FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 46: Sampal

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 46: Sampal

"Paano mo sya nilandi? Anong una mong tinanggal? Yang bra mo? Yang panty mo? O yang konsensya mo"
Angel Locsin (as Monica) from the TV-series "The Legal Wife (2014)" 


The moment na nagtouch down sa dreamland yung conciousness ni Tyang ay dali-daling nag-moon-transformation-make-up ang lola nyo into her rash guard. No time to waste kasi syempre pumapatak ang metro.

"Yeri alam mo na ang gagawin mo ha. Basta saglit lang ako."

"Okay Ate. Basta yung promise mo ha."

"Oo... basta ako naman ang bahala mamaya kay Tyang."

And yun nga, umARYA na ang lola nyo papunta dun sa not so secret meeting place nila ng kanyang Bebiber.



 🏊       🏊       🏊

Ang cute-cute tingnan ni Baechu habang naglalakad papunta sa may swimming pool. May bitbit pang props na  baby-salbabida si bakla. Aakalain mo talagang may balak itong matutong lumangoy eh kung alam nyo lang... may kung anik na scene na napanood na naman ang lola ninyo na gusto niyang ma-experience in real life. So asahan nyo na yung 'attempt-to-make-gapang' (and sana may sisiran din daw, charot!) na mangyayari later.
https://c.lazada.com.ph/t/c.bDbW

"Bebiber!"

Wagas na wagas yung ngiti ni inang  habang kumakaway kay Seulgi na kasalukuyang naglalanguy-languy sa pool.

Ang kaso mo eto ka... unti-unting nawala yung ngiting Happy toothpaste ni Baechu nung magsimula nang umahon yung oso para salubungin sya.

Siguro naman nakapanood na kayo ng 'ahon scene' sa mga pelikula no? Yung tipong over-head shot muna, papakita na nagsi-swimswim yung main character. Then after a few seconds lilipat yung camera sa side ng pool kung saan aahon in-slow mo yung bida.


Going...

Going...   

Gone na nang tuluyan yung smile ng granny ninyo after niyang ma-sight yung kabuuan ni Bebiber.

May packing tape ba kayo dyan mga beshie?

Kasi yung panga ni Joohyun na-dislocate ata, ayaw sumara ampota.

Punyeta!
Sinong nagsabing pwede kang mag-two piece Bebiber?
Sino?!!!


"Ano 'yang suot mo?!"

"Huh?" Napayuko bigla yung oso sa kanyang outfit.

Well wala namang masama siguro sa swim suit nung oso. Di naman ito malaswa.

The problem is the abs... oo yung abs talaga ang may kasalanan ng lahat.

Washboard naman kasi talaga mga teh as in, pwedeng-pwedeng maglaba yung kuneho sa tabing pool.

 
Di pa ako lumulusong Bebiber pero I'm so wet na.

Susmaryosep patawarin!

See, see... noon noon ko pa sinasabi sa inyo na yung source of all the ka-chenesan in the world ay yung siksik, liglig at naguumapaw na kiri ng lola nyo, ayaw nyo lang maniwala eh (AGAIN kay Seulgi lang naman sya ganun).

"Magpalit ka!"

"Huh?"

"Ang sabi ko magpalit ka."

Ay very commanding.

"Pero Bani..."

"Magpalit ka. Hindi ka ba giniginaw? Gabing gabi nakaganyan ka?"

"Di naman malamig Bani eh."

"Ah basta!"

Wala nang nagawa yung oso. Sabi magpalit daw, so magpalit it is.

"Oh san ka pupunta?"

"Sa kuwarto. Di ba sabi mo magpalit eh tuwalya lang ang dala ko so I need to go up pa."



TING!

Biglang gumana yung thinking light bulb ng lola nyo.

"Wait!.." (natigilan ng slight)

"... sasama ako." (pretends to be shocked)
 

👙       👙       👙 

Gusto mo yung kuwarto na na-book ni Bebiber is on the same floor as your lola's and Tyang's. Kaya naman si Baechu nagdidiwang deep-inside kasi  konti na lang ang gagapangin nya later pabalik ng kuwarto nila.

