FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 31: Titanic Rose

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 31: Titanic Rose
"A woman's heart is a deep ocean of secrets."
From the movie 'Titanic (1997)


"Park Roseanne?"

"Kang Seulgi?"

"Rose, ikaw ba yan?"

"It's me Seulgi."

"Oh hey kamusta ka na?!"

"I'm good Seulgi. Wow looking hot Kang!"

"Stop it! Nagsalita yung... goodness! Anong diet ang ginawa mo?!"

"Well..."

Habang nag-gugush yung dalawang girlash sa appearance ng isa't isa may isang kuneho naman na nag-sisintir on the side.

"Oh I almost forgot... uhmm... Rose si Irene nga pala."

Ganda nung ngiti nung oso habang ini-introduce yung doktorang mukhang imported. Kaya ang lola nyo on red alert na naman.

"Hi, it's nice to meet you Irene. I'm Rose."

"Nice to meet you too Rose."

Wuchuchu... yung totoo Baechu. Charot!


🩺     🩺     🩺

"Wait you know her?! My doctor. Are you sure?!"

Biglang napabangon si Wendy mula sa kanyang prenteng prenteng pagkakahiga sa hospital bed after nung big reveal ni Seulgi.

"Of course I know her, she's Rose. Titanic Rose. Don't you remember?"

" . . . "

"Ano ka ba Wendy?! She was your seatmate for four years and you did not even recognize her."

Nag-flashback sa alaala nung hamster yung gabing nag-meet and greet sila ni Rose sa hotel...

"Fine, how about I tell you my name first... I'm Chae Young, Park Chae Young."

"Chae Young? So saan nanggaling yung PinkRose na profile name mo?"

"Rose is my other name. Only my family calls me Chae Young."

"So, I should call you 'Rose' then. Okay, got it."

"You can call me anything you want... babe."


"Si babe si Titanic Rose?!"

"She is Titanic Rose! Wait-- ansabe mo? Babe?"

"Huh? Wala akong sinabi no!"

Nag-try pang magpalusot yung hamster.

"Ano ka nadinig ko kaya!"

Pangungulit naman nung oso

Di na makatiis ang Lola Baechu nyo kaya sumabat na sya sa usapan nung dalawang animal friends.

"Teka nga lang, so itong Dra. Park na na-meet natin kanina ay dati ninyong classmate. Tama ba ako?"

"Yup," sagot ni Seulgi.

Bumaling naman ang lola nyo dun sa nag-bubuffering pa rin ang diwa na hamster, "pero hindi mo talaga sya namumukhaan Wendy?"

"No," iiling-iling na sagot nung BFF nung oso, "...she is Titanic Rose, that's Titanic Rose?"

Talagang di pa rin maka-get over si Wendy dun sa big reveal ni Seulgi.

"I'm just curious lang, why do you keep calling her 'Titanic Rose'?"

Tanong ng lola nyo, na sinagot naman ni Seulgi.

"Well kasi we have two Roses in class. So para di kami malito we call them by different names. Yung isang Rose, we call her Rosy Cheeks kasi madalas syang mag-blush kapag natatawag during class recitation. And the other one is Titanic Rose, kasi..."

Medyo ibinitin nung oso yung kanyang kuwento, so si BFF Wendy na yung nagtuloy nung the rest "... she used to be super big... fat I mean."

"What she said," panggagatong ni Seulgi dun sa sinabi ng kanyang BFF.

"Shoot! No wonder I did not recognize her kasi tingnan mo naman yung itsura nya ngayon as in," nagdudumilat pa yung mata nung hamster "... and have you seen her body? Dude pwedeng pwedeng pang-FHM."

"Teh hayok na hayok naman yung dating nung statement mo."

"Whateves! Gosh! Im so stupid!"

"Yeah you are."

"Grrrrrr..."

Hala hala ayan napipikon na yung hamster, buti na lang umenter frame na ulit ang lola nyo.

"Stop torturing your friend Seulgi. Mukha namang hindi nya talaga nakilala yung dati ninyong classmate."

"Tch..." mukhang may sasabihin pa sana yung oso, pero buti na lang nakuha sya sa tingin ni Baechu.

"Maghahanap ako ng makakain sa baba, may gusto ka bang kainin Wendy?"

Aba aba aba mabait ang lola nyo kay BFF, feeling close lang ang peg.

"Ha? Ah eh... ummm..." nagulat yung hamster dun sa sweetness na ipinakita ni Irene sa kanya kaya di agad ito nakasagot.

"Masarap daw yung pansit dun sa chinese resto sa baba, gusto mo ba nun?"

