FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 63: Bitter

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 63: Bitter

"Pero di ako bitter Kung akala mo'y nasasaktan sa sinabi mong 'Forever' Tinapos sa text message lang..." 
"Bitter Song"  Performed by Callalily & Maysh Baay


Oh ayan hindi daw BITTER ang lola nyo.

Hutang na loob tantanan na ninyo ang pagpapakalat ng fake news na mas mapait pa sa buto ng lanzones ang current state of being ni Baechu.

Inuulit ko, I repeat... hindi na sya bitter.

Di pa rin talaga kayo convince?

Eto ang Ms. Q and A worthy answer ni baklang Irenea...

"I believe in the saying,
kapag ang taong mahal mo ay may iba nang nais mahalin,
galit sa dibdib wag magkikimkim, at unti-unti mo na syang palayain,
huminga ng malalalim at manalangin
Lord, maaari nyo na po syang kunin... AND I THANK YOW!"

In fair hindi nga bitter si ateng... super (sarcastic tone) as in walang kabahidbahid ng bitterness. 

https://www.lazada.com.ph/products/xiaomi-redmi-note-8-pro-6gb-ram-128gb-rom-i419104651-s1029336786.html?laz_trackid=2:mm_150730654_51851502_2010901502:clk5h31e11dps0ab9e58gc

🍋          🍋          🍋

"Tyang, anong ulam?"

"Hindi ko alam tanong mo ang ate mo?"

"Ateeee anong ulam?!"

Wow lang si Yerimi ah, kung maka-inquire kung anong ulam wagas.

"Munggo."

"Nubayan ate linggong linggo munggo ulam natin?"

"Hoy tyanak!  Eh ano ngayon kung linggo?! Pag-linggo di na pwede munggo? Tsaka leche ka lapang na nga lang ang alam mong gawin nakuha mo pang magreklamo! Abot mo na nga lang sa akin yung sibuyas ng magkasilbi ka."

As usual nagmamatarey na naman ang lola nyo. And as usual si Undin na naman yung favorite nyang tarayan.

"Ate, catch!" Sabay itsa ni Yeri dun sa sibuyas na request ng kanyang ate.

"Ay pU*ke!"

Hala where?

"San ate?"

"Nyeta ka Yeri!"

"Nubayan sasalo na lang ang meow meow pa."

"Hutena ka sabi ko abot mo diba? Abot! Hindi ko sinabing iitsa mo! Ayan tuloy di ko nasalo."

"Bakit ate..."

"Anong bakit?!"

"Masakit ba?"

"Whut?"

"Masakit bang hindi masalo?"

"Pinagsasabi mo dyan?"

"Masakit bang ma-fall ate?"

Moment of silence...

Toink!

Agang aga nakaltukan ng sandok yung Tyanak.

"Nyeta kang Undin ka! Lamang lupa!" 

30mins after... 

Just so you know, nakatawid naman nang maluwalhati sa hapag kainan ng mga Bae-Kim yung munggong niluluto kanina ng lola nyo.

Okay naman yung pananghalian... okay naman kaso nga lang di pa rin natigil sa pag-hanash yung kutong anes na sisterette ni Joohyuna.

"Ate ano ba naman tong luto mo ang weird ng lasa."

Biglang napatigil sa pagsubo yung aleng syang may luto nung munggo.

"Hindi naman weird, as in weird na weird..."

Wow linaw ng explanation mo Yerimi, sige go girl.

"...I mean weird pero di naman masamang lasang weird. Pero parang may kulang kasi ate."

Habang busy sa pageexplain si Yerimi ay busy naman sa pagusok yung ilong nung kuneho. Patay kang Undin ka! Nakikichibug ka na nga lang lakas pa ng loob mong magreklamo tungkol sa cooking ng inang mo.

"Tanga ka ba? Eh ganyan naman na talaga ang luto ko ng ginisang munggo ever since the world begun."

"Basta ate may kulang..."

"At anong kulang aber?"

"Parang kulang sa magic sarap tsaka sa... PAGMAMAHAL."

Moment of silence...  

Toink!

"Awtsu naman ate may head!"

"Sige hirit ka pa Yerimi."

