FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 55: Bagyong Baechu

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 55: Bagyong Baechu

"Hasta la vista, baby."
Terminator 2: JUDGEMENT DAY 1991  





"Whut?! Pinalayas ka ng daddy mo?"

"Uhmmm oo."

"Awww kawawa naman yung Bebiber ko... halika dito hug kita."

Lumapit naman yung oso sa jowa nyang naka-arms wide open. (later yung legs naman daw yung mag-oopen char!)

"Wag kang mag-alala Bebiber everything will be okay. I'm sure nabigla lang si daddy mo."

"Sana nga."

Sabay nang paghigpit ng yakap ni Seulgi kay Bani, ay tumulo na rin yung mga luhang kanina pa nya pinipigilang kumawala.

"Shuusssh tahan na Bebiber. Magiging okay din ang lahat, promise. So wag ka nang ma-sad.  I got you." (...you got me. Love you 'till kingdom come chos!)

In fair, may comforting effect yung a-chu-chu ng lola nyo kasi medyo nahimasmasan naman si Seulgi kahit papano.


"Oh sige na Bani magpahinga ka na gabi na."

"Teka 'san ka pupunta?"

"Kay Wendy."

"At baket?"

"Uhmm... dun na muna ako makikitulog habang di pa kami okay ng daddy."


Ay kennot be! Borrow one from one!


Syempre di papayag ang lola nyo no. Mahirap na, kahit na BFF since birth pa si Wendy ayaw pa ring magpakasigurado ni Baechu (you're barking at the wrong tree teh).

Basta nonohae yung Option A...  so dun tayo sa Option B...

"No, dito ka matutulog sa amin forever... este for tonight."


🚫         🚫         🚫
 
"Hindi ubra yang balakin mo sa buhay bata ka!"

"Whut?! Tyang naman eh!"

"Hindi ako papayag na sa kuwarto mo matutulog yung jowa mong oso."

"Eh san matutulog si Seulgi Tyang?"

Oo nga naman Tita Cute Cute, where?

Eh dadalawa lang naman ang kuwarto sa bahay ng mga Bae-Kim. Yung pinakamalaki ay occupied by Tyang and the Tyanak, tapos yung maliit ay si Baechu ang gumagamit.

So kung against si Tyang sa Seul-Rene na combi, ang other choices lang naman ay kay Tyang tatabi yung kuneho. And then sina Yeri at Seulgi ang bale magkatabi dun sa other room.
https://c.lazada.com.ph/t/c.bCF2

"No way Tyang! Baka kung ano pang gawin nung kutong lupa sa Bebiber ko."

Ay ayaw ni Baechu, sabi ko nga hehehe.

O di sige, si Tyang na lang ang katabi nung oso, tapos sina lola at Yerimi sa kabila.

"Mas lalong ayaw Tyang!"

Oo nga naman, di rin pwede yung ganung siste kasi panigurado imbis na matulog eh baka mag-rumble lang yung mag-ate all night.

Ni-suggest suggest din ni Tita Cute Cute na sa sofa na lang matulog si Seulgi pero ang lola nyo marami pa ring eme eme sa life. Kesyo, kawawa naman daw yung bear nya mag-isa lang sa sala. Kesyo di raw sanay sa di malambot, at di aircon si Seulgi. Hay naku ang daming kesyo kesyo ni bakla. Basta bottomline ang ipinaglalaban nung kuneho ay dapat tabi sila ni Seulgi na matutulog.

Kung di rin lang yung oso ang katabi ay "NO DEAL." 

🚫         🚫         🚫

Yaman rin lang na wala talagang balak ang lola nyo na magpalipas ng gabi na apart sila ni Bebiber ay may naisip na bright idea itong si Tita Cute Cute kung saan everybody happy.

"Fine! Magtabi na nga kayo ng jowa mong mukhang oso kung magtatabi kayo--"

Yes! Told yah, walang matigas na tinapay sa nag-iinit na kuneho.

"--pero dun kayo matutulog sa sala."

Ay ganern? Okay... medyo open, pero keribels na. Maganda yun may thrill, chos!

Oh sige na DEAL na banker!

"Yerimi! Magwalis ka nga muna saglit sa sala. Tapos labas mo yung kutson sa kuwarto natin nang may mahigaan ang mga ate mo."

Wow nakanam naman... si Tyang na ang nag-adjust sa demands ng lola nyo.

Yung kuneho na nga ang bukod na pinagpala sa lahat.

Ang kaso mo eto ka...


🚫         🚫         🚫

"Yung mga kamay mo Joohyuna!"

"Po?"

"Labas ang mga kamay!"

"Eh Tyang maginaw."

"Anong maginaw ka dyan? Bata ka wag mo nga akong pinaglololoko! Balot na balot ka pa ng kumot dyan eh ang ali-alinsangan!"

"Uhmm kasi... kasi...malamok? Yun tama! Malamok Tyang kaya ako nakakumot."

Para-paraan sa pagpapalusot ang lola nyo.

"Taragis ka! Malamok pala edi sana nag-panjama ka na lang. Sa lahat ng ayaw makagat ng lamok ikaw lang itong naka puke-puke shorts at spagetti!"

"Eh kasi tyang..."

"Eh kasi ano? Labas ang mga kamay Bae Joohyun!"

"For real Tyang?"

"Isa!"

Ay mukhang seryoso talaga si Tita Cute Cute.

So Baechu, put your hands up na!

"Eto na Tyang eto na o nakalabas na."

