FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 61: Last Request

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 61: Last Request

"Sana Taeny pa rin. Taeny na lang. Taeny na lang ulit." 
Taeyona Alonzo in the movie "Wan More Cha...se?"

Gusto mo yung in 20 minutes nakapag-empake si Tyang ng mga dadalhin nya sa Calaguas?

Partida may kasama pang punas ng uhog, sigaw sa Undin (kasi nag-eempake din at the same time si bakla) at laga ng itlog  yun.

Para que yung mga eggs?

Baon ni Tita Cute Cute sa biyahe. Kailangan ni Tyang ng energy kasi may ipinaglalaban si ateng ninyo.  Si Fany-My-Love-So-Sweet nakikipag-break. Aba eh... magkakamatayan na muna bago pumayag ang Tyang!

Leche ang dami na nilang victories and defeats, trials and tribulations na pinagdaanan, ngayon pa ba sila maghihiwalay?

Ngayon pa kung kailan halos nag-mamaterialize na lahat ng mga hopes, aspirations and dreams nila sa buhay. Maka-graduate lang yung Undin, mission impossible - accomplished na sila.

So no! Walang mag-bebreak!

Over Tita Cute Cute's dead gorgeous body! 

⛱️         ⛱️        ⛱️

"Ate Fany penge pa."

That's Yerimi.

"Teka nakakadaming hipon ka na ah!"

That's your Lola Baechu.

"Paki mo ba!"

Syempre di papatalo ang Tyanak.

"Ate Fany ako po alimango."

That's Bebiber making singit-singit in the conversation.

"Alimango ka? Hindi ba oso ka?"

And that's Tita Cute Cute being korni.

"Tyang, last nyo na yan today."

Lola nyo kontrapelo na naman.

"Che! Paniya wag mo ngang ipaghimay tong kuneho na to."

"Ate Fannnyyy!"

That's Yerimi again.

"Oo na, oo na eto na o binibilisan ko na nga ang paghihimay."

So binilisan nga ni Ate Fany ang panghihimay. Sa buong duration ng lunch ay sinigurado ni ateng na busog yung kanyang mga alaga.

Hipon para sa Undin.

Alimango para kay Baechu at sa jowa nyang oso.

Eh ang Tita Cute Cute pano?

Ay naku don't worry about her kasi sa eye smile pa lang ni Fany-My-Love-So-Sweet solve na ang Tyang.

"Ikaw Taeyonnie ano pang gusto mo?"

"Kanin." Lutang na sagot ni Tita Cute Cute.

"Okay, anong ulam mo?"

"Ikaw este... ihaw. I mean inihaw!"

"Ewww..."

Magka-duet na react nung kuneho at Tyanak. Basag trip lang ang peg nung dalawa.

"Taeyona! Ano ba nakaharap ang mga bata!"

Wow lang ha! With matching hampas hampas pa on the side yung pagsaway ni Panyang sa kanyang Taeyonnie.

And pa-wow nga ulit! Parang 15hours ago eh heavy drama ang eksenahan nilang dalawa tapos ngayon parang teenager lang ang mga galawan nung dalawang tanders este lovers (soon to be ex?).

"Ate Fany ayoko na pala..." aba aba aba drama ng lola nyo. "...nawalan na ako ng gana habang pinapanood ko yung lampungan nyo."

"Weh... di nga ate? Eh mas worse kaya yung mga damoves mo. Baka gusto mong ikuwento ko sa Ate Fany yung 'MGA' gapang moments mo."

"Leche kang bata ka!"

Naku mukhang nanganganib na namang mabusalan yung Tyanak ah...

"Ano yun Yeri?" Tanong ni Ate Fany.

"Alam mo Ate Fany etong si ate akalain mo ba namang--jhwjdjgsduishuwasha"

Ayan sige! Sumbong sumbong ka pa Undin ayan tuloy na ngudngud ka sa plato ng ate mo.

"Joohyuna!"


Astang magsasabong na naman yung mag-ate kaya si Ate Paniya to the rescue na agad. Habang ito namang si Tyang wala atang kabalak-balak na umawat. Chill chill lang sya on the side. Watching... or more specifically reminiscing.

