FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 62: Heartache

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 62: Heartache

"Kaya kabit ang tawag sa kanila kasi daig pa nila ang epoxy kung kumabit, kaya kerida kasi mga kiri, kaya mistress kasi nakaka stress."
Jaclyn Jose (as Ellen) from the movie "A Secret Affair (2012)"



🎶 Andyan ka na naman ba't di ko maiwasang tumingin sa iyong liwanag.

"Yeri, sinong may birthday?"

Nadarang na naman sa'yong apoy.

"Huh birthday ka dyan?"

🎶 Bakit ba laging hinahayaan?

"Eh bakit may videoke kayo? Tsaka parang may mga nagiinuman sa loob."

🎶 Andyan...

"Huh? Malay ko."

Oo nga naman malaysia nung Tyanak sa mga ganap sa bahay nila eh busy si bakla sa pakikipagdate sa labas.

Alam nyo yung lumabas ng bahay maka-almusal tapos nung bumalik past nine na ng gabi? Parang nag-work plus overtime lang ang peg (overtime kamo sa paglalandi charot!)

🎶 Nadarang na naman sa'yong apoy.

And sana pala di na muna umuwi ang Undin kasi yung naghihintay pala sa kanya sa bahay ay walang iba kundi...

Handang masaktan kung kinakailangan.

"Hoy Tyanak!"

Patay kang bata ka sa ate mo.

Sandaling tumigil ang Tyang sa pagkanta ng 'Nadarang' para i-welcome ang kanyang unica Tyanak.

"Oh Yeri! Andito ka na pala bata ka. Kuha mo nga kami ng ate mo ng yelo sa ref. Tsaka magluto ka nga rin ng hotdog."

"Hoy Tyanak!" Sigaw ulit ng lola nyo.

"Tapos ipagbalat mo nga rin pala kami ng manggang hilaw." Pahabol na utos ni Tita Cute Cute.

"Hoy Tyanak! Halika dito!"

"Mamaya na ate! May iniuutos pa ang Tyang!"

Nagmamadaling dumiretso ng kusina si Yerimi kasama ng girl friend nyang still clueless kung ano bang okasyon meron sa bahay ng mga Bae-Kim at may pa-bidyoke si mayora sa sala. 


💔         💔         💔

 "Tyang eto na yung yelo at--"

🎶 And I was da-ying inside to hold you

Tongina may pa dying inside pang nalalaman ang lola nyo. Eto yung theme song ng mga taong ABANGERS SA GANAP kaso given their circumstances eh kennot be, borrow one from none.

🎶 Da-ying inside
I was da-ying inside
But I couldn't bring myself to touch you.
 


I wonder kung bakit duma-dying inside ang lola eh may jowa naman sya... wait speaking of jowa, asan na nga ba yung jowa ng lola nyo? 

Asan na si Bebiber? 

https://c.lazada.com.ph/t/c.bCF2

"Hoy Tyanak!"

Eto na naman po tayo...

"Yes ate." Slightly nangingilag na sagot nung Undin sa kanyang ate dear. Ilang araw na din niyang tinataguan ang kanyang ate kasi... well guess she can't runaway from Baechu any longer. Panahon na para kalusin ng kuneho ang kanyang kapatid na Tyanak.

"Ilabas nyo yung Bebiber ko!"

"Ate ilang beses ko bang sasabihin sa iyong--"

"Asan na ang Bebiber ko?!"

Hala ka...

"Ate--"

"Bebiber!!!"

"Ate naman eh..."

"Ilabas nyo ang Bebiber ko!!! Bebiber?! Bebi...(after 3 secs) Ber!"

Hala ka... Sisa, is that you? Si Crispin at si Basilio hindi mo rin ba hahanapin?


"Ate, we don't know kung asan na nga ba si Ate Seulgi. Ang hirap naman maghanap sa taong ayaw magpahanap."

"Don't say that!"

Ah yes Baechu? Lasing na nga ata ang granny kasi umiingles na si bakla.