"Oh oh oh san ka pupunta?"

"Huh? Magpapalit ng damit sa CR."

"Bakit dun pa dito ka na lang mismo magpalit."

"Oh...okay."

Eto na po... start na nung 'attempt-to-make-gapang' ng lola nyo.

Kalimutan na yung swimming lesson kyeme, mas gusto ni Baechu mag-swimming sa kama kasama si Bebiber.


👙       👙      👙
 
Ligayang ligaya ang granny ninyo nung bumalik ng kuwarto nila. Masaya sya syempre nakaisang round si Bakla, appetizer ba. Mamaya daw, after nung inuman session yung main course.  Very determined si Joohyun na isakatuparan ang kanyang plano tonight na itumba yung dalawang oldies (Tyang and Ate Sunny).

Iniiwasan ni Baechu na magising si Tita Cute Cute, kaya yung intensity nung katok just enough lang para marinig ni Yerimi.

And bumukas na nga finally yung door... unti-unti nagappear yung pagmumukha nung Tya... Tya... Tyang?

Watdapak?!

So to make the long story short. Nagising nang wala sa schedule si Tita Cute Cute.

Remember on duty yung Tyanak as bantay/lookout ng lola nyo. Eh syempre mana  sa ate yung isa so yun di nakapagpigil, sumegway sandali si Yerimi sa kuwarto ng kanyang jowang manok.

After 30mins bumalik na rin naman agad yung Tyanak. Nagpahatid pa nga yung tinamaan ng magaling kay Joy kahit na ilang hakbang lang naman ang pagitan ng kanilang mga kuwarto.

Pero tulad ni Baechu ngayon, may gulatan scene din na ganap by the door kanina. As if on cue nung gumu-goodbye kiss na si Joy kay Yeri ay saktong nagbukas yung door revealing a very galit na galit na Tyang.

At siguro naman by this time alam na ninyo na walang ka-sense sense of loyalty yung Tyanak basta pagdating sa mga ganitong pagkakataon so hayun... spluk spluk, so now lumabas na ang nag-mastermind ng lahat ay si 'Baechu na walang malay' (pero malandi charing!).

"Joohyuna, ilabas mo yung jowa mong mukhang oso ngayon din!"


 ☠️        ☠️       ☠️

Chicken Joy, Bebiber, Malanding Kuneho, Tyanak.

Nakaluhod in that order ang mga tinamaan ng anik habang nakaharap kay Tyang. Itsurang mga isu-summary execution yung mga bakla.

Pero in fair sa lola nyo hindi sya gaanong kinakabahan.  Blame it on chorva kaya ganyan yung kuneho, malakas ang loob. At ang battlecry ni Bakla...

Ipaglaban ang karapatang pantao ni Baechu!
Never again na magiging single si Joohyun!
Walang maghihiwalay!
Manlaban tayo!
⚔️


Of course may pa theme song sa rally sa utak ng lola nyo... 


And... we... can...

... build this dream together
Standing strong forever
Nothing's gonna stop us now
And if this world runs out of lovers
We'll still have each other
Nothing's gonna stop us,
Nothing's gonna stop your granny...
not even Tyang's wrath.

"Sabihin mo sa akin Joohyuna, hindi ka ba nakokonsensya? Wala na bang halaga sa iyo yung mga ipangako mo sa harap ng inay mo?"

"Inaamin ko Tyang nagkamali ako..." aba aba aba ang lola nyo nagsimula nang umispeech, "... kung kasalanan man ang magmahal Tyang oo na... ako ng malandi! Ako ng mababang uri! Pero ganito man ako, tao pa rin akong may karapatang lumigaya at magmahal... sa isip, sa salita, at ... sa chorva este at sa gawa. Mahal ko si Seulgi at kahit na ano pang sabihin nyo Tyang, hinding hindi nyo kami mapaghihiwalay."

"Joohyuna--"

"Tyang buong buhay ko wala akong ginawa kundi ang sumunod sa mga utos nyo. Nag-aral ako ng maigi, nagtapos at naghanap ng trabaho. Ni minsan di ko kayo binigyan ng sakit ng ulo."

