FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 49: Real Mrs. Kang

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 49: Real Mrs. Kang

 "Taas na nga kamay ko sayo eh, mahal na nga kita palagay ko eh, maging sino ka man"
Robin Padilla in "Maging Sino Ka Man" 



Author's Note (Again? Oo bakit ba eh sa marami akong koda sa buhay. Che!): This chapter is supposed to be super angsty sana, as in. Ito na sana yung moment ko to debut as a dramatic writer (if there is such a thing, charot!). Kaya lang biglang lumabas yung anik about SNSD (chapter was written nung time na nagkawatey-watey ang GG. At dahil ayoko namang makadagdag sa sadness chenes nyo so yun... re-write ang peg.
https://ko-fi.com/tengudness

Ito ay para sa mga SONE...
Sa lahat ng binaon ng SM 'tena
Sa lahat ng aking nakachika
Sa lahat ng mahilig sa lovesong at drama
Sa lahat ng di marunong bumasa
(ng AN)
Sa lahat ng may problema sa eskwela (aral pa more)
Sa lahat ng fans ni Tyang at ni Panya! (Taeny NO more)
Sa lahat ng di nakapag-Phantasia! (in Manila 'nyeta)
Sa lahat ng masa (ehead song mga bakla check nyo sa YouTube yung tono)


May group counselling tayo, pagkatapos ng update... sa comments section chos! :)
 

Naka-animal print na dress.  
Naka-stilleto. 
Naka-PUTA red na li-pis-stick.

Mga babaeng lumilinya ng,  


"Remember this, no woman can seduce a happy husband. Kung hindi mo pa rin maintindihan, bakit hindi sarili mo ang sampalin mo, baka sakaling matauhan ka!" 

Cathy Santillan (Vilma Santos) from the movie, 'Asawa Ko Huwag Mong Agawin (1986)'
 
Mga babaeng ang sarap ipagwaswasan katulad nung ginawa ni Angel Locsin sa kabit ng jowa nyang si Bernard Palanca sa movie na 'Four Sisters and a Wedding' which happens to be (ay so labet) Mocha Uson! Ang satisfying panoorin nung scene.


Yun yung mga na-pipicture na itsura ng kabit ng lola nyo sa utak nya.

Kaya imagine her shock na lang after nung revelation ni Seulgi na si Mama Bear ay isang... isang...

"And I also stand by mine! Na ang mga kabit ay salot ng lipunan. Mga haliparot! Mga babaeng immoral! Mga magnanakaw ng asawa at jowa! Dapat sa kanila ikinukulong kasama ng mga halang ang kaluluwa."

"Bani that's too much!"

"Bakit nasasaktan ka in behalf of people like Krystal."

"NO! Because my mother is one!" 


Tameme ang lola nyo.

Waley ma-say si Baechu kasi ano nga naman ang pwede nyang sabihin sa ganitong sitwasyon?

Matapos isuka ng lola nyo ang mga uring nangangabit nang harap harapan, eto ngayon shing!

Malamanlaman ni Baechu, yung kanyang 'Future Mother-in-Law', the 'Soon-to-be-Lola' ng mga anak ng Lola nyo, at yung may hawak ng 'Susi sa Kaharian ng mga Kang' ay isa pa lang...

"Kabit? You're mom is a kabit?"

Tumingin ng straight si Seulgi sa mga mata ng lola nyo.

"Naalala mo nung araw na nag-breakfast ka sa bahay?"  (go back to chapter 18)

"Of course, that was the first time na na-meet ko yung mommy mo." 



Balik-tanaw tayo sa convo nung kuneho at ni Mama Bear...
 
Nawala yung slight na anxiety na nararamdaman kanina ng lola nyo, after nyang ma-meet yung mommy ni Seulgi.

Katulad kasi ni Bebiber, mabait at very warm yung personality nung nanay ni Seulgi.

Hindi rin ito mukhang matapobre, kaya bet na bet na ni bakla ang kanyang future mother-in-law. (assumerang rabbit!)

"Kain ka lang nang kain hija, wag kang mahihiya ha."

"Opo, Mrs. Kang."

"Naku wag ng Mrs. Kang, tita na lang."


----End of flashback----

"She asked you not to call her Mrs. Kang."

"Yes."

"That's because she's no Mrs. Kang. Di sila kasal ng daddy kasi nga kabit sya."

Kumpirmado! (Mike Enriquez voice over) Yung nanay nung oso isang kabitchina!

"But..."

"And Seohyun... she's my half-sister."

Watdapak?!!!

So that's what the sampal is all about.

