FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 48: The Other Meow Meow

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 48: The Other Meow Meow

"Si Belinda kabit 'yun. Ako legal wife."
Zsa Zsa Padilla in Mano Po 2




"Kang Seulgi magpaliwanag ka."

"Uhmm... Irene I think we shoul--"

"I'm not talking to you!"

Hala ka ano yun? Hala kayo... Raging Bunny Mode: ON

Nga-nga si ate mong Krystal.

"Bani!"

Hala ka again ano yun? Hala kayo ulit... Angry Bear Mode: ON?

"Wag mong sigawan si Krystal she didn't do anything wrong."

Luh marunong nang sumigaw at mangatwiran yung oso. Seryoso?

"Di ako informed na it's 'bring your own kabit to the outing' day pala ngayon."

Ouch! da burns! In case huli kayo sa balita read CHAPTER 45  again.

"What?!"

"Wag mo ko ma-what what oso ka! Anong ginagawa nitong kabit mo dito?!"

"Bani, I think you've got everything confused. Krystal's not my--"

"PUNIETA! Eh huling-huli ko kayong magkayakap kanina! Ano yun? Chinicheck nyo lang yung body temperature ng isa't isa?!"

The above koda ay directed to the oso, eto naman ang para kay ate mong gurl...

"At ikaw malanding babae! Kung alam ko lang na ikaw pala yung Krystal na kinukuwento ni Seulgi noon noon pa edi sana kahapon palang eh sinipit ko na yung chenes mo gamit yung tongs na pang-ihaw! Kapal ng mukha mong kainin yung inihaw ko kagabi! Nakakagigil ka, ang sarap mong ialay sa mga anito!"

Ano na? Sinong aawat sa lola nyo?

Ano? Hawakan ko sa kamay, kayo sa paa?

https://ko-fi.com/tengudness
"Irene that's enough!"

Enter frame si Beshie Amber.

Nagtataka kayo siguro why she's there no? Ganito kasi yun, after the sampalan scene sa resto at after umexit ni Seulgi ay mega habol habol ang lola nyo. Dumiretso sya sa kuwarto kung saan naka-check in si Seulgi. Dun nya naabutan si Chicken Joy na nag-eempake. The manok told your lola na she left the Bear somewhere, sa labas, basta not far from the hotel. Pero nung pinuntahan ng granny ninyo yung spot na sinasabi ni Joyie, nowhere to be found si Bebiber.

With the help of Amber ay ninenok nung dalawa yung company van and they drove around the resort para hanapin yung lost na oso. Nagpaikot ikot sila for about 15mins pero waley, di talaga nila makita si Seulgi. So they decided na i-check yung labas ng resort. And yun nga, while driving slowly ay na sight nila yung nakaparadang kotse sa tabing kalsada. When they looked closer, your lola could not belib wat she saw. Its Bebiber in the arms of another!!!

So yun, anyway going back...

"Shut up Amber! Wala kang K kumoda since this doesn't concern you, this is between me, Seulgi and this girl!"

"You're wrong Irene. Krystal is my friend I brought her here so it involves me too."

"Bani, let's hear what Krystal and Amber has to say first please. Before we jump to conclusions."

"NIETA! Sige pagtulungan nyo ako!"

Wow ah! Pa-victim ang drama ng lola nyo.

"Can I just say something?" Bah! Di na nga-nga si ateng. Lumakas yung loob ni Krystal after syang ipagtanggol ni Seulgi (well sort of).

"Whut?! Anong gusto mong sabihin aber?!" Pagmamataray ng lola nyo.

"I just want to say na di ko sinadyang sumama sa outing. Amber is an old friend, when she invited me, I said yes kasi wala naman  talaga akong ibang gagawin. Yesterday, when she introduced me to you, I didn't mention na kilala or rather nakita na kita before  (the blind date sa CHAPTER 1 remember?) kasi mahabang kuwento, so I just decided to keep quiet na lang. And another thing, I am not Seulgi's 'kabit'. I didn't even know that she will also be here. At kahit na magkita man kami, wala naman sigurong masama kasi we are just GOOD friends. (ows talaga, di nga?)"

Asa pa kayo na aamin si Krystala na she really came to the outing para maka-fest to fest ang lola nyo. Eh di hinampas sya ng cactus ni Baechu.

"That's right Bani, Krystal and I are just friends."

"Che! Ewan ko sa inyo. Kuwento nyo na lang yan sa pagong baka maniwala pa yun sa inyo."

Ha! Kala nyo madali nyong mabibilog ang ulo ng lola nyo sa istorya nyo no? Dream on! Yes I'm talking to you ate gurl Krystal.

"Bani please!"

"Irene, walang patutunguhan itong diskusyon natin. Ang mabuti pa ay bumalik na muna tayo sa hotel. Dun mo na lang kausapin nang masinsinan yang jowa mo."

