For fanfic readers, Thai GL fans and people who scream at their screens

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 32: Post Balentayms

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 32: Post Balentayms

WMAMTT Chapter 32 (Preview): 
Taken ka nga... for granted naman. Masakit pero tama si former Sen. Miriam Defensor Santiago. Paano na ang Balentyms ni Baechu? Ang dami pa namang balakin sa buhay si ateng. Otoke?
(Keep scrolling to read full chapter)


"Taken ka nga... for granted naman."
From Miriam Defensor Santiago's book 'Stupid is Forevermore'



FEBRUARY 14 (Sabado)

(SONG: Cupid by Pipti Pipti)
A hopeless romantic all my life
Surrounded by couples all the time
I guess I should take it as a sign

"Joohyun."

Knock. Knock

Oh why Oh why Oh why Oh WHY?!!!

"Joohyun!"

Knock. Knock. Knock

I GAVE A SECOND CHANCE TO CUPID!!!
But now I'm left here feeling stupid
Cupid is so---



"Joohyuna! Ano ba?! Buksan mo nga itong pinto!"

Blag! Blag! Blag!

Naudlot yung early morning concert ng lola nyo nung nagsimula nang mag-beast mode si tita cute cute from the outside.

Dali daling binuksan ni Joohyun yung pinto ng kanyang kuwarto.

"What tyang? Ba't ba sumisigaw kayo ng ke-aga aga."

"Tangna ka! Ikaw kaya itong umaatungal dyan kanina pa."

"I'm just exercising my vocal chords you know tyang."

"Eh kung sungalngalin ko ng pang-brush sa CR yang bunganga mo! Yun enough na bang exercise yun?"

"Tyang naman eh!"

"Naku Joohyuna don't me."

"Naman eh... bakit nga pala kayo kumakatok tyang?"

"Tumawag sa akin ang Ate Sunny mo, kailangan ka daw sa office ngayon din."

"Ha eh bakit daw tyang?"

"Aba'y malay ko?! Tsaka teka nga anong ginagawa mo nga pala dito sa bahay? Di ba may niru-rush kayong trabaho kay may pasok kayo kahit Sabado?"

"Nagpasabi po ako sa office na di na muna po ako magO-OT today."

"Ano?! Di ka papasok? Aba at ang kapal din naman ng festlak mong bata ka, after nung nangyari nung nakaraang linggo!"


Remember yung mga kaganapan the other night? Chapter 31...

Yung chorva na sana, naging bato pa. 

Well, natuloy din naman yung planong "check-in" nung mag-jowa. Nag-check in sila sa casa... sa pagawaan ng mga nabanggang sasakyan.

At dahil nga may atraso pa ang lola nyo sa kanyang Boss/Ate Sunny after niyang i-crash yung kotse nito, waley ng choice ang grand mama ninyo kundi ang sumunod.

Nanalo ng "All Expense UNPAID" trip to the office ang lola n'yo courtesy of Ate Sunny. 

Sambakol ang pagmukha ni Irenea nung lumabas ng bahay.

Nag-decide na syang mag-Grab kasi hindi niya ma-take yung mga naglalampungang couples sa jeep at sa LRT.

Mainam na rin na medyo isolated sa general public ang granny ninyo kasi mahirap na. Baka mamaya biglang magdilim ang paningin ni bakla kapag nakakita ng buket of red roses at tidiber.

There's a big chance na ang headline kinabukasan sa Bulgar ay, "Kuneho Nag-Amok, (insert number of people) Sugatan."

So for now safe ang riding public sa kalakhang Maynila, pero unfortunately I cannot say the same thing kay manong driver nung grab na sinasakyan ng lola nyo. Kung bakit ba naman kasi sa kamalas-malasan yung song na nipi-play ay...

(
Song: Give Me Your Forever by Zack Tabudlo)
I want you to know
I love you the most.
...'cuz baby you're always in my mind.
Just give me your forever.

Nag-start na mag-volt in sa utak nung kuneho yung inis na papasok sya sa office na dapat sana hindi at irita kasi yung jowa niyang magaling eh wala pa rin paramdam anong oras na. Kasalanan lahat to ni Zack Tabudlo eh, may pa-give me your forever pa syang nalalaman kung kailan yung FOREBER ni Bebibani lost sa kalawakan. Any moment talaga mau-ultramagnetic whip na nung kuneho si Manong Driver.