Ni-reremenisce nya yung time, nung hindi pa nag-aabroad si Panyang, ganito halos araw-araw ang eksenahan nila. Yung mga panahon na pooritabels pa ang Tyang tsaka yung bahay sa Tondo maliit lamang... pero, pero, pero, pero malinis yun pati sa kusina. Char!

Tapos everytime na kakain dapat sabay sabay. Super gasgas na gasgas na nga yung line ng Tyang na, "ano man ang nakahain pagsaluhan... pero hinay hinay lang sa ulam." Tapos madalas pa ngang magpasubo si Yerimi kay Ate Fany, kasi sa kanya lang naman madalas bumebenta yung inarte nya.

Sinusunod ni Ate Panyang lahat ng hilingin nung Undin, spoiled tyanak ano pa.

Si Ate Fany ang nagpapaligo, ang naghuhugas ng wetpu after pumupoo, at nagpapa-meme kay Yerimi nung bata. Kulang na nga lang sya ang umiri at sa kanyang chenes manggaling yung Undin eh. So imaginin nyo na lang siguro ang magiging struggle ni Yerimi kung sakali mang matuloy yung  separate lives na chinacharot ni Ateng Panyang.

So may mabigat na rason na ang Tyang para ipaglaban ang kanilang pagiibigan. 

Kailangan niyang itaguyod yung kanilang long history of public service este basta yun... history period. Ang dami na nilang pinagdaanan no. Kaya di hahayaan ng Tyang na may ibang baklang umenter frame sa life ni Fany-my-love-so-sweet.

Hinding-hindi nya pahihitulutan na mawalan ng Ate Fany ang kanyang mga alagang kuneho at squirtle. Nevah!


https://c.lazada.com.ph/t/c.bCF2 
🌊        🌊        🌊

"Lalangoy ka, yan lang suot mo?" Tanong ni Ate Panyang kay Tita Cute Cute, with matching up and down pa na tingin dun sa two piece ekek na swimsuit ni Tyang.

"Oo bakit? Alangan naman mag-duster ako habang lumalangoy'

Oo nga naman. May point, kaya Ate Panyang chill.

May itinatago din pa lang alindog tong si Tita Cute Cute... tapos punyeta may pa-abs si mayora. At ang mga biyas ng Tyang ang puputi ampota. Palibhasa paminsan minsan lang naarawan yung mga singit singit ng Tyang kaya ganyan, pwedeng pwedeng endorser ng Gluta.

Wag na kayong magtaka, part talaga ng plano ni Tita Cute Cute ang paglawayin si Panyang.

"Paniya, pahiran mo naman ako ng sunblock sa likod oh please."

Wuchu lakas magpa-bebe ng Tyang.

"Taeyona...

Eto na mga bakla...

"...amoy malansa ang kamay ko kasi naghimay nga ako ng sandamakmak na alimango at hipon, remember? So dito ka na lang kay Seulgi magpa-aapply ng sunblock. Seulgi beh pasuyo naman oh pakilagyan mo naman ng sunblock si Tita Taeyeon mo."

In 7 seconds natapos ang pahiran.

Syempre patatagalin pa ba ng Tyang yung session eh bearpaws ni Seulgi ang humihimas sa likod nya imbis na yung long and slender fingers ni Panyang.

Pero may gabi pa naman... and like Baechu, Tita Cute Cute vows na may ganap by hook or by crook. 


 ðŸ‘™         👙        👙

Ikalawang gabi sa Calaguas.

Tent number 1, Tyang and Panyang. Habang nagrurumble yung mga tenants ng tent number two (Baechu, Undin and Bebiber).

Ang weird lang sa tent ng mga Tyang kasi may barikada in between Tita Taeyeon and Ate Fany. Tipong may pa water bottle, flashlight, lotion sa gitna. Kanikanina itinabi na ni Tyang yung mga yun pero somehow Ate Fany finds a way to bring those back in between them. Like sisimple nang inom tapos yung water bottle sa gitna ilalapag, ganun din sa lotion at flashlight.