"Ate, walang text or tawag, ni sulat walang iniwan si Ate Seulgi so meaning ayaw na nyang kontakin mo pa sya."

Whut?! Gone with the wind na talaga yung oso?

"No! Not my Bebiber. I'm sure may perfect explanation kung bakit halos magiisang buwan na syang di lumalabas ng lungga nya wherever the hell that is."

Wow asan na yung fearless, ayusin-mong-sagot-mo-kung-ayaw-mong-masumpak-sa-mukha na si Baechu? Parang out of character ang lola nyo tonight ah... Don't cha think?

"Yeri asan na yung Bebiber ko?"

"Di ko din alam ate..."

"Ask mo yung jowa mong manok Yeri. Ask her please..."

Told yah out of character ang lola nyo tonight. Akalain nyong nagmamakaawa na sya sa Tyanak.

"I can't ate..."

"And why?!"

Huhuhu kakaawa na yung tone ng granny ninyo. Parang batang inagawan ng lobo ang tone.

"Nasabi ko na nung isang araw 'why' ate."

At parang sinabuyan ng malamig na tubig ang lola nyo sa sinabi ni Yeri. May naalala si Baechu... and in three, two, one!

"Eh kasi leche kang Tyanak! Kundi ka rin naman makati pa sa higad! Sinong taong matutuwa sa ginawa mo aber?!"

Huh? Anyare?

"Sukat ba namang makipag-break ka na lang bigla bigla kay Joy!"

Whut?!!! Break na ang JoyRi!!!!

"Uhmm, Yeri I think I better go na..."

Sinubukan nung "girl friend" nung Tyanak na mag exit frame kasi nakakatunog na ito na magkakaroon ng digmaan in a little while. Pero no! Asa syang palalabasin sya nang bahay ni Baechu in one piece. Tabla tabla na kay inang no... nyeta lang kasi yung mga recent events sa buhay ng lola nyo.

To make the long story short, but not too short...

After the island anik, pagbalik ng Maynila, supposedly may dinner sina Bebiber at Bebibani pero di nakapunta si Seulgi.

Ang huling texts nung tampalasang oso,

"I love you"

"Remember that kahit na HINDI NA TAYO."

Tinext, tinawagan nung nawiwindang na kuneho yung phone ni Bebiber.  Muntikan na ngang malugi yung Globe kasi sulit na sulit ni Baechu yung 'unli text and unli call (with 300 mb free data)' nya sa dami ng nasend nyang messages kay Seulgi.

 
Pero wala talagang reply as in.

So napasugod na sa balwarte ng mga Kangs ang lola nyo.

Handa nang luminya ng "...bukas luluhod ang mga tala," si Baechu ang kaso walang audience si bakla. Walang ka utaw-utaw (kataotao) sa bahay.

Muntikan nang maging piniritong kuneho ang beauty ni ateng kasi sinubukan ni Joohyunang akyatin yung pader nung mansyon. Dedma si bakla kahit na may nakapaskil na "Beware: live wire".

Buti na lang at saktong may dudung guard na napadaan sa harap ng mansyon at naawat nya ang lola nyo nung saktong sumasampa na si ateng sa pader.
 
 
At mabuti nadaan sa pakiusap si kuyang dudung kasi muntikan na niyang bitbitin ang lola nyo sa barangay para pagpaliwanagin. Salamat na lang at nadala sa drama ni Baechu si kuyang after isinilaysay ni bakla yung very reason why she acted that. Ang tanging comment ni dudung guard, "Ambot sa imo 'day. Maayo ka sana kaya lang may pagka buang ka."

Ay naku dung, ambot talaga sinabi mo pa! At hindi lang dyan natatapos ang kagagahan ng imong lola. May other ka-GGhan pang ginawa si Baechu.

What's the other kagagahan your lola did?

Well, nagwala lang naman sa cafe si Joohyuna. Kulang na lang baligtarin ni bakla ang mga tables para lang masigurado na di dun nagtatago yung oso. Si BFF Wendy nga di malaman kung police o si Babaylan Gloria ba ang tatawagin nya.

