FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 60: Love... Hurts

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 60: Love... Hurts

 "Ang Pagmamahal walang nakikitang panahon, walang nakikitang wakas!"
Iza Calzado in 'Moments of Love'


Continuation ng kagagahan ni Baechu...

(Oo tinuloy ko na! *mumbling* as if naman I have a choice)

"Get ready Bebiber kasi gagawa tayo ng se.x video."

Ay pun$%$#U@@@no daw?!!!!

Akala ko lapdance?!

Yun pala scandal!!!!

Jusmiyo pulgoso ang lola nyo nag-off script na naman.

Kahit kailan talaga 'tong si Baechu, sarap kurutin sa anik.

"Eh? Ex-video Bani?"

Alam mo Seulgi maganda ka sana... bingi ka lang.

"Whut?! Anong ex videong pinagsasasabi mo dyan?"

"Di ba sabi mo gagawa tayo ng Ex-video. Like 'Extreme Video'? Yung may mga stunts stunts ganun?"

Nag-hahanap ng stunts si Bebiber? Eh kung ibala kaya sya sa kanyon nung kuneho? Yun extreme enough na siguro yun.

Leche osong to, F na F na ni Baechu yung moment eh. 

Alam nyo yung naka-cue in na yung song ni Ateng Camila as in. Handang handa na ang lola ninyong mag...

Havey-na-ohh-nana
Hap of my heart is in havey-na-ohh-nana...


Syempre si inang may own version.

Eto ka... not one, but two!

'Chor-va-na-ohh-nana (The MayGanap Version)'
atsaka,
'Wa-ley-na-ohh-nana  (The WalangGanap Version)'

Ang kaso mo eto ka ulit, at this very moment  mukhang mas babagay as BGM yung national anthem ng mga pedicab drivers yung...

Yeah!
Yeah yeah yeah...
...kalimutan mo na yan sige-sige maglibang.


"Ano nga ba ulit yung sinabi mo Bani kanina?"

Kalma Baechu... breath in... breath out... repeat after me... "I am the captain of my destiny." Charot!

Ewan ko na talaga dun sa oso. Gustong gusto nun yung nasasaktan sya eh...

"Ang sabi ko (gigil na si ateng nyo lagot)... gagawa tayo ng se.x video."

"Se.x what?! Ay ayaw Bani!"

"At bakit?!"

"Pano kung ma-scandal tayo?"

Exactly!

"Hindi yan."

"Ayaw Bani."

Yung oso, kung makailing wagas na wagas.

"Gagawa tayo sa ayaw at sa gusto mo, kaya mag-hubad ka na."

Hala pota!

"Ayaw Bani. Pano kung may mang-hack sa phone mo, i-post online yung video, tapos before we know it, kalat na yung mga links everywhere. People will talk about you, about us."

"Di yan. It will be our little secret, tayo lang ang makakapanood nung video I promise."

https://c.lazada.com.ph/t/c.bCF2
Kulit din talaga ng lahi ng lola nyo eh..

"Hala ayaw talaga Bani."

Alam nyo yung istura nung mag-jowa?

Yung lola nyo nakatayo sa harap ng nakaupong oso, tapos tong si Bebiber naka-cross yung arms sa chest nya.

Hutena, very 'kuya-wag-po-lang' yung scene nung dalawa wahahaha.

Kahit na pinandilatan na ni Baechu si Seulgi, mukhang di talaga bibigay si Bebiber. Baka pa nga sa sobrang tangi nung oso eh umabot pa sila dun sa may dalampasigan. 

May habulan sa may she sells, sea shells by the sea shore, pero yung vibe hindi romantic nor cute kundi suspense thriller.

Nyet nyet, kapag ini-imagine ko para namang raypist na  raypist yung datingan ni Ateng Bebibani. Tapos eto ka, wala pa namang bara-barangay hall sa Calaguas. So kung mahuhuli man sya nung parang mga peacekeepers dun sa isla eh baka itapon na lang nila sa dagat si bakla para mag tanda.

