FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 33: Like Me, Love Me, Nevermind Me

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 33: Like Me, Love Me, Nevermind Me

"Kung mahal mo, habulin mo, ipaglaban mo. 'Wag mong hintaying may magtulak sa kanya pabalik sa'yo." 
Angelica Panganiban (as Mace) from the movie 'That Thing Called Tadhana (2014)' 

Ring. Ring. Ring. 

"Hello?"

"You are online again."

"Huh? Who's this?"

"It's me! Hanggang ngayon ba naman hindi mo pa rin sini-save yung number ko?!"

Nakilala na ni Wendy kung sino yung sumisigaw sa kabilang linya, "Rose?"

"Oo ako nga. Napakalandi mo talagang hamster ka. May time kang mag-online, pero wala kang time para i-text ako."

"Bilib din naman ako sa radar mo teh... and wait, bakit naman kita iti-text?"

"Para i-arrange yung pinangako mong date." Mabilis na sagot ni Rose.

"Date? Hoy for your info, kaya lang naman ako nag-yes dun sa sinasabi mong date ay para maka-discount sa doctor's fee."

"Sa tingin mo di ko alam yun? But that's not the point. Ang point ay, you said yes so -- "

"Fine! Fine. Para matahimik ka na, oh sige let's have lunch... tomorrow."

Kinutshort na ni Wendy yung sinasabi nung makulit nyang ex-doctor.

Alam na ni Wendy na hindi talaga siya titigilan ni Rose, so might as well ibigay na lang niya yung hinihingi nitong date para matapos na.

And besides, it's just LUNCH lang naman... what could possibly go wrong?

At dumating na nga yung araw ng LUNCH nina Rose at Wendy... with the special participation of Bebibani and Bebiber.

Nadamay yung mag-jowang oso at kuneho sa kalokohang date nung mag-"ex" patient and doctor, kasi sabi nga nung BFF ni Seulgi, the lunch will be less awkward kung andun sila. At mariin ding in-emphasize ni Wendy that the lunch does not qualify as a "date" for reasons na yung hamster lang ang nakakaalam at pwedeng mag-explain.

Sa isang shabu-shabu restaurant sa Binondo magaganap yung mapagpanggap na lunch.

Para sa mga hindi familiar sa setup sa isang shabu-shabu restaurant, dito may kanya kanyang hot pot yung mga kakain. There's a platter of seafood or meat na ibibigay sa kakain, meron ding mga gulay at kung anik anik pang chenes. Tapos ang siste ay bahala ka nang maglagay kung anong trip mong kainin dun sa kumukulong sabaw. Gets?

"Ma'am gusto nyo po, ako na ang magtimpla nung sabaw at nung shabu-shabu sauce ninyo?" Offer ni kuya waiter kay Seulgi.

And since clueless (most of the time naman) yung oso kung ano nga bang dapat gawin, hinayaan na lang niya si kuyang waiter na pagsilbihan siya.

Kumuha si kuyang waiter ng isang egg. Pinaghiwalay niya yung yolk at egg white. Yung egg white, went to the boiling soup, tapos yung yolk naman ay nilagay niya sa isang maliit na malukong or malokong nga bang tawag dun... punyeta basta yun na yun, basta maliit na bowl. Tinimplahan ni kuyang waiter ng mga pampalasang chenes yung yolk mixture then... voila! Shabu-shabu sauce.

Super paying attention si Wendy nung nag-dedemonstrate si kuyang waiter. At dahil pa-bibbo kid si bakla she tried following what kuyang waiter did. Success naman in fair, kasi nakagawa ng sauce yung hamster (dapat lang no para que pang nag-aral sya sa Paris ng pagluluto, kung simpleng sauce lang di nya magawa).

Kitang kita ni Rose kung papaanong iniabot ni Wendy yung tinimpla nitong sauce sa lola Baechu ninyo, na nahihiya namang tinanggap nung kuneho.

And then all of a sudden...

