FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Chapter 01: Tabi Katniss! Coz' This Baechu Is On Fire

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Chapter 01: Tabi Katniss! Coz' This Baechu Is On Fire


Alice Dixon: Ate, mamamatay ako pag kinuha mo sa akin si Alex.
Ms. Lorna T: Asawa ko sya kinuha ko lang ang dapat sa akin.
Alice Dixon: Ate mamatay ako...
Ms. Lorna T: Ipalilibing kita.
Nagbabagang Luha (1988)  
  
Nakaupo sa sala ang magkapatid na Bae Joohyun at Yeri at kasalukuyang pinapanood ang pelikulang highly recommended ng grupong "WTFP (Wala Talagang Forever Promise)" na pina-follow ni Joohyun sa Twitter.
 
Mula sa pagkakahilig sa balikat ng kanyang ate ay iniangat ni Yeri ang kanyang ulo at ibinaling ang tingin sa kanyang kapatid.
 
"Ate."

"Uhmm..." sagot ng nakatatanda.
 
"Sa tingin mo sinong pinakamalaking shunga between Lorna at Alice?"
 
Taas kilay na hinarap ni Joohyun ang kanyang kapatid.
 
"Yes neng, mahiya namin kami sayo. Kung makapag-judge ka  feeling mo naman you're so perfect."
 
"Ate naman eh... seryoso."
 
At dahil di naman sanay magtaas ng kilay si Lola Baechu (isang malaking charot) agad din itong nagbaba ng kilay. Huminga na muna ng malalim ang granny ninyo bago nito sinagot ang tanong ni Yerimi.
 
"Well, medyo shunga-shunga dito si Lorna. Kasi sa dinami-dami ng pwedeng ipadala para bawain yung anak nya mula sa kanyang ex, eh yun pang kapatid nyang tigang sa lalake ang isinugo nya. Eh sa lakas ba naman humokage moves nung ex nya, wala pang 24 hours isinuko na ni bakla ang bataan kay Gabby."
 
"I see. Pero kung ikaw ate, hahayaan mo na lang ba si Gabby kay Alice?" At may follow up question pa si Yeri sa kanyang ate.
 
"At hayaan ko na lang na lumigaya yung kapatid kong haliparot at yung ex kong animal? Punyeta! Asan ang katarungan dun? Sabihin mo sa akin Yeri...asan?!"


Biglang napalunok si Yerimi. Knowing na nung nakababata ang ugali ng kanyang ate. Alam nyang any moment ay mag-momonologue na naman ito tungkol sa masasamang dulot ng mga kerida sa pamilyang Pilipino and their direct link to our country's over population.

Kaya bago pa man mangyari yun, ay kailangan nang kalmahin ni Yeri ang nagbabagang kuneho.
 
"Puso mo ate. Oh, wala ka nang popcorn, gusto mo ipagluto kita?" Dali daling inabot ni Yeri yung wala nang laman na bowl na yakap yakap ng kanyang ate sabay exit sa kusina.
 
"S'ya nga pala ate, mga anong oras nandito si Ate Seulgi?" sigaw ni Yeri habang nagsasalang ng popcorn sa microwave.
 
At there goes the magic word. Kapansin pansin na biglang nag-lighten up yung mukha ni Baechu pagkarinig sa pangalan ng kanyang Bebiber.
 
"Sabi nya merienda time, so baka maya maya lang andito na yun. Teka, text ko nga kung asan na sya."
https://tengudnessfanfics.blogspot.com/p/blog-page.html
https://tengudnessfanfics.blogspot.com/p/blog-page.html
https://tengudnessfanfics.blogspot.com/p/blog-page.html
But wait there's more...
https://tengudnessfanfics.blogspot.com/p/blog-page.html
(Asus ang lola nyo first chapter pa lang humihirit na... asan na nga ba ulit ako? Ayun...)
Pagkabasa sa text ng kanyang Bebiber ay dali-daling bumangon si Joohyun mula sa kanyang pagkakahilata sa sofa at patakbong nagtungo ng kwarto. 
 
Paglabas ng granny nyo ay nag-amoy  'Cosmetics and Fragrance' section na ng SM  ang buong kabahayan.
 
"Ate, kaninang umaga nung nagsimba tayo di ganyan ang amoy mo. Tapos ngayon, andito ka lang sa bahay kung makapagpabango ka wagas." pangaasar nang bunso sa kanyang ate.
 
"Paki mo! Tyanak! Hoy tutal andyan ka na rin lang sa kusina initin mo nga yung carbonara na nasa tupperware na blue ang takip sa ref. Dalian mo at malapit na daw si Ate Seulgi mo."
 