Kaawaawang Irenea.

Habang nangyayari ang mga ganap sa isla kung saan may kunehong malapit nang mag-super saiyan, may mga ganap din na na-uunfold at the same time sa Tondo.

🕶️          🕶️          🕶️     
Newsflash! May nagbalik!

Expected na ni Tyang na babalik yung kanyang public enemy number one na si Sooyoung pero ang nagbalik instead ay ang kanyang one and only Fany-my-love-so-sweet ni Tita Cute Cute fresh from L.A!

Halos 5 years din na di nauwi ng pinas si Panyang so imagine na lang yung overflowing joy in Tyang's heart.

Ang daming dalang pasalubong ni Ate Fany.

Rubber shoes na Adidas at Nike para kay Baechu.

Malalaking supot ng Baby Ruth, Crunch at Snickers para sa Tyanak.

At isang 'Taeyeona Let's Break Up' para kay Tyang.

Wait! Whut?!

Medj hevey yung eksena nina Tyang at Ateng Fany kaya balik na muna tayo sa kuneho at the oso...


 🎥        🎥         🎥

Waley na mga bakla.  Cancelled na yung se.x bidyeo ek ek ng lola nyo,  kasi di talaga nya makuhang mapapayag si Seulgi sa kanyang mga balakin sa buhay.

At kesa naman ma-bokya yung kanyang chorva life nang tuluyan eh no choice yung kuneho kundi ang makipag-'Compromise Agreement' with Bebiber.

Usapang Matino 1 (In favor of Bebiber): Na-relocate yung ganap nung mag-jowa from out in the open, to close sa loob ng tent. Wala nang eme-eme ang lola nyo no. Kaysa naman mag-suffer ng another chorvaless night si ateng.

Usapang Matino 2 (In favor of Bebiber): Walang video, to your lola's disappointment. Ayaw talaga ni Seulgi ng mga ganun ganun, kasi unang una di nya ma-gets why they need one. Mega-explain explain pa yung kuneho na kesyo they will look hot daw dun sa video. Maganda daw yun, pwede nilang  i-replay ng ulit-ulit yung moment nila together. Para daw may napapanood sila kapag magkahiwalay. Syempre di bumenta yung reasoning ni Joohyuna sa oso.

Usapang Matino 3 (In favor of Baechu): May ganap by hook or by crook. At si Bebiber daw ang TAP! No di yan, misspell... tap talaga yan. Tap as in 'TAPOS' ang maliligayang araw nung oso sa kamay nung kuneho kapag umarte-arte pa sya.

Usapang Matino 4 (In favor of Baechu) : Gagamitin nila yung mga anik na baon ni bakla sa isla. What are those? Ano pa edi yung mini-speaker, choco syrup, silk na panyong red, mini disco ball, at yung cellphone (for music purposes ONLY) Note: Lahat ng anik ay battery operated (speaker, disco ball, cellphone) edible (syrup) at non flammable (silk na panyo).

Usapang Matino 5 (In favor of Baechu - lech nakakadami na ang lola nyo ah) : Lights on! Or rather flashlight on! Syempre pano maisasakatuparan ng Lola nyo yung mga balakin nyang anik kung madilim kayo talaga.

Ano game na?

Wait.

Mamaya na lang pala.

Balikan na muna natin si Tyang...




💔          💔         💔 

Si Tyang na nagdurugo ang puso...

Si Tyang na wala namang ibang hinangad kundi ang magmahal at mahalin in return.

Si Tyang who... may never love that way again.

Yun na yun eh, ibinuhos na nya lahat sa kanyang Fany My Love So Sweet.

Hindi naman makuhang magalit ni Tita Cute Cute kasi, alam mo yun...

How can you hate someone who accepted you, when you literally have nothing to offer? (katawan lang char!).