"Joohyun--"
 
 
"Sa unang pagkakataon susuwayin ko kayo Tyang. Hindi ako papayag na hadlangan nyo ang pagmamahalan namin!"

"Joo--"

Sisingit na naman sana ulit yung lola nyo pero naunahan na sya ng batok ni Tyang.

"Tangna kang bata ka! May sasabihin sana ako panay panay ang koda mo dyan!"

"Aray Tyang naman eh..." sabi ng lola nyo habang himas himas ang kanyang batok.

"Oo na may karapatan ka na! Oo na malaki ka na so dapat malaya ka nang nakakapaglandi! Oo na ikaw ng perfect!"

"Hindi nyo talaga kami mapaghihiwalay Tyang and that's final."

"Sino bang nagsabing maghihiwalay kayo?"

"Huh?"

"Wala akong sinasabing mag-break kayo. Ang akin lang ay i-level down mo naman yung ka-kirihan mo. Eh yung mga titig mo sa jowa mong oso palaging may halong pagnanasa."

"Oo nga sinabi nyo pa Tyang." That's Yerimi. Sumaside comment yung Tyanak.

"Lecheng Tyanak na to--"

Naghahanda na si Baechu na krompalin yung fest ng kanyang kapatid pero natigilan sya bigla ng dahil sa sudden declaration ni Tyang.

"Oo na payag na ako."

"Huh? Payag saan Tyang?"

"Malaya na kayong maglandi."

Woah! Di nga?! Really Tyang may go signal na para maglandi yung mga alaga mong pokemonster?

"Seryoso Tyang?"

"Oo seryoso. Naisip ko kasi kahit ano pang bantay ang gawin ko, maglalandi at maglalandi pa rin naman kayo so might as well hayaan ko na lang kayo. Just promise me that you two, ikaw Joohyun pati ikaw Yerimi, you won't do anything na ikabababa ng dignidad ninyo. Okay?"

"Yes Tyang." Sagot nung magkapatid.

"So yun. Go! Gawin nyo na kung anong trip nyong gawin tonight basta babalik kayo dito sa kuwarto mamayang 12. Intiendes?"

"Yes Tyang." Sagot ulit ng magkapatid.

"And one more thing, ako ang masusunod sa sleeping arrangement nyo."

"What Tyang?!"

"Basta ako nang bahala mamaya. Oh sya lilipat na ako sa kuwarto ng Ate Sunny ninyo at mag-iinuman pa kami. Basta alas-dose ang balik mga bakla. Adios!"

Di na nagaksaya ng oras ang lola nyo, matapos makapag-change outfit ay hinila na nito si Bebiber palabas ng kuwarto para masimulan na nila ang kanilang 'date with a little landi on the side'.

Hindi na nag-special appearance si Baechu dun sa inuman session nina Ate Sunny, Tyang, Seohyun at Yoona. Kasi no need na naman na. Legal na ulit yung status ng chenes ng lola nyo kay Tyang, so kebs na dun sa kanilang masterplan.  Bukas na lang niya ipapakila si Bebiber sa kanilang lahat during breakfast.


❤️        ❤️        ❤️

Kanya-kanyang layas yung mag-jowa. Sina Joy at Yerimi nag-decide mag-night swimming habang ang lola nyo at si Bebiber ay nag-bowling (meron sa resort in fair) at nag-videoke naman.

Super saya ng lola nyo tonight. As in, sa sobrang happiness ni bakla ni minsan di sumagi sa isip nya yung chorva. Eto yung mga rare na moments na yung mga titig ng lola nyo kay Bebiber ay walang halong malisya, pure love kumbaga charot!

Pero eto ka... nung naglalakad na sila pabalik sa kuwarto ay na-ON na naman yung 'kiri mode' ng lola nyo so umiisip na ito ng paraan kung papaano magdadahilan kay Tyang para payagan syang matulog sa kuwarto ni Seulgi.

Pero di umubra ang reasoning ng granny ninyo kay Tita Cute Cute kaya naman wala itong nagawa kundi ang sumunod dun sa sleeping arrangement na inihanda ni Tyang.


❤️         ❤️        ❤️

"Gud mowning!"

