FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 50: Pablo Neruda

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 50: Pablo Neruda
"Let us forget, with generosity, those who cannot love us." 
Pablo Neruda 



Kakakalimutan na kita...  

"Boo!"

"Ay kabayo!"

Tatawa-tawa si Rose habang hinahatak nya yung upuan sa tabi ni Wendy.

"Nagulat ba kita?"

"Hindi."

"Wuchu! Deny pa more."

"What are you doing here Rose?"

Ay wala sa mood yung hamster, ang shunget ni ate.

"Dinner."

"What?"

"Di ba sabi mo kaninang umaga ililibre mo ako ng dinner?"

"Oh that... oo nga pala nakalimutan ko."

Hindi masyadong obvious, or baka masyado lang manhid si Wendy to notice na parang lumungkot yung mukha ni Rose, sandali lang naman mga .85 second.

"So, what's for dinner?" Back to normal na ulit yung mukha ni Rose.

"Hmmm..."

Wendy is still too busy looking at the papers in front of her. May kinu-compute syang kung ano kaya ni hindi man lang nito nakuhang lingunin yung kanyang former 'doctor'.

"Huy! Ano?" Naiinip na si Rosa Mistika kasi wala namang kalatoy-latoy kausap nung katabi nya.

"Rose, you're in the cafe you can order whatever you want."

Yun oh! Nakita nyo yun?! Nagbago na naman yung fest ni bakla pero split second lang.

"Pero, I thought we are going out."

Ay... whiny-whinihan ang drama ni ateng.

"But Rose can't you see that I'm busy?'

"Kahit sandali lang... please."

Pa-cute pa more.

Buntong hininga na lang ang naisagot ni Wendy, and then after...

"Fine, where do you want to eat?" 

 🚗         🚗        🚗
  https://c.lazada.com.ph/t/c.Yc1L?url=https%3A%2F%2Fwww.lazada.com.ph%2Fproducts%2Fybc-unisex-oversized-retro-nerd-geek-clear-lens-plain-optical-glasses-black-i8131872-s10328685.html&

Kakakalimutan na kita
Siguraduhin mong hindi talaga pwedeng tayo


Wow may bagong kotse yung hamster.

Mirage ng Mitsubishi, yung red. Fifty kiao downpayment, 48 months to pay.

Ang tagal kinumpute ni Wendy kung papano nya babayaran yung monthly amortization kaya wag kayong judgemental.

Ang daming freebies in fair... 1 year comprehensive insurance, free gas for one month, tsaka ang pinakamasaya kasama na yung audio system sa binayaran so si Wendy pwedeng pwedeng... sumideline as UBER driver (pandagdag sa amort), joke! Mag-car pool karaoke I mean.


At ang unang-unang pasahero ni Wendy ay walang iba kundi yung BFF nyang  oso. At alam nyo naman na siguro na when there's a Bear, there's a Baechu. So love triangle na naman ang peg nung tatlo (or sa utak lang nung hamster).

Sabi ni Seulgi joyride daw sa Tagaytay so ang lola nyo pumapalakpak yung mga bunny ears. Syempre it's all coming back to me now na naman yung mga memories ng kanyang pers time.

Habang busy yung hamster sa pag-dridrive, yung oso naman busy sa pamimili ng kantang papatugtugin.

May rotation yung tatlo mind you, 1 song per person.

Kanina bumanat na ng half Chiquititta, half Fernando si Baechu (bakit ba? eh sa hanggang chorus lang ang kaya ng ngala-ngala ng lola nyo).

"Here!"

Excited yung oso after makapili ng kanta.

"5, 6, 7, 8!"

So I put my hands up
They're playing my song, the butterflies fly away
I'm noddin' my head like


"Yeah!"  Bahhh... may pa-back up singers si mayor sa katauhan nina Baechu at Wendy.

Movin' my hips like..
'Yeah' ulit yung dalawa.
Yeah, its a party in the U.S.A.

At dahil pinauso ni Baechu yung half-half na kanta, so dalawa rin yung kay Seulgi. Yung next song... Miley Cyrus again, yung makawasak vaginang "The Climb"

Hinihingal pa si Seulgi mula sa pag-atungal ng 'it's the cliiiimmbb' when she nudged yung katabi niyang driver, "your turn."

Uyyyy, yung hamster na eto na...

I can't fight this feeling any longer

Watdapak?! Ano yun?

And yet I'm still afraid to let it flow
What started out as friendship has grown stronger
I only wish I had the strength to let it show...


Eto na PAWER!!!

