FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 51: Engagement Chenes

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 51: Engagement Chenes


"So anong ginagawa ninyo kapag nag-oovernight stay kayo abroad o nagkikita kayo... pinag-uusapan ninyo ang Republic of the Philippines?"
Iza Calzado (as Marge) from the movie 'Somebody To Love (2014)' 




"I need to tell you something..."

Eto na naman po tayo... may sasabihin na naman 'tong oso.

Eh siguro naman by now kung mega-reader talaga kayo nitong fic ay alam nyo na may balat sa WetPu si Seulgi basta pagdating sa good timing.

May long history si Bebiber na basta after nyang sabihin kay Baechu kung ano man yung sasabihin nya ay matik na ang initial reaction nung kuneho ay saktan sya.

Gusto 'nyo ng resibo?

Resibo 1: From Chapter 8: Huli Kang Oso Ka, Paragraph thirty-chenes.
The first time na na-inform ang lola nyo about sa existence ni Krystal ay nakatikim ng 'Kung Fu Grip' yung oso.

Excerpt, basa!

"Uhmm... ganito kasi Bani, I met this girl kani-ah ah..."

Lalong humigpit yung 'kung-fu grip' ni Joohyun sa braso ni Seulgi. Kasi naman si Bebiber, simulan ba naman ang kanyang highly anticipated na explanation with, 'I met this girl' kung di ba naman shunga shunga.

"Anong sabi mo? You met a girl? Sinasabi ko na nga ba Kang Seulgi!"

At nagsisimula nang magising yung dugong-Tondo ni Baechu.


Resibo 2: From Chapter 14, Paragraph forty-anik.


Based on Yeri's recommendation ay itinaon ni Seulgi yung kanyang big reveal right after yung performance ng lola nyo ng makabagbag-damdaming 'Total Eclipse of the Heart'.  Kasi ayon sa Tyanak, yun ang 'go-to-happy-song' ng ate nya, everytime na kinakanta ni Baechu yung song gumaganda ang mood nya. Ang kaso mo, eto ka...

"Oh hey, Bebiber do you want some cake?"

"Hi Bani! Wow mukhang masarap yan ah, tinanong-ako-ni-Yuju-the-other-day-kung-pwede-daw-ba-kaming-maging-more-than-friends-and-I-said-no, can I have one slice?"

Biglang bulalas ni Seulgi.

Natigilan sa paghihiwa ng cake si Baechu at tinitigan niya ng matalim yung oso sa harap nya.

"Ulitin mo nga ulit yung sinabi mo Kang Seulgi."

Utos ni Joohyun kay Bebiber.

Sabay inangat ng lola nyo yung malaking kutsilyong gamit-gamit nya kanina sa paghihiwa ng cake.

"Now speak."

Napalunok na lang yung oso.


Resibo 3: From Chapter 22: Marvin Gaye, Paragraph twenty-kyeme.

Ang pagbabalik ni Krystal sa buhay ng lola nyo.

"Uhmm, Bani I have something to tell you nga pala."

"Ano yun?"

"Remember Krystal? The girl I told you about dati. I kinda..." at ikuwento na rin ni Seulgi yung istorya nung Iphone 7 sa lola nyo.

Matapos ang brief explanation nung oso ay isang malutong na "Whut!?" ang pinakawalan ni Baechu na nadinig nang lahat ng taong sakay nung kotse.

Pinipigil pigilan na lang talaga ni Baechu ang sarili na ihulog si Bebiber mula sa umaandar na sasakyan.

Bakit nga ba nung nagsabog si Bathala nang sensitivity at good timing ay absent si Seulgi. Hindi man lang ba nito naisip na hindi pa gaanong nakakamove on si Irene mula sa "Tzuyu issue" ay may bago na naman itong isipin.

Resibo 4: From Chapter 40: Bayang Magiliw (Independence Day Spaycial), final parts nung kapitulo.

Introducing... the frying pan!

Biglang napabalikwas ng gising yung oso...

"Irenea?"

"Anong Irenea ka dyan?!"

