FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 57: May Ganap

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 57: May Ganap
"Hindi ninyo maiintindihan dahil gusto ninyong palabasin na masama akong babae!"
Chin-Chin Gutierrez in 'Ipaglalaban Ko (The Movie)' 



*In a sing song tune
Uwian na. Hindi na masaya.


Hindi na talaga masaya ang lola nyo, kasi nalipasan na sya ng lunch, meryenda't lahat pero heto pa rin sya sa office, nag-oOT.

Di rin nakatulong yung lamig at yung tuloy tuloy na buhos ng ulan, para i-uplift yung mood ni Joohyun kasi para que pang malamig! Para que pang bed weather, kung wala ka naman sa bed! Wait. Whut?
https://c.lazada.com.ph/t/c.bCF2
"Ate Sunny..."

Die you scum!

"...di pa ba tayo uuwi?"

Come out sniper!

"Ate Sunny?"

Fire!

"Oh!"

Ay parang ayaw magpaistorbo ni Ate Sunny, busy sa paglalaro ng Sniper Elite si Little Boss. Teka sandali? Akala ko ba may ni-rurush sila kaya kailangang mag-OT ni granny?

"Tapos mo na ba yung ipinagagawa ko sa iyo?"

"Uhmm sini-save ko na lang po."

"Okay good."

Shinut down yung computer.

Binitbit ang handbag.

Tumayo by the door ng office.

In one minute nagawa ni Ate Sunny ang lahat ng mga yun.


"Mauuna na akong umuwi Joohyuna. Ipatong mo na lang lahat ng documents at harddrive sa desk ni Seohyun. She will come pick it up later. Bago ka lumabas, check mo na muna ulit yung pantry kung na i-unplug mo na yung mga dapat i-unplug. Ciao!"


Blag!

Medyo nagulat pa ang lola nyo dun sa sound nung pagsara ng pinto.

Wait. What just happened?

Kaloka, di naman masyadong nagmamadali si Ate Sunny no?

Pero whatevs, ang mahalaga uuwi na ang lola nyo. Yahoo!

So mag-isa na lang sa office si Irenea.

Iilang ilaw lang yung bukas, so may mga area na madilim. Maliban dun sa mahinang ugong ng aircon at click ng mouse, wala nang iba pang tunog na maririnig sa opisina.

Iniikot ni Baechu ang kanyang paningin.  Walang tao, bakante ang mga desk. Solong solo talaga ni bakla ang buong office.

Kanina nung dalawa pa sila ni Ate Sunny sa opisina, di gaanong dama ni Irenea yung lamig. Pero now na mag-isa na lang sya, parang may kung anong malamig na nadadama si bakla sa kanyang batok area. Kinilabatutan in a weird way si ateng. Naalala niya bigla yung mga nasagap niyang chismax about sa mga kababalaghan na nangyayari kapag walang masyadong tao sa office.  I'm sure sa inyo may ganung kuwento rin.


Mga kwento ng nag-riring na phone, tapos kapag sinagot hinga lang ang madidinig. Tsaka keyboard ng computer na kusang gumagalaw kahit na wala namang nagta-type.

Mga nag-aappear / disappear / one half / one fourth na mga bagets sa may pantry area. Yung tipong makikita mong sumusuot sa ilalim ng lamesa pero pagchineck mo wala naman dun.

And sa CR! Ay naku dun talaga kadalasan maraming anik anik na ganap. Sa last cubicle, dun may nadidinig silang babae na parang umiiyak. Tapos bigla na lang may mag-fluflush kahit na wala namang tao. Ang matindi may kwento pa yung isang nag-selfie by the mirror. Pag-check nya sa pic dalawa na sila dun sa photo, si ate mong girl at yung mumu.

Huh?

Wait.

Whut?!

Anone yung mga pinagsasasabi nyo?

I'm not talking about those kinds of kababalaghan.

I'm talking about chorvahan sa office type of kababalaghan!

Kaloka. Magpapasko na, di pa rin kayo nakaka-get over sa halloween, mga bakla kayo ng taon!

Kebs naman ng lola nyo sa mga white lady at mga spirits sa paligid-ligid, hindi naman ikakaganda ni Baechu yung mga yun.

Tsaka ayon nga sa sabi sabi, "wag kang matakot sa patay, mas matakot ka sa tigang na si Baechay." Charot!

More than anything else when Joohyun saw the empty desks kanina ang unang unang naiisip ni bakla ay kung san magandang mag-'love-me-like-you-do' and kung ano-ano ang mga positions na pwede.

