friendship ni tyang," naiiritang sabi ni Joohyun.

"Si Madam Dumb Dumb Dumb?"

"Oo yun! Lecheng maghuhulang yun... matapos nyang sabihing comfort women daw ang tyang nung past life nya, ay naging ganyan na si tyang everytime na nalalasing."

"Para namang walang pinagkaiba ate, kasi dati para namang sinasapian ni Nora Aunor ang tyang pag-nalalasing. Paulit-ulit kaya niyang sinasabing yung line na 'My brother is not a pig!'"

"Ano ka ba, mas maganda yung 'Walang himala!' line ng tyang."

"Ha ha ha pero mas panalo talaga ate yung all time favorite Nora Aunor line ni tyang. Yung dialogue na ang lakas makamaharlika."

"Pano nga ba ulit yun?"

"Uhmm I think it goes like this..." naginternalize pa si Yeri bago nya idineliver yung favorite line ni tita cute cute from the movie 'Bilangin Mo Ang Bituin sa Langit', "Walang hindi nakakakilala sa pangalang Magnolia dela Cruz. Ang hindi nakakakilala sa pangalang ito ay aso lamang!"

"Ay pak na pak si Magnolia." React ng lola nyo.

At nagpatuloy lang yung tawanan at chikahan nung magkapatid habang nagaalmusal.

Ligayang ligaya yung dalawang murit (kapangpangan for 'crazy') habang pinapanood yung videong kuha ni Yeri featuring tita cute cute. Eto yung scene na kinukumbinsi ni Joohyun si tyang na bumangon na mula sa pagkakasiksik nito sa ilalim ng lamesita.

Comedy kaya yung nangyari, kasi nung sapilitan nilang hinatak si tyang ay niyakap nito yung isang paa nung lamesita, so kada hatak nila sumusunod lang rin yung lamesita.

"Papano mo nga pala ate na-convince ang tyang na lumabas from her hiding place?"

Hindi na alam ni Yeri ang sumunod na mga pangyayari after niyang ma-record yung video, kasi inihatid nito sina Joy at Seulgi sa may labasan. Naiwan si Baechu with tita cute cute.

"Tinawagan ko ang Ate Fany. Buti na lang tyempong papasok pa lang sa work ang ate, kaya nasagot nya yung tawag. "

"Ah kaya pala."

"After ni tyang makausap ang Ate Fany ay kumalma kalma na ito."

"Buti na lang... ilang hours nga ba ulit yung time difference ng LA at Pinas?"

"Sixteen hours."

"Wow... talagang baligtad yung araw nina tyang at Ate Fany."

"Oo nga, buti na lang at nakakapag-adjust sila pareho."

"Sana kayo rin ate, kapag si Ate Seulgi naman ang nasa US."

Natigilan sa paghihimay ng tuyu si Baechu nung madinig niya ang sinabi ng kanyang kapatid.

"Anong sabi mo Yeri? 'kapag si Ate Seulgi naman ang nasa US,' nyeta! Anong ibig sabihin nun?"

Lumalabas na naman yung "Mylene Dizon" scary acting ni Baechu. Afraid na tuloy yung tyanak.

"Uhhmm... uhmm... ang sabi kasi sa akin ni Joyie, every year daw ay sa US nagpapasko at nagbabagong taon yung family ni Ate Seulgi. So kung ganun din ang gagawin nila this year, so that means you will be far away from each other pagdating ng pasko."

"Wat!? Ba't wala namang binabanggit sa akin si Seulgi tungkol dun?"

"Uhmm... I don't know, si Joy lang naman ang may sabi nun. Ate, baka naman di na sila tuloy... ma-malay mo dito lang pala sila sa Pinas this christmas."

Di magkandaugagang paliwanag ni Yeri sa kanyang ate.

But Baechu is not convinced.

Paano na yung pangarap mga pangarap ng lola nyo?

Nagi-imagine pa naman si bakla ng setting, kung saan tumutugtug yung mga classic christmas carols sa background, habang kumakain sila ni Bebiber ng puto bumbong sa tapat ng Simbahan ng Tondo, right after nilang mag-simbang date este, mag-simbang gabi while holding hands.

Tapos ngayon, yung "Kumukutikutitap" naging "Pasko na Sinta Ko."


This kennot be! Kahit na sabihan pa ni Sarah G, Leah at Bamboo na, "Forever, forever family is forever." Isa lang ang masasabi ni Baechu, di na chochorva ang pemily.

❄️       ❄️      ❄️

"He-hellooo."

"Totoo ba Seulgi yung sinasabi ng impakta kong kapatid na hindi ka dito sa Pilipinas magpa-pasko?" Walang hinga-hingang sabi ni Joohyun, right after sagutin ni Seulgi yung tawag.