And I can't fight this feeling anymore
I've forgotten what I've started fighting for
It's time to bring the shipment to the shore
And throw away the oars (sagwan mga ate)
Forever


Favorite line ng mga umaasa... all together now!

Cause I can't fight this feeling anymore
I've forgotten what I've started fighting for
Even if I had to crawl up on your floor
(versace on the floor is that you?)
Come crashing through your door (ouchie!)
Baby I can't fight this feeling anymore (Is this a premonition?) 


 🚗         🚗        🚗

Kakakalimutan na kita...
Siguraduhin mong hindi talaga pwedeng tayo
Napagisipan mo na ba?


Alam mo yung feeling na may sasakyan ka nga pero wala ka namang mapuntahan?

Thirty minutes nang nakaupo si Wendy sa loob ng kanyang bagong bagong kotse, pero wala pa rin syang maisip kung san sya gagala.

Ang aliw nung weather sa labas, medyo maambon so ang ganda ng effect sa car window. Full tank yung kotse. Tapos kaka-withdraw lang nung hamster, so may budget.

Gorang gora na si Wendy, ang tanong where to? Tsaka with whom?

Naka-ON yung radio, and sa kamalasmalasan sa drama pa na pa tune-in yung hamster. At ang saya saya ng topic... #BFFYourFace

Baklang radio DJ: Yan tayo eh! Sabi nga sa ating topic, 'kung hindi mo jojowain, huwag mong papaasahin! Baka kasi kung kailan ready ka na ay nasa piling na siya ng iba. Yun oh!"

Aray, parang may tinamaan.

Baklang radio DJ: Ay may nagpadala ng text dito, ang sabi "tama po yun ate, kung walang balak, wag magparamdam. Na-MMK din po kaya ako dati and it hurts ate... napakasakit."

Ano yung MMK? Maalaala Mo Kaya? No, ang ibig sabihin ng MMK ay 'Muntik Maging Kayo'.

Wag ka, meron ding version ang GMA, "Magpakailanman."

Magpakailanman... walang kayo.

At di pa nakuntento yung radio DJ talagang bumanat pa ng side comment.

Baklang radio DJ: Para sa mga paasa out there, wag kayong ganyan please. Anong tingin ninyo naglalaro lang tayo ng "Saksak Puso Tulo ang Dugo, Im-im-impiyerno ganern? Masakit maiwan akala nyo ba. At sa totoong buhay kapag na saksak puso ka di naman dugo ang tutulo kundi balde-baldeng luha.


Continuation ng koda...

Baklang radio DJ: Sabi nga nila finding someone to love is easy, but finding someone who will love you back... yun ang mahirap. Para dun sa nagpadala ng story natin for today, I hope you have learned your lesson. And para sa iyo 'tong kanta na to... (plays If You Ever Change Your Mind by Crystal Gale, oo na old na kung old paki nyo)

And if you ever change your mind (asa ka)
And find you miss those feelings that you left behind (wala na nga ang kulit)
We could give it one more try (pakatanga pa more)
Some magic place and time (ano to a whole new world lang ang peg?)
If you ever change your mind (sana you change yours too)

 

Alak pa! Pampamanhid! Charot! Sapol na sapol yung feelings nung hamster. Radio drama pa more.

Sa inis ni Wendy, she took her phone and scrolled  through her contacts.

"Hello it's me, I know it's a holiday at bago ka pa bumanat na kinalimutan na naman kita eto na nga oh I'm calling you na. So ano, gusto mo bang mag-Star City? Ikaw magbayad ng entrance kasi syempre ipagdridrive na nga kita. Bilisan mong magbihis kasi I'm on my way na."

"Uhmm... Wendy?"

"Oo it's me. Don't tell me you erased na my number sa phone mo?"

"No no it's--"

"Ano ba sasama ka ba o hindi?"

"Ha?"

"Ang arte... ano?"

May slight irritation na sa boses nung hamster, hindi sya sanay kasi dati si Rose yung mahilig mag-aya ng gala. Eto ngayong sya ang nag-iinitiate ang daming kyeme kyeme nung isa.

"Uhmm... o-okay but I'm in Tondo right now. Alam mo ba ang papunta dito?"

"Tondo?"

"Oo. Kasi wala namang sinabi si Seulgi na magkikita kami, kaya umuwi na lang ako ng Tondo."

Medyo nagugulumihanan si Wendy. Kailan pa naging tiga-Tondo si "BABE"? Hindi ba taga-Taguig si Rose?