Who stood by you kahit na i-threathen sya na tatanggalin sa honorable list ng mga pamamanahan.

Someone who learned to love those people dear to you, even sharing the responsibilties of raising them with you.

Someone who for the past 18 years, made you smile, gave you something to look forward to everyday, at pauulit na ina-assure ka that you are a beautiful person, that you are good and that you are love(d) ... awww... ang kaso mo eto ka...

"Taeyeona, I think its time that we go on our separate ways."

Punyeta! Told yah waley talagang foreverandever eh... baka ForeverAndNever meron pa.

"Paniya bakit?"

"Wala na yung spark."

Ayan tayo eh...

"But Paniya I love you."

"Ako rin naman Taeyeon I still love you... pero di na tulad nang dati."

"Paniya please don't leave me."

"I have to Taeyeon."

"Paniya please..."

What is pride? Don't bother to ask Tyang kasi nasa 'begging mode' na sya right this very moment.

KNEE PADS!!! Bigyan ng knee pads ang Tyang!
 
 
I'm not kidding talagang lumuhod na ang Tita Cute Cute, so ang Ate Fany nataranta napaluhod na rin.

"Taeyeon. I love you, alam mo yan. I love you then and I love you still pero yun nga di na tulad ng dati. And..."

And what Ate Fany?

"I think I'm falling in love with someone."

.

.

.

Alam nyo yung tipong for 10secs. atang na-froze ang Tyang.

"Taeyeon?"

"No..."

"Taeyeon... I'm sorry."

"  .   .   .  "

"Taey.."

"No!!! Hindeee pwede!!!"


Hala ka Ate Fany.

"Taeyeon please don't--"

"Ka-hit na di na tulad ng dati Fany just stay please... Basta dyan ka lang wag mo akong iwan parang awa mo na..."

Huhu crying mess na ang Tyang.

How dare you make Tita Cute Cute cry Paniya?!

Howdayou!

Ate Fany wasn't expecting this to happen. Yung crying crying kemerloo ni Taeyonnie I mean. Kasi nga ang ine-expect nya may sampalan na magaganap. Tipong may, "Leche ka!" (PAK) "May iba ka na no?!" (PAK) "Sinasabi ko na nga bang malandi kang babae ka." (PAK, PAK)

Handa na sya sa sumbat, sa mura, sa tadyak... ay di pala tadyak wag yun mashaket.

Pero in fair kay Ate Fany, she could have broken up with Tyang via Skype, Messenger, email etc. pero mas pinili pa rin niyang in person.

Ang balak nga ni Tiffany, one time-big time yung break up nila. Pero how? Eh tingnan mo nga ang Tyang... hindi lang nag-wawalling (pa-dausdus sa pader) kundi nag-floflooring din (lumulupasay sa floor).

Halos 15mins nang kinakalma ni Ate Fany si Tyang.

After 30mins hikbi-hikbi na lang ang maririnig from Tyang.

After another 15mins ay medyo umokey-okey na ang Tita Cute Cute.

Mukhang pwede na ulit syang makausap ng matino.

"Taeyeon--"

"Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo?"

Iling lang ang naisagot ni Ate Fany. Punyeta mukha nga talagang desidido na si Ateng na makipag-break.

"Sige. Kung yan na talaga ang gusto mo, let's do that. Pero sa isang condisyon..."

Hala ano naman yung kundisyones?


🐰          🐰          🐰

"Bani, what are you doing?"

"Shush, wag kang magulo. Inaalala ko kung saan nga ba unang nilagay nung napanood ko yung choco syrup."

"Ilalagay saan?"

"Ah bahala na nga! Game na Bebiber."

Hala game na daw... humanda ka na oso ka. Remember, you're the TAP.

"Put this on." Sabay iniaabot ni Baechu yung panyo kay Seulgi.

"San ko lalagay to Bani?"