"Aray! Aish..."

Di napigilan ni Wendy ang mapasigaw nung maglanding yung takong nung sapatos ni Rose sa paa niya.

"Wendy what's wrong?" Tanong nung BFF nung hamster.

"Uhm nothing... natilamsikan lang ako nung mainit na sabaw. Im fine," sabay tingin ni Wendy nang matalim kay Rose na kasalukuyang pinipigil na matawa.

At hindi pa dito natatapos yung pang-bubuset ni Rose sa kanyang ex-patient. May naisip pa itong another way para asarin si Wendy.

"Babe ipagtimpla mo rin ako ng sauce," sabay nag-beautiful eyes pa si bakla dun sa nagngingitngit na hamster.

"Ikaw na BABE kaya mo na yan malaki ka na," effort na effort si Wendy na 'wag sakalin yung babaeng pumaslang sa kuko niya sa paa.

Pero mukhang di talaga papatalo si Rose.

"But babe I wanna taste your sauce," sabay tingin ng makahulugan dun sa kanyang ex-patient, "sige na babe please."

Para na lang matigil na, sumunod na lang rin si Wendy sa request ng kanyang ex-doctor, "s-sure... BABE," nanggigil at nakangiting asong sagot nung hamster.

Sinimulan na ni Wendy igawa ng sauce ang kanyang "BABE" nang biglang naka-isip ito ng paraan kung papaano niya maigaganti yung na-EJK (Extra Judicial Killing) niyang kuko sa paa.


Sinadya nung hamster na anghangan yung timpla nung sauce. Sureness syang sasabog yung bunganga ng kanyang ex-doctor sa sobrang anghang nung sauce na ginawa niya.

Iniimagine pa lang ni Wendy yung magiging reaction ni "BABE" kinikilig na sya (not in a romantic way).

Abangers yung hamster habang hinahalo-halo ni Rose yung kanyang sabaw.

And now for the moment of truth... umakto nang titikman ni BABE yung kanyang soup nang biglang bumaling ito kay Wendy sabay sabi ng, "babe say ahhh."

"Huh?" Parang tangang tanong ni Wendy sa kanyang BABE.

"Say ahh babe."

"Ahh?"

Ngumanga naman yung shunga-shungang hamster.

Then BOOM! Sabay isinubo ni Rose yung nagbabagang sabaw sa bibig ni "babe". And in a matter of seconds parang gusto nang maiyak ni Wendy sa anghang nung soup.

"Babe you want more?" Nakangiti at tila nagpapacute na tanong ni Rose kay Wendy, habang yung hamster naman ay abala sa paglagok ng iced tea.



🍜     🍜     🍜

Halos inabot din ng isang oras at kalahati yung mapagkunwaring lunch.

Nung sa tingin ni Rose na tapos nang kumain ang lahat ay sumenyas na ito sa waiter asking for the chit.

Ilang saglit pa ay dinala na ni kuyang waiter ang kanilang bill.

Unang inabot ni kuyang waiter kay Rose yung bill, pero mukhang may evil plan na naman si doktora kasi bigla nitong itinuro yung hamster sa tabi nya.

So naglanding sa mapag-palang kamay ni Wendy yung mahiwagang bill.

Wala sa loob na binuksan ni ever reliable BFF yung folder para silipin kung magkano inabot yung mga inorder nila.

After ma-sight yung bill ay biglang napalunok at nanlaki yung mga mata nung hamster...

Wait. What?! Walong libo?!
 
Eight thousand para sa iilang pirasong sugpo, squid balls, mais, noodles at konting gulay?!
Eight thousand! 
Are you fuc.king kidding me?!

Alam na ni Wendy na naisahan na naman sya ng kanyang ex-doctor judging from the smirk on Rose's face.

Hinang-hinang dinukot nung hamster ang kanyang wallet mula sa kanyang bagelya. At sumasakit ang dibdib na inipit ni bakla ang kanyang credit card dun sa lagayan nung chit.

