FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Crash Landing On COVID Ch 04: Barangay Pass

Crash Landing On COVID Ch 04: Barangay Pass
Seulgi

“Uhmm… Irene.”

“Yes?”

“You can sleep here tonight if you want.”

“Ha?”

Medyo halata yung shock sa fest ni Ateng Irene n’yo. Sing bilis ng virus yung kilusan ni crush pero keribels lang. Me likey likey nung kuneho ang ganyan.

“Yeah, I mean, if you want lang naman you can just sleep here. Pero oo nga pala yung bahay mo kabilang unit lang, what was I thinking? Syempre mas prefer mo umuwi sa unit ninyo. Nawala sa isip ko hehe, nasanay kasi ako na when Wendy and I have friends come over, we let them stay for the night kapag late na.”

Oh, HINDEEEEEE!!!

Kasi naman kasi arte-arte ka pa Irenea ayan tuloy daig pang in-alcohol yung offer ni Seulgi. Biglang nag-vanish!

“Ah eh… Okay lang bang mag-stay ako?”

Ayun oh! We are back on track biches! Go Irene!!!

“Yeah, oo naman.”

“Naisip ko kasi, okay lang mag-stay ako… para tipid sa kuryente, with the aircon I mean.  Like tonight dito ako matutulog sa inyo and sa susunod na gabi you can sleep naman sa unit namin. Almost a month yung quarantine period and since pareho lang tayo solo solo ngayon, kaya parang mas economical and safer yun ganitong arrangement.”

Pusang na! Pano nakapag-come up si Ateng nyo ng ganung alibi para lang maka-score kay crush?

Uubra kaya yung anik ni bakla?

“Yeah, sure! That sounds like a great idea. Let’s do that.”

Yun oh! Akalain mo nga naman.

Ang di alam ni Irenea, she had Seulgi at, “tipid” she had her at “tipid.”

Di na nagma-matter kay Seulgi yung pinagkukukuda ni Ateng Irene kasi nung nadinig n’ya na makakatipid s’ya sa kuryente G na agad. Real Ilokana feelz lang yung oso this quarantine period kasi siya ang magsho-shoulder ng buong electric bill kasi syempre alangan naman singilin pa niya sa Meralco yung friendship nya na nagwo-work sa ospital at malamang ay PUI na ngayon. So para sa oso good idea ang tipid sa aircon.

Yung suggestion ni Irene, blessing in disguise para sa oso, chorva in disguise para sa kuneho, edi win win Gathalian  both atengs!

Jumackpot si Irenea. Akalain mo nung idineklara yung start ng quarantine period si ate nyo halos isumpa yung mga nagpo-post sa Facebook na mag-jojowa na naka-quarantine na mag-kasama. #SANA_OIL

So alam na, buong araw lang silang nag-jejeje…



…jeneral cleaning.

Wait parang may iba na naman kayong iniisip na word ah…

Pero ngayon si Irene for the duration of the quarantine period, every night… merong nag… go… goo…

“Good night, Irene.”

“Night, Seulgi. Sweet dreams.” Kasunod na inner monologue ni ateng n’yo, “Wala bang pa-good night kiss dyan Seulgi?”

Lantod! Matulog ka na nga lang kuneho ka! 

😗       😗     😗

Dahil napuyat kagabi sa kakanood ng Netflix (at sa paghihintay na gapangin sya ni Seulgi). Yung ate ninyong kuneho tinanghali sa higaan. Sarap nang tulog ni bakla, walang kabahid-bahid ng namamahay.

Mga mag-aalas diyes na nung bumangon si Irene Bae. At dahil feelingerang frog si ate nyo eh nag-internalize pa si bakla ng 15secs. bago bumaling sa kabilang side ng higaan…

Oo tama… kabilang side.

Tapos baba kayo ng tingin.

Yes, sa baba kung saan nakahiga si Seulgi. 

Syempre di magkatabi yung dalawa, sa kama si Irene, habang sa kutson sa tabi pero sa baba natulog si Seulgi. Syempre no! Kokota na sa pagpapala yung kuneho kung magkatabi pa sila no. Pero ang mahalaga magkasama sa kuwarto. Yown!

Pers time makakapag-good morning in bed ni bakla, at kung susuwertihin ay baka maka-hirit din sya ng good morning se… lfie, tama selfie. 

Kayo ano na naman nasa sa isip ninyo? Tigilan n’yo na nga yang pagiging green minded, nahahawa na kayo sa ibang otors sa AFF na puros kalibugan ang alam isulat, nyeta mga kulang sa creativity, mga kinulang sa Bonakid cheret! hahaha

Speaking of ka-eLan eto pang isang ma-L, si Ateng Irene ninyo.

