FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 30: Bebibani vs Alien Ex

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 30: Bebibani vs Alien Ex

"Hindi lahat ng ahas ay nasa gubat."




"H-hi is Seulgi home?"

"Tzuyu?"


"Oh you know my name."
 

"Of course," nakangiting plastic na sagot ng lola Baechu nyo.

Sa loob-loob ni bakla, "Yeah, at hindi lang namesung mo ang naalala ko babaita ka!"

"Im sorry, I'm really bad at remembering names and faces... what's your name again?" 


Aba punyeta! How dare you?!

Ayan na naman tayo, nag-iinner monologue na naman ang lola nyo.

"Irene."

"Oh! Right, right... we met at the hospital. You're one of Seulgi's friends."

I'm her girlfriend beyotch!
 

Medyo malapit lapit nang maubos yung baong GMRC (good manners and right conduct) ng lola nyo, kaya naman di na nagpaligoy-ligoy pa si Baechu, "oo tama, so... ano nga ulit yung kailangan mo ?"

"Uhm... I just want to check on--"

"Tzuyu?"


Napatingin sina Tzuyu at Irene sa direksyon kung saan nagmula yung boses.

It's Bebiber!

Halatang kaka-shower lang nung oso, kasi naka-bathrobe lang ito at basa pa ang buhok.

Biglang nalipat yung tingin ni Tzuyu sa katabi nitong kuneho.

Pinasadahan nang mabilis ni Chewy ang kaitsurahan ng lola nyo.

Naka-pekpek shorts at oversized na T-shirt lang si bakla, tapos bedroom hair pa, so alam na...

...di pa naliligo ang lola nyo.

Kayo talaga, kung ano na naman yung iniisip ninyo no?

"Tzuyu what are you doing here?"

"Your mom called and asked me to check if you are home. Sabi nya, kagabi ka pa daw nya tina-try na tawagan ka, but you are not picking up. She is worried so she asked me to check if you have arrived na and if you're okay. "

"Oh shoot!"

And with that ay patakbong inakyat ni Seulgi ang kanyang kuwarto to look for her phone.

So naiwan na naman yung past and present ni Bebiber sa sala.

So kids, please read the following word in all caps outloud, "AWKWARD."

Ring... Ring... Ring...

Tiningnan ni Tzuyu yung phone nya to check kung sino yung tumatawag.

It's none other than, Inang Oso.

"It's tita again," sabi ni Tzuyu.

After a couple of rings ay sinagot na rin ni Chewy yung call ni MamaBer.

"Hi tita... opo nandito na po ako sa bahay. Uhmmm... si Seulgi po? Uhmm..."

Tumaas bigla yung mga bunny ears ng lola nyo.

Punye... sige subukan mo lang mag-ispluk bakla ka!
Try mo lang magsumbong kay future mother-in-law kundi igri-grill ko yang mukha mo makita mo!


"... she's upstairs looking for her phone... ha ha ha... no tita everything is fine, Seulgi just overSLEPT I guess."

Maybe its just your lola's imagination, pero feeling talaga ni bakla sinadya ni Chewy na i-emphasize yung word na "SLEPT" habang nakatingin sa kanya.

Aba gagang to! Akala ata nito may 'ganap' kagabi!

"Ha ha ha... no its okay tita...oo nga po... baka nga po she had it on vibrate... ha ha ha alam nyo naman po si Seulgi. Baka po sa sobrang PAGOD (may diin ulit dun sa word na PAGOD) sa paghahabol sa mga flight nya ay nakatulog kaagad ito pagdating."

Impaktang to! Kung knowing mo lang...and FYI kaninang umaga lang natuloy yung chorva!

Tuloy-tuloy lang sa pakikipag-chikahan kay Inang Oso yung alien-ex ni Seulgi sa phone.

Walang kamalay-malay si bakla na ilang beses na syang minurder ng lola nyo sa utak niya.

At bago ba mag-turn into a reality yung mga S.O.C.O scenes na ini-imagine ni Baechu ay bumalik na sa scene of the crime... este sa sala ulit yung oso.

"Uhmm tita, Seulgi's here na po. I'll pass the phone to her."

Agad namang inabot ni Bebiber yung phone mula sa kamay ni Chewy. At syempre ang lola nyo abangers kung may skin to skin contact na mangyayari, buti na lang waley.

"Hi mom... yeah I'm fine blah blah blah... okay... I'll go to Makati Med na rin after breakfast... sige mom I'll tell Wendy you said hi. Okay... love you too. Bye."

