FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 18: Meet the Mudra

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 18: Meet the Mudra
"Ang mga tala... mataas, mahirap maabot. Pero ipinapangako ko, Inay... bukas, luluhod ang mga tala!"  
Sharon Cuneta in 'Bukas Luluhod Ang Mga Tala (1984)' 


Sa mga nag-aakala na madali lang ang magset-up ng camera na kumo-connect online, isa lang ang masasabi ko... try nyo muna bago kayo kumoda dyan.

Ang hirap kaya, lalo na kung isang katulad ni Seulgi, ang magse-set up.

Yung brain function pa naman nung oso parang mobile data connection ng Globe, subject to "Fair Use Policy." So kapag medyo high volume of data na ang nagagamit ay bumabagal na nang kusa yung browser speed.

Salamat na lang sa collective efforts nina Joy, Yeri at nung TechGuy nila Irene sa office, nai-set up na rin sa wakas yung nakanangchever na camerang pakulo ng lola nyo.

And News Flash... ang sabi ni Kuya TechGuy kay Baechu, di daw pwedeng dalhin si Bebicam anywhere. Dapat stayput lang ito sa house kasi, one, it needs to connect to the home internet chuvanes, and two it needs to be plugged in to a power source.

So in short, cancelled yung mga evil plans ng lola nyo.

This is good news for the oso... but bad, very bad news for the kuneho.

Bad news din ito para dun sa babaeng nag-assists kay Baechu sa CD-R King, kung saan nya binili yung camera. Mali mali kasi yung mga sinabi ni bakla sa granny ninyo.

At dahil may pagka-half mutant, half psycho-psycho you got me feeling like a psycho pa naman ang lola nyo, goodluck na lang talaga sa future ni ategurl. We don't know kung ano ang gagawin sa kanya ni Joohyun kapag nakita sya ulit nito.

Sabi nga nila, "biruin nyo na ang lasing, wag lang si Baechu na walang booking."

Kaya naman ang message ko kay ategurl na tiga CD-R King, "simulan mo nang magtago bakla kung gusto mo pang mag-Ang-Pasko-Ay-Sumapit this year." 

📷      📷       📷

"Bani, nakikita mo na ba ako?"

"Uhmm... bawasan mo yung unan mo Bebiber, kasi masyadong mataas yung ulo mo, kaya puro leeg mo lang ang nakikita ko sa screen."

"Okay, sige wait..."

Agad tinanggal ni Seulgi yung isang unan sa kanyang ulunan, tapos umayos na ulit ito nang pagkakahiga.

"Yan, okay na ba?" Tumungin ulit si Seulgi sa mini robot na kasalukuyang katabi nya sa kama.

"Yup, perfect." pagaapprove ng lola nyo.


Bebicam session begins.


Para sa mga taong nageexpect na yung mga susunod na scenes nina Bebiber at Bebibani ay sex scandal worthy o kung kaya ay isang masturbachuchu video, well... better luck next time kasi walang rated M content for this chapter. (pero yung susunod meron, char!)

Lumipas ang 30 minutes, sa walang kawawaang usapan nung mag-jowa.

In fair ha, hindi pa rin maubos-ubos yung mga topic na napaguusapan nina Seulgi at Joohyun, kahit na halos buong araw na silang magkasama.

Pero dahil "sleeping" ang isa sa mga favorite past time nung oso, it didn't take her that long para makaramdam ng antok.

Pahikab hikab na si Bebiber at nag-twitwinkle twinkle little star na ang mga mata nya, pero ang lola Baechu nyo... alive, awake, alert, enthusiastic pa rin.

After a few more minutes ay nahalata na rin sa wakas ng granny ninyo na malapit lapit nang mapunta sa dreamland yung diwa ng kanyang Bebiber.

"Meme ka na Bebiber kung inaantok ka na. Pero leave the camera on na lang."

"Uhmm... okay... Bani, patayin ko na yung ilaw ha..." half-awake na sabi nung oso.

"Okay go, may night vision naman yung camera so I can still see you."

"Night what Bani?"

Medyo di sure si Seulgi sa narinig kasi talagang inaantok na ito.

Walang kamalay malay yung oso na sadyang pinili ni Baechu yung camera na may night vision. Dahil aware ang lola nyo na yung mga aswang ay lumalabas lamang kapag madilim.

Importante kay Irene na yung camera ay may "anti-gapang" feature, gawa nga na may "krume-creepin'-in-your-heart-babe" na nakatira sa bahay at umaaligid sa kanyang Bebiber.

