FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 15: Very Very Very

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 15: Very Very Very
"Nal neomuneomuneomu. 
Neomuneomuneomu 
neomuneomuneomu..."  
From I.O.I's Very Very Very

Bumilis yung heart-beat-beat-beat ni Seulgi, after niyang makitang humigpit yung pagkakahawak ng kanyang bebibani dun sa malaking kutsilyo.

Ito na ba ang katapusan ni Bebiber? Death by multiple stab wounds.


It's been a long day without you my friend,
and I'll tell you all about it when I see you again...

 

Naghahanda nang mag-goodbye to the world yung oso, nang biglang sumulpot si Tita Cute Cute sa kusina.

"Joohyun, ipagbalot mo nga ng cake yung mga--" na-hang yung sinasabi ni tyang nang ma-sense niya na may something weird in the atmosphere sa kitchen.

"Ano Kang Seulgi, ba't di ka makapagsalita ngayon?"

"Bani kasi..."

"Ano!?"

"Uhmmm... mga bakla, baka mas magandang sa kuwarto na lang kayo magusap. At Joohyun, akin na muna itong kutsilyo, hahasain este... huhugasan ko na muna, kasi gagamitin kong panghiwa ng inihaw."

Unti unting gumalaw si tyang para i-disarm si Baechu.

Buti na lang at nag-come-to-the-rescue si tita cute cute, kung hindi ay baka tuluyan nang na-shawarma ni Joohyun ang ating baby bear.

Medyo nakahinga na nang kaonti yung oso nung makita niyang wala nang hawak na deadly weapon ang kanyang Bebibani. Ang kaso wala pang ilang segundo ay meron na itong bagong hawak... yung kaliwang tenga nung oso.

"Ah-ah, aray! Bani mashakit." Pagpapaawa effect ni Seulgi dun sa high blood na kuneho.

"Ssheda! Mas lalo kang malilintikan sa akin kapag di ka umayos. Dalian mong maglakad!"

At kinaladkad na ng lola nyo yung poor bear by the ears papunta sa kuwarto. 
https://tengudnessfanfics.blogspot.com/p/blog-page.html
Pagkapasok sa kuwarto ay agad ini-lock ni Baechu yung pinto.

Naupo sa kama si Joohyun at nang umakmang mauupo si Bebiber sa tabi ng lola nyo ay pinandilatan niya ito.

"At sinong nagsabing pwede kang maupo?" pagmamaldita nung rabbit.

"Sabi ko nga tatayo na lang ako, nagpapatangkad pala ako nakalimutan ko lang iinform ka... (pabulong) kaya ka di nag-grow kasi lagi kang nakaupo."

"May sinasabi ka ba?"

"Ha eh wala Bani."

Nanatili lang nakatayo si Seulgi sa harap ng lola nyo.

"So..." sabay humalukipkip pa ang lola nyo, "...ano ulit yung sinasabi mo kanina Kang Seulgi? At ayus ayusin mo this time ang statement mo kung ayaw mong makita ng maaga si Paul Walker."

At lumipad na naman yung utak nung oso.

It's been a long day without you my friend,
and I'll tell you all about it when I see you again...



"Hoy Seulgi! Magsalita ka na!"

"Ha?.. ah eh ganito kasi yun Hyun..."

At nagsimula na ngang mag-kuwento yung oso.

Feeling ni Seulgi nabawasan ng 10 years yung lifespan niya after niyang isalaysay ang mga pangyayaring anik anik. Tahimik lang kasi na nakikinig ang kanyang bebibani habang nagkukuwento siya. Which is more bothering kasi malay ba nya kung nagiipon lang ito ng lakas, tapos bigla na lang itong susugod at sasakalin siya.

"So ang akala ni Yuju sayo galing yung mga sulat, pero ang totoo kay Momo galing yung mga notes."

Tumango yung oso.

"At itong si Momo ay bago mong friend."

Tumango ulit yung oso.

"Bakit ngayon mo lang sa akin naikuwento yung tungkol kay Momo?"

"Eh kasi..."

At nagresume na naman yung story telling session nung dalawang mag-jowa, this time nagfocus yung story sa kung papaano nagkakikila sina Seulgi at Momo.

"Seulgi! What were you thinking? Malay ba natin, miyembro pala ng akyat bahay gang yung Momo na yun? Baka nakipag-close lang yun sa iyo para mangalap ng impormasyon."

"Di naman siguro, wala naman sa itsura ni Momo yung tipong gagawa ng ganung bagay."

"Anung wala? Eh tamong nakuha niyang dekwatin yung wallet nung customer ninyo sa cafe."

Salamat na lang kay Momo medyo na-deviate yung attention ng lola nyo mula sa confession chenes ni Yuju.

"Kawawa naman kasi si Momo. Kasi isipin mo Bani, kailangan pa nyang magnakaw para lang makakain. Tsaka she was shaking when I confronted her, feeling ko gutom na gutom na talaga sya."

Napabuntong-hininga na lang ang lola nyo. Ano pa nga bang magagawa niya, talagang yun ang nature ng kanyang Bebiber.