Kaso lang disappointed yung kuneho, yung #SANA_OIL ni bakla naging #SAN_NA_OSO?

Asan na si Seulgi? Wala sa higaan at mas lalong wala sa tabi ni Irenea. Wala sa kuwarto. Wala sa banyo. Wala sa kitchen. Wala sa sala. Wala sa condo unit.

OEMMMMGEEEE!!! Panaginip lang ba ang lahat ng mga nangyari?

Watapakengshit is happening!?

Was it all just a dream?

Answer me!!!

💢      💢       💢

“Hi Irene. Punta lang ako saglit ng Mercury, may bibilhin lang ako. If you need anything just text me, here’s my number 091$-54*224^7 –Seulgi–”

Ahhhh… may binili lang pala sa Mercury yung oso. Yung Ateng Irenea n’yo kasi OA lang,  naka-full on Sisa mode na agad. Buti na lang before pa siya mag-start mag-Crispin! Basilio! Eh nakita niya yung note na iniwan ni Seulgi na naka-magnet sa pinto ng ref.

Wait…

Yung note may number ni Seulgi… may number nung oso… ibig sabihin pwede na silang mag-sext! Ay leche typo error… TEXT I mean. Text… text okay? Wag kayong ano dyan.

Mabilis pa sa kidlat na sinave ni Irene yung numero ni Seulgi. Muntangang tinititigan pa ni ate yung phone nya kasi iniisip niya kung itetext na ba niya si Seulgi. Pero laters na lang wala naman siyang kailangan at…

“Hi Seulgi. Si Irene to. Wala naman akong kailangan. Ingat na lang pabalik ng condo.” SENT

Hindi atat mag-text ng ateng ninyo no? Hay hayaan na nga natin dyan siya masaya…

Calling Seulgi…

Hoy Kuneho! Walang pang 5secs after mo isinend yung text ngayon mega-follow up na agad ng call? Hay jusmiyo!

“Hello?”

“Hi, Seulgi.”

“Irene?”

“Yes si Irene nga ito. Pauwi ka na?”

“Oo kaya lang kasi may humarang sa akin na sundalo, hinahanapan ako ng quarantine pass. Irene ano yung quarantine pass?”

“Huwaatttt?!!!”

Si  Ateng ninyo walang sabi sabi na Yumusain Bolt papapunta sa elevator, pababa ng condo nila at patakbo sa checkpoint kung saan naharang si bebilabs Seulgi nya.

Si destiny niya hinaharang  ng militar! No no no no no… no way! Hindi papayag yung kuneho. Wala siyang paki kung taga-Camp Bagong Diwa, Camp Aguinaldo or Camp Sawi pa yung sundalo na humarang kay Seulgi, handa nang makipag-smack down si Irenea.


 ðŸ‘Š     👊     👊

“Seulgi!!!”

“Irene?”

“Seulgi!!!”

Si ate ninyo, hanggang episode 8 pa lang yung napapanood niya pero yung eksenahan ni ateng pang-finale na ng CLOY.

Umariba na naman si Yoon SeraUlo. Kung makatakbo si bakla papapunta sa checkpoint kung saan na-hold si Seulgi wagas, parang scene lang sa CLOY yung patakbo si Seri (yung totoong Seri ha) sa border ng North and South Korea. Sa kaso ni Irenea, ang tinatakbo ni bakla ay border ng barangay 509 at 508.

“Irene? Anong ginagawa mo dito?”

“Andito ako para i-rescue ka.” Edi huwaw ikaw na Irene. At sa sundalo na humaharang kay Bebilabs,  “Padaanin nyo sya! Ngayon din!” Wow makautos si ate dun sa sundalo sa checkpoint wagas wagas, kala mo naman uubra s’ya kapag kinasahan sya ng baril nun.

“Eh?” Di pa fully aware yung oso sa ganap sa paligid nya.

“Sabi mo kanina sa phone ayaw ka padaanin ng checkpoint kaya andito ako para tulungan ka na mag-explain.”

“Uhmm… okay na Irene.”

“Okay na?”

Tango yung oso.

“Okay na Miss Seulgi makakadaan ka na. Kuha ka na lang ng quarantine pass mula sa barangay ninyo para kapag bibili ka ulit ng Vcut sa Mercury hindi ka na ulit mahaharang sa checkpoint.”

“Okay po.”

Kahit na naka-mask yung sundalong girlash knowing na knowing ni Irene na nakangiti ito underneath habang kinakausap si Seulgi niya. (wow may pag-angkin Irenea? Iyo teh? Di naman kami na-informed.)

In fair kay Ateng General’s Daughter, pretty si bakla. Kahit mata lang nakikita obvious na maganda. Tapos ganda pa ng height. Tapos women in uniform pa oha oha…

“Tara Seulgi uwi na tayo.”