"Ahhh... wala ang sabi ko good night." Palusot ng lola nyo.

"Ah okay..." saglit na bumangon si Seulgi para patayin yung ilaw sa kanyang night stand.

Agad din naman itong bumalik sa posisyon nya kanina right after.

"Bebiber..."

"Uhm..." sagot nung nakapikit na oso.

"Matutulog ka na talaga?" (kulit din ng lahi ng lola nyo no?)

"Uhm... oo... bakit Bani may gusto ka pa bang sabihin?" Konti na lang talaga at off to dreamland na si Seulgi.

"Wala naman itatanong ko lang kung saan mo gustong mag-lunch bukas, para maaga pa lang ay makapagpa-reserve na ako." (sa totoo lang ayaw pa talagang matulog ni Joohyun si Seulgi, kaya she keeps on talking to her)

"Bu-kas... uhmm... Bani.. sorry I forgot to... I'm having... with Mina." papuputol putol na sabi ni Seulgi. Para na itong nagi-sleep talk.

Warning: The rabbit is about to explode in three, two, one...

"You're having what Seulgi?! At sino si Mina!?"

" . . ."

"Kang Seulgi sumagot ka!!!"

" Zzzz ... "

"Seulgi!!!"

At tuluyan nang nakatulog yung oso.

Kung kaninong blood, sweat and tears ang dadaloy bukas, we will have to wait and see. 

🌅     🌅      🌅 

Morning after.

Nangangalumata ang lola nyo. Umaga na nang nakatulog si bakla dahil sa kakaisip dun sa sinabi ni Seulgi.

Pero kahit late nang nakatulog, ay maaga pa ring nagising si Joohyun.

At kahit na mahirap... super hirap... as in super duper hirap maligo ng walang mainit na tubig sa umaga sa panahon ngayon, ay nagawa pa rin ito ni Baechu.

Di na kailangan ni Irene ng mainit na tubig kasi your lola's on fire... now burn Bebiber.

Alas-syete en punto ay naka-bihis, nakapag-kilay at nakapag-blush on na ang granny ninyo.

Calling Bebiber...

Ring... ring... ring...

The number you dialled is...

Calling Bebiber... (again)

Ring... ring... ring...

The number you dialled is...

Calling Bebiber... (and again)

Ring... ring... ring...
 
"He-helloo..." inaantok na sagot ni Seulgi sa kabilang linya.

"Meet me outside your house, NOW." Sabi ng lola nyo in her very kidnap-for-ransom voice.

Call ended. 

🏡      🏡      🏡

Pupungas pungas pa si Seulgi na lumabas nang bahay.

Wala na munang mumog-mumog o hila-hilamos, kasi sabi nga ni General Baechu, NOW.

So now it is.

Besides, talagang di na maiisip ni Seulgi ang mag-toothbrush, kasi busy yung utak nung oso sa pagwo-wonder kung bakit naligaw sa village nila si Bebibani this early in the morning.

Never pa naman kasi nadala ni Seulgi si Baechu sa kanilang bahay, gawa nga na may pagka-secret love song yung drama nung dalawa. I mean secret sa side ni Bebiber, kasi kina Baechu sa Tondo, ultimo yung mga kapitbahay informed.

"Bani."

Mahinang tawag ni Seulgi kay Joohyun na kasalukuyang nakatayo sa tapat ng kanilang gate.

Tumingin si lola nyo kay Bebiber, pero after a few seconds ay ibinaling ni Irene ang kanyang tingin sa bahay sa likod ni Seulgi.

Alam nyo yung feeling na ang dami mong gustong sabihin sa isang tao, pero kapag andyan na di mo na alam kung anong uunahin mong sabihin, so you end up not saying anything. Yun yung nafe-feel ni Joohyun.

For the first time in a very long time, speechless si bakla.

Your lola is now wondering kung ano nga bang ginagawa nya sa labas ng pang-maharlikang bahay nina Seulgi, sa isang exclusive village.

Lakas maka-Bukas Luluhod ang mga Tala nung eksena.

Ano na lang ang panama nung bahay nina Baechu sa Tondo na pang-aliping sagigilid yung itsura.

"Bani what's wrong?" Tanong ulit ni Seulgi sa lola nyo. Hinawakan pa nito yung magkabilang balikat nito.