"Huh..."

Pupungas pungas at medyo nag-aadjust pa sa sunlight yung mata nung oso.

"Guuud... moooowning!"

Di makulit te?

"Huh..." tila natauhan na yung oso, naalala na niya siguro kung nasaan ba sya at kung sino itong 'good morning ng good morning' sa kanya, "... ah eh good morning."

"Gud mowning!" Umisa pa ulit si ate sabay sampa dun sa katabi niyang oso. Tuwang tuwa ata si ate at meron syang katabing real life na tediber.

"Ah no go away!" Natatawang sabi ni Seulgi habang binabody hug sya ni...

"Hoy Yerimi! Anong ginagawa mo sa Bebiber ko?!" Ayan na agang aga hyper ang lola nyo.

"Wala ate." Sagot nung Tyanak pero naka-akap pa rin ito kay Seulgi.

"Alis-alisin mo na nga yang pagkakalingkis mo sa Ate Seulgi mo! Hindi ikaw ang jowa excuse me!"

"Edi kung naiingit ka Ate edi i-hug mo rin yang katabi mo, go ahead I don't mind."

Napatingin bigla ang granny ninyo sa kanyang tabi. No Baechu you are not dreaming, you did slept beside a chicken last night.

Bed 1: Joy-Baechu
Bed 2: Seulgi-Yeri.


Yan yung iwas-chorva sleeping arrangement nung mga bakla, courtesy of Tita Cute Cute.

So near and yet so far ang drama ni Joohyuna kagabi, so today babawi ang lola nyo. Gustong ma-experience nung kuneho ang gumising sa tabi nung oso. Kaya kailangan ni Baechu na magpakabait ngayon para payagan sya ni Tyang na matulog sa kuwarto ni Seulgi mamayang gabi.

Sinisimulan na ng lola nyo ang kanyang bait-baitan ek ek kaya naman ngayong breakfast kuntodo asikaso si Baechu sa mga kakainin ni Tyang. Buffet naman yung setting pero ang granny ninyo pro-active sa pagkuha ng pagkain ni Tita Cute Cute.

Matapos pagsilbihan si Tyang ay nagtuloy na ang lola nyo sa table na occupied nina Seohyun at Yoona. Nakikichismis si Baechu sa mga ganap last night habang hinihintay niya ang pagbaba ni Bebiber.

At hindi rin nagtagal at nakita na ni Joohyun si Seulgi na papasok sa may dining area ng hotel.

Kumaway ng slight si Baechu so yung oso started walking towards your lola's direction.

Eto na nga nung malapit na si Seulgi ay sinimulan na ni Joohyun ang pagpapakilala sa kanyang Bebiber.

"Ay sya nga pala guys, this is--"

"What the hell are you doing here?"

Putol ni Seohyun sa introduction ng lola nyo.

"I asked you a question."

Hala anyare? Bakit biglang nag-iba yung aura ni Seohyunie? Eh kanina lang ang super sweet nitong nakikipag-chismisan sa lola nyo. Tapos all of a sudden may 'wina-wat-da-hell' na ito.

"Answer me!"


Hala sino bang kaaway ni Big Boss?

"Uhmm... ah eh..."

"Ang kapal din ng mukha mo no?"

Wait. Is it Bebiber?

"I'm really sorry I didn't know--" Litong sagot ni Seulgi.

Hala yung oso nga.

"Save your apologies I don't need them."

"I am so sor--"

"GET OUT!!!"

"Please let me just--"



PAK! PAK! Then another.... PAK!

Isang pamilyang sampal ang natamo nung oso from Seohyun. (Mag-asawa + baby = family charot! Korni. I know last na hehe)

Shockeeeedt ang lola nyo.

Shockeeeedt din yung mga tao sa paligid-ligid.

"Get out of my sight! ...

... kung ayaw mong malaman ng lahat who you really are."
 
 
#Seulrene #Seulgi #Irene #Fanfics #RedVelvet
Sa pula, sa puti! Sa matangkad, sa di masyadong katangkaran! Sino kaya sa dalawang Joohyun ang llamado at sino ang Dejado? 

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]