Inalis nung hamster ang kanyang phone mula sa pagkakadikit sa kanyang tenga at saglit na sinilip yung screen ng kanyang phone... and tama nga ang hinala nya. Imbis na si Rose (Babe) ang natawagan nya ay lumagpas sya ng scroll at ang na-click nya ay si... Baechu.

Babe... it was actually Rose who saved her phone number on Wendy's phone. Una kasi nakasave sya under "Titanic Rose" so sa inis nung doctora namakels na sya ng phone ng may phone and changed the contact name.

Baechu... si Wendy talaga ang namili ng contact name na yun. Ginawa niyang Baechu kasi na-kyukyutan sya sa 'Baechu,' tsaka kagandahan nun konting scroll lang kita nya na kaagad. 

 
Ang kaso mo eto ka, wala sa hinagap nung hamster na mangyayari na mamamali sya ng dial.

"Hello? Wendy?"

"Ah eh yup I'm still here. So uhmmm Irene... do you want to go to Star City with me? Don't worry libre ko. Yung kaninang sinabi ko, wag mong intindihin yun I was just kidding."


🐰          🐰        🐰

Kakakalimutan na kita...
Siguraduhin mong hindi talaga pwedeng tayo
Napagisipan mo na ba?
Dahil kakalimutan na kita 


"Huy ano ka ba? Talagang di mo tatantanan yang game na yan hangga't di mo naiuuwi yung grand price no?"

"Eh ang cute naman kasi nung big stuffed toy."


Tinitigan ulit ni Rose yung tinutukoy na premyo ni Wendy. It's a big fluffy, purple bunny. Iniisip ni Rose kung may sinabi ba syang gusto nya yung laruang kuneho kanina. Pero no? Wala naman syang nabanggit, actually yung bet nya ay yung premyong notebook. Wendy already won that for her, so di nya malaman kung bakit hanggang ngayon ay di pa rin tinatantanan nung hamster yung pamimingwit ng mga plastic ducks.

Halos nakaka-payb hundred na ata yung hamster sa mga lintik na lumulutang na bibi, pero di pa rin nya makuhakuha yung jackpot prize.

Nung wala nang madukot na bente, or isang daan sa bulsa si Wendy ay kinalabit na nito yung kasama nya.

"Huy, pautang one hundred?"

"What?!"

"Sige na oh... please Rose. Feeling ko malapit ko nang mapanalunan yung rabbit. Shige na... bayaran din kita later, pagka-withdraw."

Well as if naman may choice si Rose. Minsan minsan na nga lang maglambing sa kanya si Wendy tatanggihan pa ba nya.

Kanina pa kaya nagtataka yung doktora kasi himala, inaya syang lumabas ni "Babe." Tapos eto ka, magmula sa entrance ay puro si Wendy ang nagbabayad eh dati rati palagi sya ang pino-front nung hamster basta bayaran time na. Chineck nya, normal naman yung temperature ng kanyang ex-patient. So anong meron?
 
 

🐰          🐰        🐰 
 
Kakakalimutan na kita...
Siguraduhin mong hindi talaga pwedeng tayo
Napagisipan mo na ba?
Dahil kakalimutan na kita
Eto na...


Gusto mo yung sineat-beltan pa ni Wendy yung napalanunan niyang kuneho. Prenteng prente itong nakaupo sa may likod. Habang si Rose ay nasa passenger seat sa tabi ni Wendy.

"So anong ipapangalan natin dun sa napanalunan mo?"

"Uhmmm... I don't know siguro I'll let Irene name her na lang."

"Irene? That's for Irene?"

Oh no...

"Oo. Nung nakaraan kasing nag-Star City kami she told me she wanted one, kaya lang nung nakaka-tatlong try na ako she stopped me. So yun, pinilit kong mapanalunan yung toy para maibigay ko sa kanya kapag nagkita kami."

"Nag-Star City kayo ni Irene?"

"Oo nung Lunes. Holiday nun remember?"

"Ah okay..."

Focused sa pagmamaneho si Wendy kaya di nito nakita yung mukha ni Rose na di mo mawari kung naiiyak or may masakit or something.

After a few minutes ay nasa harap na ng bahay nina Rose si Maya (yun yung name nung kotse nung hamster).

"Wala ka na bang nakalimutan sa loob ng sasakyan Rose?"

"Wala na."

"Okay. Well good night then."

Patalikod na si Wendy nung bigla syang hinila paharap muli ni Rose.

"Wendy, tell me anong balak mo sa atin?"

"Huh, what are you saying?"

"Ano ba ako sa iyo?"