Na-overheard nung kuneho yung conversation nung mag-inang oso kaya naman medyo naguguluhan si bakla kung anung meron sa Makati Med at kailangan pumunta ni Seulgi dun later.

"BEBIBER, anung meron sa Makati Med?"

Nakanampowts! Ang lola nyo nag-start ng maging territorial, talagang in-empasize ni bakla yung word na 'Bebiber.'

Sinigurado ng granny ninyo na madidinig ito ni Chewy. Mahirap na no sabi nga nila, "hindi lang sa gubat may ahas..." 

...yung iba nakatira sa isang exclusive village sa Makati. Charot!

Kung kinakailangan mag-Dragon Dance ni Baechu just to keep all the 'bad spirits' away from Bebiber ay naku for sure your lola will do it in a heart-beat-beat-beat.
 
https://tengudnessfanfics.blogspot.com/p/wag-mo-akong-ma-terry-terry-chapter.html

"Uhmm, its a long story I'll explain later na lang during breakfast and speaking of breakfast, kumain ka na ba Tzuyu?"

Wait, what?! Ano ulit ang sabi mo Bebiber?

"Uhmm..."

Nagpapa-suspense pa sa pagsagot yung alien, kaya naman ang lola nyo nag-start nang maghasa ng kutsilyo sa utak nya.

"... no thanks, but can I get a glass of water na lang."

Punyeta! Tubig lang bakit kailangan dito pa?! I'm sure marami nun sa inyo kaya juwi ka na!

"Water, of course. Mukhang you went for a jog ah."

"Yup."

"Okay, come follow me in the kitchen."

Naiwan mag-isa ang lola nyo sa sala, syempre ayaw magpahalata ni bakla na nagseselos sya. Pero nung mag-kick in na yung investigative instinct ng lola nyo (utak kriminal mode: activated!!!) ay dahan-dahan na itong pumuslit patungong kitchen para maniktik.


 ðŸ¥¤     🥤     🥤

"Here you go Tzuyu," sabay abot ni Seulgi ng isang basong tubig kay Chewy.

"Thanks."

Silence...

"Seulgi... is Irene your--"

"Yes," faster than lightning na sagot nung oso.

"Ah, o-okay."

"Are you done na Tzuyu?"

"Y-yes. Thanks for the water."

"Okay. And thanks for taking mom's call."

"Ah its nothing. Seulgi can we maybe--"

"No."

Kaloka yung alien, di na sya matapos-tapos sa mga sasabihin nya kasi lagi na lang syang nai-interupt ng mga one word reply ni Bebiber.

Dinig na dinig ni Baechu yung convo nung mag-ex mula sa kanyang hiding spot, kaya naman secretly nagdidiwang ang lola nyo. Mukhang di na niya kakailanganin pang mag-rent ng dragon costume sa Binondo after all. 


After makaalis nung alien-ex nung oso ay nag-start na yung pa-piging na breakfast ng lola nyo.

Todo-asikaso si Baechu kay Bebiber, kulang na nga lang sya na ang ngumuya in behalf of the oso.

Biglang naaalala ni Baechu yung hanging question nya kanina.

"Oo nga pala Bebiber ano nga ba ulit meron sa Makati Med?"



"Wakey wakey!"

Pupungas pungas pa yung Hamster. Nung medyo naka-adjust na yung mata nya sa liwanag ay na-sight na nya kung sino ba itong gumigising sa kanya.

"Gosh, it's you again."

Aba mukhang di ata masaya yung Hamster ah... 

"So, did you sleep well?"

"No! How can I? Eh, maya't maya may nangugulo sa akin."

"Well, nobody forced you na dito mag-check in 'Babe' so suck it up."

"Will you stop calling me with that term, please."

"What? You do not want to be called 'babe,' babe? Pero wala ka namang reklamo nung tinatawag kang 'babe' nung mga kinakalantari mo online."

"That was just... you know, its nothing."

"It's nothing pala. So can you please explain to me how did you end up in a hotel room with me the other night?"

"Uhmm... that's... uhmm"

"Yes Wendy?"

"Rose."

"So, what made you direct message me, asking for a meet-up?"

"Uhmm... I was just... lonely I guess."

"Did you also asked your other online 'babes' for a meet up too? Was there a bidding of some sort? O baka kaya ka sa akin napunta nung gabing yon kasi ako yung naunang nag-yes. Ganun ba yun Wendy?"

"What?! Nooo!"