"Kagabi..." umpisa ng granny nyo, "nung naguusap tayo, nung tinanong kita kung saan mo gustong mag-lunch ang sabi mo 'you can't, your having something with' tapos may binanggit kang pangalan ng girl. Anong ibig sabihin nun Seulgi?"

"Lunch? Pangalan ng girl? Ah... yun, I was trying to tell you last night that I'm having lunch with Mina."

"Sino si Mina?"

Inexplain naman ni Seulgi kay Bebibani kung sino si Mina. Chinika nya that she is her classmate, and her friend, and she kinda owe her a lunch etsetera. Tahimik namang nakinig si Joohyun. Medyo marunong nang kumalma ang lola nyo in fairview.

After nung eksena nila ni Bebiber dun sa Araneta nung nanood sila nung cheerleading competition ay medyo nag-mellow mellow na ang lola nyo.

Of course may mga "tamang hinala" moments pa rin si Baechu, pero at least natutuhan na nang lola nyo na makinig na muna sa explanation ni Seulgi bago ito mag-incredible hulk.

Satisfied naman si Joohyun sa explanation ni Bebiber.

Kasi in fair naman sa lola nyo, kung anung bilis niyang magalit ay sya rin namang bilis nitong humupa.

Basta pagdating kay Seulgi may pagka-bipolar ang lola nyo.

"Bani, since andito ka na, sabay na tayong mag-breakfast?"

"Ha eh... panong parents mo?"

"I'm sure mommy won't mind, lalo na kung sing ganda mo yung kasabay namin na maga-almusal." 
https://tengudnessfanfics.blogspot.com/p/blog-page.html

Wuchuchu lola nyo kinikilig na... she knows that Seulgi will only introduce her as a friend, pero kahit na ba, at least kahit papano Seulgi is taking small steps para maging out yung relationship nila.

Tsaka talagang matagal na niyang gustong ma-meet and greet yung parents ng kanyang Bebiber. Matagal na syang nag-iimagine kung ano ba ang itsura ng mga ito sa personal.

"Bebiber bago tayo pumasok, asan na nga pala yung morning kiss ko?"

"What? Ha ha ha... tingnan mong di pa ako nakakapag-toothbrush o hilamos man lang" tatawa tawang sagot ni Seulgi.

"Ah basta. Sige na bebiber... kiss mo na ako dali." Sabay ngumuso pa yung lola nyo.

"Sige, pikit ka na muna."

Pikit naman agad si bakla.

Matapos ang ilang saglit ay naramdaman na ni Irene yung halik na ni-request nya from Seulgi.

Kaya lang ba't ganun?

Expected na niyang di amoy mint yung hininga ng kanyang bebiber, pero bakit parang umover naman sa morning breath yung oso.

Ampota!

Hindi oso yung humalik kay Joohyun kundi aso, yung truemulove's kiss sa lola nyo. 


Sakto kasing nakawala sa pagkakatali si Yorkie, yung alagang Yorkshire Terrier ng pamilya Kang, kaya pakalat kalat ito sa labas.

Habang nakapikit ang lola nyo ay dinampot ito ni Seulgi at syang ginawang proxy para sa morning kiss na inuungot ng lola nyo.

Limpak limpak na konyat ang inabot ni Seulgi kay Joohyun after.

🏡      🏡      🏡

Nawala yung slight na anxiety na nararamdaman kanina ng lola nyo, after nyang ma-meet yung mommy ni Seulgi.

Katulad ni Bebiber, mabait at very warm yung personality nung nanay ni Seulgi.

Hindi rin ito mukhang matapobre, walang Cherry Gil Vibe  si Mama Kang kaya bet na bet na ng lola nyo ang kanyang future mother-in-law. (assumerang rabbit!)

"Kain ka lang nang kain hija, wag kang mahihiya ha."

"Opo, Mrs. Kang."

"Naku wag ng Mrs. Kang, tita na lang."

"Ah okay po." Pademure pang ngumiti ang lola nyo.

"Seulgi, anak ba't ngayon mo lang ipinakilala sa akin itong si Irene?"

"Eh?" react nung oso na bising-bisi sa pagpapahid ng mantikilya sa kanyang pancake.

"Kako, si Irene ba't ngayon mo lang ipinakilala." Paguulit nung mudrabels nung oso.

"Uhmm..." wala namang mahagilap na magandang sagot si Seulgi.

At dahil feeling close na agad itong lola nyo, sya na ang sumagot dun sa hanging question ng kanyang future-MIL.