"Sa ulo mo, kasi baka mahamugan ka. (sarcastic) Pampiring sa mga mata ano pa ba!"

Gigil na naman si Ateng.

"Ah.. o-okay."

Sumunod agad yung oso kasi syempre mahirap na.

"Okay... so pano nga ba to?"

"Anong sabi mo Bani?" Tanong nung nakapiring na oso.

"Shush wag kang magulo."

Sabi nga namin Baechu. Stay put lang kami. We won't say a word.

After like forever ay finally nakapag-decide na si bakla kung san nyang ilalagay yung anik na choco syrup.

"Okay. Game."

"Huh?"

Of course lost in space yung oso.

"Lick me."

Whut?! Ay punyetakels asan na ulit yung [M] button...

"Lick what Bani?"

"Lick the choco syrup off my body."

Watdapak?! San naman napulot ni Baechu 'tong ideya na to ha? Berry pipty shaydes.

"Uhmm Bani wala akong makita."

Yun lang... oo nga naman Bani. May paandar ka pa kasing papiring-piring eh.

"Ay oo nga no... pero wait kasi... wait ako ba dapat ang naka-piring tapos ikaw yung bahala sa syrup? Or..."

Hala kung practical exam lang ito ligwak na si Baechu. Ang hina sa application ni bakla...

To make the long chorva short. Nagkasundo naman yung mag-jowa kung paano nila i-eexecute yung chinichenes ni Joohyuna.

Masaya ang lola nyo kasi naisakatuparan na niya finally yung isa sa mga pangarap nyang chorva. I cannot say the same for Seulgi charot!

This I can say though, hindi natuloy ang pagiging 'TAP' ni Seulgi that night.
 
 
 

🐻           🐻           🐻

"Bebiber..."

Ang sarap siguro sa feeling yung gigising ka nang nasa tabi mo yung labs mo no?

Agang-aga kinikilig ang lola nyo.

"Uhm..."

"Bebiber..."

It didn't take long before yung sweet and cute moment sana nung mag-jowa ay unti-unting nagiging rated SPG. Kasi naman yung makasalanang kamay nung kuneho kung saan-saan na naman nadadako.

"Bani, again?"

"Shush..."

"ATEEE!!!"

"Bani..."

"Ateee!"

"Shush... just relax Bebiber..."

"Bani parang may--"

Sound of zipper (ng tent) being quickly undone at may ulo ng tyanak na sumulpot.

"Ate kanina pa ako sigaw nang sigaw sa labas di ka man lang sumasagot. Gising ka na pala."

"YERIMI?!"

Nyeta bat nasa Calaguas ang Undin?

And wait there's more...

"Huy bumangon ka na dyan bata ka at magluto ka na nga ng almusal!"

That's Tyang.

"Hi Joohyun!"

And that's...

"Ate Fany?"

  
🔙            🔙            🔙
Flashback...

Iling lang ang naisagot ni Ate Fany. Punyeta mukha nga talagang desidido na si Ateng na makipag-break.

"Sige. Kung yan na talaga ang gusto mo, let's do that. Pero sa isang condisyon..."

Hala ano naman yung kundisyones?


"Sige. Kung yan na talaga ang gusto mo, let's do that. Pero sa isang condisyon..."

"...you'll have to spend two days with me. Maghihiwalay lang rin lang naman tayo eh ayusin na natin."
 
 

#Seulrene #Seulgi #Irene #Fanfics #RedVelvet 

Di na muna si Joohyun at ang kanyang chorva life ang bida sa chapter na ito. I-ispotlight lang muna natin saglit ang lablayf ng tyang, while she tries to get her Panyang back. Told yah what is pride kung single naman sya. So hanggat kaya pa, gagawin ni Tyang ang lahat para sa huli, sa huli ay sila pa rin ni Panyang. Kung kailangan nyang tahakin ang kilome-kilometrong layo she will.  

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]