FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 58: Clash of the Titas

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 58: Clash of the Titas

 Tyang Maricel : Wag kang makaarte-arte na 'kala mo kung sino ka dahil sampid ka lang dito!
Miss Lorna T : Hindi ba pareho lang tayo dito? Pinulot lang sa lupa?
Maricel Soriano and Lorna Tolentino in 'Pinulot Ka Lang Sa Lupa'




https://c.lazada.com.ph/t/c.bCF2

"Yerimi asan na yung ate mong kuneho tsaka yung jowa niyang oso?"

"Umalis po tyang. Mag-grogrocery daw."

Weh? Grocery?

Ano yun nabitin kagabi kaya may continuation?

Charot! Oi talagang sa supermarket ang tungo nung mag-jowa.

Kayo talaga pagdating kay Baechu ang jujudgemental nyo!

Walang hidden meaning yung 'GROCERY' no. Hindi yun code name for mot-mot! Sorry kayo mga bakla.

"Aba't anong nakain ng ate mo at nagkusang mamili sa Puregold?"

"Ang sabi ng ate training daw para sa buhay may asawa kaya yun gumora sila sa supermarket. Para daw ma-experience nya ahead of time yung mga eksenahan ng mga newlyweds kung saan tulak tulak nila yung shopping cart while making pili-pili what to buy."

"Aba aba aba... ang landi talaga  ng ate mo no?!"

"Naman! Sinabi mo pa tyang! San ka naman nakakita tyang nang nag-grogrocery tapos naka-bakuna blouse?"

"Hay naku ate mo talaga!"


🛒         🛒         🛒

"Bebiber ano kayang mas mabango sa dalawa?"

Di na mabilang nung oso kung pang-ilang bote na ba ng fabric softener yung ipinasisinghot ni Joohyun sa kanya.

Halos magfi-fifteen minutes na ata silang nasa laundry section nung grocery. Pero yung kuneho wala atang kabalakbalak mag-move on mula sa pamimili ng panglagay sa huling banlaw. Alam nyo naman, labada is life for Baechu.

Pero ang real reason talaga kung bakit ey-for-eyfort ang lola nyo sa pagpili ng Downy ay dahil gustong ma-experience ni bakla ang maglaba together with Seulgi.

Kagabi pa iniimagine ni granny yung eksena kung saan i-babackhug sya ni Bebiber habang nagkukusot sila ng mga damit...

...tapos 'MABABASA' sila together habang nagbabanlaw...

tapos... 


tapos... habang umiikot yung spin dryer yung lola nyo magpapaikot din kay Bebiber charing!

"Yung purple Bani mas mabango."

"Talaga?"

"Yup."

"Okay."

Yung Downy na lang naman ang kulang dun sa shopping list nung mag-jowa so after makapili ay diretso na sila sa counter upang bayaran ang kanilang mga ipinamili.

"Ako na ang magbabayad Bani."

"Huh? Ano ka ba Bebiber ako na."

"No, Bani I'll be the one to pay."

Wuchu! Ang lola nyo kinilig naman ang pempem. Bakit ika nyo?

Well bet na bet ni Baechu yung dominant side ni Seulgi (na once in a blue moon lang kung lumabas).

Secret na malupet ng lola nyo, gustong gusto ni ateng kapag dinidiktahan sya ni Bebiber.

Alpha female ang granny ninyo, so ang bagay kay bakla ay Alpha rin. Eh ang kaso she got Bebiber na madalas ay "Yes Bani" tsaka "Okay Bani" ang bukambibig.

Paminsan minsan gusto rin naman ng lola 'nyong makadinig nang "Bani palitan mo yung t-shirt mo masyadong revealing nakikita yung chenes mo pagyumuyuko ka."  atsaka ng "No, dito ka lang."

Sa chorva, mas prefer ni atcheng kapag yung oso ang in control tipong sasabihan sya ni Seulgi ng "Bani turn over." o kaya nang "Bani buka" Charot! :p


Pero seryoso, major turn on yun para sa kuneho kapag in control yung oso, but then again yung desires naman ng  lola nyo walang extinguishment parang Olympic Flame, it will keep on burning for generations to come charot!

"Okay Bebiber."