What do you expect? S.exually frustrated ang lola nyo kaya naman she has nothing but chorva on her mind.

Habang nag-wowork, chorva.

Habang kumakain ng lunch kanina, chorva.

Habang nasa biyahe papunta ng office, chorva.

Chorva. Chorva. Chorva.

Wag kayong judgemental!

Hindi masamang babae si Baechu!

Intindihin ninyo na tao lang si Irenea na nadadarang at natutukso rin!

May mga needs si ateng!

Teka bakit nga  ba ako sumisigaw?

(Kumalma saglit)

So yun nga, alam nyo naman siguro noon pa, ilang chapters na ang nakakalipas na twenty-payb years hinintay ni Joohyun na magka-lablyf sya with ganap so masisisi nyo ba si Baechu kung medyo you know...

...medyo bumoborderline Psycho-Nympho-Super-Maniac ang lola nyo kung minsan.

Matapos mailapag yung envelop containing all the documents sa desk ni Seohyun ay medyo pinasadahan pa ng tingin ni Baechu yung office ng kanyang beshiecakes.

And siguro naman alam nyo na kung ano ang tumatakbo sa brain ni Joohyuna that very moment...

"Ay chorva!"

Nagulat at biglang napapikit ang lola nyo nung maramdaman niyang parang may humawak sa balikat nya.

Hala ka, does Irene see and feel dead people? Weh...

"Layas masamang espiritu! (making a cross using her two hintuturos) Hindi kayo magwawagi! Kampon ng kadiliman!"

In fair sa granny ninyo, atapang na kuneho, di tumatakbo. May alam pang linyahan ang lola nyo na pang-cast ng evil spirits.

"Irene?"

"Behind me satan!"

"Irene ano ba?! What's wrong  with you?"

"Huh?"

Napadilat bigla ang lola nyo. Di naman sya na-inform na close pala sila nung 'masamang espiritu'. First name basis sila say nyo.

"Seohyun?"

"Oh bakit para kang nakakita ng multo."

"Ah eh wala..."

"Akala ko nakauwi na kayo ni Ate Sunny."

"Pauwi na rin ako actually."

"Okay..." Dumiretso lang si Seohyun sa kanyang desk at sinimulang i-browse yung mga dokumentong kakapatong lang ng lola nyo.

AWKWARD silence.

Di malaman ni Baechu kung mag-stay ba sya sa office ni Big Boss or what. Alam nyo kasi simula nung eksenahan dun sa company outing ay never pang nag-krus yung mga landas nung dalawang mag-beshiecakes. Ngayon lang ulit sila nagka-fest to fest so medyo sabaw si Irenea kung ano bang dapat niyang ikilos.

"These are okay na (the docs she meant). Thanks for coming in. Its a Sunday and still you're here so, thanks Irene."

"Wala yun Seohyun."

"Irene about sa..."

Ay naku mukhang nagbabadya pa ng heart-to-heart talk yung beshie ng lola nyo. Ang kaso mo eto ka, nagmamadali nang jumuwi si bakla kasi atat na atat na syang maka-cuddle ang kanyang Bebiber. So as much as gusto ni granny na makipagchikahan sa kanyang BFF eh sorry na lang sya... talo-talo na muna.

"Let's not talk about it today Seohyun. I need to go home na rin. Tsaka na lang nating pag-usapan yung mga nangyari. Okay?"

"O-okay sige."

Palabas na sana ng office ni Big Boss ang lola nyo pero mukhang may pahabol na chenes si Seohyun sa kanyang Beshicakes.

"Irene wait."

"Hm?"

"If you need someone to talk to, I'm just here. I'm still your friend. "

"I know Seohyun. I'll go ahead na."



💤         💤         💤 
 
Eto na naman po tayo. It's sleeping time once again.

And as expected, nagkakagulo na naman sa kabahayan ng Bae-Kim dahil sa arrangement ng higaan.

Ang final decree ni Tyang, sa kuwarto ni Baechu matutulog si Bebiber.

Nyeta mukhang nagtatake effect na yung voodoo magic ni Irenea kasi mukhang umaayon na yung mga pangyayari sa plano ni bakla.

Pero eto ka, sa kuwarto nga matutulog yung oso, pero yung kuneho banished to the living room ang siste. Yun na rin ang parusa ni Joohyun sa mga kagagahan niyang pinaggagagawa kaninang madaling araw.

So sa sala matutulog ang lola nyo, habang sina Seulgi at Yerimi ang mag-room mate for the night.