Oo, uwi na nga kayo Irene kasi baka madagit pa ni Madam Military si bebelabs mo.

“And Seulgi…”

“Yes po?” Napalingon yung oso kasi mukhang may pahabol si Ate Soldier.

“Mag-mask ka next time na lalabas ka ha. Baka mahawaan ka ng virus, mahirap na. Ingats.”

“Yes po. Kayo din po Maam Sunmi, take care din po bye-bye.”

Si Ateng Irene ninyo threatened, mukhang yung quarantine life nya na may genre na romance mukhang mahahaluan ng konting aksyon hahaha

https://tengudnessfanfics.blogspot.com/p/blog-page_26.html


😷      😷      😷

May mahalagang mission si Irenea.

Siya kasi ang naatasan na kumuha sa barangay ng mga quarantine passes para sa mga ka-tenants niya sa condo. And alam niyo naman na may requirements ang pagkuha ng pass, binibigay lang ito sa mga head of the pemily, sa mga of legal age pwera lang sa mga senior citizens.

Four quarantine passes lang ang allowed per floor, so yung iba mag-hihiraman na lang ng pass. And alam na naman ninyo siguro kung sino ang ka-share ni baklang Irenea sa pass no? Walang iba kundi si Seulgi. In the words nga nung bruhang kuneho, “Ako ang head ng SOON TO BE family namin ni Seulgi, so ako ang magtatago ng pass.” Feeling pa more Irene, feeling pa more.

💌      💌     💌

Ilang araw na rin ang lumipas mula nang nag- start yung quarantine.

Nauubusan na ng lilinisin sa bahay at papanoorin sa TV si Irene. Pero ang hinding hindi mauubos ay ang supply ng kalandian sa katawan nung kuneho. Everyday kasi may pahaging na palandi si bakla kay Seulgi. Kaso lang laging butata.

Pero your ateng has a plan.

Magco-confess na siya na me-likey-likey niya yung oso. And she is doing it the old school way.

Eto na mga bakla, magkaka-jowa na ang ateng niyo. Yehey!


“Irene, pwede mahiram yung quarantine pass? Bibili lang ako ng Vcut sa Mercury.”

“Vcut na naman Seulgi? Ano ba naman yan maya’t maya na yang pag-Vvcut mo uy! Baka magkasakit ka na sa bato niyan sa sobrang alat ng mga kinakain mo.”

“Sige na Irene please…”

Nagpa-cute yung oso, so yung lola nyo bumigay na din agad.

“Okay, okay sige na nga. Basta uwi na agad Seulgi ha.” Sabay abot ni Irene ng barangay quarantine pass kay bebilabs.

Deep inside nag-crocross ng mga fingers si bakla. Sana effective yung planuhan niya. All she needs to do ay hintayin na makabalik si Seulgi.

💌      💌     💌
 
One hour after….

Tok tok tok

This is it pakening pakers! Eto na ang moment na pinakahihintay ng ateng ninyo!

Ano kayang sagot ni Seulgi sa confession ni Ateng Irenea na sinulat niya sa post-it, na syang dinikit niya sa quarantine pass, na sya namang hiniram ni Seulgi few moments ago?

Naisip kasi ni Irene na sa ganoong paraan mag-confess ng nararamdaman niya, kasi ayaw niya makita ng harapan yung reaction ni Seulgi. At least sa note na idinikit niya sa likod ng quarantine pass may time pa para mag-process yung oso ng sagot habang naglalakad pauwi ng bahay.

So eto nga, the moment na buksan niya ang door ay malalaman na niya ang sagot ni Seulgi.

So eto na…

Eto na…

Bumubukas na ang pinto…

Irene, say hello to your new girl…

“Oh hi, uhmm… andyan ba si Seulgi?”
Wait, whut?

Nani?

Anong ginagawa ni Technical Sergeant Gashina sa pamamahay ng kuneho?

At bakit hinahanap niya si Seulgi?

At pano niya nalaman kung saan sila nakatira?

At bakit ang lakas ng appeal ni Ate General’s Daughter?

Bakit ang lakas maka-bakla? Charot!

So many questions, but the answers are… you don’t want to know.

It seems Irene is going to WAR.

Para sa pag-ibig at chorva!

Laban Irenea!

Luvban!
👊
 
 

#seulrene #asianfanfics #tagalog #CLOC

https://tengudnessfanfics.blogspot.com/2020/04/CLOC-Chap05.html
Read Next 05: TikTok
Makatulong kaya sa pagkakaroon ng jowa ni Irene ang TikTok? Mata-try na kaya nya yung meow meow meow song? O baka naman mauwi na naman sa nyaw-nyaw-nyaw yung lablayf niya.

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]