FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 53: Girlfriend

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 53: Girlfriend




Ipapakilala lang muna.

Yun ang pilit na ipinagsasaksakan ni Joohyun sa utak nya.

Ang sabi kasi ni Bebiber, 'ipapakilala lang muna sya kay daddy.' So there's no need for Baechu to be that aligaga (kayo rin mga bakla).

Pero yung kuneho wala talagang balak magpaawat, A for Ay-ffort pa rin ang drama ni atcheng. Nilabas na nga ng granny ninyo from the baul yung kanyang 'Pang-Simba Collection,' ito yung dresses and blouses ni bakla na more than payb hundred ang value and sa boutique (sa 168 Mall sa Divi) nya talaga nabuyla.

Kahit pa sinabi ni Ate Fany na mag-long sleeves na lang sya ay di talaga papapigil ang lola nyo, dress kung dress ang labanan, at ang muk-ap pak na pak, pang year book ang leveling.
 

👗         👗          👗  

"Are you ready?"

Tumingin na muna ang lola nyo kay Seulgi sandali bago sumagot.

"Yes."

Medyo may kaba man, this is pancit na talaga for your Lola Baechu. Time to meet future father-in-law na.

"Dad si Irene nga po pala kaibigan ko."

"Good evening po Mr. Kang."

"It's nice to meet you Irene. Seulgi hija, bring your friend na to the dining room tamang tama tapos nang maghain ang mommy mo."
 
 

🏆           🏆          🏆
 

Started from the bottom, now we're here.

Akalain nyo nga naman. Nagsimula sa simpleng blind date and now eto na ngayon ang lola nyo sa hapag kainan ng mga Kangs. Soon she will be dining with them more often kasi pending for approval na yung application ng lola nyo to be the part of the family,  officially.

At eto ka, dahil ni-request ni Seulgi, may pa-chapchuy tsaka lecheng kawali with Mang Tomas si Future Mother-in-law. Nag-Pochero din at piniritong hipon si mother. Lahat mga paboritong pagkain ni Irenea, kaya naman yung kuneho naglalaway na in her mind. At dahil mukha talagang appetizing yung chibug sa lamesa ang lola nyo pagkaupo na pagkaupo ay ready to fight na agad. Pero saktong patuhog na si Baechu dun sa lechong kawali  when she was interrupted...

"Irene, would you like to say grace."

Hala ka Baechu! Say grace daw oh, sabi ni Papa Kang.

"Uhmm... sure po."

Sige granny pakita mong kahit na di ka galing sa isang catholic school you still know how to pray before eating.

"Uhmmm... thanks... God... amen."

Whut?!

Yun na yun bakla?

Sumobra naman sa tipid yung dasal mo atcheng, pero never mind let's start eating na nga.

"Ay nakalimutan kong gumawa ng sawsawan para sa hipon. Seulgi anak samahan mo nga muna ako sa kitchen sandali. Oh Irene hija, sige na magsimula ka nang kumain I'll just prepare the sawsawan."

And with that ay iniwan na muna nung mag-inang oso sina Mr. Kang at Ms. Bae Joohyun para magbonding.

"So Irene tell me, how close are you to my daughter Seulgi?"

https://c.lazada.com.ph/t/c.bCF2
Muntikan nang masamid sa nginunguya niyang repolyo yung kuneho pagkarinig sa surprise question ni Daddy Kang. 

Makatanong naman 'tong si padir... pakiramdam tuloy ng lola nyo nasa job interview sya.  Baka mamaya may pa-strength/weaknesses and 'how do you see yourself in ten years' na itong si Father Oso.

Pero anyway, so how close nga ba?

How close from the truth nga ba dapat ang sagot ng lola nyo?

"P-po?"

"I'm asking how close are you to my daughter?"

"Uhmm... close po."

"Ilang taon na ba kayong magkaibigan ni Seulgi?"

Uhmmm... mga 3 months pong magkaibigan then lumevel-up po into magka-IBIGAN...  from then on it felt like I've been in love with your daughter forever.

Makireng kuneho! Sige... sige subukan mong isagot yan, tingnan lang natin kung di ka lumevel-up sa most wanted list ni Papa Kang.

Ayusin mo ngang sagot mo Baechu! Basta three word sentence bakla, kunwari si Fidel ka dun sa movie na '100 Tula Para kay Stella,' you can't speak more than 3 words in one go kasi nabubulul ka.

Basta 3 words lang ha? So ang sagutan ay, 'two years po,' 'matagal na po' ganun ha... Huy atcheng naiintindihan mo ba?

"Uhmmm... mag-dadalawang taon na rin po."

It's actually 14 months and 5 days to be exact.