Pero wait! Bakit hindi ito alam ng lola nyo?  Considering na mag-BFF sila ni Big Boss.

Well ganito kasi yun...

Nuknukan nang yaman yung angkan ng mudra ni Joohyun (Big Boss). Mas mayaman ng ilang milyones kumpara kina Daddy Kang. Sa pagpupumilit ni Grand Kang (lolo ni Seulgi), Daddy Kang married the real Mrs. Kang. Na-gets nyo naman? Okay so movin on...

First year of marriage, 'Martin Nyebera' na ang mga eksenahan sa Kang's residence, tipong...

Ang almusal ay sigawan
Ang hapunan natin ay tampuhan
Ang meryenda pag-duda


Away 24/7. Parang war zone ang buong kabahayan. Medyo nagkaroon lang nang temporary ceasefire sa mansyon,  nung ipananganak si Baby Kang Joohyun.
 

At dahil may prinsesa na ang mga Kangs ay nag-hire ng additional KB (kasambahay) yung Mama ni Seohyun.

Dun na umenter frame  sa life nila yung nanay ni Seulgi as da labandera and hold your breath... yung nanay ni Yuju as the assistant cook naman. So meaning noon noon pa ay magka-chokaran na yung mga nanay nina Yuju at Seulgi.

So one day isang araw (korni I know), habang naglalaba yung nanay ng oso ay napadaan si Daddy Kang sa may laundry area. Dun nya nakita si Mother Bear na basang basa habang binabanlawan yung kanyang mga labahin. Tapos sakto medyo loose pa yung shirt ni Mother so kapag nagbebend over yung ale, may napagpipiyestahan yung mga mata ni Daddy Bear.

 
At magmula nun ay madalas nang naliligaw si Mr. Kang sa area ng mga maids, sa kusina and of course sa laundry area.

He befriended Mother Bear. Nag-start sa pabigay-bigay ng softdrinks tuwing meryenda. Hanggang sa nadagdagan ng hopia yung pa-softdrinks. Tapos di naglaon may papancit na rin si kuya. Don't worry lagi namang na-aambunan ng grasya yung nanay ni Yuju. Di rin sya umaalis sa side ng kanyang friendship so si Daddy Kang di maka-damoves ng todo.

Ang kaso mo eto ka, sakto namalengke si Inday (nanay ni Yuju) at  si Mrs. Kang naman dinala si Baby Joohyun sa  kanyang Pedia. And it just so happened na may iba't ibang pinagkakaabalahan ang mga tao sa kabahayan. Busy ang hardinero sa hardin, yung ibang katulong naglilinis sa may sala. Yung driver busy sa garahe, habang yung isa naman ipinag-drive yung mag-ina. Yung kusinera abala sa kusina at yung labandera as usual nakapuwesto na sa harap ng kanyang batya.

Chance na ni Daddy Kang na ma-solo si Mother Bear.

"Ming."

Yun yung name nung nanay nung oso. Ganito kasi yun, Sooyoung kasi talaga yung real name ni Mommy Bear. Pero nung nakatungtong ng Maynila ay medyo pinasosyal nya yung name nya, so she changed it to 'Swimming'... the 'why' I don't know.

So Swimming, became Ming for short. 


🏊‍♀️        🏊‍♀️        🏊‍♀️ 

"Kuya?"

"Nakita mo ba yung checkered ko na polo?"

"Anong checkered po yun kuya?"

"Yung checkered."

Wow ah ang specific ni Sir.

"Kuya, inakyat ko na po kagabi lahat ng mga pinalantsa ko na damit ninyo."

"Ganun ba? San banda sa closet mo inilagay ang mga iyon? Pwede mo bang ituro sa akin?"

Yun oh! Galawang hokage si padir!

Ang tanong... anong nangyari pagpasok ni Ming sa kuwarto ni Sir?

Kumanta kaya si Ate ng... Koya wag po, wag po?

Pagbaba ni Ming ay may bitbit na si ate na isang paper bag na puno ng Toblerone at isang love letter.

Walang nangyari kayo talaga ang dumi ng isip ninyo... yung ganap nangyari lang after nung 5th na love letter ni Daddy Kang, kasabay nung isang box ng Dunkin Donuts. Kung san yung ganap hulaan nyo... clue, walang kama. Chos!

So to cut the story short, nagbunga ang chorva. Nabukelya na rin yung affair ni Daddy Kang at ni Ming. So what happened? Nagwala lang naman si Mrs. Kang.

Pinack-up ni Misis lahat ng kanyang belongings and she left the mansion with the 3-year old Joohyun in tow.

