FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 35: Akin Ka Na Lang

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 35: Akin Ka Na Lang
"Kasi I have plans. I have dreams. I have great dreams. I dream a dream that never dies. Kahit ano ibibigay ko! Kahit ano! Kahit virginity ko!"
Angel Locsin as Jaica, from the movie 'Everything About Her (2016)' 

Special Chapter - Flashback Bebibani and Bebiber's Love Story Beginning

📅 DAY 1 (Saturday - First Meeting)

Moments after nung blind date nung oso at kuneho (from Chapter 1 and Chapter 3).

"It was nice meeting you Joohyun. Are you sure you do not want to take home few slices of carrot cake with you? Para may midnight snack ka later."

Pwede ikaw na lang ang i-take home ko Seulgi?
(Inner thoughts ng Lola Baechu nyo)

Naku sinasabi ko na nga ba eh... sa simula't simula pa lang may pagnanasa na ang lola nyo kay Bebiber.

"No, Seulgi okay lang, di rin naman ako mahilig kumain sa gabi."

Hmmm... chumacharot lang ang lola nyo sa kanyang new found crush, syempre papabebe si bakla.

Inihatid ni Seulgi ang lola nyo sa kanyang boarding house.

Walang masyadong napagkuwentuhan si Joohyun at si New Found Crush sa loob ng kotse kasi saktong walang traffic so saglit lang yung biyahe.

Nung pumarada na yung sasakyan sa tapat ng bahay nina Baechu ay di agad bumaba si Joohyun... abangers ang lola nyo sa kung anong plano ni Seulgi para sa kanilang "second date" (sayang walang gamot ang RiteMed sa mga assumera).

"So Joohyun... uhmm... again it's really nice meeting you. Good night."

Huh? Whut?! Yun na yun?

"Nice to meet you. Good night."

Yun na yun Seulgi?
Di mo man lang ba kukunin ang number ko?

(Panic mode ang lola nyo deep inside.)

"Uhmm... Seulgi, di mo man lang ba --"

"Ah oo nga pala, wait..." Putol ni Seulgi dun sa sinasabi ng lola nyo.

Bumaba ng kotse si Seulgi para pagbuksan ng pinto si Joohyun. Kinilig naman yung pempem ng lola nyo sa gestures ni New Found Crush.

Pagkababa ng kotse ay 'abangers mode' na naman ang lola nyo... pero mukha talagang mabobokya si Baechu tonight.

Ngumiti si Seulgi sabay sabi sa lola nyo nang, "so... night Joohyun" sabay lakad pabalik na sa kotse.

Hala, na-hurt yung pride ng lola nyo. For the first time in her 26 years of existence ngayon lang sya nakipag-date na yung ka-date nya ay parang wala nang interest na kitain sya after.

She's getting away Joohyuna. Think Joohyun, think!

(Panic mode na si bakla)

"Uhmm... Seulgi." Habol ng lola nyo kay New Found Crush.

"Yes, Joohyun."

Leche! Wala na munang pride pride!

"Uhmm... Seulgi, can I have your phone number?"

Inabot ng mga 3 seconds bago nakasagot si New Found Crush.

"Hehe sorry, wala akong phone." Sagot ni Seulgi sabay pakawala ng makalaglag panty na eye-smile.

Tameme ang lola nyo, kaya "okay bye then" na lang ang naisagot ni Irenea.

Five minutes after your granny realized something...

Teka punyeta!
Walang phone?
Walang phone?!!!
May kotse at driver siya pero pambili ng cellphone wala?!
Humanda ka sa akin Seulgi.
You can run... but you cannot hide! 
At kapag talaga naabutan kita, sisiguraduhin kong magiging akin ka.

And find Seulgi is what your lola did.

📅 DAY 2 (Sunday)

"Uhmm Ate... may problema ba?"

It's the Tyanak.

"Huh? Problema? Bakit?"

"Wala lang kasi kanina mo pa tinititigan yung phone mo. May hinihintay ka bang importanteng tawag?"