Nung bumalik na si kuyang waiter para kubrahin yung bayad nila ay di maka-let-go yung hamster.

Kung di pa umawat si Rose ay baka hanggang dinner ay nagta-tug-of-war pa rin si Wendy at si kuyang waiter over dun sa bayad.



🍜     🍜     🍜

"It's really nice to see you Rose. Hope we can do this again."

"Oo naman, Seulgi. Let's do dinner naman... my treat!"

Masiglang announce ni Rose sabay tingin kay Wendy na nasa kanyang tabi.

Nakatingin sa kawalan yung hamster. Hanggang ngayon ata ay hindi pa rin ito nakaka-get over the fact na nalagasan siya ng 8kiao over lunch.

"So how are you going home?" Tanong ni Seulgi dun sa doktora.

"Uhmm... ihahatid ako ni Wendy."

"Wait, what? Ako? Ihahatid ka? How?" Tila natauhan na yung hamster kasi nadinig na naman nito ang kanyang pangalan, feeling niya may pino-plot na naman na something si Rose against her.

"Yup, di ba sabi mo babe mag-cocoffee pa tayo?"

"Sinabi ko yun?"

"Oo babe you did," sabay in-eye-to-eye na naman ni Rose yung hamster, its like she's telling Wendy to just shut up.

Nakuha naman sa tingin yung BFF nung oso.

At eto na nga ngayon, tahimik na nakaupo si Wendy sa tabi ni Rose na kasalukuyang busy sa pagmamaneho.


Naka silent mode yung hamster kasi inisip niya na sana pala tinanong nya si kuyang waiter kung tumatanggap ba sila ng installment payment para dun sa nilamon nila kanina.

Napansin naman ni Rose na walang imik yung kanyang pasahero so she decided to talk first.

"Is it her Wendy?"

"Huh?"

"Yung kinukuwento mong someone that you like, si Irene yun no?"

"N-no it's, it's ---"

"Come on Wendy, wag mo nang i-deny halatang halata naman sa mga tingin mo sa kanya kanina."

". . ."

Medyo lutang pa yung hamster so hindi sya makapag-compose ng matinong sagot sa tanong ni Rose.

"Alam mo ngayon ko lang na-realize... hindi ka lang pala malandi, you're super tanga din pala."

"What?"

"She's never gonna be yours, Wendy. Ngayon palang isaksak mo na yan sa utak mo. At kung binabalak mong ma-promote from BFF to TBF as in 'Traydor na Bestfriend' well then by all means, ipagpatuloy mo lang yang ka-shungahan mo"

Hindi na nag-attempt pang kumontra yung hamster, what's the point anyway.

"Ang sakit mo namang magsalita," mahinang sabi ni Wendy.

"At ano bang ini-expect mong marinig from me? Na mahusay yang ginagawa mo? Na abang abang ka lang at one of these days magbre-break din yung dalawa?"

After a few seconds of silence ay nagsalita na ulit si Wendy.

"I really like her."

"I know its super obvious naman."

"I don't know how I'm gonna move on from this."

"Aba't ambisyosa ka rin no? Anong 'move on' ang pinagsasasabi mo dyan? Eh never namang naging kayo. You've met her a couple of times, you had lunch together, that's it. Ano bang meron itong Irene na ito, that you are willing to throw away your friendship with Seulgi who happens to be your best friend, just to be with her."

"No, that's not what I have in mind."

"Nasasabi mo lang yan sa ngayon... sooner or later you will realize na hindi ka na kuntento sa panonood lang from the side. Darating yung panahon that you will have the urge to confess your feelings to her. Wala ka nang paki sa sasabihin ng iba, sa magiging reaksyon ni Seulgi. Basta you just want to know if you stand a chance, kung pwede bang maging kayo, ganern. Hay naku alam na alam ko na yang mga galawang traydor na yan." Mahabang litanya ni Rose dun sa nakatamemeng hamster.