Hala hala napipikon na ata si Baechu sa mga anik na banat nung kapatid nya ah. Wawa naman si Baechu broken hearted na nga lagi pang binubuset ni Undin.

"Pero kasi Joohyuna may point naman ang kapatid mo."

Uy si Tyang mukhang kumakampi dun sa lamang lupa.

"Anong point naman yun Tyang?"

"Na medj weird yung luto mo?"

"Naman Tyang..."

"Kasi naman Joohyuna, ngayon lang ako nakakakita ng munggo na alugbati yung lahok na gulay."

Meow naman pala yung recipe ng lola nyo.

"Dati rati naglalagay ka ng ampalaya sa ginisang munggo pero ngayon hindi na. Ayaw mo na ba ng ampalaya sa munggo?"

"Ayaw ng ate kasi bitter daw Tyang yung ampalaya... tulad nya." (side comment nung Tyanak)

Tiningnan ng masama ni Irenea ang kapatid nya. First warning mo Yerimi, kaya umayos ka.

"Lagi ka bang nauubusan ng bitterness este ng ampalaya sa palengke Joohyuna? May shortage ba ng ampalaya?"

"Sus ang ate pa mauubusan eh ang dami kaya nyang ampalaya este madami kayang ampalaya sa palengke? "

Tiningnan ulit ng masama ng lola nyo yung sumaside comment dun sa side.

Second warning mo na Yerimi, makuha ka sa masamang tingin.

"Wala naman po Tyang."

"Walang shortage... okay okay eh nagmahal ba ang ampalaya ngayon kaya di ka na bumibili?"

"Buti pa yung ampalaya nagmamahal, ang ate parang never na ulit." (di talaga papaawat yung bunganga nung Tyanak no?)

Third warning Yeri, magtino ka na utang-ngine-ngine.

"Hindi naman po Tyang."

"Oh ganun pala eh, anong kaso? Ayaw mo na ba ng ampalaya?"

"Hindi na bet ng ate ang ampalaya Tyang... lalo na AMPALAYAin yung taong minsan nyang minahal."

Moment of silence...

Nakakakita na kayo ng kaldero na lumilipad?

Di pa?

Eh kaldero na lumalanding na parang drone?

Di pa rin?

Tanong nyo sina Tyang at Yerimi... sila nakakita na.

🍋          🍋          🍋

Again, para lang ma-gets ninyo, inuulit ko... hindi na bitter ang lola nyo.

In fact na ka move on na si bakla mula sa pangiiwan sa kanya si Seulgi.

It's been six months, eight days, twelve hours since Bebiber went away and the tampalasang oso is still nowhere to be found.

Dumaan na ang Flores de Mayo...

Ang Araw ng Kalayaan...

Eid'l Fitr...

Kadayawan Festival at ang Araw ng mga Bayani.

Eto nga malapit na ang undas pero yun nga waley pa ring balita or talagang ayaw lang magparamdam nung punyetang meow.

So ano naman nang magagawa ng lola  nyo? Edi kung ayaw edi wag, effort pa kung ipipilit pa rin natin na sila ang maging end game.  Sabi nga ni Ateng Rufa Mae, you've got to learn to LET IT GO... go, go, go! At some point.

From now on your lola is following an IDGAF attitude. DUA na taga-LIPA lang ang peg.

Baechu's got new rules, and she's countin...

One: Don't pick up the phone.

Sinigurado ng lola nyo na di na sya makakatanggap ng tawag mula kay Seulgi. Nagpalit na sya ng phone number at dahil advance magisip si bakla, di pa man ay binolock na nya kaagad yung number ni Bebiber.

Why block the number? Waley lang, para sure lang na di na sya makakatanggap ng tawag or text mula sa oso.

Sa sakit na idinulot ni Seulgi dun sa lola nyo eh mainam na ni-anino nya di na makita nung kuneho.

Baechu's don't need Seulgi's love cause she's already cried enough.

Baechu's done na talaga, she's beginning to move on.

Kahit na magsorry pa si Bebiber ng paulit-ulit.

Bae-chu don't give a fu-uh-uck.

Two: Don't let him in

Ban na sa Tondo yung oso. Nakatimbre na sya sa mga tropa ni Joohyun na former residents ng Munti. Subukan lang ni Seulgi na tumuntong ng Ugbo (tawag sa lugar nina Baechu sa Tondo) kung di magrigripuhan sya ng bongga.