"Huh? Uhmm o-okay..."

"Sige, baba na muna ako sandali. Bebiber, behave."

"Opo."

And with that, iniwanan na ni Irene yung dalawang mag-BFF.

"So... 'babe' really?"

"Shut up!"

"So how did you and Titanic Rose met?"

"Online."

In fair, ang bilis umamin nung hamster.

"Online?"

Bago ang kanyang very brief explanation, ay huminga na muna ng malalalim si BFF.

"Yes, online. There's this site where you can post stories online tapos your readers can react to your story and make friends. So dun kami nagkakilala, then we met one time and that's it."

"So dun kayo nagkakikila ni 'babe'?"

"Will you stop it with the 'babe' thing already!"

Ayan na napipikon na naman yung hamster.

"God! You are so cute right now!"

"I hate you!"

"Pero bilib din ako kay Rose, ang lakas maka-coincidence ni ate ah..."

"What do you mean Seulgi?"

"Kasi di ba seatmate mo sya all your high school life. Tapos pag may groupings, kayo ang madalas na magka-grupo. No wonder she developed a crush on you. Pero you being 'you', di ka man lang nag-effort na kaibiganin sya. You are too focused on your books and guitar."

"What?! That's not true."

"Which part is not true?"

"Yung... 'crush' thing," mahinang sagot ni Wendy.

"It's true, di ka lang aware kasi you are such an idiot.

"At nagsalita yung --"

Hindi na naituloy ni BFF yung kanyang sinasabi kasi nasingitan na siya ni Seulgi, "I wonder kung anong nararamdaman ni Rose ngayon?"

"What do you mean?"

"Kasi imagine you ignored her for four years. Nung time na mataba pa sya at medyo di pa pang-Star Magic yung mukha nya. And then one day, out of all the people online you ended up chatting with her. Tapos finally nag-meet na kayo. Hindi mo nga sya inignore this time, pero you also did not recognize her... at all. Di ko tuloy maiwasang isipin, paano kung ganun pa rin yung itsura nya up to now, same old Titanic Rose... will you still agree to meet her?"

Mukhang tinamaan si Wendy sa mga sinabi ni Seulgi, kasi tumahimik ito bigla.

Pati sya napaisip rin, pano nga kung yung pic na ginamit ni Rose sa kanyang profile ay yung photo nito ages ago?

Malamang-lamang Wendy will not even bother replying to her messages.

Naputol lang yung pagmumuni-muni nung hamster nung nagsalita na ulit si Seulgi.

"So are you not gonna tell me what you two did nung nagkita kayo?"

"No."

"No?"

"No," simpleng sagot ni Wendy, "... how about you Seulgi, aren't you gonna tell me what happened in New York?"

Biglang nag-iba yung mukha nung oso nung madinig nya yung tanong ni Wendy.

This time si Seulgi naman yung huminga ng malalim bago sumagot.

"He showed up out of nowhere."

"I know. I saw your post on Instagram. So how was it?"

"At first it was okay and then suddenly he started telling me things. I told him that its not gonna happen, that things changed."

"And how did he take it?"

"Calm as always. Pero..."

"Pero what?"

"When I told him about Joohyun... parang..."

"Anong parang?"

"I don't know... parang may something. Oh baka feeling ko lang yun."

"Dude, you suddenly left your parents in New York and flew 36 hours straight just to go back home. All because of your 'feeling'?"

"I was set to tell them everything. I was actually waiting for the right moment, then suddenly he showed up. One moment I was having coffee with him, and then the next I was sitting in a very expensive restaurant with him and my parents. I just couldn't breathe. That's why I went home. I need time to think, and I am damn sure I won't be able to do that, not with him following me around."
 

Flashback nung time na nasa New York pa si Bebiber

Ring... Ring... Ring...

"Hey Seulgi what's up? How's New York?"

Masiglang bati ni Wendy sa kanyang BFF.

"Wendy I need you to do me a favor."

"O-okay... ano yun?"

"Can you maybe fake being sick and get yourself admitted to a hospital?"

"Huh? Wait... what?!"

"Please Wendy..."

"Teka muna... What is it that you are asking me to do again?"

"I need you to be sick, really really sick na kinakailangan mong ma-admit sa ospital. "

"Eh?"

"Sige na Wendy. I want to go home and only you can help me.... please Wendy."

End of flashback

"So that's the reason why."

"That's the reason. Sinabi ko sa mommy and daddy na walang mag-aalaga sa iyo so they allowed me to go home."

"Hay naku Seulgi!"

"I know..."

"You need to tell them soon."

"I know."