Ay naku naku naku.... napagkaisahan na naman ang lola nyo ng anti-gapang squad (Tyang and the Tyanak).

"Matutulog na ako mga bakla. Ikaw Joohyuna behave."

"Yes tyang."

"Alam nyo na ang rules. Walang kakatok sa kuwarto ko hanggat hindi sumisikat ang araw. I don't care if you want to build a snowman. Just go away."

Ay! Elsa lang ang peg ni Tyang.

"At walang gagamit ng wi-fi! Intiendes?!"

"Opo Tyang."

"Mabuti naman. Yerimi ang ate mo bantayan mo."

"Yes Tyang."

Bitbit ang kanyang laptop, ay pumasok na ng kuwarto ang Tyang.

Hindi ba kayo nag-wowonder kung ano ba yung pagkakaabalahan ni Tita Cute Cute sa loob at kinakailangan niyang mapag-isa and most important of all... kailangan nya ng strong and stable internet connection?

Hindi kaya... hindi kaya... charot!

🦉          🦉          🦉

"Yeri dito ka sa sala matulog mamaya."

Saglit na nawala yung atensyon nung tyanak sa kanyang cellphone.

Expected na niyang kukulitin na naman sya ng kanyang ate about sa kanilang sleeping arrangements.

Pero the Tyanak is no longer the same Tyanak from before, in short di na sya mauuto ng lola nyo.

"Ay ayaw ate, tsaka kabilin-bilinan ni Tyang  not to let you near ate Seulgi, sabi pa nga nya i-lock ko daw yung kuwarto bago matulog."

"Aba punye... subukan mo lang gawin yan kundi makikita mo talaga!"

"Tyang! Tyang ang ate oh!"

"Wala cannot be reached na ang Tyang sorry ka, busy na yun sa pakikipag-video call (among other things char!) kay Ate Fany."

"Ah ganun... sige kay Ate Seulgi na lang ako magsusumbong."

Biglang na-alerto ang lola nyo kasi afraid si bakla na madinig nung oso na kasalukuyang busy sa pagluluto ng popcorn sa kusina yung convo nilang mag-ate.

Wala nang nagawa ang lola nyo kundi ang manahimik (for now).

"Tyanak ka talaga!"

📺          📺         📺
 
Final credits showing on the TV screen...

"Tulog na tayo Ate Seulgi."

"Te muna bakit kailangan sabay kayong matutulog ni Bebiber? Dala ba nya yung unan mo? Nasa kanya ba yung kumot mo? Matulog ka na sa loob kung matutulog ka! Nanoood pa kami ng TV."

"Ay excuse me ka ate, yan kaya ang bilin ng Tyang."

Nyek nyek nyek nyek... cuddle time over na Baechu.

"Okay ka lang bang dito sa sala matulog Bani?"

I'm not okay. None of these makes sense.
What did I do to deserve this?

Nakanam naman kung makapag-inner monologue si atcheng pang-haliwood.

"Wag kang mag-alala Ate Seulgi, kahit saan naman pumuwesto ang ate keri keri niyang matulog. She'll be fine."

"Tulog ka na Bebiber, okay lang ako dito sa sala."

"Okay, goodnight Bani." Sabay kiss... ahihihi kinilig na naman ang pempem ng lola nyo.

"Ate Seulgi carry mo ako papuntang kuwarto please."

"Aba punyeta! Bakit ka magpapabuhat sa Ate Seulgi mo? Baldado ka ba? Si Mabini ka ba?"

"Che! Inggit ka lang ate!"

"Aba--"

Bago pa mahablot by the hereret ng lola nyo yung nagiinarteng Undin ay tatawa tawang pumagitna si Seulgi dun sa magkapatid.

"It's alright Bani, magaan lang naman si Yeri. Tsaka I haven't done this to anyone kasi wala naman akong little sister."

Ay nakunsensya naman bigla ang lola nyo. Oo nga pala only child si Bebiber. Baka natutuwa lang talaga ito na for once may uma-Ate sa kanya, kaya naman lahat ng hilingin ni Yeri pinagbibigyan nito.

"O-okay."

And with that ay tumalikod na si Seulgi kay Yeri sabay sabi ng, "hop on." Bago pumiggy-back sa nakaabang na oso yung Tyanak ay bumaling na muna ito saglit sa kanyang ate para bumelat.

Kalmakalmahan ang peg ng lola nyo kasi kung hindi talaga ay baka kung ano ang magawa nya sa kapatid nya.