So galing na sa bahay nina Seulgi at cafe si Joohyuna. May isa pa syang di na checheck na lugar kung saan pwedeng maglagi ang oso...



💔         💔         💔
"Tawagan mo na dali yung ex mong manok bilis! Sabihin mo sa kanya sabihin kay Bebiber na umuwi na.

"Ate kung pwede lang ginawa ko na, ang kaso lang she blocked me na, sa FB, sa Twitter, sa Instagram, sa lahat. Di ko na sya ma-contact, kahit puntahan ko sa bahay di din ako hinaharap."

"Hutena ka kasing Undin ka! Di ko rin malaman kung anong ipinaglalaban mo at bigla bigla ka na lang nakipag-break sa jowa mo!"

"Wala na yung spark ate."

Biglang natigilan sa pagkanta sa bidyoke si Tyang after madinig yung sinabi ni Yerimi. "Spark?"

NOOOO!!!

"Wala na yung spark?"

"Tyang?"

"So ganun ganun na lang yun huh? Kapag wala na yung spark kalimutan na?"

"Tyang..."

"Tangna nyo! Parepareho kayong mga hayup kayo! May nalalaman pa kayong wala ng spark spark pero ang totoo may iba ng nagi-spark ng *tooooottttt* nyo!"

Shet ka Tyanak! See what you made Tyang do!

"Ang lakas ng loob mong dalhin ang kabit mo dito sa pamamahay ko!"

Say whut Tita Cute Cute?

"Me?"

"Oo you. Ano ulit ang pangalan mong hayup ka?!"

"Po? Uhmm Sae-saeron po."

"Sae-saeron?"

"Saeron lang po."

"Saeron?"

"Tama po."

"Tangina mo!"

Hala kayo sinaniban na ng kung anong anik si Tyang at sinasaltik na. Kanina naman she's fine pero after mabanggit ni Undin yung forbidden phrase "wala na yung spark" bumalik na naman sa gunita ng Tyang yung mga eksenahan nila ni Fany-My-Love-So-Sweet nung time na nakipag break sya kay Taeyona.

"Tyang! Timeout!"

"Wow! Of course sa kabit mo ikaw kakampi. Hala sige magsama kayo mga leche kayo!"

"Tyang ano bang pinagsasabi nyo? Hindi ako si Ate Fany, kaya utang na loob tigil-tigilan mo na yang pagdradrama mo." Sige sagot pa more Tyanak.

"Fany?"

Uhmmm... one more thing pala forbidden  na rin sa bahay ng mga Bae - Kim ang pangalan na Stephanie, Tiffany, Fany at Paniya. Kasi the moment na marinig ng Tyang ang pangalang ng kanyang ex ay ito ang nangyayari...

"PANIYA!!!"

Yung totoo? Nasa bahay ba tayo or sa mental ward ng ospital? Kasi lech lahat ng characters puro may mga saltik, iisa lang ata yung medyo matinotino, si Saeron yung bagong jowa ni Yeri, ang kaso since sya ang reason why out na sa picture si Joy eh hindi sya pwedeng bigyan ng mahahabang speaking lines.

"WAIT NGA!"

Ayan napuno na ang Undin.

Unang hinarap ni Yeri yung umaatungal niyang Tiyahin.

"Tyang, di na talaga babalik ang Ate Fany kahit na araw araw pa kayong uminom kaya kung pwede lang ayusin nyo na yung life ninyo. Kasi di nakakaganda ang red horse."

"At ikaw naman ate, again di ko alam kung asan na nga nagpunta si Ate Seulgi. At wag mo na akong pilitin na huntingin si Joy please. Wala na kami tapos na ang lahat sa amin, I've moved on."

Wow pak! Sya na ang naka-move on habang si Tyang at Beachu nasa 'Camp Sawi' pa rin till now.

"Kung wala na kayong iiutos dalawa will you excuse me and my girlfriend lalanghap lang kami ng fresh air sa labas."

Pak again.



💔         💔         💔
 
Morning after magwalwal nina Baechu at Tyang.

