FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 47: Joohyun vs Joohyun

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 47: Joohyun vs Joohyun
"Sorry, Mr. President, but this Office shall not be intimidated." 
Ombudsman Conchita Carpio-Morales' answer to PDutz's threats of having her Office investigated. 



"GET OUT!!!"


"Please let me just--"

PAK! PAK! Then another... PAK!

Hala ka anu yun?

May hidden Gashina pala itong si Big Boss, di tayo informed.

Kahit ang lola nyo shockeeeedt.

That was the first time na nakita ni Baechu si Seohyun na magalit nang bongga. Kulang na nga lang lamunin nya nang buhay si Seulgi.

At yung sampal, may stunning effect ata kasi yung oso halos di kumikilos mula sa kanyang puwesto. She just kept her head down tapos nag-mumumble lang ito ng mahinang  "sorry... sorry... sorry."

Everyone saw yung sampalan scene, Tyang, Ate Sunny, Yeri and Joy. Pati sina Amber, Solar, Moonbyul at Krystal na kakapasok lang sa restaurant ng hotel na-witness din yung nangyari.
 
 https://c.lazada.com.ph/t/c.Y1yK

Pre-sampal, yung eksenahan was between Seulgi and Seohyun.

Post-sampal,  the scene now involves Seulgi, Irene, Seohyun and Yoona. Ang lola nyo kasi as a reflex kanina ay napatalon sa harap ni Bebiber. Habang si Yoona naman ay nakaalalay sa likod nung much taller na Joohyun, so yun ang naging positioning nila.

"Get out from my sight! Kung ayaw mong malaman ng lahat who you really are!"

"Hyunnie, calm down." That was Yoona.

"How can I?!" Sigaw ni Big Boss.

"Hyunnie, please not here."

"I want her out Yoona! I want here out!"

"Okay okay Hyun, she's going na... she's--"

"Wait ano bang kaguluhan to ha?" Finally naka-recover na si Baechu sa shock. Nakukuha na ng lola nyong luminya.

"Do you know her Irene?"

"Of course I know her, eh jowa ko kaya yung inaaway mo."

"You're what?!"

"I said jowa ko yung niaaway--"

Wait STAAAAP... rewind ng konti... hindi si lola nyo yung tinatanong ni Seohyun kundi si Seulgi, kasi dun sya sa oso nakatingin hindi kay Irene. And take note yung question ay, "You're what?!" hindi "Your what?!" oh diba there's a difference.

So ang katumbas sa Tagalog ng "You're what?!" ay "Ano ka?!" which also translates to...  "Bakla ka ng taon! Pumapatol ka sa kauri mo?!" Charot!

"Uhhmm... ah-ah..."

Hindi na naman magkandaugaga yung oso sa pagsagot.

"Teka nga what's going on here ba? Seohyun ano bang ginawa ni Seulgi sa iyo at ganyan ka na lang kung makasigaw?"

It's your granny asking those questions. Unfortunately walang nakuhang response ang lola nyo from her best friend. Kahit si Yoona silent din. At dahil busy sa pagtititigan yung apat,  di nila napansin na jumoin na sa eksena si Joy.

"Halika na Seulgi let's go back to our room." Mahinang sabi ni Chicken Joy sa kanyang pinsan.

Muli nag-mumble ng 'sorry' yung oso then after nagsimula na itong maglakad papalayo, pero pinigilan sya ng lola nyo.

"No! Hindi ka aalis!"

Ano ka ngayon?! Kung yung pagka-Gashina ni Seohyun ay big reveal sa madla, pwes yung sa lola nyo hindi.  Nasampal si Bebiber nya so 'let's get ready to rumble' na mga bakla.

"You're not going anywhere Seulgi. And Seohyun I think you owe my girlfriend an apology."

Yun oh! Hanap ka ng babaeng tulad ni Baechu na kaya kang ipaglaban kahit pa makarating kayo sa Shupreme Court (CJ Sereno says 'Hi').

"At bakit ako mag-sosorry aber?!" Ayan na nga ba ang sinasabi ko nag-start nang dumefense yung other Joohyun. Medyo ini-straight pa nito ang kanyang katawan so mas lalong naging obvious yung ilang pulgadang lamang nito sa height, compare sa lola nyo. Tapos yung boses nya nawala na yung sweetness, 'yung tone lakas maka-Madam Claudia.