Pero buti na lang naudlot yung transformation ng lola nyo into Voltes V salamat sa natanggap nito na text... 
Naka-ilang scroll up and down si Joohyun sa kanyang Iphone, thinking na baka may iba pang messages si Bebiber for her. Pero mukhang yun lang talaga ang nakakayanan nung oso.

Punyeta! Seven words! Seven words Bebiber. Really?! 
"Happy Valentines Day Bebibani! I love you.
Yung lang talaga ang nakayanan mo na greetings Seulgi seryoso?
Tangna wala ka man lang bang paandar dyan na mga mala Jonaxx na linyahan?

Hay naku ayan na nag-start na naman pong mag-internal monologue ang lola nyo... ayan na... ayan na... afraid... of the dark.

Mainit ang ulo nung kuneho kasi mukhang mauuwi sa meow meow yung pinapangarap niyang first ever Valentines date sana with Seulgi.

Sinadya pa naman ng lola nyo na hindi pumasok sa office sa araw ng mga puso para nga sana daw ready siya kung san man sya yayain ni Bebiber (and therefore we can conclude na akala ni ante ninyo it's bembang day today) 

Kaso  lang wala pang paramdam si Seulgi kung anong plano nito this Balentyms, maliban lang dun sa 7 words na message nya kay Bebibani.
 

 🖇️     🖇️     🖇️
 

"Oh, anong ginagawa mo dito akala ko ba leave ka today?"

Tanong ni Amber kay Irene na kasalukuyang bising bisi sa kanyang workstation.

"Yun nga din ang akala ko, kaya lang sinabihan ako ni Boss na pumasok daw ako to help finish a project."

"Oo nga yung project... kasi itong si Solar bigla bigla na lang nag-absent."

"Bakit anong nangyari kay Bes?"

"Natalisod daw ang beshie mo, di makalakad," sagot nung babaeng baklang frienship ni Joohyun.

Sa loob loob ng lola nyo, "neknek nya kamo, natalisod my as.s... gagang yun kung alam ko lang eh mag-che-check in lang yun... buti pa sya."

Di naman masyadong halata na inggit si ante nyo.


Madali namang natapos nina Amber at Irene yung pinapa-rush na project ni Boss Sunny.

So for the rest of the afternoon walang ginawa ang lola nyo kundi ang mang-istalk sa FB at Insta ng mga post ng pictures ng chukulates, flowerettes at hearteu.

Ang daming hanash (comment) ng lola nyo dun sa mga post ng friends nya.

Kesyo di daw nakakabusog yung flowers.

Kesyo nakakataba daw yung chocolates, so on and so forth.

Bitter ang lola nya kasi walang syang natanggap na anything man lang from her Bebiber.

Ingitey si bakla kasi waley syang maipost na Valentines related, so pambabasag na lang ng trip ng may trip ang inatupag nito. 
 

 🖇️     🖇️     🖇️
 
 
6:00 PM

Uwian na ng lola Baechu nyo.

Hoping pa rin si bakla na baka may surprise si Seulgi sa kanya. Baka nasa paligid-ligid lang yung oso tapos bigla na lang itong mag-aappear out of nowhere.

Iniisip ng lola nyo na baka naman may inihandang dinner by candle light somewhere (asa) si Seulgi, di lang sya na-inform ng maaga.

Ang kaso 15 minutes nang nakatayo si Joohyun sa harap ng kanilang office building, pero still no sign of the bear.

Sinubukang tawagan ng lola nyo si Seulgi ang kaso cannot be reach ang phone nung oso.

Nangigigil na to the max ang granny nyo pero wala naman na syang magawa. Kahit na gustong gusto niyang krompalin from left to right si Bebiber eh no where in sight yung oso. So she's saving all her energy na lang kapag nagkita sila nito.

Ang ending, nag-grocery na lang ang lola nyo bago umuwi sa kanyang boarding house.

Isang tub ng chocolate ice cream at isang bote ng red wine ang binili ng lola nyo.

At kahit na labag sa code of eme ng mga magaganda, ay bumili na rin si Baechu ng isang buket ng pink roses for herself. 

Hindi papayag ang lola nyo na matatapos ang araw ng mga puso without posting anything on her social media accounts. 

Mainit ulo ng lola nyo kasi yung dati nitong classmate na kamukha ni Lassy nakapag-post about sa kanyang Valentines date chenes sa FB, so ang expectation na lang nung iba sa lola nyo ganun na lang.

Sasabihin nung mga detractors ng grand mama ninyo, "ano ba yan ang ganda-ganda tapos waley nung Valentines." 

