FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Crash Landing On COVID Ch 03: Crash Landi On You

Crash Landing On COVID Ch 03: Crash Landi On You
 Irene


Tsansa na ng Lola Irene ninyo ang ma-experience maging si Yoon Se-Ri ngayong panahon ng kwarentina. Tulad nung character ni Son Ye-Jin sa Korean drama na “Crash Landing On You,” hoping si bakla na makaka-landing sya sa puso Seulgi.

Kung si Yoon Se-Ri tinangay ng hangin papapunta sa North Korea habang nagpa-paragliding si ateng nyo dumating na yung pinakahihintay n’yang “HANGIN” in the form of a call from Wendy.

“Hello.”

“Hi Irene, this is Wendy yung kalapit mong condo.”

“Oh, hi Wendy.”

“Yes, hi Irene. I hope you don’t mind me calling you. You gave me your number dati I don’t know kung natatandaan mo pa, I mean nung nagkita tayo sa…”

“No, no, of course not.” Di na hinintay ni Irene na matapos ni Wendy ang kanyang napakahabang introduction.

“Right, uhmmm… Irene, are you busy? Makikisuyo lang sana ako na…”



Fast Forward few hours later…

Started from da bottom now we’re here.

“Ah okay, sige tomorrow na lang ulit. Good night Irene.”

“Good night Seulgi.”

Yun oh! Lakas manalangin ng lola n’yo. Akalain mong mukhang makakadaggit pa ng jowa si bakla habang nagse-self quarantine. Sabi nga sa kasabihan, “when life gives you lemon… you make landi.” Wait, whut? Nyway…

After ng goodnight scenes nila ni Seulgi eto ngayon ang lola nyo sa kanyang condo at kasalukuyang nagmo-monologue ng walang audience.

“Kaya mong mapaibig si Seulgi Irene.” 

“Ano pang silbi ng ganda mo girl? Labas mo na lahat ng mga tinatago mong gayuma- unana.” 

“Imaginin mong nasa South Korea ka, at kaya ka di magka-jowa kasi yung destiny mo nasa North Korea. Yung North Korea ayun, yung katabi mong condo unit. Andun na ‘teh ang forever mo. Andun na yung Captain Ri ng buhay mo. Nasa kabilang unit nakatira si Captain Gi (short for Seulgi). Kaya oras nang i-spread your wings and fly, flying high on the wings of love.” 

“Isinusumpa ko! Bago matapos itong quarantine period, ikaw Seulgi! Magiging akin ka! Bwahahahaha!”
 
Bae Irene as Yoon Se-Ri… or rather Yoon Se-RaUlo, si ateng nyo nabuang na hutenang yan!
 

https://tengudnessfanfics.blogspot.com/p/blog-page_26.html


“Good morning!”

“Irene?”

“Good morning Seulgi.”

Pucha si Yoon Se-RaUlo agang aga kumikire na. Fina-fast track na ni bakla ang kanyang lablayf, no time to loose kasi hanggang April 13 lang ang Enhanced Community Quarantine. Mahirap na baka biglang i-lift yung quarantine eh di waley na naman si ate. Ayon nga sa mga sikat na salawikalandian ni Irene…

    Aanhin pa ang damo kung patay na ang kuneho?

    Try and try hanggang bumigay.

    Time is chorva este gold. 
 
🍳     🍳     🍳
 

“Kain ka lang nang kain, Seulgi. Gusto mo pa ba ng sinangag?”

Oh yes! Your lola do dah cooking. And yes she will also do dah cleaning later! Basta daw Seulgi will do the eating… ng niluto nya.

Kayo… may iniisip na naman kayong kaanuhan no? Wag nga kayong gumagaya sa kalandian nung kunehong busy sa pagni-Nicki Minaj.

“Ay no tama na busog na busog na ako dito sa pa-breakfast mo hehe. Grabe ang sarap.”

“Oo ikaw din masarap, este uhmmm… ah talaga masarap?”

“Oo masarap.”

“Masarap?”

Ulit-ulit teh?

“Masarap.”

“Gaano kasarap Seulgi?” Lu-mean in pa si gaga nang konti papalapit kay Seulgi parang pusang nangaakit na ewan.

“Super sarap.”

“May mas masarap pa dyan.” Sabay kumindat pa si bakla.
 

🤭    🤭    🤭   
 

“Ahhh… Irene ang sarap.”

“Sarap?”

“Grabe.” Bakas yung galak sa mukha nung oso.

