FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 20: Pagbabalik

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 20: Pagbabalik
 “May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May mga taong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero yung pinakamasaklap eh yung na sayo na pinakawalan mo pa.” 
John Lloyd Cruz in 'My Amnesia Girl (2010)' 


Depress depressan mode ang lola nyo today, kasi in a few days ay magfla-fly-i-ai-i-ai-i-ai na ang kanyang Bebiber papunta sa New York.

Pero hindi pa rin nag-gigive up ang lola nyo, she is still looking for ways to get her Bebiber to stay.

She have one idea in mind, and she will need to ask Heechul, yung bading nila na officemate for help.

📎     📎      📎

"Naku Irene tigil tigilan mo nga ako!"

Malakas na sigaw ni Heechul mula sa pantry.

"Sige na Heechul, pahalik naman oh..."

"Gagang to! Anong tingin mo sa akin pupumapatol sa kauri ko!"

"Sige na," at muli na naman ngumuso si Irene.

"Eww... kadiri ka Irene. Help! Tulong! Guard!"

Kahit na nagcra-cry for help na si bakla ay tuloy pa rin sa pag-atake si Baechu. Determined talaga ang lola nyo na maka-lock lips si Heechul.

Buti na lang at nag-come to the rescue sina Solar at Amber bago pa tuluyang makasuhan ng sexual harrassment ang granny ninyo.

"Oh, oh... anong kaguluhan ito?" pumagitna si Solar between Baechu and Heechul.

"Tanong mo dyan sa Bes mo Sol? Akalain mo ba namang bigla na lang akong gustong halikan!"

"Irene what's up with you?" tanong ni Solar.

"Gusto ko lang naman na halikan niya ako."

"At buket?" tumaas yung kilay nung beshy ni Baechu.

"Kasi sabi nya parang tra-trangkasuhin daw sya. So kung hahalikan nya ako, baka sakaling mahawahan nya ako nang sakit, then I can transfer the virus to Seulgi."

"Seulgi?" tanong ni Heechul.

"Jowa nya." sagot ni Amber sa tanong nung bakla, sabay turo kay Irene.

"What!? Are you out of your mind!?" react ni Sol sa statement ng kanyang Bes.

"Kung may sakit si Seulgi then ibig sabihin she will not be allowed to leave the country. So that means dito na lang sya sa Pinas magpa-pasko."

"Gaga ka! Ganyan ka na ba talaga ka desperada?"

"Oo desperada na kung desperada!" sigaw ng lola nyo, kung makadrama si Baechu akala mo may camera sa paligid.

At nag-attempt na naman ang lola nyo na i-lip to lip with slight tongue yung bakla, "Sige na naman na Heechul."

Buti na lang at madaling nakapagtago sa likod nina Solar at Amber si Heechul.

"Wala akong pukealam sa lovelife mo no! So please leave me alone!" sigaw nung badingerZ.

Hindi na nagpumilit pa si Irene.

Para itong naluging rabbit na napaupo na lang.

Nilapitan ni Solar ang kanyang friendship to console her.

"Bes..." panimula nito, "alam ko gusto mo lang naman makasama si Seulgi sa darating na pasko, but you will also need to understand na syempre family comes first pa rin. Sabi mo nga di ba na only child lang yung jowa mo, so syempre gusto ng mga magulang ni Seulgi na buo silang pamilya sa darating na pasko. Ikaw ba kung papipiliin ka between spending Christmas sa New York kasama si Seulgi o pasko with your family sa Tondo anong pipiliin mo?"

"Yung pasko sa New York syempre," gandang sagot ni Baechu.

"Pero pano na lang ang mga kuya mo, si Yeri at si Tita Taeyeon, paniguradong ma-miss ka nila."

"Hindi rin..." sagot na naman ng lola nyo.

Nagsimula nang atakihin ng migraine si Solar dahil sa kanyang bes.

Nauubusan na nang sasabihin si Sol, pero not all hope is gone...

"Pero I'm sure hindi papayag si Seulgi na malayo ka sa pamilya mo."

Tahimik lang si Baechu.

Tama yung hinala ni Sol na medyo titinong kausap ang kanyang bes kung babangitin niya yung pangalan ni Seulgi.

