FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 54: PS ILY

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 54: PS ILY


"Love should not be a heavy feeling, it should not make you suffer. Love should make you happy. It's a smile in the heart, it makes you come alive, love makes you want to fly, you know..."
Sharon to Gabby in 'P.S. I Love You'



I know.

Gaga-gaga talaga yang lola nyo kahit kailan. Di pa man kabilugan ng buwan, pero si bakla may sapi na naman.

Kasalanan 'tong lahat ni Chicken Joy eh. Remember yung heart to heart talk nila ni Ate Irene nung nakaraan? After the talk... your lola have never been the same, charot!

Oo alam ko, most of the time naman talaga may sapak si ateng. Pero kaloka lang na kung kailan kaharap nya si Daddy Kang eh tsaka pa umatak yung kanyang ka-krungkrungan. Tama nga ang sabi nila, "love can make you do crazy things."

Malaki ang ipinaglalaban ni Baechu. We are talking about your lola's future here.  Yung bahay bakasyunan na overlooking Taal Volcano. Yung annual trip abroad with Seulgi. Yung wedding aniversary sa Paris.  Yung ha-ha-hap-hap-happily ever after niya surrounded by a dozen mini bebibers and bebibanis.

Mas advanced pa sa Advance Accounting, pero eto talaga yung pangarap nung kuneho. Pagbigyan na natin si Irenea. In love eh anong magagawa natin?

Basta ang alam ni Joohyun, running for first honor si Amang Oso sa kanyang top ten list of people na hadlang sa kanyang pangarap na Forever and Ever with Seulgi.

Oh dava ang lakas maka-Rich Man's Daughter nung eksenahan sa buhay ng lola nyo. Feeling nung kuneho sya si Glaiza, tapos si Bebiber naman si Rhian, and si Papa Kang si Al Tantay. Pak! Kulang na lang yung pa-theme song ni Aicelle Santos, yung...

No matter what they say, we belong together
No matter what I do, can't stay away from you
No matter what they say, we should be together
All I want do is to BE WITH YOU


Hay naku paano na itechiwa?

Basta in Baechu we trust na nga lang.

Mukha namang may plan si granny... leche plan.
 


❤️          ❤️         ❤️
"Blind what? Are we talking about the same thing kung saan kayo nagkakilala ni Seulgi?"

Shing!
 

Anone na Baechu?!

Akala ko ba you've got a plan?

"Uhmmm..."

Delaying tactic ang peg ng lola nyo.

Pasensya naman kasi kahit si bakla nabigla din sa mga pinagsasabi niya sa harap ng mga magulang ni Bebiber. Habang yung oso naman kasalukuyang nag-ooverload yung mga brain cells.

"Seulgi anak are you okay?"

"P-po?"

Nginuso ni Mother Bear yung tinidor na hawak-hawak ng kanyang baby oso. Sa sobrang atang lost in space ni Seulgi di na niya namalayan na naisawsaw na niya sa Mang Tomas yung hipon na kababalat lang niya kanina.

"Oh sorry."

"Are you okay anak, parang namumutla ka ata?

"I'm fine mom."

"So hija is it the same?"

Tengene yung investigative anes ni Papa Kang, mukhang may gusto talagang palabasin si future father-in-law.

"Uhmm same po."

"Oh I see. So kung same, I'm assuming na Seulgi and that girlfriend of yours ay--"

Haro josko here we go...

"-- magkakilala na."

Of course matic na nag-auto focus yung gaze ng lola nyo kay Seulgi, pati rin si Mr. Kang napatingin sa anak nyang oso.

This is it, pancit! Eto na yung moment na hinihintay ng lola nyo.

Di talaga sinagot ni Irenea yung tanong ni Papa Bear kasi she's waiting for Seulgi to answer it for her. Eto yung isa sa leche plan ng lola nyo. She would like to hear from Seulgi yung statement na, "mom, dad there's something you need to know, Irene and I... we are more than friends kemerloo kemerloo..."