“Talaga bang masarap? Kasi first time ko lang ‘tong ginawa.”

“First time mo lang ginawa ‘to? Are you kidding me? Again grabe super sarap. Kita mo ‘to?” Sabay turo ni Seulgi sa labi nya na mamasa-masa at balot ng isang uri ng likido. Sa sobrang sarap ay dinalaan pa ni Seulgi ang paligid nito, sinisimot ang bawat patak ng animo Ambrosia na galing sa kalangitan… charot!

“Mabuti naman nagustuhan mo.” Ganda ng ngiti ng Ate Irene n’yo, ngiting panalo.

“Di ka naman napagod?”

“No, di naman. Basta mapasaya lang kita kahit araw na araw ko gawin ‘to okay lang.”

“Hahaha… No, next time ako naman ang gagawa nito promise. Pag-aralan ko lang kung papaano.”

“Talaga?”

“Yes, promise.”

“Or, pwede naman natin gawin ‘to pareho I mean kapag medyo nangangawit na ako, ikaw naman. Salitan na lang hehe.”

Wait, ano bang inietchos nitong dalawa at  kailangan pang may pa-role playing? Kaloka! Mega distribute pa ng roles and duties eh Dalgona Milo lang naman ang gagawin nila putris na yan!

“Tama, sige next time na gumawa tayo Irene salitan tayo sa pag-whip nung cream. Hirap kasi nito sarado mga stores kaya di tayo makakabili electric mixer.”

“Sige, sige ahihihi…”

Ang landi talaga nung kuneho leche! 

🍿      🍿     🍿

Salamat Netflix. 

Nang dahil sa iyo madaming bored na under quarantine ang naaaliw. Tulad na lang ni Seulgi. Dahil walang work at di ganun kasipagan  eh mas bet nung oso ang manood ng TV buong araw. At bilang pagpupugay at pasasalamat sa handog na libreng pa-almusal at pati lunch damay na rin ni Irene ay nag-offer si Seulgi na mag-binge watch sila nung kuneho sa malaking TV nito sa unit nila ni beshie Wendy.

Jackpot ang lola nyo!

This is Se-RaUlo One. This is Se-Raulo One, come in!

Finally makakalanding na si bakla sa mga arms ni Seulgi. Konting Crash Landi pa at ang matagal na niyang dream na maging jowa si Captain Gi ay magiging reality na.

May rescue operation sa buhay pag-ibig ni ateng.

Mission: Netflix

Objective: Tapusin ang series na Crash Landing On You while making damoves on Seulgi. 

🍿      🍿     🍿
 
Sige CLOY pa more.

Sarap ng buhay ng makireng kuneho. Habang yung iba namumuroblema kung papaano makakadiskarte ng relief goods, itong si Irene ang inaatupag paglalandi. 

Heto nga inabot na siya ng madaling araw sa kanyang mission, four episodes to go pa. Pero dahil late na eh nag-decide sila ni Seulgi na ituloy na lang ang panonood ng series sa susunod na araw.

“Sige Seulgi uwi na ako. Thanks for inviting me to watch Netflix. I’ll see you tomorrow. Good night.” Nagsimula nang bumangon ang lola nyo mula sa super comfortable na sofa nina Seulgi nang bigla syang pigilan nito.

“Uhmm… Irene.”

“Yes?”

“You can sleep here tonight if you want.”

Putangchenes! This is it shet! 




Tengudness' Quarantine Diary:

Nung nakaraang Sabado medyo na-disorient ako Quarantine Diary. Kakaloka kasi nung nagbukas ako ng TV ang bumungad sa akin Sineskwela, Hiraya Manawari at Bayani. Celine Dion lang ang peg Quarantine Diary, all the memories... it's all coming back to me. Charot!

Tapos biglang may pa-Sharon Cuneta sa Eat Bulaga nung hapon. No memories pero alam mo yung feeling na para kang na-teleport via Time Machine. 

#seulrene #asianfanfics #tagalog #CLOC

https://tengudnessfanfics.blogspot.com/2020/04/CLOC-Chap04.html
Read Next 04: Barangay Pass
Si Destiny ni Irene hinaharang  ng militar! No no no no no… no way! Hindi papayag yung kuneho. Wala siyang paki kung taga-Camp Bagong Diwa, Camp Aguinaldo or Camp Sawi pa yung sundalo na humarang kay Seulgi, handa nang makipag-smack down si Irenea.

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]