"Rose."

"Hm?

"What do you think I should do?"

"Well for a start, stop liking her."

"How?"

"Edi start liking someone else, problema ba iyon."

"Like who?"



"Like me."
🇳🇿    💓     🇨🇦     

"Oh Seulgi andito ka na pala."

Masiglang bati nung secretary ng daddy ni Seulgi.

"Hi ate! Ang daddy?"

"He's still on a meeting."

"Ah okay, can I wait inside his office?"

"Oo naman. Hey do you want me to get you anything?"

"No I'm good ate. Thanks."

At lumakad na si Seulgi papasok sa office ng kanyang daddy.


Habang aliw na aliw yung osong nilalaro yung swivel chair ng kanyang ama, ay nakadinig ito ng mahihinang katok.

"Yes, come in."

Bumukas naman kaagad yung pinto.

"Mr. Kang ito na po yung mga files na pinaku --"

Nagkatinginan si Seulgi at si ateng girl na kumakatok kanina.

"Mijoo?"

"S-seulgi?"

"What are you doing here?"

"I work here."

"What?! Why?!"

Medyo napalakas nang konti yung boses ni Seulgi kaya naman medyo nag-iba yung timpla nung mukha nung babaeng tinawag nung oso na Mijoo.

"Anong why?" nakataas ang kanang kilay na tanong nito. "I can work wherever the hell I want. At tsaka bakit, may rules ba ang company ninyo na bawal mag-apply yung mga naging EX nung anak ng may-ari?"

Nagmamataray na si ateng girl kaya naman medyo na-alarm yung oso.

"Please Mijoo your voice."

Mukha namang natauhan si ateng girl, naalala nya na nasa office pa rin sya at itong kausap nya, whether she likes it or not ay anak pa rin ng kanyang boss.

"Oh I'm sorry, I didn't mean to raise my voice Ms. Kang." Compared earlier, very professional na yung tono nang pananalita ni Mijoo.

"Please come inside Mijoo and close the door."

Sunod naman si ateng girl dun sa instructions ni Seulgi.

"So..."

"Seulgi."

"Kamusta ka na?"

"I'm good."

"Okay..."

And moment of silence.

"Seulgi."

Mahinahong tawag ni ateng girl dun sa oso.

"Hm?"

"Do you have a problem with me working here?"

Saglit na nagisip si Seulgi bago sumagot.

"No."

"Do I make you feel uncomfortable?"

Medyo nag-pause na naman sandali yung oso before giving an answer, "no."

And in an instant ay para na namang sinaniban ng kung anong anik na espiritu si ateng girl kasi nagsimula na naman itong magmataray.

"Well then I suggest you get used to seeing my face everyday, cause I'm not going anywhere! And don't you dare try and have your precious daddy fire me or I'm gonna sue you, your company and your friends."


Yes te? Anne Curtis is that you?

Speechless si Seulgi. Na-afraid yung oso sa banta ng kanyang EX from another universe.

Ano ba itey? Star wars... return of the exes spaycial?

Nauna nang nagmuling-ibalik-ang-tamis-ng-pagibig si Chewy.

And now ito namang si Mijoo, na direct descendant ata ni Gabriela Silang ang naka-fest to fest nung oso.

Hinintay na muna ni Seulgi na kumalma yung dati niyang jowa bago ulit ito nagsalita.

"Mijoo, we both know that you are smart enough to land a job anywhere you want to."

"Oh eh ano ngayon?"

"Please be honest with me... why are you really here?"

"You want the truth Seulgi?"

"Yes."

"I'm here to get you back."
 
Ending chuva song na masakit sa heart meow meow meow (play vid below)
 

#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt
Mukhang bilang na ang mga nalalalabing masasaya (at basa charot!) na mga araw ng lola nyo ah. Ito na nga kaya ang simula ng tag-tuyot? Forever close na ba ang Angat Dam ni Baechu?

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]