Pero bago pa tuluyang nakalabas ng gate yung tunay na Mrs. Kang ay may pasabog itong linya na binitawan.

"Ito ang tandaan mo Ricardo (Daddy Kang) hinding hindi kayo magiging masaya ng kabit mo. Una kang naging akin! Hanggang sa huling hininga mo akin ka!"

Walang lingon-lingon lumayas yung original wife. She vowed to never set foot again sa ancestral house ng mga Kang. For her makasalanan ang bahay na iyon, at wala syang balak na manirahan pa dun.

She bought another house sa isang exclusive village sa San Juan (richness sya remember) at binitbit nya lahat ng kanyang tauhan dun sa kanyang new mansyon, well except for da labandera at yung friendship nito na si assistant cook.

Matapos lumayas ang mga people of the mansion, ang naiwan na lang ay si Daddy Kang, si Ming at si BFF Inday.

And with that Mother Bear became the new mistress of the house (figuratively, literally, and truthfully).

Pero the thing is never na magiging "Mrs.Kang" yung nanay nung oso, kasi walang kabalakbalak yung real na Mrs. Kang na mag-agree dun sa chenes na annulment na proposal ni Daddy Kang. Katwiran nung tunay na Mrs. Real este Mrs. Kang, "And why would I do that? Ano ako hilo? Hahayaan ko silang lumigaya? Nek nek nila!" (Parang si Honeylet lang yan, tamo ang pakilala sa kanya kahit sa formal function, "partner" di pwedeng "Mrs.")

(Why annulment? Pwede namang legal separation di ba? Annulment kasi kapag yun ang na-grant allowed magpakasal ulit. Sa legal separation, di pwedeng mag-remarry... wait tama ba ang intindi ko sa Pemily Code? Oo ata basta yun!)

So yun nga namuhay naman ng maayos si Mommy Bear at Papa Bear kasama si Baby Bear. They never told Seulgi the truth (nung una pero nung naglaon nagkaalaman na). Basta ang alam lang nung oso nung una is that her mom used to be a katulong, then she met her father, they got married and they all live happily ever after, the end.

Kabaligtaran naman yung situation ni Kang Joohyun kasi she grew up knowing what really happened to her family. Lumaki sya na may galit sa puso. She hates her father, she hates his mistress and she also hates Bebiber. Kilala nya si Seulgi kasi yung magaling nilang ama enrolled the little bear dun sa same private school kung saan nagaaral si Joohyun. At yung confrontation naganap during the PTA meeting. Hay naku basta ang lala nung mga sumunod na pangyayari. After that she stopped using the surname Kang. Naging si Seo Joohyun na sya.

So yun ang history behind the sampal. So now going back to your lola...

To put it simply ang problema ni Baechu ay ganito, she hates ALL kinds of kabit. Kesehodang martyr na kabit ka pa, accidental kabit or kabit na ang habol ay pera o s*ex walang paki ang lola nyo, basta para sa kanya ang kabit ay kabit period.

So kung kabit si Mother Bear, then she should hate her too di ba?

Eh how can she, eh she super like her Future Mother-in-Law. Mabait, hindi matapobre, simple at palabiro, yun yung mga katangian ni Mommy Bear na nagustuhan ni Baechu. So imagine na lang ang dilemma ng lola nyo.

And if ever your granny will choose to hate Future MIL papaano na lang si Bebiber? Ano nang magyayari sa kanyang pangarap na Forever?

"Sana pwede kong kalimutan yung mga masasakit na salitang binitiwan mo kanina. Pero Bani hindi ganun kadali."
And ayun nga nagsimula ng maglaglagan yung mga luha nung oso.

"Seulgi..."

"Pero I just want to let you know that I do not hate you and I understand where you are coming from."

"Bebiber yung mga sinabi ko kanina..."

Ano Baechu?

Ano?!

Sige explain yourself!

"Bani, let's not pretend na hindi mo talaga meant yung mga sinabi mo kanina."

"Hindi yun ang--"

"I am the reason kung bakit lumaking walang ama si Ate Seohyun. Yung mga sampal na natanggap ko kanina... kulang pa yun bilang kabayaran sa mga Pasko, kaarawan at graduation na dapat sana ay sini-celebrate nyang kasama ang kanyang buong pamilya. Pero nang dahil sa akin it didn't happen."

"It's not your fault--"

"Kung hindi ko fault, eh kanino Bani?!"

"Aba'y malay ko?! Akong tinatanong mo ako bang nanay mo?!"

Patola din tong lola nyo kakainis. Tamong nag-dradrama na nga yung oso, nakuha pang mamilosopo. 