Oo nga naman. Kahit naman siguro sino magtataka kasi kanina pa nikikipag eye-to-screen contact ang lola nyo sa kanyang phone.

"Wala. Ba't ba nangingielam ka?! Wag mo nga akong guluhin! Layas! Tsupi!"

"Sungit!"

"Panget!"

As usual nagsimula na namang magbangayan yung magkapatid.

Habang busy ang lola nyo sa pag-koda ay biglang tumunog ang kanyang phone.

May text ang granny ninyo.

Nadinig din ni Yeri yung text notification, at dahil na-ON bigla yung satanic mode nung tyanak dahil sa pagsusungit ng lola nyo ay may naisip itong kagagahan.

Nung sinimulan nang basahin nang kanyang ate yung text message ay sabay hinablot niya yung phone nito.

Mabilis na binasa nung kampon ni satana... yung text ng Lola Baechu nyo.

"Sino tong ka-text mo ate?"

"Bago kong officemate! Balik mo na nga sa akin yung phone ko!"

"Eh bakit na 'Who u' ka? "

"Leche! Paki mo!"

"Kung na 'who u' ka... ibig sabihin ikaw ang unang nag-text."

"Isa! Yerimi!"

"So... ibig sabihin..."

"Dalawa!"

"Uyyyy... ang ate lumalandi na." Tuloy-tuloy na pambubuset nung tyanak kay Baechu.

"Impakta ka talaga!"

"Sino nga itong textmate mo ate?"

"It's Seulgi okay! Oh ano masaya ka na?!"

"Seulgi... as in yung cousin ni Joyie Seulgi?"

Medyo na-gegets na ni Yeri kung anu yung prob ng kanyang ate. "Pero bakit ka na 'Who u' ni Ate Seulgi eh parang kahapon lang magka-date kayo? Don't tell me nakalimutan ka na nya agad?"

"Hindi naman siguro."

"Eh ano ba naman kasi sinabi mo? Nagpakilala ka ba? Pakita nga nung tinext mo ate."

Since mukha namang mula sa puso yung concern na ipinapakita nung tyanak ay nagpaubaya na lang rin ang lola nyo at pinakita yung message na una niyang pinadala kay New Found Crush.

"Seryoso ate?"

"What?!"

"Nag-Hi ka lang talaga? Di ka man lang nagpakilala?"

May point nga naman yung tyanak, ka-who u who u nga naman yung opening salvo ng lola nyo.

"Eh kasi... "

"Hay naku amina na nga yung phone mo ate, ako nang mag-rereply. Baka mamaya ano pang masabi mo at i-block nang di oras ni Ate Seulgi yung number mo."

Oo nga naman... di na kumontra ang lola nyo at walang ka-koda koda na iniaabot nito ang kanyang phone sa kanyang kapatid.

After 5 minutes ay ibinalik ni Yeri yung phone ng kanyang Ate Joohyun.

"Oh ano?"

"Kita daw kayo ni 'New Found Crush' ng 7pm sa Greenbelt."

"Huh?" Nag-hahang na naman ang system ng lola nyo.

"Dinner tomorrow with Ate Seulgi. 7pm. Greenbelt. Don't forget ate."

"Ha? Paanong? Anong..."

"You're welcome ate." Sabay layas nung tyanak.

'Yun oh!

May booking ang grandmama ninyo with New Found Crush bukas.

Dreams do come true mga bes!

Eto na ang simula ng "Operation: Make You Mine" ng lola nyo.

 
 📅 DAY 3 (Monday - Dinner Date)

Lipstick, check
High heels, check
Hairtyle style, check
Check, check, check...
 
Pasok na pasok sa banga ang appearance ng granny nyo tonight.

Syempre nag-eeffort ang lola nyo at usapang "FUTURE" na ang labanan no.

Kumbinsido na talaga si Baechu na si Seulgi na nga ang kanyang the one and only, "Twin Flame" (like a soulmate pero mas intense at deeper yung connection - Chapter 1 ).

Ibibigay ng lola nyo ang lahat just so she can make Seulgi realize that they are meant for each other, lahat lahat... pati yung matagal na niyang prinepreserve na... you know (wink), she will give it to Seulgi wholeheartedly.