"Sige deny ka pa teh! Buking na buking ka na. If I know, kung nahuli-huli pa siguro ako ng reply, baka dun ka kay ateng hokage bumagsak."

"Of course not. Anong tingin mo sa akin?"

"Malandi," walang kagatol-gatol na sagot ni Rose.

"Masyado ka namang judgemental feeling mo na sa Eat Bulaga ka."

"Babe you asked me to meet you at a hotel, in case you forgot."

"It was 11pm, kaya nun. Wala nang bukas na matinong resto. Ayoko namang mag-meet tayo sa isang coffee shop, kasi utang-uta na ako sa kape. At lalong ayoko namang yayain ka sa isang bar."

"Yeah right, oo nga naman bakit pa natin papagurin ang mga sarili natin, kung we can just go straight to the se.x part of the meet up."

"What?! Teka teka, if I remember correctly hindi ba ikaw yung nagsabi ng, 'so Wendy... wanna have se.x babe' na linya nung gabi na yun."

"Hoy! I only said that because I thought that's what you want!"

"What?! Ano ba talagang akala mo sa kin?"

"Malandi."

"Will you stop it! Te muna, kung makapagsalita ka parang you have the purest intention eh ang aggresive mo kaya nung gabi na iyon. Baka nakakalimutan mo, you undressed in front of me! Kung di pa kita sinakluban ng comforter di ka pa kakalma."

"That was..."

"Yes that was what Rose?"

"Whatever! That was the first time that I did such thing. It was stupid I know, and I will never do it again."

"Yeah right."

"Malanding hamster!"

"Will you stop calling me malandi! Hoy!! Para lang sa ikatatahimik ng kaluluwa mo I only flirt online. I will never do such thing in real life, pero if they will insists--"
"Shut it! I don't wanna hear it."

"I'm just saying."
 
"Whatever!"

Tumahimik bigla ang paligid, mukhang naubusan na ng mga one-liners yung dalawang nagbabangayan kaya nagkaroon ng temporary ceasefire.

After a few seconds...

"Maya-maya someone will come and take your blood sample."

"Wait, what did you say again Rose? Did you say blood sample?"

"Yes. What, don't tell me you are afraid of needles?"

"Of course not. But I don't think I need to get my blood tested pa. Di ba sabi ko naman sa iyo, I'm not really sick, I just need to make it appear like I was sick. I just need a medical certificate and some proof na na-ospital talaga ako. I'm doing this for a friend."

"So that reminds me, what's in it for me?"

"What?"

"You called me in the middle of the night, asking me if I can maybe help you get admitted here at Makati Med. Hoy, baka nakalimutan mo na Wendy yung atraso mo sa akin sa hotel."

"Anong atraso? Teh I already apologized for that, yung pagkamahal-mahal na hotel bill yung proof nung apology ko. Ang mahal kaya teh nung food na inorder mo sa room service, tapos nilantakan mo pa lahat ng chocolates and chips dun sa counter. Tsaka, I don't know kung ano yung ikinaiinis mo eh wala namang nangyari sa atin nung gabi na iyon, not unless gusto mo talaga na--"

"Shut up!!!"

Napangiti naman si Wendy nung napansin niyang biglang nag-blush yung kausap niyang doktora.

Knock. Knock.

"Oh andito na pala yung nurse na kukuha ng blood sample."
 
"Thanks 'BABE' you're the best talaga," pangaasar ni Wendy sa kanyang doktora.

Pero nakaisip kaagad ng magandang comeback si Rose.

"Oo nga pala Ms. Son, I'm thinking of scheduling you for a rectal exam. Since we are not yet sure kung ano ba talaga ang 'SAKIT' mo. So be ready na lang okay?" Sabay kumindat pa yung doktora sa kanyang pasyente.

"Now wait a minute!"

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Dra. Park sa pakikinig sa mga protesta nung pasyente nya at tatawa-tawa na itong lumabas ng kuwarto.

Kawawang hamster, mukhang ito na ata yung karma nya sa pakikipaglandian online.

If only she can turn back time...

Hindi pa gaanong nakakalayo si Dra. Park sa kuwarto ng kanyang favorite patient of the day, nung makasalubong nya yung BFF nung hamster at yung jowa nitong kuneho.

"Park Roseanne?"
 
"Kang Seulgi?"
 
 
#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt
May madi-discover si Wendy from the past na susi sa kanyang future charot! Pero eto ang hindi charot yung pa-birthday gift ng lola Baechu nyo kay Bebiber. Ano kaya yung a-for-effort na gift ni bakla dun sa oso?  

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]