FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 56: BaniBer

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 56: BaniBer

"Kung magkakasala ka, ready ka bang magkasala with me?"
Judy Ann Santos in 'Don't Give Up On Us (2006)'

Alam nyo in fairness kay Baechu, malakas talaga yung panalangin PAWERRR ni ateng.

Buket ika ninyo?

Kasi di na tigang ang lupa!

As in, seriousness.

Kaya buksan na ang Angat Dam! Ang Ipo Dam! Ang La Mesa Dam! Ang DAM DAM DAM! (korny ko dun kainis)

Kaka-announce lang, as of 3:04 ng umaga ayon sa PAGASA may bagyo daw. At under signal number 1 ang buong Metro Manila.

May bagyo mga bakla! This is not a drill, I repeat this is not a drill.

At dahil nakataas ang signal number one sa buong ka-Maynilaan so most of the people don't want to get out of the house.

Masaya itey, bed weather. Chance na ng lola nyong ma-experience ang may ka-cuddle habang its cold and raining outside.

Ang kaso mo eto ka...


"Hoy babaeng higad! Si Ate Sunny mo tumawag. Kailangan ka daw sa office ngayon din."

Why do I feel a sense of deja vu?

Parang nangyari na yung ganitong eksena sa life ni Baechu ah... (remember yung Post Balentayms chapter?)

Bakit ba sa tuwing may nagagawang kagagahan ang lola nyo na ikina-hahyper ni Tita Cute Cute, ang consequence ay pinag-oOT sya sa office nang wala sa schedule?

Kaloka.

"Whut?! Eh Tyang, Linggo kaya ngayon."

Nga naman Tyang, fully booked na yung buong araw nung kuneho. Maraming activities na ni-line up si Baechu na gagawin nila ni Bebiber.

"Oo alam ko. May kalendaryo din ako, baklitang to."

"Tyang Linggo, araw ng pahinga."

"Leche ka! Buti pa sa trabaho may pahinga ka! Pero sa kalandian wala kang day off!"

Aray! Ang sakit naman nun Tita.

"Eyyy Tyang... I don't like. I'm not feeling well... pakiramdam ko magkakasakit aketch (*fake cough)."

"Aba charoterang kunehong to! Nung ginagapang mo yung jowa mo kaninang madaling araw, buhay na buhay ang dugo mo tapos ngayon sa trabaho 'not feeling well' ka dyan!"

"Tyang naman eh, ang lakas kaya ng ulan sa labas."

"Bakit dumadami ka ba kapag NABABASA?"

Hindi dumadami Tyang, DUMUDULAS kapag nababasa.

Like, slippery when wet... you know? Tulad sa kalsada. (kayo talaga mga green minded!)

"Eh Tyang pano si Seulgi?"

"Oh anong meron sa jowa mong mukhang oso?"

"Kawawa naman sya maiiwan syang mag-isa dito sa bahay."

"Buset na to! At anong tingin mo sa amin ni Yeri?"

Delivered in a very dramatic voice, "Do you really want me to answer your question Tyang?"

TOINK!

Ayan buti nga sa yo Baechu.

"Taragis ka! May nalalaman ka pang ganyan! Bilisan mo! Pumunta ka na ng office!"


https://c.lazada.com.ph/t/c.bCF2
"Bebiber, punta lang ako ng office saglit ha. Babalik din ako agad."

"Okay Bani."

"Kapag may kailangan ka, text or tawagan mo lang ako."

"Yes Bani."

"Yung lunch mo di mo na kailangang problemahin kasi, sinabihan ko na si Aling Maring na dalhan ka ng lutong ulam later."

"Ah okay... you know you don't have to."

"Of course I have to! Ayaw kong nagugutom ang Bebiber ko no. Tsaka nga pala, sinabihan ko na rin si Ate Yeng na nag-babanana que na dalhan ka ng meryenda mamaya."

"Eh panulak ate wala?"

That's the tyanak making singit-singit.

Tiningnan nang masama ni Joohyun yung kapatid nyang bigla na lang nag-appear out of nowhere mula sa likod ni Bebiber. Syempre mainit ang dugo ng lola nyo sa splukerang squirtle kasi mega sumbong sumbong ito kay Tita Cute Cute kanina.
 