"Good. Gusto ko pagmulat ko ng mata bukas, ganyan na ganyan pa rin ang positioning ng mga kamay mo. Intiendes?"

"Opo Tyang."

"At ikaw oso ka..."

Kay Seulgi naman bumaling yung attention ni Tyang.

"Po?"

"Kapag ginapang ka nitong pamangkin ko sumigaw ka kaagad. "

"Tyang naman eh!"

"Hay naku don't me Joohyuna, style mo lokbu (bulok)!"

Ang petmalu talaga ni Tyang.

"Naiintindihan mo ba ako? Sagot!"

"Y-yes po."

"Good. Matulog na tayo. Hoy Yerimi mag-good night ka na dyan sa ka-text mo."

"Opo Tyang."
🚫         🚫         🚫

Yes naman one big happy family lang ang peg.

Ang kaso lang may isang kuneho na di happy on the side.

Di naman kasi ininform ni Tita Cute Cute ang lola nyo na dun din sila ni Yeri matutulog sa sala.

Sinasabi na nga ba ni Baechu na too good to be true yung final decision ni Tyang eh, nalilinlang na naman si Joohyuna.

So ang current sleeping arrangement nung mga bakla ay ganito...


Tita Cute Cute (sofa) --- Lola Baechu (dun sa kutson sa baba) --- Bebiber --- Yerimi


Akala ni Baechu ngayong gabi ang gabi kung saan magbubukas na namang muli ang kanyang 'ANGAT DAM'. Kaya lang di 'UMULAN', so yung 'WATER' level ni ateng kumi-critical level na naman.

Kaya nananawagan kami...

MANG TANI!

Plis make it rain for our grani!

 ☔         ☔        ☔

Unti-unting iminulat ni Baechu ang kanyang mga mata.

Uy, madilim pa rin hehe

Alam na this.

Humanda na kayo sapagkat paparating na ang...


...BAGYONG CHORVA! *que in the kulog sound epek

⛈️          ⛈️           ⛈️

Bago tuluyang kumilos ay nakiramdam pa muna saglit ang lola nyo.

May mahihinang paghinga at manakanakang paghilik na nadidinig si Baechu from above, coming from the sofa's direction. So that means wala sa Philippine area of responsibility yung diwa ni Tyang.

Good good good.

Eh how about yung kutong anes?

Muli na-fully extend na naman yung bunny ears nung kuneho.

Hmmm... mukhang may naghihilik rin dun sa north - west side nung kutson.

Good.

Now ang sunod na inobserve ni Baechu ay yung LOW PREASSURE AREA (LPA) at yung kanyang ka-INTERTROPICAL CONVERGENCE ZONE.

Awww... tulog pa rin si Bebiber pero di bale, I'm sure magigising sya sa mga susunod na gagawin ni Baechu.

But first kailangan na munang kumutan ni Irenea yung oso.

Okay done.

Eto na, naging isang GANAP na bagyo na yung kaninang LPA na binabantayan ng lola nyo. So asahan na natin na makararanas si atcheng ng light rain showers and thunderstorm (eto talaga ang gusto ni bakla eh) sa kanyang 'Metro Irenea Area.'

Sa bilis na 80km. per hour ay nagsimula ng kumilos ang BAGYONG CHORVA papalapit dun sa katabi niyang kasalukuyang nasa dreamland.

🔞         🔞          🔞 

Ang bango mo talaga Bebiber, amoy kang...
...inihaw.
Inihaw?
Whut?
Ay wait may nagtitinda nga pala ng isaw sa labas. Malamang dun ka nakatambay kanina habang hinihintay mo akong pagbuksan ka ng pinto.
Gosh, now you're just making me more hungry Bebiber.

Matapos ma-sniff sniff ni Irenea yung katabi nya ay nagsimula nang sumuong yung right hand ng lola nyo.

First stop, ABS.

Huh? Bebiber parang ang dami mo atang nakain kanina ah?
Pero keribels na yan, you're still sexy to me.

"Bebiber." Bumulong ng mahina yung lola nyo.

"Hmmm..." Medyo mukha namang nagising ng konti yung ka-ganap ng lola nyo.

"Baby."

". . ."

Ay parang nakatulog ulit si baby ah...
"Baby wake up." Sige tuloy-tuloy mo lang yang pag-bulong mo teh.

"Hmm.."

And bago pa-mahatak muli ng dreamland si baby ay sinimulan na ng kamay ng lola nyo ang journey nito pa-south, in circular motions.

Tila naman nagising na nang tuluyan si 'Bebiber' kasi medyo kumikilos na ito at bago pa nga tuluyang mag-LANDFALL yung kamay ng lola nyo dun sa dapat sanang pag-landfallan nito ay...

"Ate? "


"Yerimi?"

Teka... WHUT?!!!

"Bakit kinakapa mo yung mga baby fats ko ate?"

"Huh? Ah eh kasi... uhmm kasi..."

"TYANG!!! ANG ATE OH!!!"

Hala patay.

Hasta la vista... Baechu.
 

#Seulrene #Seulgi #Irene #Fanfics #RedVelvet

Bago pa tuluyang naging signal number se*x este six este hanggang 1,2,3 lang pala karaniwan ang bagyo anyway basta yung Bagyong Chorva sana na pinapanalangin ni Irenea naunsyami, kaya naman ang lola nyo still hoping pa rin sa ganap. Ang tanong, tuloy na kaya this time?

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]