"Seulgi say ah..."

Nag-ah naman si New Found Crush, sabay isinubo ng lola nyo yung tinidorful of pasta dun sa nagaabang na oso.

"Wait Seulgi, may sauce ka sa..." Sabay turo ng lola nyo dun sa may bandang baba ni Seulgi.

"Hmm?" Clueless si Seulgi kung ano ba yung sinasabi ng lola nyo.

"Don't move, ako nang mag-pupunas."

Wuchuchu ang granny ninyo lakas maka-hokage moves. Kasi naman yung sauce nasa may bandang baba pero yung punas ng lola nyo umabot sa corner ng lips ni Seulgi.

"Ayan, okay na."

"Thanks." At pinakawalan na naman ni New Found Crush ang kanyang deadly eye smile, kaya yung puso ng lola nyo nag-cicirque de soleil na sa kanyang chest.

Ang cute mo talaga Seulgi. Mukha kang teddy bear.

"Why are you smiling?"

"Hmm?"

"You're smiling. Why?"

"Nothing, may naalala lang akong nakakatawang joke kanina sa office."

"Can you tell what the joke is?"

"Ayaw. It's a secret."

"Aww..." Sabay nag-pout si Seulgi na ikinakilig na naman ng lola nyo.

Tigilan mo nga yang pagpapa-cute mo oso ka. 
Halikan kita dyan makita mo.
(Landi talaga ng lola nyo buset.)

🐻     🐻     🐻

For the second time ay nakasakay na naman ang Lola Baechu ninyo sa loob ng kotse ni Seulgi. As usual hatid sa bahay ni lola.

Napansin ni Baechu yung song na nagpaplay sa radio.

Akin ka na lang
Akin ka na lang
Ang dinadasal sa araw-araw


"Favorite mo yung song no?"

"Hmm?"

"Yung song kako favorite mo? Kasi last time na inihatid mo ako yan din yung song na pinapatugtugtog mo."

"Ah... yun oo."

"So gusto mo si Morisette Amon?"

"No, I don't like Morisette... I love her."

Hala patay kang oso ka!

Love? You love her... Eh ako? Ano ako sa iyo?

Nakanam... ayan na nag-drama na naman ang lola nyo.

"You love her?"

"Super love! I'm a big fan kasi sobrang galing niyang kumanta. And when she does this whistle thingy, gosh lakas maka-inlove."

May chinechenes ang lola nyo...

Kapag ba kumanta ako katulad ni Morisette will you also fall in love with me Seulgi?

(Wish lang ni Baechu)

 
📅 Day 4 (Tuesday)

Akin ka na lang

Ang dinadasal sa araw-araw

Akin ka na lang

At maghihintay hanggang akin ka na
Giliw...


Sumasakit na yung ears nina Amber at Solar sa kanta. Paano ba naman kasi naka-on repeat yung song magmula pa kaninang umaga.

"Hoy Irene ano ba?! Kanina pa paulit-ulit yung kanta ni Morisette. Baka pwede naman mag-move na tayo? Ibang song naman, pwede?"

"Sabihin mo sa akin Solar. Sinong mas maganda, ako o si Morisette?"

"Huh? What?!"

"Mas maganda naman akong di hamak dun di ba? Anung laban nung bakla na yun na puro panga sa tulad ko na mukhang dyosa?"

"Yes bes, bilib din naman ako sa level of confidence mo."

"Kasi naman eh...

"Ano bang problema mo kasi teh?"

"Si Seulgi."

"Si Seulgi, yung kinukuwento mo na ka-blind date mo nung weekend?" It's Amber, syempre oras ng chismax so nakikisawsaw si bakla.

"Oo."

"Oh anung meron ngayon dun sa sinasabi mong crush mo?"

"May love na syang iba."

"What?!" Sabay na sigaw nung dalawang chismosang officemate ng lola nyo.

"Sabi nya, love daw niya si Morisette."

"What?! They are dating!"