Medyo nagugulumihanan pa yung oso, kakagising lang kasi nito so yung mga brain cells nya naka airplane mode pa.

Inilayo saglit ni Seulgi yung phone sa tenga nya to check who she talking to, and her phone is displaying "Bebibani."

"Bani?"

"Oo eto nga. Ano totoo ba?"

"Ang ano?"

"Na sa US ka magpa-pasko." 
"Ah, yun ba... Uhmm... di ko pa alam, wala pa naman kasing sinasabi ang daddy."

"But Seulgi..."

"Bani..."

"Pano tayo? Yung puto bumbong? Yung simbang gabi? Yung pasko natin together?" Ang drama ng lola nyo.

"Huh?"

Malapit lapit nang mag-over load yung utak nung oso sa sunod sunod na tanong ni Irene.

Paano na ang pasko ni Bae Joohyun? When all she want for christmas is Bebiber.

❄️       ❄️      ❄️
 
"So... you're Hirai Momo. Can I call you Momo?"

"Okay."

"Perfect. So Momo, I'll just ask you a few questions."

At sinimulan na ni Wendy ang job interview ni Momo.

"What is your greatest weakness?"

"Jokbal and chocolates."

"Where do you see yourself in five years?"

"Kung buhay pa ako nun, siguro I'll have my own dance studio. Tuturuan ko yung mga little kids mag-pole dancing tsaka mag-twerk."

"When have you demonstrated leadership skills?"

"Sa Mobile Legends."

Dinugo yung utak ni Wendy sa mga sagot ni Momo.

After a few more questions, finally natapos na rin yung inter-interviewhan nina Momoring at Wendy.

"So that's it, do you have any question for me Momo?"

"Nagco-conduct ba kayo ng drug test?"

Bahala na talaga si Khaleesi sa magiging outcome nitong paghi-hire nila kay Momo.

 ❄️       ❄️      ❄️

"Bani, ano to?"

Inalog alog pa ni Seulgi yung box na inabot sa kanya ng lola nyo.

"Your christmas gift."

"Hindi ka na lang sana gumastos Bani."

"Sabi mo kasi baka di ka dito magchri-christmas, so ibibigay ko na in-advance yung gift mo."

Nag-mega pout pa si Joohyun sa harap ng kanyang bebiber, ang kyowti kyowti ng lola nyo.

Walang kaalam alam yung oso na originally card lang sana ang ibibigay ni Baechu sa kanya for Christmas. Pero due to recent events (inday Yuju remember?), ay nag-decide ang lola nyo to take preventive measures para walang gapangan na mangyari.

"Sige na Bebiber open it. I'm sure magugustuhan mo yung gift ko sa iyo."

Ganda pa ng ngiti ng lola nyo, aakalain mo talaga super pure and harmless yung kuneho. Kung alam lang ninyo, umiinom ng purong brake fluid si bakla kapag nagbe-beast mode.

"Okay."

Sinimulan na ni Seulgi buksan yung pamaskong handog ni Baechu.

"Uhmm... Bani?"

"Nagustuhan mo ba bebiber?"

"Bani ano to? Laruang robot?"

Inilabas ni Seulgi mula sa box ang isang five inches na action figure ni BB-8 (Star Wars).

"Actually its an IP camera."

"A what?"

"It's a camera. Kapag in-on mo ito tapos nagconnect ka sa internet, I'll be able to see what you are doing on my phone. At dahil may speaker din ito, I can also talk to you."

"O-kay..."

"Cool di ba!"

Mas excited pa yung nagbigay nung regalo kaysa dun sa nakatanggap. Halatang halata na may hidden agenda yung kuneho.

"Uhmm..."

"This way we can still bond kahit na magkalayo tayo, gaya kapag nag-abroad kayo ng family mo."

"That sounds good Bani."

"And since its small and handy, you can bring this anywhere, like in your room, in your bed or in the shower. "

Sinasabi ko na nga mukhang may maitim na binabalak itong lola nyo dun sa innosenteng oso ah...

"Huh?"

"Basta make sure Bebiber that you bring our baby with you."

"Baby?"

"Oo baby. Just imagine na baby natin ito. We can call it... uhmm... Bebicam."
 

 

 
#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt


Your lola's feeling like a psycho-psycho Bebiber got her feeling like a psycho... matagal ko  na kasing sinasabi sa inyo "biruin nyo na ang lasing, wag lang si Baechu na walang booking." Ayaw nyo kasing maniwala sa akin na may sa aningan yung kuneho eh. Tingnan na lang natin kung lalabas yung tunay na kulay ni bakla kapag na-meet and greet na niya si Future Mother-in-law.
[BACK]  [VIEW ALL CHAPTERS]  [HOME]

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]