"Alam mo kahit na hindi ko pa namemeet in person yung jowa mo, base sa mga kuwento mo parang nase-sense ko na Seulgi is a very kind and considerate person, and sureness ako na mas gugustuhin pa rin niya na magpasko ka dito sa pinas sa piling ng family and friends mo."

Iniisip ni Solar na mukhang naiintindihan na naman ni Irene yung mga sinasabi niya.

Nanatili lang tahimik si Baechu, she had her face slightly facing down. Parang ang amo amo nung kuneho sa biglang tingin.

Nakaramdam nang kaunti awa si Sol dahil sa itsura nang kanyang bes, kaya niyakap niya ito habang nanatili namang nakamasid sina Heechul at Amber sa eksenahan sa harap nila.

"Wag ka nang malungkot bes, isipin mo na lang na sandali lang mawawala si Seulgi. After two weeks uuwi na rin yung jowa mo dito sa Pinas, at sigurado ako ko-quota ka sa pasalubong mula sa kanya. Basta bes wag mo lang kalilimutan yung size ng mga paa namin, 6 kamo ako, si Amber naman 7 1/2."

Natawa naman ng slight si Irene sa sinabi ng kanyang bes. She's feeling a little better now.

Tinapos na ni Solar ang kanilang hugging session, "Okay ka na bes?" tanong nito.

Tumango tango naman ang lola nyo so feeling ni Solar okay na nga ang lahat.

Nagsimula nang tumayo sa pagkakaupo yung bes ni Irene, ng may pahabol na statement ang lola nyo.

"Eh, kung laglagan ko kaya ng bala yung luggage ni Seulgi. Sa tingin mo bes effective kaya iyon?"

"Bae Irene!!!"

Wala na... suko na si Solar sa tigas nung skull ng bes nya.
It's a weekend everyone!

Ngayon yung scheduled second meeting ni Baechu with her future-mother-in-law.

Today yung party party sa female ward sa National Center for Mental Health na yearly ino-organize nung mommy ni Seulgi.

At gaya nga nung sinabi ni future-MIL, it was Wendy who will pick Joohyun up.

Alas otso ng umaga ay nakapark na sa tapat ng boarding house nina Irene si Wendy. And guess what kung ano ang gamit nitong sasakyan... he he he... yung makasalanang Montero.

Biglang nag-flashback sa utak ni Joohyun yung live show na na-witness nya nung nakaraang gabi. Forever na nga atang naka-etch sa memory ni bakla yung ohh-ahh session nina Kuya Jim at Kuya Dan.

Buti na nga lang talaga at si Wendy yung sumundo sa kanya, kasi kung si Jimin yung assigned driver for the day... ay naku your lola will surely lost it.

Pagkasakay ni Joohyun sa passenger seat sa tabi nung driver, hindi nito agad napansin na may mga iba pa palang pasahero yung kotse maliban kay Baechu.

"Good morning ate!" masiglang bati nung other passenger from the back.

Medyo natigilan pa si Joohyun na kasalukuyang nagaayos ng seatbelt nung marinig nya ang yung super familiar na boses, na kilalang kilala niya kahit saan man sya makarating.

Without further ado ay nilingon ni Irene yung back part nung sasakyan. At tama nga sya, boses nung tyanak yung narinig nya kanina.

Katabi ni Yeri sa likod si Chicken Joy.

Nagsisimula nang manalangin si Joohyun para sa kahihinatnan nang araw na ito. Pakiramdam ni Baechu may something kinda crazy na mangyayari sa kanya today. Pano na lang yung ideal future daughter-in-law image na balak i-project ng lola nyo later sa harap ng mommy ni Seulgi?

 ☕     ☕     ☕

Dumaan na muna sandali yung grupo nina Baechu sa cafe para pick-upin yung mga cakes at ilang pang pagkain na pagsasalu-saluhan sa party.

At habang busy sina Joy at Wendy sa pre-prepare sa mga food, ay mabilis na hinatak ni Joohyun ang kanyang magaling na kapatid sa tabi for a short briefing.

"Care to explain kung ano ang ginagawa mo dito little sister?"

"Well well well ate, baka nakakalimutan mo na mag-pinsan sina Joyie at Ate Seulgi, so hindi lang ikaw ang may karapatan na sumama no."

Aba marunong nang sumagot si Yeri sa kanyang ate.