"Actually po Tita, recently lang rin naman po kami nagkakilala at naging magkaibigan ni Seulgi."

"Ah ganun ba, saan nga pala kayo nagkakilala nitong si Seulgi?" follow-up question ni future-MIL.

"Nagkakilala po kami ni Seulgi sa isang blind--" sasabihin sana ni future-daughter in law (wish nya lang) na nagkakilala sila sa blind date ni Bebiber, buti na lang napigilan niya ang sarili nya.

"Blind what hija?"

"Uhmm..." turn naman ni bakla na ma-blangko.

Saktong tapos nang harapin ni Seulgi ang kanyang pancake, kaya nakasabat na ito sa usapan nung dalawang mag-future, "Sa-sa blind... awareness campaign ng office nila mommy."

"Blind awareness? Dun kayo nagkakilala? Well that's great news. Alam mo kasi hija, matagal ko nang sinasabihan itong si Seulgi na maki-involve sa mga charity activities, ang kaso napakatamad at wala talagang interest itong anak ko sa mga ganung bagay. Ikaw ba Irene, hilig mo ba ang sumali sa mga charity work?"

"Uhmm... o-opo," medyo naga-alinlangan na sagot ng lola nyo.

"Ganun ba, pareho pala tayo hija."

Natuwa naman ang granny nyo sa narinig. May something in common na sya with her future-MIL, kahit na base on false facts ay feeling feeling pa rin ang lola nyo.

"Alam mo kung wala kang gagawin sa Sabado, baka you can join me and Seulgi sa NCMH."

"NCMH po?"

"Uhmm, every December bago magpasko ay nagpupunta kami ni mommy sa National Center for Mental Health para dalawin yung ilang mga pasyente dun. Naghahanda kami ng kaunting salo-salo at short program para sa mga female patients duon." Si Seulgi na yung sumagot sa tanong ni Irene.

"Ang bait nyo naman po pala." Hindi napigilan ni Baechu na humangga sa kanyang future-MIL.

"Naku, wala yun hija. Basta kung wala ka lang naman gagawin this Saturday, you can come with us. Pwede kitang ipasundo sa driver, o kaya naman I can have--"

Sakto namang umenter-frame si Wendy sa dining room.

"-- Wendy pick you up. Sabay na lang kayo papunta."

"Morning! Who am I suppose to pick up tita, at san kami sabay na pupunta?" Tanong ni Wendy matapos niyang maupo sa tabi ni Seulgi,

"Sya nga pala Wendy, this is Irene, friend ni Seulgi."

Medyo natigilan naman si Wendy sa paglalagay ng asukal sa kanyang kape at napatitig sa magandang dalaga sa harap nya.

You make me feel, like I... can get lost, inside your eyes
I feel clo-ser to the sky
When you save the day with just a smile...

Feeling ni Wendy nasa isang toothpaste commercial sya, yung tipong in slow motion yung paligid tapos, may eye-to-eye contact na magaganap parang tulad nung kina Elmo at Janella.

"Wendy... Wendy-ah!" Siniko pa ni Seulgi yung katabi nya na para namang namatanda.

"Ha... what? What?"

"Kinakausap ka ng mommy."

"Ha ah eh... ano po yun Tita?"

"I was asking kung baka pupuwede na isabay mo na lang itong si Irene sa Sabado."

"Ha... uhmm... of course tita no problem." 
Naitawid naman nung mag-jowa yung breakfast nang matiwasay.

And in all fairness to your lola Baechu, ang productive ng umaga ni bakla.

One, naayos niya yung Mina issue with Bebiber.

Two, na-meet nya yung mommy at bestfriend ni Seulgi.

Tapos ngayon may nakaschedule pa syang bonding-bonding with future-MIL this weekend.

Oh diba ang taray ni bakla!

So it's final, your lola is going to a mental hospital, for real!!!

Sana nga lang talaga di sila mabukelya ni mudra sa Sabado, kasi kung hindi ay baka may isang matuluyan at maiwan dun sa loob.
 

#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt
Nawawala si Bebicam!!! Syempre ang lola Baechu windang kasi syempre Bebi nya yun, ang dami pa nyang binabalak gawin using yung bebi na cam o cam na bebi ah basta! Kailangan makita sa lalong madaling panahon yung non-living-thing na Bebi na yun. Nakita naman ng lola nyo kung nasaan si Bebicam. Ang kaso lang may iba pa syang nakita. At yung nakita nya... ay naku sizt mala-brokeback swear!

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]