As usual hyper na naman ang lola nyo.

"Uhmmm, I mean Bani?"

"Oh ngayong gising ka na pwede mo na siguro ituloy yung sinasabi mo kanikanina lang... sino nga ulit yung sinasabi mong EX? At ayus-ayusin mo ang sagot mo Kang Seulgi kung ayaw mong ma-knock out ulit ng frying pan."

Banta ng lola nyo dun sa oso.

As of the moment ang daming tanong ang tumatakbo sa utak ni Seulgi... pero ang pinaka-importantatious of all siguro ay kung saan nagmula yung kawali?



🍳         🍳          🍳

Hay naku marami pang-series of unfortunate events na nangyayari sa oso everytime may sasabihin sya sa lola Baechu nyo. Kung baga sa slambook, "to many to mention."

What are the odds na ipagwawaswasan na sya for real nung kuneho this time?

"Anong sasabihin mo Bebiber?"

"I'm engaged."

"Oo alam ko.  Malamang no! Alangan naman ako lang mag-isa ang engaged."

"That's not what I meant."

Patay tayo dyan.

"And what do you mean Seulgi?"

Yung mga alarm bells sa utak ng lola nyo na ka full red na.

"My parents wants me to marry someone else."

Baechu, kalma.

Inhale... exhale... inhale... exhale... in-in--inakupo!


"Bani please no!"

Di malaman nung oso kung papaano sya magtatago from your lola. Nakahagilap kasi ng pambambo si Baechu from the car. May choices pa kamo, meron kasing tennis racket, golf club at cross-wrench sa likod ng kotse. At dahil mahal nung kuneho yung oso, dun sya sa cross-wrench.

"Bani please let me explain."

Nagpapaikot-ikot yung mag-jowa sa sasakyan. Kapag papalapit na ang lola nyo sa side ni Seulgi ay kakaripas ng takbo yung oso sa kabilang side nung van.

"Explain explain ka dyan hayop ka!"

"Bani please."

"Leche ka matapos ko sa iyo ibigay ang LAHAT LAHAT! Yun pala wala kang balak panagutan ako!"

Wehhh... as if naman may nabuo Baechu.

"But I'm not going anywhere Bani."

"Not going anywhere ka dyan! Eh kakasabi mo lang na may papakasalan ka na iba. Pwes! Kung di ka rin lang sa akin babagsak eh mabuti nang di ka mapunta sa iba. Nyetakels na yan! Ako ang nagtanim, ako ang umani, ako ang nagbayo, ako nagsaing, tapos iba ang kakain! Asan ang katarungan? Asan?!!!"

"Wait. Time out! Wala naman akong sinasabi na magpapakasal ako sa iba ah. At wala akong balak na magpakasal kung di rin lang ikaw."

Wuchu... uy uy uy ang lola nyo nikikilig ang pempem. Pero 'te muna...

"Eh leche ka kakasabi mo lang kaya kanina! Gagawin mo pa akong bingi. Halika nga dito oso ka! Lulumpuhin talaga kita I swear!!!"

"Bani listen to me!"

Ay very commanding yung boses ni Seulgi na kahit yung kuneho natigilan.

"Bani before I met you, kahit noon noon pa I was already set to marry someone... yun yung nasa utak ng mga magulang ko."

"At sino naman yun? Don't tell me si Tzuyu! Ay naku maghahalo talaga ang balat sa tinalupan kung sya!"

Wow ang bago ng linya ng lola nyo.

"No! Of course not."

"At sino yung hinayupak na yun?!"

"He's an old friend. My family knows his family. Hindi ko alam kung papaano nangyari or kung ano ang nangyari at inassume ng mga magulang ko na boyfriend ko sya."

HUUWWAAAATTT?!
YUNG OSO MAY JOWA NA BOY?
 


"May boyfriend ka?!!!"
 
"What?! Wala no!"

Dapak! Anong akala nitong oso mapapaniwala nya ng ganun ganun lang ang lola nyo?

"So let me get this straight. Akala ng nanay at tatay mo boyfriend mo itong boy, tama ba?"

