FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 34: No More Chorva

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 34: No More Chorva
"Once, twice, thrice... gaano ba kadalas ang minsan?" Hilda Koronel (as Elsa) from the movie 'Gaano Kadalas Ang Minsan (1982)' 



"Yerimi!!!"

Nagulantang yung tyanak na prenteng-prenteng nakahilata sa may sofa sa sala, matapos marinig yung "Holler" ng kanyang tyang mula sa kuwarto nito.

"Yeri halika nga dito bata ka!"

"Opo tyang!

"Dalian mo!"

"Wait!!!"

At nagsimula nang lumakad si Yeri papunta sa kuwarto ni Tita Cute Cute. Naabutan niya ang kanyang tiyahin na bising-bising nagtutupi ng mga damit na hinarvest niya mula sa sampayan.

"Yes tyang?"

Saglit na tumigil si tyang sa kanyang ginagawa at may kinuha itong something mula sa bungkos ng mga damit.

"Sa'yo ba to?"

Sabay iwinagayway ni Tita Cute Cute yung matchy-matchy na bra at panty.

"No of course not, those are not mine Tyang!"

Todo tangi yung tyanak na sa kanya nag-bebelong yung very Victoria's Secret na pair of se.xy underwear.

Now, sasabihin ninyo siguro... bra at panty lang, maliit na bagay para ika-stress ni tyang.

Pero kasi naman kasi, hindi kinakaya ng heart ni Tita Cute Cute kapag ini-imagine niya na isa sa mga alaga niyang pokemon ang nakasuot ng ganoong klaseng underwear.

Exhibit A: Sheer stretchable lace tube bra (in red). "Sheer" meaning when you look closely kita-kits mo na kaagad yung mga bagay-bagay na supposedly hindi dapat nakikita not unless hubarin mo yung bra. Kung di nyo pa rin ma-gets, well just think of it as a little see-through, ganern.

Exhibit B: Yung panty. Di malaman ni tyang kung panty pa nga bang matatawag iyon. Para kasing 2/3 lang nung chenes nung magsusuot nito ang kaya nitong takpan. And again may pagka-sheer din yung tela nung underwear so alam na.

"Eh kung hindi sa iyo ito... then ibig sabihin..."

Sabay enter frame ang Lola Baechu nyo na busy sa pagngasab ng indian mango habang nagiikot sa kabahayan tila may hinahanap kaya walang kamalaymalay sa brewing disaster sa kuwarto ng Tyang.

"Yeri nakita mo ba sa sampayan yung-- "

"Joohyunaaaa!!!"

Hala patay kang kuneho ka.

👙     👙     👙 

"Sabihin mo nga sa akin bata ka, kung anong ibig sabihin nito?"

And again na present na naman as evidence yung exhibit A and B, na allegedly pagmamayari ng lola nyo.

"Ah yan Tyang... uhmmm... uhmmm..."

"Ano?! Magsalita kang bata ka kundi malilintikan ka talaga sa akin."

Hala-hala mainit ang ulo ni tyang.

"Bagong bili ko lang niyan tyang, peksman never ko pang naisuot yan."

"At bakit mo naman kailangang magsuot ng ganito aber?!"

"I just... I just want to try lang naman tyang."

"Try?! Ramdam kong meron ka pang hindi sinasabi sa akin bata ka... umamin ka na Joohyun!"

"Fine tyang! Binili ko yung bra at panty kasi I wanted to look good for Seulgi."

"Look good? Pano naman makikita nung jowa mo na bagay sa iyo yung bra at panty not unless mag-huhu-- (pause) not unless na-- (pause again) ..."

Di maitawid-tawid ni tyang yung gusto niyang sabihin, kasi naman kasi.

Tita Cute Cute kenot belib it!

Na yung super cuddly na kuneho na inaruga niya mula pagkabata ay hindi na bir...

"I want you to be completely honest with me Joohyun. May naganap na ba sa inyo ni Seulgi?"

"Ganap tyang?"

"Oo ganap. Chorva. Jugjug. Love me like you do. Versace on the floor, kind of a ganap."

"Tyang..."

"Wag mo akong ma-Tyang Tyang. Iyong tanong ko ang sagutin mo. Are you at yung jowa mong mukhang oso are paking?!"

"Minsan!"

Biglang tumigas yung fest ni Tita Cute Cute after niyang marinig yung sagot ng kanyang pamangkin na kuneho.

Your lola got Tyang smoking cigarettes, she's in stress baby.

🚬       🚬     🚬

Dun sa movie nina Maricel and Zsa Zsa, muntik muntikanan nang ma-shawarma ni Maria yung mudrabelles ni Krylle Padilla after nung last line. Let's hope and pray na hindi katayin ni Tita Cute Cute ang ating Lola Baechu.