Habit na kasi ni Seulgi ang magtanong kung kumain o nagugutom na ba ang kasama nya, maging si Joohyun man ito o kung sino man. Basta mabait lang talaga yung oso kahit sa mga strangers. Swerte ni Momoring kasi she stumbled upon Seulgi's soft side, nang hindi niya namamalayan.

Medyo naiintindihan na rin ng lola nyo yung situation. She have no choice but to trust Seulgi's instinct, at sa evaluation nito na harmless itong Momo na ikukuwento niya. Sana nga lang talaga hindi member ng akyat bahay gang si bakla.

And speaking of gang... she almost forgot yung isa pang member ng gang na umaaligid aligid kay Seulgi. This time sure ang lola nyo na certified member ng salisi gang itong si Yuju.

Sinasabi na nga ba ni Baechu na may dugong bantay-salakay na nananalantay sa katawan ni inday.

Papaano na ngayon makakampante ang lola nyo, knowing na any moment ay maaring gapangin ni Yuju si Bebiber.

"Anong balak mong gawin ngayon dun sa sinabi sa iyo ni Yuju?"

Tanong ni Joohyun kay Seulgi.

"Ayos na nagkausap na kami."

"How did she take it?"

"Okay naman I guess... uhmm... Bani, she knows about us."

"Alam na nya na girlfriend mo ako?"

Medyo ikinagulat nang slight ni Baechu yung sinabi ni Seulgi.

Lumapit at lumuhod si Seulgi sa harap ni Bebibani.

Kinuha niya ang mga kamay ni Joohyun at inilapat ang mga ito sa kanyang pisngi.

"Seulgi..." medyo may worry sa boses ni Joohyun.

Nawala na yung focus ni Baechu kina Momo at Yuju. She is now more concerned sa mga susunod na sasabihin ni Seulgi.

"Shush... don't worry, she told me that she will keep it a secret and I trust her."

"But Seulgi--"

"Look at me Bani."

Tumitig si Baechu sa mga mata ni Seulgi.

"Post it."

Nangiti naman si Joohyun matapos marinig yung salitang binitawan ni Seulgi.

"Post it."

Paguulit ni Baechu.

(Curious kayo kung ano yung ibig sabihin nung word na "post it" para sa mag-jowa no... ako rin, joke! Next chapter we will find out.)

Matagal ding nagtitigan sina Bebiber at Bebibani.

Then suddenly... suddenly its magic. Charot!

Alam nyo na siguro yung kasunod no, malalaki na kayo.

They started kissing slowly.

At dahil ilang chapters na ring nauunsyami yung chorva na pinapangarap ng lola nyo.

Now, wala nang makakapigil kay Baechu...

Cause tonight is the night,
that I'm feeling alright...
we'll be making love the whole night through...
Yes, I'm saving all my love, for yoouuu...



Hot and heavy na ang atmosphere sa kuwarto. Hindi na maalala ng lola nyo kung papano nahubad ang kanyang t-shirt.

Sya ba yung nagtanggal or was it Seulgi?

Who cares... basta tinuloy lang ng lola nyo ang pagatake sa labi ni Bebiber.

Pero maya maya ay inilayo ni Seulgi ang kanyang mga labi from Joohyun's at bigla itong tumayo from her kneeling position earlier.

Medyo nagtaka ang lola nyo pero nagets naman nito agad ang ibig na mangyari ng ni Seulgi. Joohyun slowly moved her body towards the center of the bed, habang yung oso naman ay nagsimula nang sumampa sa kama.

"Lay down baby." Bulong ni Seulgi sa lola nyo.

At lumaydown naman si bakla, sorry naman tao lang din si Baechu na nadadarang at natutukso rin lalo na kung-- shet!

Seulgi took her top off, revealing her super toned abs.

Tumulo bigla yung laway ng lola nyo, gusto nyang manghinggi ng kanin kasi may ulam na sya, damay mo na pati dessert.

Seulgi hovered on top of Joohyun, and they are back in business. Ni-resume nung magjowa yung kanilang mainit na halikan and everything.

Finally matutuloy na sa wakas yung ganap.

Wala nang makahahadlang pa not even...


Knock, knock, knock... the Tyanak.


"Ate! Labas ka na muna nga sandali! Si tyang lasing na ata."

Sigaw ni Yeri mula sa labas ng kuwarto.

"Ate! Awatin mo nga ang tyang. Sumuot na naman ito sa ilalim ng lamesita."

"Ate! Sabi nya parating na daw yung mga sakang, magtago na daw tayo."

"Ateeee!"


There's a song playing in Baechu's head (play vid below ⬇️)

 
(To the tune of I.O.I's Very Very Very)

Punyeta, nyeta, nyeta,
Nyeta, nyeta, nyeta, nyeta, nyeta, nyeta
Nye-ta, nyeta, nyeta, nyeta, nyeta, nyeta

#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt
Mabuhay ang bagong kasal! Charot! May pa-Flashback chapter mga bakla. Chapter  kung saan nagmula ang pangakong 'poreber' nina Seulgi at Baechu. Wag ka pangakong 'legally' binding para kay Lola Baechu kaya naman yung oso walang wala ng kawala lol.

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]