"I'm tired Bani. Pagod na akong makipagtalo."

Hala ka patay kang Baechu ka!

Hala ka bakit lumilinya ng ganyan ang Bebiber mo?!

Sumagot ka bakla!

"Ano ang gusto mong mangyari?"

"I think we should take a break from each other.
 

HUWAAAAT DA PAKENING PAKERS?!!!

Ano daw ulit?

"Whut?! Gago ka ba? Anong break ang pinagsasasabi mo dyan?"

"It's not a break. I just think we need to--"

"Walang mag-brebreak!"

"We are not breaking up. I'm just saying ayoko nang makipagusap."

"Ah so ano yun ayawan na?! Ganun?! Ano tayo mga bata na pag di na masaya ayawan na?"

"Di mo ako naiintindihan Bani eh!"

"Eh ano ngang gusto mong intindihin ko?!"

Wala na naubos na talaga yung reserbang pasensya nung oso.

She just stared at Joohyun. Huminga ng malalim... sabay walk out. Wait. Whut?!

"Aba punyeta san pupunta itong hayop na oso na ito. Hoy! Kang Seulgi!"

Para talagang waley nadidinig si Seulgi kasi tuloy tuloy lang ito sa paglalakad.

"KANG SEULGI!!! Bumalik ka dito! Ngayon din!"

Sawrie. The old Bebiber can't come to the phone right now.

Why?

Oh! Cause she's--

"Fine! Kung ayaw mo edi wag! Akala mo hahabulin kita! Muka mo! Ewan ko sa iyo."

And with that your lola also started to walk away.

So imagine yung eksena nung dalawang mag-jowa...
 

Si Seulgi ay naglalakad palayo sa lola nyo, she's walking towards the direction nung main road. Kung san nya balak pumunta wiz ko knowing.

Habang yung lola nyo naman ay naglalakad pabalik sa van. Pero before she opened the car door nilingon nya na muna ulit yung dedmakels na oso.

"Aba tong leche na to wala talagang balak--Uhmm etong sayo."

"ARAY!" Dinig na dinig ni Baechu yung cry in pain nung oso.

"Buti nga sa iyo!"

What happened?

Well binato lang naman ng tsinelas ng lola nyo si Bebiber.

At dahil champion for 5 consecutive years si Baechu sa tumbang preso, sisiw na sisiw sa kanya  ang i-headshot yung oso.

Himas himas ang kanyang ulo ay nilingon ni Seulgi ang kanyang Bebibani.

"Ano bang problema mo ha?!"

"Ayaw mo kasing huminto eh!"

Tuloy pa rin sa pagsisigawan yun dalawa.

When is this gonna end? Kasi napapagod na akong magsulat sa totoo lang, joke!

After a few seconds nagsalita na ulit ang lola nyo.

"Post it!"

"What?!"

"POST IT BEBIBER!!! POST IT!!!"

Para sa mga lost sa meaning ng post it, you better read - CHAPTER 16 - POST IT

"Bani..."

Ang nakasulat sa Post It (bow)...

I Kang Seulgi, promise to love and take care of chenelyn chenes... basta ang promise (vow) nung oso ay natapos sa... I will never walk away.

"You promised Seulgi!"

Parang namang kinurot yung puso nung oso sa sinabi nung kuneho.

Seulgi started running back to Joohyun. Ang lola nyo naman well... di ba matagal nang pangarap ni bakla ang ma-Dawn Zulueta? Nyet nyet parang matutupad na ata this time!!!

Yung scene nina Dawn at Richard nangyari sa tabing-dagat, habang yung sa lola at kay Bebiber sa tabing-kalsada. Keri na basta parehong sa 'Tabi' ng kyeme.

"I'm sorry Bani."

"I'm sorry too Bebiber."

Wuchu! Ang drama ng dalawang to.

"I love you Bebiber. I don't care kung anak ka sa labas, I don't care kung si Honeylet Avancena pa ang nanay mo (well your lola does care pero let's not ruin the moment). Mahal kita Kang Seulgi ...maging sino ka man."

"You know I'll marry you right at this very moment kung pwede lang."

"I know, pero we will naman di ba. Soon."

"Uhmm... Bani about that..."

"Oh?"

"I need to tell you something..." 
#Seulrene #Seulgi #Irene #Fanfics #RedVelvet

Special chapter kung saan ang focus ay sa malabong usapang relasyones nina Wendy, Rose at sa hindi maipaliwanag, di sinasadyang pagkakataon ay nakasawsaw yung kunehong malandi.  

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]