"I want to know Joohyun...

"Tyang..."

"Once, twice, thrice... gaano kadalas ang minsan?"

"Tyang naman..."

"Alam mo ba kung ano ang ipinagako ko sa inyong ina bago sya mag-dissappear dito sa Earth?"

Tahimik lang na nakikinig si Baechu kay tyang.

Pagpapatuloy ni Tita Cute Cute, "ipinangako ko sa kanya na aalagaan ko kayong magkapatid. Ipinangako ko na palalakihin ko kayong disenteng mga babae. Walang bahid dungis!"

"Pero tyang nagmahal lang ako... masama po bang magmahal?"

Ah yes, ampowta makadrama ang lola nyo akala mo naman sya si Liza 'Pangit-ba-ako-Kapalit-palit-ba-ako' Soberano.

"Pero bakit mo isinuko kaagad ang Bataan Joohyuna?! Wh-why?!"

"Tyang, I got love, so I gave love."

"Tigilan mo ako bata ka! Broken bones you like?"

"Sorry na tyang..."

And in 3, 2, 1... Action!

"Ate Boa! Kung saan ka man naroroon, patawarin mo ako!" tangis ni Tita Cute Cute.

Nagkatinginan sina Yerimi at Joohyun matapos nilang marinig ang pangalan ng kanilang ina.

"Patawarin mo ako Ate Boa! Pinilit kong palakihin ng maayos ang mga baby mo to the best of my ability... huhuhu..."

"Ate Beh!!! I did my best... but I guess my best wasn't good enough."

"Tyang tahan na oh..."

Sinubukang patahanin ni Joohyun si Tita Cute Cute na kasalukuyang bising-bisi sa pag-wawalling. (meaning ng "walling": nagpapadausdos sa may pader habang nag-dradrama).

Halos 10 mins din nag-emote si Tyang.

Kumalma din naman sya eventually.

Matapos mahimasmasan ay iniayos nito ang sarili and out of the blue ay nag-announce ng emergency family meeting.

Nakow! Goodluck na lang talaga sa lola ninyo. 


"He-hello?"

Isang pupungas-pungas na babae ang biglang nag-appear dun sa Ipad ni tyang... it's Ate Fany yung jowa ni Tita Cute Cute.

"Paniya!"

"TeyTey... you do know that it's just 3 in the morning here in LA."

"Alam ko Paniya, kaya lang we got a situation here," sabay inginuso ni Tita Cute Cute yung dalawang lost na bata sa harapan niya.

"Yeri? Joohyun?"

"Hi Ate Fany." Bati nung magkapatid sa kanilang Ate Fany.

"Oh hi! Tey, can you please tell me what's going on?"

"What's going on? Isinuko lang naman nitong malandi kong pamangkin ang Bataan ng ganun-ganun lang dun sa jowa niyang mukhang teddy bear!"

"Huh?"

Inaantok pa ata si Fany My Love So Sweet kasi di nito kaagad na-gets yung mga kino-koda ni Tyang.

"What TeyTey? Can you say that again please."

"Etong gaga kong pamangkin nakipag-chorvahan sa jowa niya."

"O-kay... and?"

"Anong 'and' ka dyan?"

"And what?"

"Anong 'and what?!'"

"They had se.x TeyTey, so what's wrong about it?"

"Adik ka ba?!"

"What?!"

"Yung baby bunny natin na inalagaan at pinalaki natin ng ilang taon marunong nang makipag-chorvahan, that's whats wrong!"

"Taeyeon, Joohyun's old enough naman na, so I think its fine lang naman kung --- "

"No!" Putol ni Tita Cute Cute dun sa sinasabi ng kanyang Fany My Love So Sweet.

May diin at full of authority yung pagkakabigkas ni Tyang dun sa "no" na kahit million miles away ang L.A. sa Tondo ay damang dama ni Tiffany yung intensity nung salita ng kanyang TeyTey.

"No Fany..."

Oh goodness, here we go.

Are you ready for this?

Cue in the music.

"It's not fine... ine... ine... It's. Not. Fine."

"Tey can you just give me a minute to talk to Joohyun."

"Pero Paniya ---"

"Sige na baby sandali lang to promise, I just want to ask Joohyun a few questions."

And since super wep wep din si Tyang when it comes to Fany My Love So Sweet, wala na itong nagawa kundi ang sumunod sa request ng kanyang Sweety.

📞      📞     📞

"So Joohyun, you and Seulgi huh."

"Ate Fany..."

"You love her naman no?"