Napangisi na lang si Yeri sa inasta ng kanyang ate. Ano pa bang ikokoda ni Yerimi eh magmula ng magkajowa, ang lola nyo parang bumalik sa kanyang distant days as a teenager. Yung bang akala mo may kumukurot sa tinggil kapag nakikipagusap sa phone. Pag nag-tetext naman, yung mga mata walang patid ang pag-shashine bright lika diamond.
 
Napapadalas din ang pag-hum ni Joohyun sa kanta ni Kim Chui. Utang uta na kaya si Yeri sa walang katapusang 'icing sa ibabaw ng cupcake' ng ate nya.
 
Pero sabi nga ng mga Italyano, "that's amore!"   Sinong magaakala na si Baechu na super idol si Maricel Soriano sa katarayan, ay nagiging kasing cute ni Jigglypuff kapag inlababo.   At ang salarin sa sudden transformation ng lola nyo? Sino pa, edi yung intrimitidang tyanak at yung jowa nyang si Chicken Joy. 
 

A few months ago...
 
"Hoy! Yeri, ano itong nababalitaan ko na dumadalas na ang paglalakwatsa mo? Sabi pa nila tyang at ng mga kuya mo, kahit Sabado late ka na ring umuwi. Aba eh, NSTP lang naman ang subject mo tapos half day pa yun. Yan na nga ba ang sinasabi ko, hindi porke pinayagan ka naming magjowa ay free ka na ring magbulakbol." 
 
Mahabang litanya ni Joohyun sa kanyang kapatid sa telepono.
 
"Minsan lang naman yun ate. Tsaka nag-aaral naman ako ng mabuti."
 
"Naku! Siguraduhin mo lang bata ka. Pag-ibinagsak mo isa man sa mga subjects mo naku... pahihintuin talaga kita sa pag-aaral at pagtitindahin na lang kita ng nilupak sa tabi ng simbahan ng Tondo."
 
"Ate naman eh..."
 
"Di ako nagbibiro, kaya umayos ka Yeri. Oh sige na, matatapos na yung break ko. Si Joy ba kasama mo ngayon?"
"Yes, she's beside me."
 
"Sabihin mo sa kanya magmula ngayon wala munang date date. Bumawi na lang kayo sa sembreak. Sabihin mo rin sa kanya na ayus ayusin din nya ang pagaaral nya. Nga pala gusto ko syang makita paguwi ko sa bahay sa weekend. Mag-iilang buwan na kayo, ni anino nya di ko pa nakikilala. Dalhin mo sya sa bahay sa Sabado."
 
"Yes, ate."
 
"O sige na."
 
"Bye ate!"
 
"Oh anung sabi ng ate mo?" tanong ni Joy kay Yeri.
 
"Wala naman masyado, sabi lang nya ayusin daw natin ang pagaaral at bawas bawasan daw ang pagdadate at paguwi ng late."
 
"Ah okay..."
 
"Sabi din nya, gusto ka daw nyang makita paguwi nya sa weekend."
 
"Okay." mabilis na sagot ni Joy.
 
Alam ni Joy na bunso si Yeri sa pamilya, kasama nya sa bahay ang dalawa nyang kuya at yung tita nilang tomboy. 
Naikuwento sa kanya minsan ni Yeri na meron syang ate na nag-wowork at nag-boboard sa Makati at tuwing weekend lang ito umuuwi ng Tondo.
 
Mula nang maging sila, iilang beses pa lang syang nakapunta sa bahay nila Yeri.
 
Yung mga kuya ang una nyang na-meet. Kahit na matatangkad at namumutok ang mga biceps ng mga ito kaka-gym they do not act scary at all, ang babait pa nga ng mga ito.
 
Yung sumunod nyang nameet ay yung tita. Bata pa ito at tsaka ang kyowt. May pakakalog din ito kaya naman madaling naka-close ni Joyie.
 
At dahil in-assume ni Chicken Joy na kasing chill lang ng mga kuya at tita ni Yeri si mysterious ate, di worried yung manok na ma-meet ito.
 
Ang kaso mo eto ka, wala sa hinagap ni Joy na makikilala pala nya sa katauhan ng ate ni Yeri na si Irene, ang pinagvolt in na version ng mga kontabida characters nina Cherrie Gil, Princess Punzalan at Bella Flores.
 
Matapos ang dinner, at sandaling meet and greet with 'Ate Irene'. Isinumpa ni Joy na di na sya magkakape ever again at kapag dadalawin nya ang jowa she'll make it weekdays para iwas kay 'Ate Irene'.
☕        ☕        ☕ 
"Baby." tawag ni Joy kay Yeri.
 