"Oo."

"And never mo silang kinorrect?"

"I told them noon na he is not. But they did not believe me. Ang sabi kasi ng daddy tsaka na ako mag-boyfriend pagtapos na akong mag-aral."

"Bawal ang boyfriend? So ang ginawa mo nag-girlfriend ka? Ganern!"

Ay! May point si Baechu in fairview. Tama naman di ba?

"Uhmm... ah... eh..."

Huli ka Bebiber!

"Talipandas kang oso ka talaga! Halika nga dito!"

At na-resume na naman yung mala-Tom-and-Jerry na habulan nung mag-jowa.

"Bani time out ulit! Please napapagod na ako..."

"Sige na nga... pero 5mins lang."

Hihingal-hingal na napaupo sa semento yung oso.

"Again. I don't have a boyfriend."

"Fine." Ay yung 'fine' nung lola nyo iba ang dating.

"Really Bani... there's only you."

"Only you ka dyan! Hay naku! Nevermind. Oh anong sabi ng tatay mo nung sinabi mo na di mo jowa yung hudas-barabas-hestas na lalaki na yun?"

Ang aga ng senakulo, pansin nyo yun? Charot!

"Sabi lang nina Mommy at Daddy, 'okay'. Basta daw kung sakaling magkakatuluyan kami ay we have their approval daw."

"Punyeta! Eh kung ikaw kaya ang tuluyan ko?!"

Etong cross-wrench Beachu. Banatan mo sa ulo para maalog yung brain. Go!
 

🔧          🔧         🔧 
"Bani freeze!!!"

Ano tayo nasa 'Frozen'?

Elsa? Tok. tok. totok. tok. Do you wanna build a snowman?

"Lech ka anong freeze ka dyan?"

"Aray!"

Ayan natuktukan yung oso.

"So hinayaan mo na lang na ganun yung nasa isip nila?"

"Oo kasi after nun di na nila ako kinukulit about boys. Tsaka Kuya Popoy's cool with it, hindi naman sya na-bobother. Sabi nya hayaan ko na lang daw sina Mommy at Daddy."

Popoy? Hindi kaya si kuya mong boy ay si... ay asan si Basha?

"Okay lang sa kanya?"

"Mukha. And kapatid lang talaga ang turingan namin so walang effect yung pangangantyaw nina Daddy."

"May girlfriend ba itong Kuya Popoy mo?"

"I don't know. Baka... di ko alam kasi he lives in the states naman. We only see each other kapag nauuwi sya ng Pinas or kapag nagbabakasyon ako abroad."

So anong ginagawa nyo kapag... hay naku basahin nyo na lang yung movie line sa taas.

Pero teka...

Old friend.
Boy.
Abroad.


Hindi kaya...

"Wait sya ba yung kasama mo sa picture nung nasa New York ka?"

"Sa picture?"

"Oo sa picture. Sa Twitter. Hashtag coffee with an old friend, remember?"

"Ah yun yup that's Kuya JL."

"Teka akala ko ba Kuya Popoy?"

"Ah eh ganito kasi nickname nya yung Popoy. Pero kapag nasa US sya ang ginagamit nya na palayaw ay JL, short for John Lloyd."

Ah...John Lloyd. So hindi Basha kundi Ellen pala. Ellen...De Generes. Chos!

"Ay naku whatever! So anong issue with him?"

"Uhmm ganito kasi, Kuya Popoy's one of the few people na nakakaalam na I'm in a relationship with you. He and I are super close."

Okay... alam naman pala eh so wag ka na magalit Baechu.

"Oh tapos..."

"Siguro that's one of the reason kaya hinahayaan nya lang na i-assume nina Mommy and Daddy na kami or like we share something special... hay naku basta para siguro di na ako makulitan. So yun nga, close ang mga family namin eversince so when we were in New York he flew in from L.A. to meet us. Okay naman nung nagkita kami, nagkamustahan and nagkuwentuhan. Pero nung napagusapan na ulit yung topic about sa amin, his usual answer changed."