Pero no... waley effect ang mga ganyang galawan sa lola nyo. Si Baechu pa ang tatakutin nyo eh idol ni bakla si Tita Conchita Carpio-Morales, so that means she will not be intimidated.

"Bakit?! Eh tamong halos maalog yung utak ng girlfriend ko sa lakas ng sampal mo."

"Well she deserves it."

"Anong she deserves it?! Ano bang ginawa niya sayo ha at galit na galit ka?"

Away-gulo na talaga ang hanap ng lola nya ah. Wala na munang friendship friendship mga bes.

"Ano Seulgi? Gusto mo bang sabihin ko kay Irene yung reason why?"

This time naging mabilis ang pagsagot nung oso, "No please don't."

"Then you know what to do."

Tumango-tango lang si Bebiber, tapos ni-ha-ni-ho ay nagsimula na itong maglakad palabas ng restaurant.

"No Seulgi!"

Syempre hahabol ang lola nyo no, di pwedeng hindi. Pero bago pa ito makakilos sa kanyang pwesto ay humarang na si Yoona sa kanyang dadaanan.

"Let her go Irene, please. Para sa ikabubuti ng lahat, just let her go."

Windang na naman ang mga braincells ng lola nyo.

Ano bang storyline nina Seulgi at Seohyun at ganito ang mga eksenahan nila?


😕        😕       😕

Hindi na napigilan ni Seulgi ang mapaluha after niyang makalabas ng restuarant. Sa sobrang lito ay di nya na namalayan na yung direksyong tinatahak nya ay papalabas na pala ng hotel.

"Huy Seulgi, sandali san ka pupunta?!"

That's Chicken Joy running after her cousin.

Pero yung oso parang walang narinig nagtuloy-tuloy lang ito sa paglalakad.

"Huy ano ba?!"

Kawawa naman yung manok kasi hinihingal na ito sa kakahabol sa kanyang pinsan.

"Seulgi!!!"

Finally huminto na rin sa paglalakad yung oso.

"Joy please kahit ngayon lang leave me alone."

"Eh ano bang balak mong gawin ha?"

"I don't know."

"Eh kung bumalik na muna tayo sa kuwarto. We'll gather our things and then check out, balik na tayo ng Maynila."

"But I can't go back there Joy. Pakiramdam ko hindi ako makakahinga." And with that ay tumulo na naman yung luha nung oso, so si Chicken Joy hindi na malaman ang gagawin para kalmahin yung pinsan nya.

"Okay okay sige... uhmm how 'bout this. Mag-stay ka na muna dito tapos ayusin ko yung mga gamit natin. Then after 30mins, I'll meet you here. Okay ba yun?"

Tumango-tango naman si Seulgi.

"Okay. I'm going back to the hotel now Seulgi. Basta stay put ka lang dito ha."

Tango lang ulit yung oso.

Pero walang balak mag-stay put si Seulgi. She only said it para lubayan sya ni Joy.

Again nagsimula na namang maglakad papalabas ng resort yung oso.
 

🚶‍♀️        🚶‍♀️       🚶‍♀️

Just so you have an idea, malawak talaga yung resort and country club as in.

There's a hotel, kung saan naka check in yung mga characters natin and there are other buildings in the area na parang mga condo units ang style. Sa sobrang lawak nung lugar, they have their own church inside, may tennis court, basketball court, yung malaking lagoon at kung ano ano pang amenities... ah basta malaki yung place! At yung gate papasok ng country club, well goodluck kasi super malayo pa talaga yun from the hotel. So di sya accessible kung wala kang dalang kotse.

Ang kaso mo, mukhang determined talaga si Bebiber na magpakalayo-layo kasi tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad. Nung mga halos 20 mins nang nagwa-walkathon yung oso ay nakadinig ito ng busina ng sasakyan. She ignored her at first pero napatigil sya all of a sudden when she saw kung sino yung driver ng sasakyan.


"Krystal?"

Si ate mong girl nga!

Oh kala nyo walang eksena si bakla sa whole duration nung outing no? Sorry kayo may major scene si ateng with the oso. At kung inaakala din ninyong coincidence lang lahat ng ito, pwes dyan kayo nagkakamali.

Matapos ma-discover ni Krystal na yung friend nya na si Amber ay friends with Baechu, through a facebook post ay nasa top na ng "to-do list" ni ateng ang ma-meet fest to fest ang lola nyo.