"No, they are not dating. Sabi kasi ni Seulgi she super love her at that she is a big fan."

Tinitigan ni Solar si Amber, she didn't say a thing pero yung looks nya parang gusto niyang sabihin kay Amber na "pigilan mo ako at baka makrompal ko from left to right, then back to the left itong si bes."

At para nga di na tuluyang masampal ni Solar si bes ay sinumulang nang pakalmahin ni Amber ang lola nyo.

"Eh she loves her as a fan naman pala Irene so nothing to worry about. And of course, you are prettier than her so mas may laban ka dun."

"Talaga?"

"Oo naman."

Hay naku buti na lang at kahit paminsan minsan ay may sense ang mga sinasabi ni Amber.

"Love mo na nga talaga yung Seulgi no?" It's Solar na.

"Oo naman."

"Gaano mo ka-love?"

"Super love. As in kapag sinabi niyang, buka! Bubuka ako."

"Watda?! Ano ka ba Irene yung bunganga mo."

"Eh yun naman talaga ang nasa puso't damdamin ko. I have a strong feeling na sya na yung 'Forever' ko so kung she will ask me to do it with her, ay go na ako."

"Hmmm mukhang ang lakas talaga nang tama mo dun kay Seulgi. Kasi dati kapag tinatanong ka namin ni Solar kung bet mo yung isang tao, yung sagot mo palagi 'ewww sayang ang first kiss'. Pero now, pati yung 'first chenes' mo ibibigay mo dun sa new found crush mo."

"I really do."

Hay naku ano nga kayang maganda magawa sa lola ninyo na super inlababo dun sa oso?


📅 Day 5 (Wednesday - The Accidental Lunch)

Sabi nga sa kanta ni Imelda Papin...

Miyerkules
Nagtapat Ka Ng Yong Pag-Ibig
Huwebes
Ay Inibig Din Kita
Biyernes...
alam na this.

Two more days, all your lola need to do is hold on for two more days at ma-aachive na niya ang kanyang pinapangarap na ganap.

Rekta na no... ba't pa patatagalin ng lola nyo eh super convinced na sya na yung oso na yung ka-forever nya.

So konting kembot pa at magkaka-jowa with chorva on the side na ang lola nyo... dasal dasal lang talaga mga beshie.

"Joohyun?"

"Oh hey Seulgi."

"It's really you. What are you doing here?"

"Uhmm lunch break ko, and since nakakasawa na yung pagkain sa office naisipan kong magikot-ikot sandali dito sa mall."

Charot!

Maniwala naman kayong may kinalaman si Serendipity sa pagtatagpo by chance ng lola nyo at ni Seulgi.

Kung malalaman lang nung oso na kung ano-anong panlilinlang ang ginawa ni Baechu just to have a longer lunch break so she could 'accidentally' meet Seulgi.

"How about you Seulgi, what are you doing here?"

"Ah me? Im meeting Joy for lunch, kaya lang wala pa sya."

"Ah ganun ba. Sige I'l go ahead na baka naabala na kita." Syempre char lang ng lola nyo yun, kasi deep inside...

Punyeta! Sana mag-work itong plano ko...

"Ah Joohyun wait!"

Lumingon in slow motion ang lola nyo sabay sabi ng, "Yes Seulgi."

"Do you want to have lunch with me? Kasi nag-text si Joy, sabi nya di na raw sya makakapunta."

Of course may kinalaman ang lola nyo sa di pagsulpot kunwari ni Joy for lunch. Its all part of the plan.

"Are you sure Seulgi?"

Papakipot pa ang lola nyo, syempre ayaw magpahalata ni bakla.

"Oo naman. Where do you want to eat?"

Again without fail nag-appear na naman yung super adorbs na eye smile nung oso. So nanganganib na naman yung garter ng panty ng lola nyo.


📅 Day 5 (Wednesday - Evening)

Alam nyo yung feeling na namimiss mo na kaagad yung isang tao kahit na kakakita mo lang sa kanya?

Yun ang na-fefeel ni Joohyun ngayon.