Hatian na ng territoryo mga bakla. Kay Seulgi na at sampu ng kanyang mga kamag-anak ang Makati basta kay Irenea ang Tondo.

At para masigurado ni Joohyun na di na magkrukrus ang mga landas nila ni Bebiber ay minabuti na nyang magresign sa work nya sa Makati. Wa pa munang work si ateng, nganga lang muna sa bahay.

Three: Don't be her friend

Wala na! Tuluyan na talagang kinalimutan ni ateng ninyo yung mga memories nila nung kanyang ex na oso.

At yung chances na magiging fwends (sana with benefits) sila ni Seulgi in the near future, ay parang yung aso lang ni Tyang dati... ZERO.

Tanggap na ni Baechu na wala talagang forever... forever young baka oo pa, Blackpink is the revolution. Charot!

At para tuluyang maka move on, everyday may ritwal ang lola nyo.

Parang flag ceremony lang ang eksenahan.

Una kakanta ng national anthem...


🎶 First I was afraid
I was petrified

(Gayness at it's finest)

🎶 Keep thinking I could never live without you by my side
But then I spent so many nights thinking how you did me wrong
And I grew strong and I learned how to get along!

(Sabay sabay tayo mga bakla!)

🎶 Oh no not I!
I will survive!

(Edi ikaw na mag-susurvive)

Sunod magpapanatang makabayan...


Panatang Maka-Move On (Baechu's version)
Iniibig ko pa rin ang ex ko.
Aking Bebiber, pinaiyak nya ako at iniwanan.
Kaya ang sarap ubusin ng kanyang lahi.
Sya'y aking kinupkop at tinulungan (nung napalayas ang oso)
Upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang (sa lola nyo... so alam na)
Pero lech anong ginanti nya?
Dininig nya ang payo ng kanyang mga magulang.
Sinunod nya ang mga ito at ako'y nilayasan.
Totoo nga ang sinabi nila na waley forever.
Pero ganun pa man I need to keep on living kesa maglaslas.
Sisikapin kong tunay na maka-move on
sa isip, sa salita at sa gawa.


🍋          🍋          🍋

"Ate matagal pa ba bago ko makuha yung COE (Certificate of Employment) ko?"

"Oo eto saglit na lang oh, chill ka lang."

"Pakibilisan mo naman ate baka maabutan pa ako ni... alam nyo na."

"Hay naku ewan ko naman sa iyo bata ka. Hindi mo naman kasi kinakailangan pang mag-resign."

"I have to Ate Sunny."

"Hay na lang..."

Sabay inabot ni Little Boss yung dokumento na sinadya ni Joohyuna.

Good news, may bagong work na ang lola nyo.

Nope di na sa Makati.

San?

Ay naku basta, dun sa malayo! Malayo sa mga taong ayaw nang makita ni Irenea as much as pwedeng hindi.

Pagkakuha nung COE ay dali daling nagpaalam si Joohyuna sa kanyang Ate Sunny.

Aligaga ang lola nyo kasi ayaw na nyang maabutan pa sya ni Big Boss... ni Seohyun... na kanyang Beshie... or rather former beshie.

Kaso lang talaga, sometimes mapaglaro si tadhana...

"Joohyun?"

Hala fail yung tangkang pagnininja sana ng lola nyo.

Unti-unti humarap ang lola nyo sa direksyon kung saan nagmula ang tinig.

And there, facing Baechu...

Ang source of all your lola's unhappiness...

Kung kailan nakakamove na ng slight yung kuneho ngayon pa nangyari to.


"Seulgi?"
 
 
#Seulrene #Seulgi #Irene #Fanfics #RedVelvet
Your lola Baechu is going on a tour,  'Tadhana Tour.' TT for SHORT! Pero kung gusto nyo ng LONG pwede rin naman, charot!  Ang tour kung saan magmomove on ka, habang nagmo-move from places to places. Ang tour na sasagot sa tanong na, where do broken hearts go? From Timog - Kezon City to Zagada, sisiguraduhin ng tour na makakamove on for sure Bebibani. 

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]