And with that ay iniabot na ni Seulgi ang kanyang credit card kay ate cashier. Ang kaso mo eto ka...

"Ma'am, declined po."

"Huh? Really? That's weird. Uhmm... paki-try mo mga nga itong isa miss."

Nag-abot nang another credit card yung oso but still ayaw pa rin umubra.

"Bebiber, baka off-line or something yung bank i-cash ko na lang kaya."

"No, its fine!"

Medyo strong yung dating nung sagot ni Seulgi, kaya naman medyo natigilan ng konti ang lola nyo.

"What I mean Bani is 'it's fine' kasi I still have a debit card." Sabay iniabot ni Seulgi yung isa pa nyang card kay ate cashier.


💳          💳         💳

Sakay-sakay na sila ng tricycle pabalik ng bahay, pero  your lola have a feeling na nasa Puregold pa rin yung utak ng kanyang Bebiber.

Medyo may hinala na si Irenea why ayaw mag-work nung mga cards ni Seulgi, pero deadmaroo lang.

Eh ano ngayon kung mukhang maghihirap na ang kanyang oso from now on? Di naman pera ang habol nya dito. Tsaka kayang kaya nyang buhayin si Seulgi no ekskyushmi!

Di naman poor ang pemily ni Baechu. Nasa Saudi kaya yung dalawang kuya ni Joohyun. Yung pwesto nilang telahan sa Ilaya going strong, and can afford silang i-private school yung Tyanak kahit na labag sa kalooban ni Irenea na sa UST magaral ang kanyang kapatid kasi baka lalo lang umarte yung Undin.

Basta long story short, medyo nakakaluwag naman sa buhay 'NGAYON' ang lola nyo.

Di mayaman na mayaman... pero di naman naghihirap. Sakto lang kumbaga.

 
🚪          🚪          🚪
"Tao po... (tok tok tok) tao po..."

"Yeri may kumakatok tingnan mo nga."

"Opo tyang."

Yes naman, ang obedient nung Tyanak.

Pagka-open ng door ay tumambad kay Yerimi ang isang matangkad na babae. Knowing na niya kung sinetch yung ale kaya naman no need for introductions.

"Ma'am ano pong ginagawa nyo dito?"

"Oh hi Yeri."

"Tuloy po kayo."

"Hindi na Yeri."

"Uhmmm wala po dito kasi ang mga ate."

"Ah ganun ba..."

"Pasok na lang po muna kayo, I'm sure pabalik na rin po sila mula sa grocery, malapit lang naman po iyon."

Kahit na walang kabalak-balak na mag-stay ay napilitan na ring tumuloy sa loob ng humble abode ng mga Bae-Kims si distinguished guest.

Pero it seems its not a good idea given the reception she got from the welcoming committee...

"Anong ginagawa mo dito?"

Ang shoray agad ng bungad ni Tyang. Walang tanong tanong kung cynthia (sino sya?) yung bisita, rekta na agad dun sa 'why'.

"Andito ako para sa anak ko."

Gasp! Sinong anak? Don't tell me...

...ampon lang yung Tyanak at narito na ang kanyang tunay na ina? Char!

"Wala sya dito kaya makakaalis ka na."

Ay hindi si Yerimi yung anak so alam nyo na siguro kung sino yung panauhing pang-jolina magdangal (korni, I know).

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko kasama ang anak ko."

"Wala akong pakialam. Wala si Seulgi dito kaya layas!"

Baahhh ang tapang ni Tita Cute Cute, kahit na hanggang chest lang sya nung winawarla nya.

"Nagwo-wonder ako kung papaanong lumaki nang maayos si Irene ngayong alam ko na kung anong klaseng tao ang nagpalaki sa kanya."

"At anong ibig sabihin ng hinahanash mong leche ka?!"

"Come on Taeyeon, once a mukhang pera, will always be a mukhang pera!"

"Aba punyemas! And once a kabit, will always be a kabit!"

Watdapak?!
 

Anetch ang history nina MamiBer at Tyang and ganito ka-intense ang mga linyahan nung dalawa? Yung Undin tuloy lost in space sa mga eksenahan sa sala.

"Ang lakas mo nang manghusga ngayon no? Baka nakakalimutan mo kung san ka nagmula?"