Kahit na halos 2 oras tumagal yung lunch ng lola nyo with Seulgi, feeling ng granny ninyo kulang na kulang pa rin iyon.

Di na talaga nakatiis ang lola nyo kaya naman tinext na niya si Seulgi and asked her if she could meet her for coffee kahit sandali lang. At dahil mabait yung oso, nag-yes kaagad ito.

Bago pa pumasok ng coffee shop ay determined na talaga ang lola nyo na i-secure ang future nya with Seulgi.

Medyo mahaba yung speech na diniliver ng lola nyo kay Seulgi. Pero hindi na masyadong mahalaga yun, ang winner ay yung sagot nung oso...

"Uhmm... Joohyun, thank you for liking me. Pero I'm sorry di pa ako ready na makipag-relasyon ulit. Can we stay as friends na lang muna?"

Boom!

Dinaig pa ni Imelda Papin ang Lola Baechu nyo.

Kasi buti pa si Lola Imelda may "Isang Linggong Pag-ibig" eh si Baechu... five days lang gumuhong parang sand castle ang mga binuo nitong pangarap with Seulgi.

Di man lang umabot ang love story ng lola nyo ng F.ckday este ng Friday.

Asan na nga ba si Morisette?

Kanta na ateng...

Akin ka na lang
Akin ka na lang
At maghihintay hanggang akin ka na
Giliw
 

💔     💔     💔  
 
Days After Ma-Friend Zoned ang Lola Nyo

Broken hearted ang granny ninyo.

Bakit hindi mo maramdaman
Ikaw sa akin ay mahalaga


It hurts you know. Umasa ang lola nyo eh... umasa si bakla na may something more sa mga eye smiles nung oso. She thought there's something more.

Ako sayo’y kaibigan lamang
Pano nga bat di ko matanggap


Punyeta sya!

Hindi ko kailangan yung friendship nya, marami na akong friends!
Ang kailangan ko ka-chorva!
At ako pa bay iibigin pa
Ang dinadasal makikiusap na lang


Leche!
Kung di rin lang pala magiging kami edi sana kahit first kiss man lang pina-experience niya man lang sa akin.
Busetttt!
You see, you see...

Ilang araw din nag jemote ang lola nyo.

Then one day naka-received ng text ang lola nyo mula kay Seulgi.

One text.

Isang text lang mula kay Seulgi at gone with the wind na ang lahat ng sakit na nadama ng lola nyo matapos syang sabihan ni Seulgi na hanggang friends lang muna sila.

All Seulgi had to do was send Joohyun a text para makalimutan ni Baechu yung dahilan nung kanyang jini-jemote nitong nakalipas na mga araw.

Nang dahil sa isang text ay na-resume yung "Operation: Make You Mine" ng lola nyo and this time sinisigurado nung kuneho na magiging kanya na yung oso.

Willing to wait ang peg ng lola nyo.

Kung friendship lang ang kayang i-offer ni Seulgi for now, eh mainam na iyon kaysa sa wala.

Ano nga ba ulit ang sabi dun sa walang walang kamatayang song ni Morisette...

Ang dinadasal sa araw-araw...
At maghihintay hanggang akin ka na
Giliw


Kung dasal at dasal rin lang ang pag-uusapan eh kung kinakailangang paluhod na tunguhin ni Baechu ang altar sa Sto. Domingo Church she will do it.

"Ate Sunny, pwede ba akong mag-undertime sa Wednesday, Thursday at Friday?"

"Wait. What?! Te muna last week sabi mo mag-uundertime ka ng Miyerkules kasi magsisimba ka kamo sa Baclaran. Tapos nung Biyernes ay sabi mo kay Nazareno ka naman mananalangin. Eh ba't ngayon pati Huwebes ay nakasama na sa schedule mo? Anung meron Joohyuna?"

"Novena po kay St. Jude."

"So sa Mendiola ka naman chachanel? Fine. Just make sure tapos mo na lahat ng trabaho mo bago ka lumayas."

"Yes Ate Sunny. Thank you."