"Good night Taeyonnie."

Sabay talikod at aktong mag-isleep na talaga si Fany. Punyetnyet ano na Tyang?

"Uhmm..."

Alis ng water bottle, lagay sa side.

"Fany."

Alis ng lotion at flashlight, lagay sa side.

"Paniya..."

Tawag sabay kalabit.

"...lapit ka naman ng konti."

Yun oh! Mga damoves ng Tyang.

"Okay na to."

No!!! Hindi  okay kay Tyang!!!

"Di ka ba giniginaw?"

"Medyo."

"Gusto mo hug kita?"

"Uhmm..." *makalipas ang walong segundo "...okay."

Tagal nag isip o-oo din pala.

Lumapit nang konti ang Ate Fany, tipong enough lang para maabot sya ng Tyang. Pero syempre kanino pa ba magmamana si Baechu kundi kay Tyang so alam nyo na whats next.

"Taeyeon... we can't."

"Bakit?" Napatigil sa paghalik sa shoulders ni Panyang ang Tyang.

"You know why?"

Patay tayo jan.

"Officially you're still my girlfriend."

"Anong ibig sabihin nun?"

"It means may karapatan pa rin ako sayo. I can still kiss you and do whatever I please. O baka naman kaya ka parang pasong paso sa haplos ko kasi mas prefer mo yung hug and kisses nung bago mo. Ganun ka ba katigang sa America na di ka nakatiis at naghanap ka ng iba? S*ex lang ba habol mo? Kung yun lang halika let's do it all night hanggang sa magsawa ka. "

Gumuhit yung disgust sa mukha ni Ate Fany.

"A*sshole!" 


Sampal, sabay walkout palabas ng tent. 


Day 3 sa Calaguas

Eto na yung araw nang balik sa syudad ng mga lola nyo.

Si Baechu babalik nang happy kasi kahit papano naka-score sya ng chorva so enough na yun until next month charot!

Yung Tyanak keri keri lang kasi kumota naman sya sa lafang at sa pang-aasar sa ate nya.

Pero ang Tyang... anyare na dun sa "Operation: Change Fany's Mind"

Eh imbis na mind ni Ate Fany ang na-change kahapon eh yung location ng panga ng Tyang ang nabago.  Sa lakas ng sampal ni Fany-My-Loves-So-Sweet kagabi hanggang ngayon kapag binunuka ng Tita Cute Cute yung bibig nya parang may lumalagutok.

Napa-deport pa sa tent ni Tyang yung Oso, habang yung mag-aate naman ay nagbonding dun sa kabilang tent.

At salamat sa lakas ng hilik ni Bebiber ay lalong di nakatulog si Tita Cute Cute. Nagsisisi sya sa mga sinabi nya kanina.

In Tyang's defense hindi naman nya talaga sinasadya yung mga yun. Nadala lang sya ng kanyang emosyon. Alam nyo naman kapag ang isang tao nasaktan ang tendency ay manakit din sila in return.

Eh lalo pa asang asa pa naman ang Tyang na magmumuling-ibalik-ang-tamis-ng-pag-ibig sila ni Panyang sa isla. Ang kaso mukhang mapapa-Sarah G. ang Tyang ng wala sa oras tipong... maging ang laot, walang takot na tatawarin. Kahit alon ay umabot sa papawirin. San man dako'y pinangakong makakarating. Ikaw lang ay makapiling! Gaga... ey tama na.

"Fany bagalan mo naman lakad mo please. Di ka naman masyadong excited na iwan ako no?"

In fair effective kasi suddenly napahinto sa paglalakad si Ate Fany. Una sya lang ang naglalakad sa may buhanginan, morning stroll ba since aalis na sila sa isla sa hapon eh for the last time gustong i-enjoy ni Ateng yung nature ekek.

Ang kaso mo biglang jumoin sa paglalakad ang Tyang so binilisan nya yung lakad thinking na lulubayan din sya nito eventually.