"Tulak kita sa imburnal you like?"

"Ah ganun... Ate Seulgi! Alam mo ba kanina--"

"Aba 'tong kutong anes na to!"

Dali daling tinakpan ni Joohyun yung bibig ni Yerimi bago pa nito naituloy yung sasabihin nya sana.

"Bani anong ginagawa mo sa kapatid mo?"

"Ha? Ah eh wala... uhmm Seulgi pwede paki kuha mo muna sa kuwarto yung cellphone ko. Please."

"Ah okay sige."

Pagkaalis nung oso ay nag-resume na naman yung bangayan nung magkapatid.

"Hoy undin! Subukan mo lang sabihin kay Seulgi yung nangyari kanina kung ayaw mong ahitin ko yang kilay mo habang natutulog ka."(What is an 'undin'? Google nyo dali... hahaha)

"So now aahitan mo ako ng kilay. Matapos mong pagsawaan yung murang katawan ko kanina."

"Kadiri kang bata ka! Eww eww eww!"

"Wuchu! Pero katuwa talaga yung itsura mo kanina ate, lalo na nung kinukurot ka sa tagiliran ng Tyang."

"Leche ka talaga!"

Oh gulay... pwede bang wag nyo nang ipaalala kay Baechu yung nangyari kanina kasi super super embarrasing talaga as in...  tipong 'sana-mag-bukas-ang-lupa-at-lamunin-ako-ng-buhay' ang leveling.

Kung bakit ba naman kasi naihi si Seulgi kaninang madaling araw eh. Habang nung nasa CR kasi yung oso, sakto namang gumulong si Yerimi towards your lola's direction. Kaya nung hihiga na sana ulit sa tabi ni Joohyun si Seulgi wala na gaanong space. Kaya dun na lang sa may edge nung kutson nahiga yung oso. Tapos yung mga sumunod na pangyayari well... kung pwede lang i-erase from memory kanina pa ginawa ng lola nyo. Buti na lang habang nagkakagulo yung mag-titiyahin, si Bebiber tulog na tulog kaya di sya updated dun sa 'gapangan' chenes.

Kakainis, kung kailan ready na ang lola nyo na magkasala in the name of chorva. Ganito pa ang nangyari.

 
Pero sabi nga nila, "Try and try... until bumigay." So Baechu, G lang ng G.

"Nye nye nenye nye..."

Alas diyes na wala ng time, makipagtalo si Irenea sa kapatid nya kaya naman...

"Etong payb hundred! Basta yung bunganga mo ikandado mo! Bumili ka ng kung anong gusto mo sa 7/11. Tanong mo din si Ate Seulgi mo kung may gusto sya."

"Yay! Thanks ate!"

"Alagaan mo ang Ate Seulgi mo ha."

"Oo naman ate don't worry. NiGAPANGan ng langgam hinding hindi ko hahayaan na mangyari sa Bebiber mo."

"Leche ka talagang bata ka!"


*     *     *
"Joohyuna!!!"

"Po?"

"Di ka pa rin umaalis bata ka!"

"Eto na Tyang, paalis na po."

"Mabuti naman!"

"Uhmm Bebiber..."

Ang lola nyo ayaw pa ata talagang umalis ah...

"Yes, Bani?"

"Wala bang goodbye kiss?"

Yun oh! Yun pala yung inaabat abatan ni atcheng.

"Ah uhmm..."

Para namang na-conscious yung oso kasi paligid-ligid yung Baby Shark at si Tita Shark.

"Huy!" Yes Baechu, nagmamadali teh? Pumapatak bang metro?

"Ha? Ah eh... uhmm bye Bani (kiss). Ingat sa labas."

Ay yun na yun... di masyadong nadama ng lola nyo yung halik sa sobrang bilis. Kaya naman bago pa makapalag yung oso ay dumamoves na si bakla, kabig kung kabig ang peg.

TSUP!

Putaragis yung  mala-suction kiss ng lola nyo.

"Hoy pumasok ka na aba! Ka-landing bata!"

"Bye Bebiber, love you! Mwah!"

At bago pa makurot sa tagiliran ay nag-bobounce bounce na lumabas na ng bahay yung kuneho.