And with that ay nag-bobounce bounce na lumabas yung kuneho mula sa office ni Boss Sunny.

Biglang may na-realize si Ate Sunny, "wait... St. Jude? Hindi ba patron saint ng desperate cases si St. Jude?"

Yes, desperada na kung desperada!

Mahigpit na talaga ang pangangailangan ng lola nyo.

Kung may kakakilala nga lang na babaylan ang granny ninyo eh baka pati sa mga anito sa kabundukan ay nagpa-special prayer intention ang lola nyo.

"Joohyuna! Come to my office now."

It's Boss Sunny.

Tawag sa office ang lola nyo, hala bakit kaya...

"Bakit po ate Sunny?"

"Kamusta na kayo ni Seulgi?"

"Okay naman po."

"So ano kayo friends? Best of friends? More than friends? Circle of friends? Anong klaseng friends?"

"Basta friends Ate Sunny."

"Hay naku Joohyuna! Ano na lang silbi ng ganda mo bata ka?! Hanap ka na lang kaya ng iba?"

"Hing... ayaw Ate Sunny. Kay Seulgi lang ako forever."

"Fore-forever ka dyan eh ni hindi mo nga alam kung may chance pang lumevel up yang relasyon mo dun sa jowa-jowaan mo."

"I love her Ate Sunny."

"Hay naku sumpaing love yan! Oh eto..." Sabay may iniabot na isang envelop si Boss Sunny sa lola nyo.

"Ano to Ate Sunny?"

"Pasalamat ka talagang bata ka, love na love ka namin ng tyang mo."

Sinilip ni Baechu yung laman nung envelop.

"Ate Sunny..."

"Pati kami nadadamay dyan sa kagagahan mo."

"Thank you Ate Sunny."

"O sige na lumayas ka na sa harapan ko. Siguraduhin mo lang na next time na makikita kita ay may jowa ka na."

Ano ang laman nung envelop na iniabot ni Boss Sunny sa lola nyo?

Concert tickets.

Kaninong concert?

Kay Morisette Amon.

Ilang tickets ang ibinigay ni Boss Sunny?

Dalawa.

Sa tingin nyo sinong isasama ng lola sa concert?

Of course, sino pa ba...



🐰     🐰     🐰

"Seulgi punta lang ako ng comfort room ha."

"Okay."

Ilang saglit ang lumipas mula nung nagpunta ng CR ang lola nyo ay muli nang nagdilim ang paligid. Hudyat na mag-start na yung encore part nung concert. Pero si Irenea di pa rin bumabalik sa kanyang upuan.

At dahil Seulgi is having the time of her life kasi syempre nasa harap nya si super idol, saglit na nakalimutan nung oso na wala pa pala sa tabi nya ang kanyang "date" for the night.

"Again good evening po sa inyong lahat," si Ateng Morisette yung nagsasalita, "kani-kanina lang po sa backstage ay may lumapit sa akin na fan. Nakiusap si Ate Ganda na kung pwede daw bang i-dedicate ko yung susunod na kanta para sa kanyang soon to be girlfriend na si Seulgi (told ya walang gamot ang RiteMed para sa mga assumera)."

Biglang natigilan yung oso nung madinig niya yung pangalan niya.

Nag-ooverload yung utak ni Seulgi, di nya alam kung ano ang una niyang i-proprocess.

One, na-public service announcement yung name nya at si super idol pa talaga ang nag-mention nito.

Two, "soon-to-be-girlfriend" daw... wait, what?

Three, yung fan na binabanggit ni super idol, is it Joohyun?

"Pinasasabi ni Ate Ganda na wait... asan na nga ba yung note na iniabot ni Ate... here, basahin ko na lang... 'if its time that you need, I would gladly give it to you. I'm just right here.' So to Seulgi para sa iyo ang kanta na ito."

Uwian na mga bes, may nanalo na.

Ang haba ng fur nung oso.


Oh... Akala nyo "Akin Ka Na Lang" yung song no... well you are so so wrong...

At sa paningin pag ikaw ay wala
Sa isip ay laging nag aalala
Labis ang tuwa pag narito ka
Ikaw na ba?
Ikaw na ba?