And with that ay hinatak na ni Amber si Krystal papalayo dun sa hyper na kuneho. Kailangan nyang ilayo ang kanyang friendship from Baechu kasi mahirap na, mamaya magdilim ang paningin ng lola nyo bigla niyang itulak sa bangin si ate mong girl.

Iniaabot ni Amber yung susi ng company van kay Joohyun bago ito sumakay sa sasakyan ni Krystal. After makaalis nung dalawa ay naglakad ang lola nyo papalapit ng van. She unlocked the car at tsaka sya sumakay sa may driver's side (don't worry medyo marunong nang mag-maneho ang lola nyo).


Pinagana na ni Baechu yung makina ng sasakyan pero yung oso unmoving pa rin. Ibinaba ng lola nyo yung bintana ng kotse tsaka nya sinigawan yung oso. 

"Sakay na Seulgi! Ano pang hinihintay mo?!"

"I don't want to go back to the hotel," sagot nung oso.

"Aba at ngayon mo pa naisipang umarte. Ano bang problema mo ha?!"

"Just leave me alone!"

Hala hala ka talaga... kanina pa out of character ang ating Bebiber ah! Yan ba ang effect nung sampal?

"Aba PUNIETA! Teka..." Nagmamadaling nag-alis ng seatbelt ang lola nyo, pagkatapos ay tsaka ito bumaba ng sasakyan.

"Marunong ka nang gumanyan ngayon oso ka!"

"Just leave me be Bani."

"Leave you be?! Kanina kung makalingkis ka sa kabit mo inam tapos now that I'm here you are telling me to go!"

"Goodness! Will you stop saying that word!"

"What word?! Yung kabit?! Bakit ikaw na-huhurt for Krystal?"

"She is not my kabit! For goodness sake will you stop over..."

Ay ayaw ituloy nung oso.

"Whut?! Over what? Over acting?! So ako pa itong OA ngayon?"

"Please Bani, I don't want to fight."

"Ah so kaya mo ako tinataboy kasi ayaw mong kumprontahin kita about sa babae mo, ganun ba yun? At hinayaan mong lang talagang yapus-yapusin ka nya. Alam mo, tama talaga ang sabi nila about sa mga kabit, na salot sila ng lipunan! Mga PUNIETA sila!  Dapat talaga sa mga katulad nila iginagapos sa puno tapos tsaka pinapahiran ng arnibal ang katawan, lalong lalo na dun sa may anik part para pag-piyestahan ng mga hantik! Tingnan ko lang kung di pa magtanda yung mga leche na yun."

"Don't say that!"

"Anong 'don't say that' ka dyan?!"

"Not all mistresses are bad people."

Watdapak?! Ano daw?

"Whut?! Hindi masama? Eh ilang pamilya ang nasira ng dahil sa kalandian nila."

"They are people who just fell in love with the wrong person. Some of them didn't mean to destroy families."

"At kailan ka pa naging advocate ng mga mistresses Kang Seulgi?!"

"I'm just... I'm just saying."

"May just saying, just saying ka pang nalalaman. Well sabagay ano pa bang aasahan ko sa iyo, eh kanina mo pa nga pinagtatanggol yung malanding Krystal na yun. Sabi nga nila, walang manglalandi, kung walang nagpapalandi. You are just part of the problem."

"Sumosobra ka na Bani. It's not right na ulit-ulit mong akusahan ang isang tao na wala namang ginawang mali. Sinasabi ko sa iyo, hindi ko other woman si Krystal. And again I stand by my opinion that not all 'kabits' are heartless and bad people."

Bah... may pinaglalaban yung oso.


"And I also stand by mine! Na ang mga kabit ay salot ng lipunan. Mga haliparot! Mga babaeng immoral! Mga magnanakaw ng asawa at jowa! Dapat sa kanila ikinukulong kasama ng mga halang ang kaluluwa."

"Bani that's too much!"

"Bakit nasasaktan ka in behalf of people like Krystal."

"NO! Because my mom is one!"
 
Ayan na nga ba sinasabi ko meow meow. Tita Whitney, kanta na!
   
#Seulrene #Seulgi #Irene #Fanfics #RedVelvet
 
https://ko-fi.com/tengudness
Read Next 49: Real Mrs. Kang
Magkakaalaman na ng background. Masasagot na yung mga burning questions ninyo. Sinong mag-aakala na si Future In Law ay isa palang... At parang matutuloy na rin yung matagal ng pangarap ng lola nyo na ma-Dawn Zulueta sa tabing-dagat only this time hindi sa tabi ng dagat kundi sa tabi ng...
[BACK]  [VIEW ALL CHAPTERS]  [HOME]

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]