After makapasok ng kuwarto nina Seulgi at Yeri, at naiwan nang mag-isa ang lola nyo sa sala.

Another chorvaless night for the kuneho.

End of chapter.

Wait na lang uli kayo ng susunod na update.
Got yah! Hahahaha...

Akala nyo talaga end na no? Charot!

Di ba nga ang motto ng lola nyo ever since the world began ay, "basta may tyaga, may chorva."

Anong tingin nyo kanina nag-give up na yung kuneho? No no no no no... Baechu's got a plan.

Now she only have to wait na mag-take effect yung ipinainom niya kay Bebiber.

Hoy! Wag kayong ano dyan! Hindi bad yung ipinainom ng lola nyo dun sa oso.  Kayo talaga ang jujudgemental nyo kay Baechu.

It's two glasses of milk, FYI.

Oo dalawang basong gatas.

Para que?

Well, napansin kasi ni Baechu na ugali ni Seulgi ang gumising ng dis oras ng gabi para mag-CR. So iniisip niya na yun yung perfect chance nya para ma-execute niya ang kanyang maitim na balakin. All your lola have to do is wait.

Ang estimate ni Irenea it will take Seulgi mga two hours bago ito magising para umihi. Sure syang babangon yung oso. Kaya naman kailangan alive, alert, awake, enthusiastic yung kuneho when that happens.

Mga mag-iisang oras nang abangers ang lola nyo sa moment nung pagbangon ni Bebiber nang maramdaman niyang parang may nag-vivibrate na phone sa may gilid ng sofa.

It was the Tyanak's phone. Kakapabebe kanina kay Seulgi ay nakalimutan na siguro nitong bitbitin ang kanyang phone.

At dahil may pagka-intrimitida ang lola nyo, namakels na sya ng phone ng may phone.

Pagka-swipe to answer the call, rumatsada na kaagad yung ka-shorayan nung kuneho.

"Hindi pa ba kayo tapos mag-goodnight sa isa't isa ha?!"

"He-hello?"

"Sarado na ang tindahan. Bukas ka na lang ulit makipaglandian sa Tyanak Chiken Joy. "

"Po?"

"Si Ate Irene to, tulog na si Yeri kaya matulog ka na rin Joy."

"J-joy? Si Saeron po ito."

"Saeron?"

"Opo, uhmmm tulog na po pala si Yeri. Sige po i-text ko na lang po sya bukas. Thank you po."

Call ended...

Saeron?
Cynthia (sino sya)?
It's not Joy? Pero bakit ang nakalagay dun sa caller ID...
...soulmate.
Soulmate?!

Wala nang time mag-process ang lola nyo kung sinetch yung Saeron kasi naramdaman na ni Baechu na parang may nagbubukas ng pinto.

It's the oso!
Nyetakels! This is it!

Hinintay pa muna ni Irenea na matapos mag-CR si Bebiber bago sya sumalakay.

"Bani?"

"Shhhhhh..."

Itinulak pabalik ng CR ni Baechu yung clueless na oso.

"Bani anong ginagawa mo?"

"I need you Bebiber."

"Eh?"

"I need you inside me."

Whutttt?! Te muna nga, lasing ba 'tong lola nyo?

"Huh?"

"Bebiber ang tagal na nung last natin, di mo ba na-mimiss yun?"

Teka nga muna wait direk! Cut!

Magba-back read na nga muna ako saglit... as far as I know wala naman akong sinulat na uminom ng kung anong pampa-L ang lola nyo kaya nagka-ganyan si bakla.

After reading...

Ay naku, effect lang siguro ng matagal na tigang kaya ganyan si Baechu. Pagbigyan na natin, minsan lang naman.

Action!

"Bani we can't."

"At bakit di pwede?"

"Uhmmm hello nasa banyo kaya tayo."

"Oh eh ano naman?"

"Ang weird naman kung dito."

"Keri na dito, o kung gusto mo sa sala tayo."

"Ha?! Eh pano kung biglang lumabas ang Tyang mo or si Yeri?"

"O eh kaya nga dito na lang."

"What? Seryoso?"

"Seryoso."

Hala ka seryoso talaga si Bebibani. Pero mukhang di pa rin talaga solved si Seulgi sa idea ng s.ex in the banyo.

"Uhmm... eh pano?"

Nyak! Ang super innocent talaga ng Bebiber ng lola nyo. Parang mapapakanta tuloy ako ng...