"Aba't kung makasagot itong kutong--" hindi na itinuloy ni Baechu yung balak nya sanang resbak dun sa mashoray na sagot nung tyanak, kasi may mas importante syang dapat i-discuss sa kanyang kapatid.

"Yeri listen to me..."

"I know ate."

"Wait, what?  Anong you know?"

"Na di alam nung family ni Ate Seulgi na kayo?"

Medyo nagulat si Joohyun sa sinabi ng kapatid.

Para siguro di na masyadong maguluhan ang kanyang ate ay kusa nang nag-explain si Yeri.

"Don't worry ate it was Joy who told me. Actually hindi naman niya directly sinabi sa akin, na ganun nga yung situation ninyo. I just kinda figure it out on my own. Nasabi kasi sa akin ni Joyie na Ate Seulgi's mom will be there at the party, so we will need to be mindful of our PDA kasi hindi daw alam nung tita niya na unicorn si Joy. So naisip ko, kung di aware yung mom ni ate Seulgi na chenes yung pamangkin nya, lalo na sigurong hindi nito alam that her daughter swings the other way too."

Medyo nakahinga naman ng maluwag si Baechu sa sinabi ng kanyang kapatid.

Joohyun does not want her sister to get the impression na ikinahihiya sya ng kanyang bebiber kasi that's not the case. Ayaw na ayaw nyang lumabas na masama si Seulgi sa paningin nang kanyang kapatid.

She felt relieved kasi mukha namang naiintindihan ni Yeri yung sitwasyon nila ni Seulgi.

Sana nga lang di na ito makarating kay tyang, kasi hindi sya sure kung ano ang magiging reaction nito.

🎉      🎉     🎉

Masaya yung Christmas party na inorganize nung mommy ni Seulgi para sa mga female patients nung hospital.

Segregated yung mga patients into different wards.

Yung mga harmless at less violent ay hinayaan ng mga doktor na lumabas sa main hall kung saan nakahain yung mga pagkain na dala ng mommy ni Seulgi.

Yung mga pasyente naman na matatanda at medyo severe yung cases ay nanatili lamang sa kani-kanilang kuwarto.

Sina Wendy, Joy, Yeri ang nagiistima sa mga pasyente sa main hall. Habang sina Seulgi, Irene at future mother-in-law naman ang bahalang umasikaso sa mga pasyenteng hindi makakalabas sa kanilang ward.

First time ng lola nyo na makatungtong sa isang mental hospital so everything is new to her.

Parang baptism by fire ito para kay Baechu kasi yung unang area na makikita niya ay yung area kung saan nakaconfine yung patients na bed ridden at matatanda na. In short yung pinaka-kahabag habag na part nung hospital.

Hindi ma-explain ni Joohyun yung atmosphere sa loob nung ward.

Para kasing pinaghalong amoy ng zonrox, gamot at human excrements yung amoy nung kuwarto. May pagkaeerie din yung place kasi yung ibang mga patients ay umuungol, habang yung iba ay nakatingin sa kawalan.

Magkatulong sa pagdi-distribute ng pagkain sina Joohyun at Seulgi. Habang si future mother-in-law naman ay iaassist nung isang hospital staff.

"Bani, don't be afraid hindi ka naman nila sasaktan. Pero para safe na rin, just stay behind me."

Okay naman yung lola nyo kanina, pero ng dahil sa sinabi ni Bebiber, ngayon medyo nikakabahan na si bakla.

Nagsimula nang mamigay ng pagkain ang grupo sa mga pasyente.

At dahil nakabuntot si Joohyun kay Seulgi, kitang kita ng lola nyo kung papaano makipag-interact si Seulgi sa mga pasyente.

Hindi lang basta basta iniaabot ni Seulgi yung mga sandwiches, inumin at mga prutas sa mga pasyente sa ward, she also talks to them a little, yung iba hinahaplos pa ni bebiber sa mukha o kaya pinipisil yung mga kamay nung patients.

At dahil likas na malambing yung boses nung oso yung iba pa ngang pasyente ay napapatawa ni Seulgi.

Balewala kay Seulgi yung amoy nung lugar, tuloy tuloy lang ito sa pagiikot sa ward.

Mas lalo tuloy nainlove ang lola Baechu nyo sa kanyang bebiber nang dahil sa kanyang nasaksihan. Naiisip nya tuloy kung ano nga bang kapuripuri ang ginawa nya nung past life nya at nabiyayaan sya nang isang tulad ni Seulgi.