"Huh?"

"What the hell are we doing?"

"What do you mean Rose?"

"This. Ano ba tayo ha? Mag-jowa? Friends? Ano? Kasi dati iniiwasan kong mag-tanong about labels kasi I don't want you to freak out. I was giving you time to sort your feelings. Pero naglolokohan na lang tayo eh."

"Now, wait a minute. Baka nakakalimutan mo this set up was your idea. You said you will give me time."

"Well sinabi ko yun kasi akala ko you are slowly getting over your Irene issue. The idea was for you to distance yourself from her. Pero paano ka naman makakamove on from your stupid obsession over her kung puro na lang 'si Irene, si Irene' ang bukang bibig mo. Malingat lang ako sandali, mababalitaan ko na lang na nakasama mo sya sa ganyan, sa ganito. Then I will tell you to stop, then you will say you will try. Tapos after a few days you will find a way to be near her galaxy again. Paulit-ulit na lang yung routine natin Wendy, nakakasawa na."

"I didn't ask you to."

Rose couldn't believe what she just heard. Ganun ba sya ka walang kuwenta sa paningin ni Wendy?

She wanted to walk away, ayaw nya na... masakit na masyado tsaka pagod na syang umasa sa wala.  Pero she doesn't want to give up... not yet.

"Wendy pwede bang tayo na lang?"

Wala na, gone with the wind na yung pride ni Rose.

What is pride kung single ka? BER months na oh... nagsisimula nang lumamig. Charot!

"Rose..."

Naghahanda na ng speech yung doktora, ang title... "10 Reasons Why You Should Choose Me"

One... ma-- dami masyado so dun na lang tayo sa summary nung ten... that she loves the stupid hamster period.

"I love you."

Yun oh!

Sabi sa inyo dun tayo sa hindi ma-pride.

Dun tayo sa malakas ang loob magsabi ng kanyang nararamdaman.

Wala nang paki kung syang maunang umamin.

Pero sabi nga sa kanta ni ate KZ Tandinginan... Sinong pipiliin ko? Mahal ko o mahal ako.

Sino nga bang dapat piliin ni Wendy?

". . . "

"So after all that I have done, this is what I get? Silent rejection?"

" . . . "

"Fcuk you!"

"No, Rose it's--"

That's it ayaw nang makinig ni Rose sa mga sasabihin ni Wendy. She gave it a shot, ibinaba na nya lahat ng pwedeng ibaba... expectations, pride, panty, everything... she's had enough.

Rose started walking away.

"Rose wait!"

"What?! What do you want Wendy?!"

Natigilan yung hamster sa tanong ni Rose

You see the thing is kahit si Wendy hindi rin nya alam kung anong gusto nya. Or alam nya pero she's afraid to say it out loud kasi ang selfish ng dating...

"Can't say it huh... why because natatakot kang masaktan mo ako? Well newsflash stupid! Noon mo pa ako sinasaktan! It's my fault din naman, I let you treat me that way. Ngayon ko lang na-realize na ang katangahan parang anesthesia, may numbing effect."

"Rose..."

"Can you please be honest with me Wendy for once? Surely you owe me that. Just answer me yes or no..."

Tumingin yung hamster kay Rose.

"... kung sakaling mawawala sa picture si Seulgi. Do I even stand a chance?"

"I'm sorry..."

"Yes or no lang Wendy."

"Rose..."

"Yes or No!"

"No.


Napagisipan mo na ba?
Dahil kakalimutan na kita
Eto na...
Eto na...


Gusto mo yung at the exact moment na na-reach ni Rose yung boiling (at gustong mang-break) point ay sakto may isang malaking tipak ng solid rock na abot tanaw.

And it didn't take long at nag-teleport yung malaking bato from the tabing kalsada to Wendy's car via the  windshield or to be more specific... through the windshield.

"Maya!!!"

Tanging yun na lang ang nasabi nung hamster after basagin ni Rose yung salamin ng kanyang brand new car.

Deserve ba ni Wendy yung nangyari?

Well, before you comment, remember this...

...hindi naman kayo ang nasaktan.



Author's Note:
Yung paulit ulit na phrase na ginamit sa chapter ay lyrics from the song, Sa Hindi Pag-Alala by Munimuni.



#Seulrene #Seulgi #Irene #Fanfics #RedVelvet  
 
Read Next 51: Engagement Chenes
Itigil ang kasal! Cheret! Pero seryoso kamusta na nga ba ang engagement ni Bebiber at Bebibani? Bye bye dyamond ring na nga ba? 

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]