Banal na oso
Santong kuneho
Natatawa ako, hi hi hi hi

Charot! Wala akong doubt sa innocence ni Seulgi, yung sa lola nyo ang questionable... sabi nga sa kanta, natatawa ako hi hi hi hi...

Biglang napaisip si Joohyuna, of all the places na iniimagine niyang nag-chochorva sila ni Bebiber, nakalimutan niyang isama sa list ang banyo/CR. So walang ring idea si bakla how they'll gonna do it.

"Let's just start with this..." sabay halik ng lola nyo dun sa still clueless na oso. In fair positive naman ang response ni Bebiber.

So the chenelyn-chenes went on for about 10mins.

Dama na ng lola nyo na kailangan na nilang mag-move on from kissing when suddenly...

"Bani, do we really have to do this here?"

"What?"

"Ang weird talaga ng feeling kung dito."

Nyeta! Sa hinahaba-haba ng ipinaghintay ng lola nyo, mukhang ma-bobokya na naman ang chorva life ni ateng ah.

"Seulgi--"

"Let's do it sa sofa na lang at least dun comfortable ka."

Ashuwasha... bet na bet ni Baechu ang ganyan. Umaayon na talaga ang universe sa mga kagustuhan ng lola nyo.

Game Bebiber!

"Okay."

Pagkalipat sa may sofa, hindi agad nag-proceed sa urgent matter yung oso.

Alam nyo yung abangers na ang lola nyo na direcho na sila sa chorva proper pero si Seulgi parang di nagmamadali. She just asked Baechu to lay down tapos sya nasa side lang ng sofa, she's busy caressing your lola's face.

"God you are so beautiful."

"Awww... I know Bebiber so pwede tuloy na natin yung ginagawa natin kanina."

"Alam mo bang first year anniversary na natin next month?"

Ay nadedma yung request ng lola nyo ahihihi...

"Huh? Yup I know."

"May gusto ka bang gift for our anniversary?"

"Uhmm I don't know?"

Sa loob-loob ng lola nyo... Pwede chorva na lang ang gift mo sa akin Bebiber?

"You haven't checked your email."

"Huh bakit?"

"I-check mo muna bilis."

Ang cute ng ngiti nung oso, full of excitement. Nakalimutan na ata nito yung ginagawa nila kanina nung jowa nya sa banyo few minutes ago.

Pero ang lola nyo, para namang nahawa sa excitement ni Seulgi kasi saglit niyang nakalimutan yung about sa chorva. Now she is busy going through her phone, opening yung email na sinend ni Seulgi sa kanya.

When she finally got to open it, walang pagsidlan ng tuwa ang lola nyo.

"Really Seulgi?!"

"Yup."

"Seryoso?!"

"Seryoso. So handa mo na ang passport mo."

"Oh my gosh super excited na ako sa trip natin."

Halos masakal na ni Baechu yung oso sa higpit ng yakap nya, pero kebs nyo ba eggcited si bakla eh.

"I love you Bebiber."

"I love you Bebibani, advance happy anniversary."

"Advance happy anniversary Bebiber, and thank you."

Wait wait wait wait wait...

Eggcited much din ako dun sa trip abroad nung mag-jowa at sa kanilang first year anniversary pero... anyare dun sa chorva?

"Now Seulgi, pwede na ba nating ituloy yung ginagawa natin kanina?"

"Still?"

"Wait. Leche ka! Wag mong sabihin na delaying tactics mo lang yung pa-advance gift mo."

"Uhhmmm..."

"Buset ka talaga! Alam mo sa lahat ng nakilala ko ikaw lang itong parang di nakakaramdam ng anything when we are together."

"Hindi naman sa ganun, kaya lang parang ang weird lang talaga that we will do it here. Sa bahay nyo pa, tapos dito pa sa sala. Baka talaga biglang lumabas ang Tyang mo tapos maabutan tayo."

"Eh kung kanina pa lang sana nag-chorva na tayo edi sana ngayon nakaraos na tayo."

"Fine. But we need to be quick Bani."

Hay naku no need to say it twice Bebiber.

In 15mins tapos yung chorva.
 
 
 
#Seulrene #Seulgi #Irene #Fanfics #RedVelvet 

Magsasalpukan sina Tita Cute Cute at si Mommy Bear. Magkakila pala dating itong dalawang mga tita. Anyare at naging mag-frenemies na sila? Better ready your popcorn habang binabasa ninyo ang chapter na ito kasi magkakalabasan na ng mga skeletons in the aparador. 

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]