Ang kaso mo eto ka ulit, makulit ang lahi ng Tyang. 


Told yah what is pride kung single naman sya. So hanggat kaya pa, gagawin ni Tyang ang lahat para sa huli, sa huli ay sila pa rin ni Panyang. Kung kailangan nyang tahakin ang kilome-kilometrong layo she will. 

Hinarap ni Ate Fany yung maliit na ale na kanina pa sunod ng sunod sa kanya.

"Taeyeon that's not funny."

"Alam ko."

[Kuliglig sounds (kahit na umaga)]

"Can we lie down for a bit Fany?"

Di ma-gets ni Ateng Fany kung anong gustong mangyari ni Tyang so para malinaw ay humiga by the sand si Tita Cute Cute. Ahhh yun pala... ganung lie down pala, okay.

Pero di agad sumunod si Ate Fany.

"Please Fany, tabihan mo naman ako kahit sandali. Last request ko na to swear."

"Bakit ba ganyan kang magsalita ha?"

"Ah so my chance na di tayo maghihiwalay?"

Di sumagot si Ate Fany pero sumunod na sya finally dun sa gustong mangyari ni Tyang.

Makulimlim, medj umaambon pa nga so keribels lang na bumilad by the bay yung dalawa.

In fair ang peaceful ng atmosphere between the two cheneses. Malayong malayo sa eksenahan nila sa Tondo the other night, at sa sampalan scene nila sa may tent kagabi.

"Fany..."

"Hm..." Di na nagbother na dumilat pa si Panyang, mukhang dinadama ni Ateng yung moment.

"Sorry kagabi."

"It's fine kalimutan na natin nangyari kagabi. Taeyeon?"

"Hm?"

"I'm sorry for breaking your heart."

Sabi nila kung mahal mo ipaglaban mo. Pero nakakangawit ding "MAG HOLD ON" no kaya naman...

"Fany, I'm letting you go."
 
Days after the Calaguas Trip.

Nagaabang ang lola nyo sa may lobby ng kanilang office building. Hinihintay nya si Bebiber kasi ang sabi nito sabay daw silang mag-didinner  tonight. Ang kaso halos magtre-trenta minutos na syang abangers, yung oso waley pa rin

To Bebiber:
Bebiber asan ka na? Sabi mo susunduin mo ako for dinner? Eh 6:30 na wala ka pa rin.
6:28pm

From Bebiber:
Bani sorry.
6:35pm

To Bebiber:
Keri lang basta bilisan mo kasi gutom na ako.
6:35pm



From Bebiber:
Di na kita masasamahan mag-dinner Bani, I'm sorry.
6:37pm

To Bebiber:
Nubayan! Sana nagsabi ka kaagad kainis ka naman eh.
6:38pm

To Bebiber:
Hay naku bahala ka na nga I'm going home.
6:39pm

From Bebiber:
Bani.
6:41pm

To Bebiber:
Che!
6:41pm

From Bebiber:
Take care Bani. Alagaan mong sarili mo ha.
6:43pm

To Bebiber:
Ewan ko sayo.
6:45pm

From Bebiber:
I love you.
6:47pm

To Bebiber:
Muka mo!
6:47pm

From Bebiber:
Remember that kahit hindi na tayo.
6:47pm

To Bebiber:
Lecheka!
6:48pm

To Bebiber:
Wait. Whut?!!! ANONG SINASABI MONG KAHIT HINDI NA TAYO?
6:48PM

Calling Bebiber...Ring. Ring. Ring.

To Bebiber:
Punyeta kang oso ka! Sagutin mo yung phone mo!
6:50pm

Calling Bebiber...

#Seulrene #Seulgi #Irene #Fanfics #RedVelvet
 
Asan na si Bebiber? Tinext, tinawagan nung nawiwindang na kuneho yung phone si Seulgi.  Muntikan na ngang malugi yung Globe kasi sulit na sulit ni Baechu yung 'unli text and unli call (with 300 mb free data)' nya sa dami ng nasend nyang messages kay Seulgi. Pero wala talagang reply as in.

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]