"Oo naman Ate Fany, with all my heart.

"And she loves you?"

"Sureness, naman!"

"Di ka naman nya pinilit? What I mean is di naman nya sinabi that you need to do 'it' in order to prove to her how much you love her?"

"Of course not Ate Fany! Seulgi is not like that."

Nakowwww, kung alam lang ni Ate Fany My Love So Sweet... its actually the other way around.

"Okay, okay I just wanted to clear some things no... So what do we do now? Mainit ang ulo ng Tyang mo ngayon."

"Pano nga ba Ate Fany?"
 
"Nakausap ko na si Joohyun TeyTey. Well there is nothing we can do about it, and I don't think it is necessary to punish her for something that she did out love."

"But Paniya..."

"Baby tapos na, nangyari na yung mga nangyari ganun talaga. Nung bago-bago nga rin tayo we also did things that only married couples do. " Sabay kinindatan pa ni Ate Fany si Tita Cute Cute, kaya naman si Tyang medyo nawalan na ng energy para kumontra.

"Fine!" Ang tangi na lang nasabi ni Tyang.

"Fine?"

"Fine. Palalagpasin ko itong kagagahan mong ito Joohyuna pero may mga kondisyones ako."

Napatingin bigla si Irene sa kanyang abogado. She is looking at her Ate Fany as if asking her if it is okay/safe to say yes dun sa mga conditions ni Tita Cute Cute. Tumango-tango naman si Ate Fany.

"Fine Tyang."

"Sandali may kukunin lang ako sa kuwarto."

Napalunok naman bigla si Baechu sa kanyang narinig, "punyeta mukhang seryoso talaga si Tyang sa kanyang mga kondisyones ah."

Makalipas ang ilang saglit ay lumabas si Tita Cute Cute mula sa kanyang kuwarto bitbit ang isang picture frame.

Sinetch yung nasa picture frame?

Well, its none other than Mama Boa.

"Now I want you, pati na rin ikaw Yerimi to make a promise in front of your mother na wala muna sa inyong makikipag-chorva hangga't hindi pa nakakasal. So from now on wala na munang over night at out-of-town trips anywhere. Tuwing weekends, I want you both here in Tondo. Meron na rin akong i-implement na 12 midnight curfew. And last but not the least, kapag mag-dadate kayo kailangan magpapaalam na muna kayo sa akin and you will have to tell me where and up to what time ang date. "

"What?!" Napasigaw nang di oras si Yerimi. Nauna pa itong mag-react kaysa sa Lola Baechu nyo, kaya naman na-divert yung attensyon ni Tyang mula dun sa nag-haHANG ang diwa na kuneho patungo dun sa stress na stress na Tyanak on the side.

"Yes Yerimi? May gusto ka bang sabihin?" Nakataas ang kilay na tanong ni Tita Cute Cute.

"No-nothing... Tyang... Nagulat lang ako ng slight, I'm okay."

"Good."

"Wait TeyTey. Are you being serious right now?"

"Yes Fany, seryoso ako."

"Pero baby that's too much naman. If we are talking about Yeri of course I would agree with you, but how about Joohyun? I think she is mature and responsible enough naman na."

"What?!" It's the Tyanak once again.

"Ano na naman ang problema mo bata ka?" Slightly irritated na tanong ni Tita Cute Cute kay Yerimi.

"Wa-wala Tyang may nakita lang akong ipis kanina kaya napasigaw ako." Palusot nung Tyanak.

At dahil kasalukuyang busy si Tyang sa "peace" talks hindi na niya masyadong pinansin yung sagot ni Yeri.

"So what are you suggesting Paniya?"

"Im suggesting na sana medyo maging lenient ka naman nang konti sa mga bata."

"Oo nga Tyang." As usual it's the Tyanak who is first to react.

Tiningnan lang nang masama ni Tyang yung nakababata then she focused to her Fany My Love So Sweet once again.

"How lenient Paniya?"

"Like dun sa out of town at overnight, maybe you can allow them go naman basta kasama ka."

"WHAT?!!!"

Nope it's not the Tyanak, it's actually your lola who reacted.

Of course di papayag si Baechu sa ganung set up kasi syempre, sa out of town trips at overnight kadalasan umiiscore at nakakadamoves yung kuneho kay Bebiber.

Pano na lang i-eexecute ng granny ninyo ang kanyang mga evil plans kung may balakid?

"May problema ba Joohyun?"

Gustuhin mang kumontra ng lola nyo, hindi nya magawa. Afraid syang baka ihampas sa kanya ni Tyang yung framed picture ni Mama Boa.

"No-nothing Tyang."