Nakanam naman... so ano na Bebiber? Sagot!

"No, dad I haven't met her."

SAAAYYYY WHUUUTTT???

Leche eto na nga bang sinasabi ko sa iyo Baechu eh!

Sinabi nang ipapakilala ka lang today eh ikaw itong makulit.

Oh eh anong napala mo ngayon?

Na-deny tuloy yung beauty mo day.



😤         😤        😤

Wala na sa mood manginain yung kuneho. Pati chumika wala na ring gana si ateng. Di na nga nya masyadong nanamnam yung pa-dessert ni Mother Bear na black forest cake. Basta hanggang sa matapos yung dinner ay paulit-ulit lang na nag-rereplay sa utak ng lola nyo yung last statement ni Seulgi.

I haven't met her
I haven't met her
I haven't met her
Punyeta! Haven't met her ka dyan?!

Hala ka galit ang lola nyo. Otoke?

From Bebiber :
Bani, okay ka lang?

To Bebiber :
- _ -

From Bebiber :
Eh?

To Bebiber :
Che!

From Bebiber :
Huy galit ka ba?

To Bebiber :
Di ba obvious?

Bebiber calling...


From Bebiber :
Bani sorry na, please talk to me.

Bebiber calling...

From Bebiber :
Bani... please...

Bebiber calling...

From Bebiber :
Okay, mukhang ayaw mo talaga akong kausap so...
...have a good night na lang.

To Bebiber :
OSO KA TALAGA!
DI KA MAN LANG MAG-EEFFORT NA SUYUIN AKO!
BUSET!!!

 

Ang lola nyo naman kung makagamit ng CAPSLOCK wagas.

From Bebiber :
Huh? Eh I was calling kanina di mo naman sinasagot.

To Bebiber :
EWAN KO SA IYO! AYHATECHU!

Bebiber calling (again)

Finally sinagot na nung nagiinarteng kuneho yung tawag nung oso.

"Hello. Bani?"

". . ."

"Bani are you there?"

". . ."

"Bani?"

Sniff... sniff... sniff

Hala umiiyak ata ang lola nyo.

"Bani are you crying?"

"Hindi. I'm actually laughing... har har har (sarcastic tone)."

May pagka-pilosopong Tasyo din talaga itong lola nyo eh no? Ang daming eme emeng nalalaman, manong sabihin na lang kung ano yung ipinaglalaban niya.

"Bani I know you are mad because of what I said kanina, I'm really sorry."

"Sabi mo di mo pa na-memeet yung 'girlfriend' ko."

"I am so sorry Bani. Nataranta ako kaya di ako nakapagisip ng magandang isasagot."

Actually kahit ano naman ang isagot nung oso, kung di rin lang katulad nung inaasahang madinig ng lola nyo, ang ending at ending pa rin talaga ay magtatampururot yung kuneho.

"Ikinahihiya mo ba ako?"

"What?! Of course not."

"Then why Seulgi? Why?! (sniff sniff)"

"Bani, we shouldn't be talking like this on the phone. Maybe we should--"


"Tamo! Tatatawag tawag ka tapos ngayon sasabihin mo sa akin 'we shouldn't be talking.' Ewan ko na nga sa iyo bahala ka na sa buhay mo! Ayhatechu!!!"

Sabay disconnect ng lola nyo dun sa tawag.

"Hello? Bani? Hello?! Goodness I swear Bae Joohyun masisiraan talaga ako ng bait nang dahil sa iyo."

Dali daling nag-type ng message si Seulgi para sa kanyang Bebibani.

To Bebibani :
Di ko sinabing I don't want to talk to you... ang sabi ko we shouldn't be talking like this on the phone.
You have 20 secs to open your front door Bae Joohyun, or else...

...matutunaw itong ice cream na dala ko.
 