At dumating na nga yung pagkakataon na pinakahihintay ni Krystal in the form of an outing. So yun walang ginawa si ate mong girl kundi obserbahan yung kuneho. Yes nakita nya, yung pagsuot ng lola nyo dun sa ilalim ng buffet table, and yes na-witness din niya yung eksenahan nung mag-jowa sa may pool area.

Stalker much? Well more on masokistang tanga kamo. Gustong gusto ni ateng sinasaktan ang sarili eh. Alam na niyang malabo nang magbago yung status ng relationship nila Seulgi, pero heto gora pa rin si gaga sa hearthbreak hotel.

"Get in."

"Huh? What are you doing here Krystal?"

"I'll explain later, just get in first."

Siguro dala na rin ng exhaustion mula sa paglalakad at non-stop na pagiyak, kaya yung oso medyo lutang na. So nung sinabi ni Krystal na 'get in' for the second time ay hindi na ito umanggal, basta sumakay na lang ito ng kotse.


🚘        🚘       🚘

Tahimik sa loob ng sasakyan. Tikom ang bibig ni Seulgi, si Krystal naman parang wala rin atang balak magsalita.

Mga 10mins na nilang binabagtas yung pa-zigzag na kalsada nang biglang magsalita si Seulgi.

"Krystal pwedeng itabi mo na muna sandali yung sasakyan?"

Sumunod naman agad si ateng. She parked the car sa tabing kalsada, na overlooking the sea.

Dahan-dahan na inalis ni Seulgi ang kanyang seat belt at makatapos ay bumaba ito ng sasakyan. Di malaman ni Krystal kung bababa rin ba sya. Malay ba nya kung naiihi ba yung oso or what, so nag-abangers na lang sya sa loob.

While looking at the vastness of the sea ay muling pumatak ang mga luha ni Seulgi. Sa sobrang halo-halo nung nadaramang emotion ni Bebiber wala na syang exact word for what she's feeling. Basta she just feels so down, she no longer care kung may nakakakita man basta iniiyak na lang nya yung mga nadarama nya.

After five minutes of crying.

"Okay that's enough." Ayan na nakapagdecide na si ateng nyo, "Im going in... or out pala ah basta! Seulgi needs me."

And with that ay bumaba na rin ng sasakyan si Krystal. Tinabihan ni bakla yung crying oso.

Una, di na muna dumadamoves si ateng pero after a few seconds at right after nung isang malakas na hikbi coming from Seulgi ay pa-simpleng niyakap ni Krystal si Bebiber.

Weird, kasi imbis na tumahan ay lalong ngumawa si Seulgi nung niyakap sya ni Krystal.

"It's okay Seulgi, just let it all out. It's fine I'm here."

The louder the ngawa, the tighter the hug is.

And mind you may nalalaman pang himas-himas sa likod nung oso itong si Krystal. Kota kinabalu sa skinship si ate mong girl.

At dahil nga busy si Seulgi sa pag-iyak di rin nya namamalayan na nakakadami na pala ng nakaw na halik itong si ateng sa kanyang noo at sa side ng kanyang head. Paraparaan din si bakla eh no?

Pero as the old saying goes, "Hindi araw-araw pasko."


"Kang Seulgi!!!"

Wait parang boses ng lola nyo yung tumawag kay Bebiber ah.

"Talipandas na oso!"

Oh si Baechu nga!

 
Teka mukhang wala sa hulog ang lola nyo ah... Ano yun?

Hala ka patay! Nakita kaya ni granny yung yakapan scene?

"Bani?"

"Ano to?!"

Tanong ng lola nyo sabay turo kay Krystal.

Kung makaasta si bakla kala mo plant box lang yung tinuturo nya ah.

"Uhmm Bani si Krystal nga pala."

"Huh? Krystal?"

"Oo remember yung kinikuwento ko na friend ko na si  Krystal, the one who gave me the Iphone."

"Right the Iphone... oo natatandaan ko nga yung kuwento mo na yun."

"Uhmm this is Krystal. Krystal si Irene nga pala."

"Hi Irene." Maayos naman yung 'hi' ni ate mong girl, pero Baechu is not in the mood for any pleasantries.

"Kang Seulgi magpaliwanag ka."

Ayan Bebiber explain daw.
 

#Seulrene #Seulgi #Irene #Fanfics #RedVelvet
Magpapaulan ng "punyeta" si Joohyuna, kaya handa nyo na ang payong nyo. At alam nyo na siguro kung sino yung sasalo ng mga pupupunyetas ng lola nyo.
[BACK]  [VIEW ALL CHAPTERS]  [HOME]

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]