Ni-round off na lang ng lola nyo para naman medyo mag-mukhang legit na 'friends' talaga sila nung oso. Pero 'te muna parang may mali? Kung rounded off, edi dapat 1 year? Yung lola nyo talaga gumawa nang sarili nyang math rule... feeling ata ni Baechu ka-level na nya si Pythagoras. Anyway, basta nagsimulang pumatak yung metro dun sa araw ng blind date, intiendes?

So yun nga, mula nung magkilala sina Joohyun at Seulgi, kinareer na ng lola nyo ang paghabol dun sa oso. What is pride kung wala ka namang jowa? Halos tatlong buwan tumagal yung push and pull. At matapos ang 'sang dosenang novena at spaycial prayer intentions sa mga santo at anito finally di na drawing yung minimithing lablayf ni Joohyun.

At na-delay man ng ilang beses yung 'ganap' ay nagtagumpay din in the end ang granny nyo. The 'pangarap na chorva' happened in Tagaytay, na sinundan pa ng mega-proposal sa Enchanted.

Oh dava... haba ng hereret ng lola nyo... sa loob ng 11 months na naging sila nung oso ang dami na niyang na-achive.

"Ahhh... okay. Eh san naman kayo nagkakilala ng anak ko? Do you have class together?"

"Po? Uhmmm... wish ko lang po magkaklase kami pero no. Mas ahead po ako kay Seulgi ng three years sa college and I studied in a different school."

"Oh so you're older than my daughter?"

Ouchie! Na-hurt naman yung lola nyo dun sa word na 'older.'

"Three years lang naman po."

Hihirit pa sana si Mr.Kang kaya lang may nagbalik...

"Ano ka ba naman Ricardo! Stop interrogating the poor girl."

Hay salamat na lang at to the rescue si Future Mother-in-law.

Ang kaso lang para talagang di papaawat si Papa Bear.

"I'm just asking lang naman Ming. Kasi maliban kay Wendy and of course Tzuyu, eh wala na akong ibang friends ng anak mo na kilala. Buti nga eto may Irene na syang dinala dito sa bahay."

 
Hala ka! Matapos ma-mention yung name nung alien ex ng kanyang Bebiber ay biglang nagbagong anyo yung fest ng lola nyo. Your lola has now put her game face on, naalala nyang she is there for a reason... and that is to get Papa Kang into her team...

...TEAM BANI-BER (BebiBANI and BebiBER)

Chugibels na ang Tzu-Gi, at kailanman ay hinding-hindi magkakaroon ng Seul-dy (pero malay nyo in the future, half charot!)... basta BANI-BER lang! BANI-BER lang do you hear me?

Jigeumeum! BANI-BER!
Appurodo! BANI-BER!
Yongwoni! BANI-BER!


'Te muna wait... parang naligaw ata ako ng fandom? Parang pang-Tyangs' Generation yung chant ah.

Ano nga ba ulit yung kina Baechu?

Hay naku watever! Basta BANI-BER forever and ever! Balik na nga tayo sa dinner...

"Ah three years okay, talaga? Wow you look younger hija."

Pak! One point for your lola.

"San ka nga pala nagtapos Irene?"

"UP po."

Pak again!

"Smart and pretty."

Oh ha... say nyo mukhang impressed si Papa Kang sa mga answers ng lola nyo so far.

"And what do you do for a living?"
 

"Gumagawa po ng mga mobile game and app."

And bago pa nakapagreact si Mr. Kang sa sagot ni Joohyun ay finally nagbalik na si Seulgi from the kitchen.

"So, what did I miss?"

May inilapag na platito sa tabi ng lola nyo yung oso.

Kaya naman pala natagalan si Bebiber eh kasi nagbalat pa ito ng hipon, para daw di na mahirapang maghimay yung kanyang pinakamamahal na kuneho. Ikaw na talaga Baechu ang babaeng bukod na pinagpala sa lahat.

"Oh nothing much anak, Irene's just telling me about her work. You didn't tell me that she's from UP."

"Huh? Oh Irene," sabay tingin ni Seulgi kay Bebibani... "yes she is, what can I say she's smart... and also pretty."

Ashuwasha... kinilig na naman yung pempem de sarapen ni atcheng. Kaw ba naman ang masabihan ng smart and pretty in a row di ka pa ba matutuwa nun.

"So, how did the two of you met?"

Eto na, asan na ba yung script na prinepare ng lola nyo...

"Blind Awareness Campaign."

"Huh?" Napalingon si Mr. Kang sa kanyang (pangalawang) asawa.

"They met sa isang Blind Awareness Campaign na inorganize ng office nina Irene Ricardo."

It was Mommy Bear who answered in behalf of team BANIBER. I forgot to mention na may photographic memory si Mommy Bear. Halimaw sa memorization si mudra kaya yung mga nasasagap nya sa mga kuwentuhan naaalala niya no matter how unimportant it is.