🚗     🚗     🚗

"Sabihin mo nga ulit sa akin Irene kung bakit natin ito ginagawa?"

Tanong ni Solar sa kanyang friendship habang abala si bakla sa pag-fifill out ng form.

"I told you, I wanted to do something nice for Seulgi for her birthday."

"Bes, nice din naman yung relo, pabango o kaya bracelet ba't di na lang isa sa mga iyon ang iregalo mo sa jowa mo?"


"Ayoko nun masyadong generic, mas pasok sa banga tong naiisip ko."

"Bakla ka masyado naman kasing 'A' for effort itong balakin mo sa buhay. Tsaka 'te muna ba't ba kailangang kasawsaw pa ako dito sa kagagahahan mo?"

"Moral.. support?"

"Leche ka! Ano ako nanay mo?!"

"Sige na bes."

"Hay naku Irene!"

"Mga maam tapos na po ba kayo sa mga forms?"

"Oo kuya," sagot ng lola nyo sabay abot nung mga papel.

At ito na yung start nung adventures ng dalawang mag-bes na ewan sa pagkuha ng lisensya para managasa -- este para magmaneho.

Walang kamalay malay si kuya instructor na every time na mag-dridriving lesson sila ay mapapakanta na lang sya ng, "what a journey it has been, and the end is not in sight... I won't let the darkness in... what a journey it has been."

 
🚗     🚗     🚗

"Charan!"

"Bani?"

"Lookie lookie what I got!"

"What this?"

"My driver's license!"

Now wait a minute... how did that happened?

Your lola Baechu, passed the practical driving exam and got a license?! Nani?

Well, legit naman yung license it is really from LTO, pero yung way kung paano na-obtain ng lola nyo yung lisensya ang kaduda-duda.

Matapos tapatin ni kuya driving instructor si Baechu na mukhang liligwak ang beauty ni bakla sa actual driving test, he gave your lola two options. She can apply for a license in another LTO office outside Manila, yung hindi na nagpapa-practical exam or mag-fixer na lang siya.

At dahil may timeline na sinusunod ang lola nyo, pinili na lang nya yung fixer option kasi busy ang lola nyo.

So there you have it, another traffic offender unleased on the streets of Manila.

"C'mon Bebiber let's go for a ride... (whispers) so later I can ride you naman."

Say whut?!

Matagal tagal na mula nung huling nagawi si Baechu sa BGC. Serendra pa lang yung sikat nun that time. So now na naligaw na ulit si Joohyun sa Global City, bet ng lola nyong umawra sa SM Aura.

Lakas din ng loob ng granny nyo ha, in fair. This is the first time ever na mag-sosolo flight sya sa pagmamaneho tapos sa BGC pa talaga niya pinili mamasyal. So, ayun 10 minutes pa lang siyang nag-dadrive ay ilang beses na siyang binusinahan ng mga kasunod nya, at naka-dalawang traffic violations na kaagad ang lola nyo. Buti na lang walang nanghuhuli.

At matapos ang ilang ikot, not the leisurely type of ikot (namiss kasi nang lola nyo yung street kung san sya dapat kakanan) ay nakarating na rin sila ni Bebiber ng SM.

And they did what all normal couples do on a date, kain sa resto, nuod ng sine chenes.

And now for the moment of truth...

Its time para maisakatuparan na nung lola nyo yung matagal na niyang pinapantasyang ganap in the car. Sa car na binorrow pa nya kay Ate Sunny, na ngayon ay kailangan na niyang isauli.

Na-occular inspection na ng lola nyo yung parking space nung condo building ni Ate Sunny before. Sakto nasa liblib na area yung parking slot ni Ate Sunny at wala ring nakainstall na camera dun sa area so 'all clear' na yung plano ng lola nyo.

This is it... the moment that your lola is waiting for.

Matapos mai-park ni Baechu yung kotse at pagka-angat na pagka-angat nung handbrake ay sumampa na kaagad sa kandungan ni Seulgi ang lola nyo.

"Woah! Bani?"

"Are you ready na Bebiber?"

"Ready for what?"

Binulungan ng lola nyo si Bebiber, "...for your birthday gift."

Biglang nag-sparkling shimmering splendid yung mga eyes nung oso.

"Ah talaga you have a gift for me Bani?! Asan?"

Parang batang nagpalingon-lingon pa si Bebiber sa loob ng kotse. Akala ata talaga nung oso may surpreysang naka-gift wrap with ribbons and everything si Bebibani para sa kanya.