*     *     *

"Ate Sunny di pa ba tayo uuwi?"

Nakasilip si Joohyun sa pinto ng office ni Boss Sunny.

Busy sa kanyang computer si Little Boss kaya di na nito nakuhang sulyapan yung kunehong kanina pa di mapakali magmula nung dumating ng office.

"Di pa no, ang dami pa nating gagawin."

"Ate Sunny baka naman pwede sa Tuesday na lang natin tapusin yung mga yun?"

"Wow ah! Tuesday talaga? Di pwedeng Monday?"

"Leave ako bukas teh."

"At sinong may sabi?"

"Aketch."

"At bakit ka naman mag-leleave aber?"

"Maghahanap ako ng bagong malilipatan."

"Dahil kay Seulgi kaya nagbabalak kang lumipat no?"

Grabe! Sinasabi na nga ba ni Joohyun na naka-live via telecast ang buhay pagibig nya sa circle of friends ng kanyang Tyang. Updated in real-time ang kanyang mga ate sa mga kaganapan sa kanyang lovelife at chorva life.

"Oo 'teh."

"Joohyuna..."

"Sa tingin mo 'teh, papayag kaya ang Tyang?"

"Hmmm... for sure di papayag yun no. Tanga ka ba? Ayaw mo na bang umabot sa susunod na taon?"

"Ate Sunny naman eh..."

"Hay naku bata ka... well kilala mo naman ang Tyang mo no. Kahit na mabunganga yun, mahal na mahal ka nun. Kaya ka hinihigpitan nun kasi ayaw ka lang nyang mapahamak or masaktan. She's doing it kasi syempre ayaw niyang mapariwara ang buhay mo."

Tahimik lang na nakikinig si Baechu.

"Sa tingin ko naman papayag din naman ang Tyang mo na magsama kayo nung jowa mo."

"Talaga teh?"

Wuchu... si ateng biglang nabuhayan ng pag-asa...

"Basta kausapin mo lang muna ng maayos ang Tyang mo before you make any decision. Nakikinig naman yun. Pero I suggest na magpalipas ka na muna nang mga ilang araw bago mo ituloy yang binabalak mo. Also talk to Seulgi, ask her if that is also what she wants."

"Okay teh..."

"Good."

Patalikod na sana si Baechu para bumalik sa kanyang sariling desk nung may pahabol si Little Boss.

"So kamusta naman yung 'operation gapang' kaninang madaling araw?"

"ATE SUNNY!!!"




🤫
BLAG!

Medyo ikinagulat ni Daddy Bear yung biglang pagsara ng pinto, pero mas nagulat sya kasi standing before him now ay si Mommy Bear na mukhang galit na galit.

"Wala ka ba talagang balak na pauwiin yung anak natin Ricardo?"

"That's what she wants."

"So hahayaan mo na lang na magpapalaboy-laboy ang anak natin? Ganun ba?"

Iniimagine ni Mother Bear ang kayang Baby Bear na basang basa sa ulan habang nagpapalimos sa kalsada. OA much lang masyado si Mumshie.

"Don't over react. I'm sure she's with Wendy."

"No! Kausap ko kanina si Wendy and she said na she hasn't seen Seulgi since the other day."

"Maybe she is with her other friends o baka nandun sya kasama yung pinagmamalaki niyang girlfriend."

Yung tone ni Mr. Kang, may bahid pa rin talaga ng galit 'til now kakalurkey.

"Alam mo ba kung taga-saan si Irene?"

"Huh?"

"Tondo Ricardo. Wendy said Irene is from Tondo"

"What?"

"I don't care kung anong gusto mong patunayan sa anak mo. I don't care if you are not done punishing her. I just want our daughter home Ricardo. Nadinig mo ba ako? Bring my baby home!" 

#Seulrene #Seulgi #Irene #Fanfics #RedVelvet
Nasa title na ang clue mga bakla. So obviously chapter na may ganap sa buhay ng lola Baechu nyo. Finally mabubuksan na ang Angat Dam ni ateng. Sa wakas na love-me-like-you-do na si bakla. Ang kaso neto mukhang short lived yung happy chenes ni Joohyuna kasi may mga kontra.

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]