"Oh bakit?"
 
"May jowa ba ngayon si Ate Irene mo?"
 
"Ngayon... parang wala. Magkukuwento naman yon kung meron."
 
"Ganun ba. Maganda naman si ate mo, sigurado ako maraming nagkakagusto sa kanya."
 
"Sa nagkakagusto marami. Kaya lang ang ate kadalasan di na sila binibigyan nang chance, basted na kaagad. May mangilan-ngilan na manliligaw na in-entertain ang ate. Kaya lang sa lupit ba naman ng criteria for judging ng ate, ayun gone with the wind na sila the next day."
 
"Eh anu bang type ng ate mo?"
 
"Alam mo sa totoo lang di ko rin alam kung anung type ni ate. Kasi wala pa syang ipinapakilala sa amin, kaya wala akong mapagbasehan."
 
"Ah..."
 
"Pero alam mo nung nakaraan, meron syang nabanggit tungkol sa soulmate at twin flame?"
 
"Huh? Yung soulmate medyo naiintindihan ko, pero yung twin flame never heard."
 
"Di ko rin gets pero sa kuwento ni ate, parang yung twin flame ay level up version ng soulmate. Wala rin daw itong gender, so maaring yung ka-twin flame mo ay of the same gender."
 
"Talaga lang ha... don't tell me hinihintay ni ate mo yung ka-twin flame nya! Eh baka abutin na sya nang forevermore kakahintay!"

"Wag naman sana. Wait, di ba sabi mo sa akin na meron kang pinsan na single at mabait, baka pwede mo naman i-introduce kay ate."
 
"Ha eh..."
 
"Sige na... ayaw mo nun gu-goodshot ka kay ate kapag naging sila o kahit friends man lang."
 
At sinimulan na ng dalawa ang kanilang planong pagtagpuin ang landas ni Bae Joohyun at ni Twin Flame.

💕         💕         💕 
"Ate, I told your date that you are wearing a purple dress para madali ka niyang makilala."
 
"Can you remind me again why I'm doing this?''
 
"Ate, di ba nag-promise ka that you will go on a blind date with Joy's cousin kapag maganda ang mga grades ko sa school. I have fulfilled my part, so its your time to shine..."
 
"Grrrr... oh sige na! Asan na daw ba yung kadate ko supposedly? Five minutes na akong nagaabang dito sa coffee shop."
 
"Maaga pa ate, so chill ka lang okay? On the way na yung ka-date mo at sigurado ako magugustuhan mo sya. Malay mo sya na pala yung sinasabi mong ka-twin flame mo."
 
"Tigilan mo nga ako Yerimi sa mga kagagahan mo."
 
"Oh sige na ate. Enjoy your date!"
 
"Che! Tyanak!"
 
"Love you too ate!"
Napabuntong-hininga na lang si Joohyun matapos ilapag ang kanyang cellphone sa table.
 
Sa totoo lang, isa sa mga reason kung bakit nag-agree ang lola nyo sa blind date chenes na ito ay dahil gusto nyang mas lalong makilala ang pamilya ng jowa ng kanyang kapatid.
 
At tungkol naman dun sa sinasabing twin flame ni Yerimi. Actually humu-hopia pa rin ang lola nyo na makikilala nya ang kanyang ka-twin flame. Sabi kasi nung psychic, when you finally meet your twin flame its as if the ground is shaking underneath your feet, tapos yung feeling na as if you are 'coming home'. Tapos you feel as if you’ve been waiting your whole life for this person.
 
Oh diba, parang sing haba ng EDSA yung hair mo kapag na-reunite ka sa twin flame mo.
 
Kinikilig ang pempem ng granny nyo just by thinking about it. 
 
Hay naku... kailan kaya mapapasigaw si Joohyun ng "Sabel, this must be love!" (Working Girls, 1984).
 
Pero teka, bago ang love ang eh asan na ba yung magaling na pinsan ni Chicken Joy? Tsaka alam kaya nung cousin nung manok na yung ka-blind date ay may pagka-utak pugante?
Di ba nya alam na may nakahanda ng Plan A at Plan B ang lola nyo just in case the blind date is not what she imagined it to be.
 
Plan A, humanap ng pwestong kita ang lahat ng pumapasok sa door pero medyo tago. Then, magbaon ng pamalit para in case na matchura yung ka-date nya ay madaling syang makakatakas. Pag nagtanong si Yeri gagalingan na lang yang magdeny at umarte.
 