Di malaman ng granny nyo kung ma-kyukyutan ba siya sa kainosentahan ng kanyang Bebiber or babatukan niya ito kasi nasira yung script na prinepare nya sa utak niya nung pino-plot niya itong chorvahan sa car.

China-channel na ng lola nyo ang kanyang inner Rosanna Roces sa pelikulang "Patikim ng Pi-nya," tapos biglang...

"Hoy! Anong hinahanap mo Kang Seulgi?!"

"Yung gift."

"Ano ka ba eto na oh! San san ka pa tumitingin."

"Huh?"

"This!" Dinama pa ni Baechu yung mga mini melons nya sabay kumagat labi pa ang lola nyo. Starlet na starlet yung dating ni granny.

Ang gift nung kuneho ay walang iba kundi ang kanyang nagmumurang katawan.

Mukhang na gets naman nung oso yung ibig ipahiwatig ni Baechu.

"Ummm... o-kay," parang tunog dissappointed si Bebiber kaya naman di na nakapagtimpi ang grand mama nyo, kinonyatan nya na niya nang tuluyan yung oso.

"Punyeta! Ayaw mo?!"

"Ha? No... Im mean di naman sa ayaw kaya lang kasi ---

"What?! Anung 'kasi' ka naman dyan? Naku Kang Seulgi don't tell meron ka na naman!"

"Huh? No wala ako ngayon, kaya lang kasi Bani... ummm... dito talaga? As in? Ang sikip kaya dito sa loob."

"Edi kung nasisikipan ka, halika dun tayo sa labas... sa may hood para di masikip."

Ashuwasha ang lola nyo umariba na naman ang ka-elyahan!

"What?!"

"Sabi mo ayaw mo dito sa loob kasi masikip."

"Eh?"

"Try natin sa labas. Ayaw mo nun may thrill?"

" . . . "

Parang gusto nang mahimatay nung oso sa mga ideas ng kanyang Bebibani na pasok na pasok na pang-wild confessions with Papa Jack.

"Mamili ka Kang Seulgi, dito sa loob o dun sa may hood. Okay lang sa akin kahit saan."

Ayan na nag-ultimatum na si General Joohyuna. Di ata talaga papayag si bakla na di ma-fulfill yung isang entry sa kanyang bucket list.

Medyo naka-recover naman na yung oso from shock so medyo nakakapagisip na ito ng matino.

Seulgi smiled at Joohyun and then she hugged her so tight.

"Bebiber?"

"Let's stay like this for a while na muna Bebibani," sabi ni Seulgi habang nakahilig yung ulo sa dibdib ni Irene.

"O-okay."

Then all of a sudden... sniff... sniff...

"Bebiber are you crying?"

Umiling lang yung oso pero she did not say anything.

"Bebiber?"

" . . . "

"Huy Kang Seulgi what is wrong with you? Umiiyak ka na naman."

Inalis na muna ni Baechu yung pagkakayakap sa kanya nung oso para maka-fest to fest niya ito.

"Hey baby what's wrong?" Concern na yung tono ng lola nyo.

"Nothing, I'm just so happy right now. Thanks for everything Bani... I love you."

Awww...

"I love you too Bebiber."

"Bani, 10 minutes, let's stay like this for ten more minutes."

Nagisip saglit ang lola nyo, in the end pumayag na rin ito.

"Okay fine."

And Seulgi hugged her Bebibani once again.

Pero wala pang 5 minutes...

"Bebiber..."

"Hmm..."

"Ayaw mo ba talaga?"

Ampowta!

Bilib din talaga ako sa fighting spirit ng lola nyo, talagang never say die ang motto nung kuneho.

"Uhmm, kailangan ba dito?"

"Kahit saan mo gusto Bebiber."

"Okay, let's go check in at a hotel."

"Talaga?!"

"Yup."

Ayan na nabuhayan naman muli ng dugo yung kuneho.

Nagmamadaling binuhay ni Irene yung makina nung sasakyan.

Eggcited ang lola nyo, its been weeks nung huling nabuksan yung Angat Dam.

Pero sa sobrang excitement ng lola nyo nakalimutan niyang ilagay sa reverse yung kambyo.

So ang ending, pag-apak ng granny nyo sa gas, imbis na umatras yung kotse, dumirediretso ito sa...

BLAG!!!

"Bani... wha-what... did you just..."



"Wah!!! Lagot ako kay Ate Sunny!!!"
 
Closing chapter song dedicated kay Rose meow meow meow

#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt
Taken ka nga... for granted naman. Masakit pero tama si former Sen. Miriam Defensor Santiago. Paano na ang Balentyms ni Baechu? Ang dami pa namang balakin sa buhay si ateng. Otoke?   

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]