"Hindi ko nakakalimutan! And for your info I'm still here in Tondo baka di ka aware. Lumayas-layas ka na nga dito punyetang sampid ka!"

"I wouldn't be here kung may choice lang ako. Matagal ko nang isinumpa ang lugar na ito, sampu ng mga kagaya mong isang kahig isang tuka at basura ang paguugali!"

Hala hala... akala ko pa naman wala sa karakter ni Future Mother-in-Law ang pagiging matapobre pero ngayon parang may double personality si mudra at ganito na syang magsalita ngayon.

"Tangna mo ka! Kung makapagsalita ka akala mo ang taas taas mo na. Hindi ba pareho lang tayo? Pareho lang tayo nang pinagmulan? Mga pinagkaitan ng pagkakataon? Noon katulad ka lang rin naming kumakahig sa lupa. Pero matapos mong landiin yung asawa ng amo mo, heto ka na ngayon akala mo na kung sino kang magaling kung mag-salita."

"Hindi ko nilandi si Ricardo, nagmamahalan kami! I couldn't say the same to you, ni minsan ba minahal mo si Sunmi? O sinabi mo lang mahal mo sya para bilugin ang ulo nya?"

"  .    .    .  "

Ay speechless for the first time ang tyang...

"Mangagamit! Nung wala ka nang mahuthot sa kaibigan ko ay basta-basta mo na lang syang iniwan."

Beshie ni Mother Bear?

Hindi kaya yung Sunmi ay yung kanyang friendship na kasama nyang KB (kasambahay) sa mansion ng mga Kang?

Is MamaBer talking about Yuju's mother?

Wait. Whut?!

Ibig sabihin... mag-ex yung tyang ni Baechu at yung nanay ni Inday Yuju?

Pero wait a moment. How? When? Tsaka ano ba talagang nangyari?

"Hindi ko sya ginamit!"

"Hindi ginamit? Hindi ginamit?! Halos lahat ng kinikita nya noon sayo lang napupunta. Kapag kailangan ng pambili ng gatas, ng pang-ulam at  pambaon ng mga pamangkin mo kanino ka tumatakbo?"

"Hindi ko hiningi ang mga iyon!"

"Hindi mo nga hiningi pero dahil mahal na mahal ka niya ibinigay niya iyon sa iyo ng buong puso. Hindi ka na naawa! Ginawa mong bangko at parausan yung kaibigan ko! At nung wala ka nang mahita sa kanya anong ginawa mo? Bigla mo na lang syang iniwan nang walang sabi-sabi. Nabalitaan mo bang sinubukan niyang magpakategibelles?"

Shoookedtttt.

"Hi-hindi ko--"

"Hindi mo alam kasi wala ka naman talagang pakialam sa kanya noon-noon pa. Walang bang nagbalita sa iyo na tinungga niya yung kalahating bote ng Zonrox? Na buti na lang at nakita sya ng hardinero na nangingisay sa may labahan kundi ay sumalangit nawa na yung kaluluwa nya. Ewan ko ba kung ano bang nakita nya sa iyo at nabaliw sya nang todo. Nung nakipag-break ka sa kanya medyo okay okay pa kasi ang sinasabi na lang  nya palagi, babalik ka... babalik ka and everything will be okay again. Pero anong ginawa mo? Wala pang isang buwan mula ng hiniwalayan mo sya may ipinalit ka na kaagad sa kanya!"

"Sooyoung!"

"Bakit ayaw mong marinig ng pamangkin mo kung papaano mo itinaguyod sila noon?"

"Nagtrabaho ako ng maayos!"

"Oo pero hindi sapat! Gano na lang ba ang kinikita mo bilang tindera sa Divisoria."

Wait, ang tyang? Nag-pasok-mga-suki-presyong-Divisoria dati?

Ayan na unti-unti na nare-reveal ang mga anik-anik.

"Hindi ko ginamit si Sunmi!"

"Whatever! Hindi mo sya ginamit sabi mo, pero yung timing ng pakikipag-break mo sakto dun sa panahon na hindi na sya nakakapag-abot sa iyo kasi marami syang binabayaran sa probinsya."

"Hindi ko ginusto ang mga nangyari."