"Okay sa akin yung sinuggest mo Paniya. So kayong dalawa you will have to tell me kapag may mga lakad kayong out of town or overnight. Tell me ahead of time para makapag-prepare at empake agad ako. At yung itinerary dapat alam ko din. Intiendes?"

Nagkatinginan bigla yung magkapatid.

"Sagot!"

"Opo, yes tyang." Magkasabay na sagot nung mga alaga ni Tita Cute Cute.

"At sya nga pala TeyTey."

"Oh Paniya?"

"About sa dates, weekends in Tondo at curfew."

"What about them Paniya?"

"Baka naman pwede nating i-modify yung mga conditions mo."

"Like how?"

"Let them date freely as long as magpapaalam sila ng maayos."

"Fine," bumalik na naman yung attensyon ni Tyang dun sa mga pamangkin niya, "kayong dalawa pwede kayong makipag-date pero sisiguraduhin ninyo na magpapaalam kayo at least 3 hours before your date. Naiintindian nyo ba?"

Again nagkatinginan na naman yung magkapatid.

"Sagot!"

"Tyang yes tyang!"

"Good. And one more thing, I want hourly updates about your date. I want pictures and proof na rated PG pa rin yung mga dates ninyo."

Syempre aalma si Baechu sa kondisyones ni Tyang.

Kasi lugi negosyo na nga ang lola nyo dun sa overnight at out of town chenes, pati ba naman sa regular dates niya with Bebiber maagrabyado din sya.

No no no no no... kennot be, borrow one from one... Paano na yung naudlot na "ganap in the car" na hanggang ngayon ay nasa bucketlist pa rin ni Irenea? Paano na mga bes?

"But Tyang..."

"Anong 'but' ka dyan Joohyuna?"

"Baka naman pwede Tyang --" di na natapos ni Baechu ang kanyang sinasabi kasi naunahan na sya nang kadramahan ni Tyang.

"Ate Beh!!! Ang baby mo Ate Beh, marunong nang mangatwiran... Ibinigay ko lahat Ate Beh! Lahat lahat... pati yung kanin na isusubo ko ibinigay ko sa kanya para lang masigurado na lumaki syang masigla at malusog. Halos di na ako natutulog para lang maitaguyod ko ang kanyang pag-aaral tapos ngayon ito ang igaganti niya sa akin. Ate Beh! Saan ako na nagkamali?"

"Okay okay Tyang. Fine! Okay na ako dun sa kondisyon mo. Okay na, so please Tyang tigilan nyo na ang pagdradrama sa harap ng picture ni inay."

"Pwomise?"

"Yes Tyang promise."

"Mangako ka sa harap ni Ate Boa."

"Eh?"

"Mag-promise ka sa harap ng nanay mo that you will stay true to your promise."

Kahit na na-kokornihan ang Lola nyo sa pinagagawa ni tyang sumunod na lang si Baechu para matapos na.

"Fine. Inay ipinapangako ko na susundin ko ang lahat ng kondisyones ni Tyang. I promise na magpapaalam muna ako kay Tyang everytime na may date ako, at sa tuwing mag-oout of town or overnight ako with Seulgi. Ano tyang pwede na ba yon?"

"Pwede na, you just forgot one more thing."

"Ano po yun?"

"Yung wala munang chorva hanggat di pa kayo kasal nung jowa mong oso."

"Ah yun pa nga pala... Nay I also promise na di na muna ako maki--- " biglang natigilan ang lola nyo.

Wait wait wait wait wayt!!!

Nakalimutan ni Ate Fany i-negotiate kay Tyang yung about dun sa chorva.

"Hoy Joohyuna! Ba't bigla kang natigilan?"

"Ha eh Tyang..."

"Daliaan mo para matapos na natin itong family meeting at para makapag-pahinga na ulit ang Ate Fany mo."

Wala, no choice na ang lola nyo kundi ituloy ang kanyang panata sa harap ni Mama Boa.

"Nay... I promise na... wala munang chorva... for now."

Hay naku more power na lang talaga sa lola nyo at sa kanyang sinumpaang tungkulin sa harap ni Mama Beh.

Ilang araw sa tingin ninyo tatagal si Baechu ng walang chorva?
  
Tagtuyot na ba ang Angat Dam ng Lola nyo?
 
Ate Regine, anong masasabi mo?
 
 

#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt
Flashback chapter sa simula ng love story nina Bebiber at Bebibani. Nung panahon na inosente pa ang kuneho. Nung panahon na binubuo na ni Baechu ang "future" nila nung oso. Ang kaso lang matindi ang karibal ni bakla... ang the one and only Asia's Phoenix lang naman, Mori!

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]