🍦           🍦           🍦
 
Leche! Akala ko naman marunong nang mag-ultimatum at pumapatol sa saltik ng jowa nya itong oso. Pero I guess wala talaga sa manual ni Seulgi ang magalit sa Bebibani nya, kahit na minsan OA sa alright na yung kagagahan nung kuneho.

"Bebiber?"

Yes, granny open mo na yung door dali.

Bumilang pa muna ang lola nyo bago pinagbuksan yung jowa niya.

3... 2... 1

"Anong ginagawa mo dito oso ka?" *coldtone

"Napansin ko kanina Bani halos di ka nakakain ng dessert so... do you want some ice cream?"

"Im not hungry."

Wuchu... may pa-epek pang ganyan ang granny ninyo. Pero if I know kinikilig deep inside si bakla.

Kasi di ba ang sabi ko naman sa inyo, madaling magtampo ang lola nyo pero madali rin namang mawala ang inis nito lalo na when it comes to Bebiber. The oso has that effect on her na  konting lambing lang bumibigay na kaagad sya.

"I also have yung favorite mong hopia."

Bibigay na yan... Bibigay na yan.

"Anong flavor?"

"Eh?"

"Kako yung ice cream anong flavor?"

"Oh that uhmmm... keso real, yung favorite mo."

Iniangat pa nung oso yung gallon nung ice cream, tapos sabay pakawala ng ngiting happy toothpaste.

"May atraso ka pa rin sa akin oso ka."


🍦           🍦           🍦

"Uhmm Bani..."

"Oh?"

Malamig na yung ulo nung kuneho, salamat sa ice cream. So pwede ng makausap ng matino yung kuneho.

"About kanina... sorry talaga ulit."

"Okay."

"Okay?"

"Okay."

"I'm really sorry Bani."

"I know you are. And I said it's okay na, okay?"

"Okay."

Edi okay, charot!

"Ano nga palang sabi ng dad mo kanina after kong umalis sa inyo?"

"Well, he asked me more questions about how I met you and stuff."

"Oh eh anong sabi mo?"

"Well I told him that the Blind Awareness thingy..."

"... wasn't true. That I actually met you sa isang blind date. And that you are my girlfriend."

Wait. WHUT?!!! 

 
Say that again please.

"Ano?! Seryoso?!"

"Yup."

"You told your parents about us? Seriously?"

"Yes I did."

Lakas manalangin nung kuneho in fair. Sya na nga talaga ang babaeng kuneho na bukod na pinagpala sa lahat.

"And yung tungkol sa engagement natin? Sinabi mo rin ba sa kanila yun?"

"Well... the thing is... medyo di na ako umabot sa part na yun."

"Huh? Oh eh bakit?"

"Kasi pinalayas na ako ng daddy after I told him I'm in love with you."

 
 -----

Author's Note:

Hoy mga bakla! Akalain nyo yun, tagal na pala ng Wag Mo Akong Ma-Terry Terry :)

I started the story, November 2016. I wrote the fic kasi that time, tag-tigang ng updates nun, so ang sabi ko sa sarili ko "fcuk it, I'll do it myself na nga lang."

Fast forward few years after, heto naglolokohan pa rin tayo hahaha charot!

Salamat sa mga nag-cocomment at sa mga nag-upvote.

And sa mga readers, I know some of you stressed sa work / sa school / sa life in general, well don't cha worry kasi di lang kayo ang stressed... si Baechu rin kaya, lalong lalo na kapag walang chorva char!

Ingats palagi guys. Love yah. :)
 

#Seulrene #Seulgi #Irene #Fanfics #RedVelvet
 
Kahit na ang daming kupal sa chorva life ni Irene eh gagawa at gagawa pa rin ng paraan si bakla para maulanan ang kanyang DRY "LAND". Handa na ninyo ang mga payong ninyo kasi paparating na ang Bagyong Baechu.

[BACK]  [VIEW ALL CHAPTERS]  [HOME]

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]