Sa loob loob ni Baechu, "Whatever happens Lord... wala nang bawian ha."

Wala na ngang mahihiling pa ang lola nyo, as in more than enough na si bebiber. Chorva na lang talaga yung kulang and your lola's life will be perfect.

Matapos magdistribute ng pagkain ay bumalik na sina Joohyun at yung mag-ina sa main hall kung saan nagaganap ang isang mini program.

Kasalukuyang nagkakantahan at nagsasayawan yung mga pasyente, together with some of the hospital staff. Everyone is having fun.

Kahit na nakakapagod ay masasabi ni Joohyun na worthwhile yung visit nya sa hospital.

Nakalimutan na ni baklang magpa-impress kay future mother-in-law, mas ini-enjoy nya kasi yung time niya with the patients.

Bigay todo kaya yung lola nyo sa pagkanta kanina, lalo na nung tumugtog nang back to back to back yung Dancing Queen, Fernando at Chiquitita ng Abba .

After the program ay nagsimula nang magsibalikan sa loob yung mga pasyente.

Tumayo sila Joohyun at Seulgi near the door para personal na makapagpaalam sa mga pasyente. Yung ibang patients kasi ay kakilala na ni bebiber since ilang years na rin naman nilang ginagawa ito ng kangyang mommy.

There's this one particular patient na imbis kamayan si Seulgi ay pasugod nitong niyakap ang kanyang bebiber. Tatawa tawa namang gumanti nang yakap yung oso dun sa babaeng pasyente.

Bata pa si ate patient, malinis yung damit, tsaka mukha namang harmless.

"Yo Ddeulgi! Kamusta?" sabi ni ate patient kay bebiber.

"Mabuti  Ate Hyoyeon, ikaw?"

"Pretty pa rin. Sino tong kasama mo Ddeulgi?"

"Ate Hyo, si Joohyun nga pala friend ko." Pagpapakikila ni Seulgi kay Baechu.

"Sigurado ka Ddeulgi na friend mo lang itong pinapakilala mo sa akin."

"Ate Hyo!" pagsasaway ni Seulgi dun kay ate patient.

Pero parang dedma lang kay ate patient yung pagsasaway nung oso kasi tuloy tuloy lang ito sa pagchika. "Asan na Ddeulgi yung dati mong kasakasama sa pagbisita mo dito. Asan na si Kim Chui?"

"Kim Chui?" takang tanong ni Baechu.

Sasagot na sana si Seulgi pero naunahan na sya ni patient Hyoyeon. "Jowa ni Ddeulgi."

"What? Anung jowa ka dyan ate Hyo!" sabad ni Seulgi.

"Ah hindi na pala jowa, ex na sya ngayon." pagko-correct naman ni Ate Hyoyeon. "Don't worry Joohyun mas lamang ka dun ng ilang paligo. Ang kaso lang pandak ka, si Kim Chui kasi matangkad."

Sa loob loob ni Irene, Punyeta anong ibig sabihin nun?!

Bumaling muli si Ate Hyoyeon kay Seulgi at tsaka nagtanong, "Asan na nga pala si Kim Chui Ddeulgi?"

"Ewan ko ate Hyoyeon, matagal ko na syang di nakikita."

"Anung sinasabi mo dyan eh kani-kanina lang andito sya."

"Ganun ba ate Hyoyeon, tell her I said 'Hi'" Sinasakayan lang ni Seulgi yung mga sinasabi ng kausap nya, mental patient si ate remember so alam na.

"Tell her yourself pagnakita mo sya mamaya."

"Okay, I will."

Matapos kay Seulgi ay bumaling na naman si Ate Hyo sa lola ninyo, "May nagsabi na ba sa iyo na may kamukha kang kpop idol?"

"Ah eh si Yoona, po ba yung tinutukoy nyo?"

"Sino si Yoona?"

"Member po ng Girls' Generation."

"Never heard about them. Sino nga ba ulit yung kamukha mo? Wait sino nga ba..." nagpatuloy sa pagiisip si patient Hyoyeon. "Ah di ko na maalala kung sino, basta may kamukha ka. Pero still mas matangkad pa rin si Kim Chui sa iyo. Asan na nga pala si Kim Chui Ddeulgi?"