Whut?! Ansabe?!
 
"Usually kasi sasabihin nya lang masyado pa akong bata or something... pero nung time na yun ang sabi nya di bale daw tutal malapit na ako matapos sa masters ko so pwede na daw siguro naming i-aarrange yung about sa kasal namin."

De Fung Fung. Ano daw?!

Yung cross-wrench Baechu, yung cross-wrench!!!


🔧         🔧         🔧 

"Punyeta ka! So anong ginawa mo nung sinabi nya yun? Wag mong masabi-sabi sa akin na naupo ka lang dun at umOO?!"

"No uhmmm... ang sabi ko kina Daddy na wala pa akong balak magpakasal."

"Ano?! Di mo ako pakakasalan?!"

"Huh? Of course oo."

"Oh bakit di mo sinabi sa kanila yun?"

"I was about to, kaya lang kasi biglang sumulpot si Kuya JL, tapos biglang napagusapan yung kasal and everything so nalito na ako."

"Ewan ko sayo!"

"Pero kinausap ko na si kuya nang one-on-one, ibinalita ko na rin sa kanya yung about sa engagement natin."

"Oh anong sabi nya?"

"He asked me if I'm sure. Kung kaya ko na daw bang humarap sa mga magulang ko and tell them the truth."

"Anong sabi mo?"

"I said yes..."

Ikaw na Baechu! (Sabay labas ng pompoms)

Ang babaeng pinagpala sa lahat!

Pak na pak ang beauty mo talaga.

Ang haba ng hereret!


"...pero ang sabi ni Kuya Popoy pagisipan ko daw ng maigi..."

Ay... ganern? (sabay baba ng pompoms)

"And he also made me promise na I won't talk to Mommy and Daddy hanggat di pa kami nagkakausap ulit... in person I mean."

Watdapak? May humahadlang sa kaligayahan ng lola nyo.

"So hahayaan mo lang syang diktahan ang buhay mo?"

"No, but I made a promise to him. And maganda rin ang nangyari kasi it gave me time to think things over and I realized that..."

"Ano?! Anong na-realize mong oso ka?!"

"Na I really wanna be with you."

Ashuwasha... asan na nga ba ulit yung pompoms ko.

"Ayun naman pala eh. So anong problema?"

"Uhmm... he called me the other day and he said that he is coming home in a month's time."

Yun oh!

So ang mangyayari ay maguusap na sila once and for all ni Bebiber.

Sunod kay Kuya John Lloyd ay si Papa Kang naman ang kakausapin ni Seulgi.

Then after maging legal ang relationship nila, pwede nang mamili ng wedding dress ang lola nyo sa Divisoria.

"Okay so uuwi na si Kuya Popoy mo... okay that's good."

"Oo yun ang sabi nya, he's coming home para daw mapagusapan na yung about sa engagement NAMIN."

NAMIN? Wait. Hindi ba dapat NATIN?

Nyet nyet... asan na nga ulit yung cross-wrench.


 🔧         🔧         🔧 

"Punyeta? Bakit biglang nagkaroon ng kayo?!!!"

"Walang kami. I told him that, pero he won't listen. Magusap na lang daw kami paguwi nya."

Hala ka Baechu may gustong umagaw sa Bebiber mo.

"Oh eh anong balak mo ngayon?"

Masakit man Baechu wants to know about Seulgi's plan. Mainam nang hangga't maaga ay informed ang lola nyo.

"Uhhmmm..."

Hala ka bawian na ba ng engagement ring?

Bye bye dyamond ring na ba?

"Ano Bebiber?!!!"

"Uhmm Bani..."

"... sa tingin mo handa ka nang ma-meet ang Daddy?"

 
#Seulrene #Seulgi #Irene #Fanfics #RedVelvet


Kinakailangan na ni Baechung ilabas yung mga pang-Miss Universe na mga sagot nya at may meet-and-greet siya with Seulgi's pemily. Beauty, brain and grace, eto na ang moment to shine ng kuneho. Kailangan niyang maiuwi ang korona ala Pia Wurtzbach.

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]