Kahit na masakit pa ang ulo ng dahil sa hangover ay maaga pa ring naligo si Baechu at may kailangan syang puntahan.

Where to 'ika ninyo?

Sabi ko nga kanina tapos na sya sa bahay ng mga Kangs at sa cafe. So ang next na sinugod lang naman ni ateng ay yung office ng dad nung oso.

Ang siste nakalusot naman sa guard sa may lobby si bakla at sa receptionist ng office, pati sa secretary ni Mr. Kang nakalusot si Baechu.  Pero di nakalusot ang beauty nung kuneho kay Mijoo. Saktong may nilalapag sa desk ni Mr. Kang si ateng nung umenter frame ang lola nyo sa office.

Whu dat? Whu dat? Whu dat girl? Sinetch si Mijoo?

Sa mga nakalimot na sa character ni Mijoo sa story sya lang naman yung second ex nung oso. Mag-jowa sila ni Seulgi nung college. Nag-break after sometime.  Now she works for Seulgi's dad. And Baechu hates her by virtue of being Bebiber's ex. Ow and one more thing, she wants to get back with Seulgi.

So choose your fighter na mga to besh.

"Sinong hinahanap mo?"

"My girlfriend."

"She's not here."

"Si Mr. Kang?"

Aba punyeta! Lakas ng loob ni Baechu nyet nyet. Gusto harapin si Papa Bear.

"He's not here either."

"Then di ako aalis dito sa office hanggat di ko nakakaharap isa man sa kanila."

"My dear... save yourself some trouble and go home."

"Leche ka wag ka ngang makielam!"

Hala ka mainit talaga ang ulo ng lola.

"Di na sya babalik."

Whut?!

"Anong sabi mo?"

Oo nga Mijoo, pakiulit mo nga yung sinabi mo.

"Si Seulgi, malabo na syang bumalik."

"So may idea ka kung nasan si Bebiber? Nasan sya? Sabihin mo sa akin bilis!"

"Di ko rin alam kung nasaan sya, pero isa lang ang alam ko... malabo na syang bumalik sayo."

"And wudapak are you to say that?!"

O bakit? Tama naman grammar ni Baechu ah... medj off lang nang konti delivery hehe.

"Sa maniwala ka o sa hindi, naiintindihan ko kung ano ang pinagdadaanan mo."

"Che!"

That means di naniniwala ang lola nyo.

"Have you talked to Tzuyu?"

Nyetakels di pa ba enough na ka-fest to fest ni Joohyun tong si Mijoo right this very moment, at pati yung alien ex ni Bebiber may special mention din? Ano to buy 1 take 1 ex?

"Hindi. At bakit ko naman sya kakausapin?"

"Because she might know where Seulgi is."

And that got your lola's attention. Nyeta ilang araw ng nagdodora the explorer si Baechu mahanap lang yung kanyang jowang oso tapos someone from outer space lang pala ang makakasagot sa mga tanong ni bakla.

"Pero word of advice lang Joohyun..."

"Whut?"

"Uhmm nothing..." 
 

💔         💔         💔
 
Scene from before... Chapter 33: Like Me

"Mijoo, we both know that you are smart enough to land a job anywhere you want to."

"Oh eh ano ngayon?"

"Please be honest with me... why are you really here?"

"You want the truth Seulgi?"

"Yes."

"I'm here to get you back."

Continuation...

"That's not gonna happen Mijoo."

"Bakit umaasa ka pa rin bang babalikan ka nya?"

"Don't be silly."

"Seulgi...

...I can pretend that you did not cheat on me." 
 
 
 
#Seulrene #Seulgi #Irene #Fanfics #RedVelvet
Hutang na loob tantanan na ninyo ang pagpapakalat ng fake news na mas mapait pa sa buto ng lanzones ang current state of being ni Baechu. Inuulit ko, I repeat... hindi na sya bitter. Di pa rin talaga kayo convince? Eto proof...
 [BACK]  [VIEW ALL CHAPTERS]  [HOME]

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]