Punyeta! Sino ba itong Kim Chui na paulit ulit na mini-mention nitong si Ate Hyoning!?

Hala ka... umiinit na yung ulo ni Baechu, afraid.

"Ddeulgi."

"Oh..."

"Asan na si Kim Chui?"

"Di ko alam Ate Hyo."

"Pero andito lang siya kanina."

"Sabihin mo nga sa kanya 'Hi' kamo sabi ni Seulgi."

"Ikaw kaya ang magsabi."

"Sige mamaya ate sabihin ko sa kanya."

Medyo malapit lapit nang maaning si Joohyun sa usapan nung dalawa. Para kasing na-replay lang yung conversation nina Seulgi at Hyoyeon.

Buti na lang at naalala ni Irene kung nasaan nga ba siya ngayon, at kung sino ba itong kasalukuyang kausap ni Seulgi.

"Gusto ko yung si Kim Chui para sa iyo Ddeulgi, she looks nice tapos matangkad pa."

"Ate Hyo!"

"Bakit? I'm just saying."

"Naku pamasok ka na nga Ate Hyoyeon sa loob at hinihintay ka na nung bantay mo." pagtataboy ni Seulgi dun kay ate patient.

"Sige na nga, bye Ddeulgi, bye Joohyun."

At finally nagsimula nang lumabas si ate patient sa main hall. Pero matapos ang ilang saglit, ay narinig nina Seulgi at Irene yung malakas na boses ni ate Hyoyeon mula sa hallway, tila may kausap ito.

"Oh Kim Chui! Andito ka pala, tamang tama andun sa loob si Seulgi."

🔥      🔥     🔥

Playing, "Playing With Fire" ng BlackPink... Your lola is on fi-re, now burn baby bear.

"So... hindi ko alam na naging ex mo pala Seulgi si Kim Chui." At nagsimula na ang interrogation nung oso.

"What!? Of course not."

"And why should I believe you? Tamo ngang paulit-ulit na binabanggit ni Ate Hyoning yung pangalan ni Kim Chui."

"Bani, Ate Hyoyeon was diagnosed as a compulsive liar by the doctors, that's the reason why she is here. " page-explain ni Seulgi.

Tuloy pa ni Bebiber, "kaya kadalasan sinasakyan ko na lang yung mga sinasabi nya, kasi kapag kinontra mo sya lalo lang hahaba yung usapan nyo."

"Oh!" Nagulat naman si Baechu sa narinig. "So hindi totoo na ex mo si Kim Chui?"

"Hindi ah! Pero kung si Sarah Geronimo, baka pumayag ako."

"Aba malanding oso!" sabay kinurot ng lola nyo sa tagiliran si Seulgi.

"Joke lang Bani ito naman di na mabiro." Sabi ni bebiber habang himas himas yung spot na kinurot ni Baechu.

"But I have to tell you something Bani."

"Ano?"

Ay, mukhang seryoso yung sasabihin nung oso ah...

"Totoong may kasama ako dating dumalaw dito. That person used to be my girlfriend. Medyo hawig sya ni Kim Chui kaya siguro yun yung tawag sa kanya ni Ate Hyo."

"Ha? So you had a girlfriend?"

"Di ba nasabi ko naman na sa iyo yun dati Hyun."

"Yes, I know... I mean I remember, but..."

Medyo di kaagad nakarecover ang lola nyo sa revelation ni Bebiber.

Hangga't maari kasi ayaw nang ungkatin ni Baechu yung tungkol sa mga naging past jowa ni Seulgi kasi paniguradong magseselos lang sya, gaya ngayon.

"Bani are you okay?"

"Yup, it's fine Seulgi. I'm fine, don't worry."

Nung medyo okay okay na ulit yung pakiramdam ni Baechu ay meron na namang umenter frame sa main hall, at tinawag yung pangalan ni bebiber.

"Seulgi."

Napalingon nang sabay si lola nyo at yung oso sa direksyon na pinagmulan nung boses.

"Tzuyu?" ang tanging nasabi ni Seulgi.
 
 
 
#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt
Tamis ng unang pagibig. Charing! Edi kayo na masaya nyeta! Balikan natin si First Love, si First Kiss, First Everything ng oso (except chorva kasi syempre naka-reserve yun sizt).

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]