"Hindi ginusto? Jinowa mo yung nag-iisang anak ni Mr. Hwang after mong makipag-break kay Sunmi ngayon sabihin mo sa akin kung ano ba talagang nangyari?"

Mr. Hwang? So that means yung ipinalit ni Tita Cute Cute kay inday ay walang iba kung hindi si...

"Ang Ate Fany?"

Napalingon yung dalawang nagbabangayan sa direksyon nung Tyanak.

"Yerimi..." It was Tyang calling for her pamangkin.

Medyo may alam si Yeri sa love story nang kanyang Tita at ni Ate Fany.

Alam niyang mula sa mayamang pamilya ang Ate Fany.

Alam din niyang against all odds ang drama ng relasyones nina Tyang at Ate Fany. May nasagap pa ngang chismis si Undin na kaya di na gaanong welcome sa family gathering si Ate Fany sa kanila ay dahil kay Tyang.

Malaki ang utang na loob nila kay Ate Fany, thanks to her medyo nakaluwag-luwag ang tyang. Major major ang contribution ni Ate Fany sa pagaalaga sa kanilang magkakapatid. One of the reason kaya nag-abroad ito ay para mas malaki ang kitain at may ipangtustos sa mga pangangailangan nila nung nag-aaral pa ang mga kuya niya.

Pero sa kuwento ni Mommy Bear, ibig sabihin ba nun... ginamit lang rin ni Tyang si Ate Fany tulad ng paggamit nito dun sa Sunmi na kanina pa binabanggit nung mudra ni Seulgi.

"Ayoko mang isipin kasi nakilala ko naman ang mga pamangkin mo kahit papano at alam kong mababait silang bata. Pero pasensyahan na, hinding-hindi ko pahihintulutan na mangyari sa nagiisa kong anak ang nangyari sa aking matalik na kaibigan."

Now wait a moment, what does that mean?

Don't tell me...

"Hindi ganun ang ate!"

Ay in fair, kahit na araw-araw siyang binubuset ng kanyang ate heto pa rin si Tyanak, handang ipinagtatangol ang puri at danggal ng kanyang pinakamamahal na Ate Joohyun...

"Nagkakamali kayo! Hindi pera ang habol ng ate kay Ate Seulgi kundi chorva!"

...or maybe not (leche! ang taas pa naman ng expectations ko)

"Masyado ka pang bata Yeri para maintindihan ang mga bagay-bagay."

"Hindi na ako bata, alam kong nagmamahalan nang tunay sina Ate at Ate Seulgi."

"You don't know that for sure."

"I'm sure!"

Sasagot pa sana si kutong anes pero pinigilan sya ng Tyang.

"Tama na Yeri di ka rin naman pakikinggan nang kausap mo."

"Say what you want to say hindi ko hahayaang itapon ng anak ko ang kanyang bright future para lang sa uri nyo."

Hala punyeta! Ano itey? Akala ko pa naman si Father Kang ang main kontrabida sa story yun pala its Mommy Bear!

Mabait, hindi matapobre, malumanay magsalita... anyare at biglang nag-180 about face yung karakter ni Mother Bear?  
 
Gaano ba kalala yung ginawa ni Tyang sa beshie ni Mother (nanay ni Yuju na si Sunmi) at abot langit na lang ang galit nito sa kanya at sa lahat ng mga taga-Tondo?

"I'll get my daughter back!"

"Subukan mo!"

And with that ay umalis na sa pamamahay ng mga Bae-Kim si Mother Bear.

Pero isinusumpa nya... Babangon siya at dudurugin...

...ang paminta!
(korni last na talaga pwomise).

Pero ano na nga kayang mangyayari sa labstory nina Bebibani at Bebiber?

Mukhang ito na ata yung start ng angst ah... charot!
 
Ano Tyang may gusto ka bang sabihin? (play video below)
 
 

#Seulrene #Seulgi #Irene #Fanfics #RedVelvet 
Ang isla kung saan walang kuryente. Walang cell signal. Walang internet. Walang hotel. Walang distraction from the outside world. At higit sa lahat walang Undin at Tyang sa paligid-ligid. Yahoo!!! Ang daming anik na WALA sa island, pero one thing's for sure... MAY GANAP!

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]