So no choice si Baechu, kailangang niyang supalpalin ang kanyang mga haters and bashers. Sa loob loob ni bakla, gagandahan na lang niya yung hashtags sa post niya. 

That evening ang ka-date ng lola nyo ay isang bandehadong white pasta, isang bote ng red wine, isang malaking tub ng ice cream at si Hyun Bin (from the koreanovela Crashlanding On You).

Author's Kineme: Speaking of Crashlanding On You, here's another story written by me that you can read and I'm sure you will enjoy. (Di'ba panalo sa segway lol)  

Tinungga ng lola nyo yung red wine while watching the last 3 episodes nung CLOY. Halos mag-11 pm na nung matapos manood ang lola nyo.

Medyo may tama na ang granny nyo so naghanda na itong matulog.

Pero before maborlogs ay ipinost na muna ni accla yung kinuha nyang picture ng kanyang buket of flowers.

FEBRUARY 15 (Linggo)

6:05 AM

Nagising ang lola nyo kasi nagriring yung phone niya.

Bebiber calling...

At syempre bago sumagot sa tawag ni Seulgi i-inner monologue muna si ateng nyo...

Ang tampalasang oso! 
Ngayon mo pa naisipang tumawag kung kailan tapos na yung Valentines!
Aanhin pa ang damo kung patay na yung kuneho este ang kabayo!!!

(Author: Ano daw? Pinagsasasabi nitong si Joohyuna.)


"Hello?!"

Mataray na sagot ng lola nyo.

"Bani?"

"Oh anong kailangan mo Seulgi?"

"Sinong ka-date mo kagabi?"

Straight to the point na tanong nung oso, may slight sound of jealousy sa voice nito.

"What?! Anong date? Eh andito lang kaya ako sa bahay kahapon."

"Eh ano yung pinost mo sa FB?"

"FB?!"

"Yung pink roses."

"Well Kang Seulgi for your info, I bought the flowers myself kasi apparently yung super galing kong girlfriend, did not even bother buying me one." Super sarcastic yung pagkakadeliver ng lola nyo.

"Bani, that's not true. Had I known na gusto mo pala nun edi sana binilhan kita nang sangdamakmak na flowers."

"Eh, bakit di mo ginawa?!"

"Because of your comment dun sa post ng kapatid mo kahapon."

"Anong comment?"

"Ang sabi mo dun sa post ni Yeri and I quote, "yung flowers di nakakabusog yan, mabuti pa sanang pagkain na lang yung pinabili mo sa jowa mo."

"Ha?!"

"Tinawagan ko rin si Yeri and she said na hindi ka daw masyadong mahilig sa flowers and ang sabi din nya..."

"Whut? Anong pang ibang kagagahan ang pinagsasabi nung tyanak na iyon sa iyo?"

"She told me na hate na hate mo daw ang Valentines. So sabi nya wag na daw ako mag-abalang magprepare ng anything special kasi baka daw hindi mo naman ikatuwa."

"Whut?!" 

"That's why kahapon I did not make a big fuss about Valentines Day."

Ayun naman pala eh... kasalanan nung tyanak ang lahat ng pagdurusa ng lola nyo kahapon.

Ngayon na malinaw na ang lahat at nakapagusap na nang maayos yung mag-jowa.

Na-clear na yung misunderstandings, at in-emphasize ng granny nyo kay Bebiber na dati lang niya hate ang Feb. 14, nung wala pa syang jowa. Pero now na andyan na si Seulgi, kasing level na ng Pasko ang Valentines in terms of importance.

"So, Bebiber wala ka talagang Valentines gift for me?"

"Of course meron. Naipa-deliver ko na nga yung gift ko sa bahay nyo sa Tondo."

"Talaga. Hindi naman flowers or chocolate yun?"

"Nope. And I'm sure you will like it."
 
"Really? Ano yung pina-deliver mo Bebiber?"


"Limang kaban ng bigas."

Sana all talaga nireregaluhan ng bigas. Kaya si Baechu masaya na naman ang puso napapakanta tuloy si ante ng, "I see beautiful days with you, I feel beautiful ways of loving you..."

Oh edi ikaw na 'te... 'tingnan ko lang sa mga susunod na chapters kung makakanta ka pa sya nang ganyan dahil sisiguraduhin 'kong magdudusa ng bongga ang kuneho (you can't hear it pero kasalukuyang nag-e-evil laugh ang otor ninyo internally) hehe


#seulrene  #tagalog #wmamtt

READ MORE CHAPTERS: 














No comments:

Post a Comment