"Blind Awareness? Really huh?"

"Ang cute di ba?"

Wuchu! Mas cute sana momshie kung totoo lang yung storyline na nagkakilala sa isang blind awareness campaign kemerloo yung oso at kuneho. If you only knew...

Napalipat yung tingin ni Daddy Kang dun sa anak nya.

"Seulgi?"

"Ye-yes daddy th-that's true."

Dun pa lang tayo sa kung papaano nagkakila yung dalawa, yung oso nag-bubuckle na. Eh pano pa kaya kapag nag-further inquiry itong si amang oso.

"And Irene here is very active in charitable activities. Nung nakaraan nga she even joined me and Seulgi nung nagpunta kami sa National Center for Mental Health (chapter 20). Isn't she impressive Ricardo?"

"Yes she is. Smart, pretty and kind too."

Bae Joohyun, three points! 


Oh ano kayo ngayon? Akalain nyong may inner Paul Desiderio pala itong lola nyo. Yung tipong when all hope is gone tsaka babato ng three points.

Wyn Wyn Marquez ang lola nyo sa puso nina future pader and mader in law.

"Alam mo hija kung may anak lang ako na lalake irereto talaga kita. Kaya lang sayang only child lang itong si Seulgi, nagkataon babae pa."

Pufffttt...

Biglang nabuga nung oso yung kanyang iniinom na tubig after nyang marinig yung chenes ng kanyang ina.

"Seulgi anak okay ka lang ba?"

"Y-yes mom I'm okay."

Mabilis namang nakapag-move on yung nanay nung oso from what happened at nagpatuloy lang ito sa pakikipagchikahan sa lola nyo.

"Sya nga pala Irene, ikaw ba hija may boyfriend na?"

"Po? Uhmm... wala po."

"Ano ba naman yan? Puro kayo mga single. Itong si Seulgi, wala ring boyfriend. Mga wala ba kayong balak maghanap ha? Aba'y sayang naman yung mga ganda ninyo."

"Uhmmm... wala po akong boyfriend tita...

... pero girlfriend po meron."

Watdapak?!!

Te muna DIREK CUTTTT!!!

Ang lola nyo nag-off script amputaragis!!!

Baechu, we've talked about this di ba?

Ang usapan ipapakilala ka lang muna, so yung mga dialogues mo ay restricted lang sa 'yes' and 'no'. Hangga't maari nga kung pwede  walang masyadong talkies during dinner, basta hayaan mo na lang sumagot si Seulgi for you. Anyare atcheng? 

 
"Girlfriend? Girlfriend did you say?"
 
Patay it's Daddy Kang asking the question.

Sige Baechu, panindigan mo yang paglaladlad mo,

"Opo. I am in love with a beautiful, talented, clumsy... girl."

Your lola is looking straight at Seulgi while she was talking. So yung oso parang nakalimutan atang huminga for a few seconds."

"Awww that's so sweet... so who's the lucky girl? Is she from work? Ilang taon na kayo?"

"Mommy ano ka ba... that's too personal na."

"Ay sorry naman anak na-carried away lang. Oh sige Irene kumain ka lang ng kumain blah blah blah. Gusto mo pa ba ng blah blah blah..."

Wala na.

Wala nang naiintindihan si Joohyun sa mga kinokoda ni Mother Kang. How could she eh busy ang lola nyo sa pagpo-process dun sa naging reaction ni Bebiber sa kanyang big reveal.

Oo tama kayo ng hinala, kasama sa hidden agenda talaga ng lola nyo ang pilitin si Seulgi na umamin sa mga magulang niya about the real status of their relationship. Atat na sa atat, pero your granny couldn't wait any longer so sya na ang gumagawa ng paraan para makapag-come out si Bebiber sa kanyang mga magulang.

"So Irene, san mo naman nakilala itong beautiful, talented, clumsy... girl na sinasabi mo?"

Shutay?! It's Daddy Kang asking the question again.

Pero as I have said earlier, eto na yung this-is-it-pancit moment ng lola nyo so itutuloy tuloy na nya.

"Sa blind awareness campaign po."

"Blind what? Are we talking about the same thing kung saan kayo nagkakilala ni Seulgi?"


 😬 Baechu ano... sagot! 
 
 

#Seulrene #Seulgi #Irene #Fanfics #RedVelvet

Last chapter may pa hanging question kay Bebibani. Ano kayang palusot ni bakla? Or makakalusot nga ba si ateng ninyo? Ay naku, siguraduhin lang ni Baechu na lulusot siya kasi  forever ang nakataya... and chorva char!
[BACK]  [VIEW ALL CHAPTERS]  [HOME]

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]