Si Seulgi na nga.

Ang twin flame ng lola nyo.

The one who completed Baechu.

Sa 'yong tabi ang puso'y 'di mapakali
Ngunit 'di mapaliwanag
'di mapaliwanag


Naramdaman ni Seulgi na may humawak sa kanyang kaliwang kamay. Nalipat yung tingin nung oso mula kay super idol patungo sa super fluffy na bunny sa kanyang tabi.

Pag-ibig sa iyo'y tumitindi
Ngunit 'di mapaliwanag
'di mapaliwanag


"It's you, isn't it?"

Tanong ni Seulgi kay Joohyun.

Tumango-tango lang ang lola nyo.

Ilang ulit nang sinubukan
Pag-ibig ba'y sadyang kay hirap maintindihan?
At giliw sana'y ingatan ang pagmamahal
At 'wag masayang pag-ibig na nilalaan

"Why did you do that Joohyun?"

"I just want to let you know what I feel."

"You no longer need to wait Joohyun kasi..."

"I love you Seulgi."

Di naman masyadong atat ang lola nyo no? Di pa kaya tapos magsalita yung oso... kung maka-I love you si bakla parang may nag-aabang na taxi sa labas.

Natawa naman si Seulgi sa sudden confession ng granny ninyo.

"Joohyun, can you -- "

"Yes!"

Watda?! Di naman talaga nagmamadali ang lola nyo no?

What if... what if... can you be my friend forever pala yun? Edi naloko na...

"Yes?"

"Oo yes."

"Sure ka Joohyun?"

Leche ayan na biglang kinabahan ang lola nyo... pwede pa kayang bawiin yung 'yes' if ever?

"Uhmmm..."

"Tayo na Joohyun."

Nakanampowts! Yun oh! Sabi na nga ba eh... basta may tyaga, may jowa.

"Talaga Seulgi?!"

"Oo, tayo na... kasi tapos na yung concert."

"Huh?"

"Tayo na tayo para makalabas na tayo kaagad, kasi im sure maya-maya siksikan na sa exit."

Punyeta! 'Tayo na' meaning to 'stand up'!


💔     💔     💔   
 
"Did you really mean what you said?"

Naglalakad papuntang parking sina Seulgi at ang lola nyo nung maalala nung oso yung mga sinabi ng granny ninyo kanina.

"Huh?"

"Yung message mo kanina sa concert, did you really mean it?"

"Oo naman. I will wait Seulgi. I will wait until -- "

Di na nasundan yung "until" ng lola nyo kasi naman kasi... ahihihi... na-true-loves-kiss na sya nung oso. ❤️

Dampi lang yung halik pero yung feeling ng lola nyo parang tumama sa jueteng.

Paki nyo!

First kiss ng lola nyo kaya yun... wag nga kayong urat!

"Thanks for taking me out on a date Joohyun."

"I love you Seulgi." ❤️

Natawa na naman si Seulgi.

Ba't ba pag nag-aalabyu ang lola nyo natatawa yung oso.

"Alam mo twice mo na akong sinasabihan ng 'I love you' tonight."

"Because I really do."

"So, pwede ako naman?"

"Huh?"

"Pwedeng ako naman ang magsabi ng 'I love you'?" ❤️

Wala pa bes, di pa official na 'I love you' yun. Huwag ka na munang kiligin.

"Ikaw."

Leche! Ang landi ng lola nyo.

"Joohyun, I --"

Di na natapos ni Seulgi yung sinasabi nya, kasi ang lola nyo kasalukuyang busy na sa kanyang second, third and fourth kiss.

Twenty five years.

Twenty five years na naghintay ang lola nyo, kaya pagbigyan nyo na.


"I know Bebiber... I know." 

 ❤️     ❤️     ❤️

 
#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt
 
Isang gabing puno ng pait at Adele. It's sing your heartbreak out night, tonight. Sino kaya ang maguuwi ng tropeo sa Tawag ng Nasaktan, este ng Tanghalan?

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]