And plan B, well wala pa actually... basta as sure-as-the-sun-keeps-on-shining ang lola nyo na walang date na magaganap... period.
Saktong nakatingin si Joohyun sa pinto ng cafe when suddenly a very beautiful girl, wearing a simple jeans and a black t-shirt with the word Marvel printed on it entered the cafe. 
 
Ganda nung hereret nung girl as in nag-rejoice so smooth walang sabit si ateng... tapos yung mga mata nyet nyet lakas makalaglag ng chenes. Mind you nakaface-mask pa si Ateng nung lagay na yan.
 
https://tengudnessfanfics.blogspot.com/p/blog-page_13.html
Oh ano na? Nganga kain bubug ang kaitsurahan ng lola nyo ngayon.
 
Naalala nyo yung definition nung Twin Flame na iniechos kanina ng lola nyo? Well granny's feeling it all at that very moment.
 
Parang namatanda na nagpatuloy lang sa pagtitig si Baechu dun sa kapapasok lang na babae. Mega observe si bakla habang nagpalingon-lingon yung babaeng "yumanig sa buong pagkatao ng lola nyo" na para bang may hinahanap.
 
Biglang bumilis yung heart-beat-beat-beat ng lola nyo, hindi kaya yung girl yung...
 
"Punyeta! Don't tell me she's my date. Watdapak?!" bulong ni Joohyun sa sarili. 
 
 
Muli pang nagpalinga linga yung babaeng yuma-- ey tama na basta sya na talaga. 
 
Dahan dahan itong lumapit sa isang table (across your lola Baechu) na okupado ng isang babaeng kasalukuyang may tina-type sa kanyang laptop. Iniangat nung babae ang kanyang tingin mula sa kanyang laptop, ngumiti ito ng matipid tsaka nag-muestra na tila pinauupo yung babaeng kanina pa tinititigan ng lola nyo.
 
Halos baligtarin ni Baechu yung lamesa sa harap nya, habang pinapanood niyang nag-uusap yung dalawa.
 
In your lola's head kumakanta na si Tita Leah Navarro... Ang pag-ibig kong ito Luha ang tanging nakamit buhat sa iyo Kaya sa may kapal tuwina'y dalangin ko Sana'y... kapalaran ko ay magbago 
 
Five minutes. 
 
Kung wala pa yung pinsan nung manok after five minutes ay uuwi na lang ang granny nyo.
Nawalan na ng gana si Baechu ng tuluyan. 
 
Habang nagpapalipas ng oras ay ibinalik ni Joohyun ang tingin sa babaeng gumising sa kanyang natutulog na damdamin. 
 
Sayang, sa ibang cupcake napunta yung icing na para sana sa lola nyo. 
 
Then suddenly biglang tumayo si icing, este si ate mong girl. 
 
Nagtungo ito sa may counter at tila may ino-order.
Matapos ang ilang saglit ay bumalik ito sa lamesa ni laptop girl, pero hindi na ito muling umupo. May hawak-hawak itong dalawang plato na naglalaman ng cake. Inilapag nya yung isang plato sa lamesa at parang may sinasabi ito kay laptop girl. Tumatango si laptop girl at muli ay ngumiti ng matipid.
 
After nun lumakad na yung babaeng kanina pa inistalk ng lola nyo patungo sa... yup knowing nyo na siguro no? 
Nyet nyet ang bilis naman magbago ng kapalaran ng lola nyo. 
 
Kanina lang bigo sa pag-ibig ang drama ni bakla, then the next...
"Hi." 
 
Bati nito kay Joohyun.
 
". . . " 
 
Just wait, loading pa ang brain ng lola nyo.
 
"Uhm, sorry I was late. I'm Seulgi, Joy's cousin. And you're Irene, right?"
 
" . . . " 
 
Buffering pa rin ang diwa ng granny.
 
"Uhm, May I sit?"
 
"S-sure, go ahead please." 
 
And finally naka-recover na ang lola nyo.
 
Agad naman naupo si Seulgi sa silyang katapat ni Joohyun, sabay inilapag na rin niya ang kanina pang tangan-tangan na plato.
 
"Thanks. Again, I'm sorry for being late."
 
"Kanina nakita kitang nakaupo dun sa other table, dun sa girl na may laptop," bigla na lang ibinulalas ni Joohyun.
 
"Ah nakita mo na pala ako kanina pa. Actually she helped me find you."
 
" . . . " 
 
And nag-hang na naman po ang lola nyo.
 
"Ang sabi kasi sa akin ni Joy, you will be wearing a purple dress. You see the thing is... I'm colorblind, it is hard for me to distinguish which color is which. So to be sure, I asked the girl with a laptop for help. I described you to her and what color your dress is. Im happy that I was able to find you."
 
"Me too," mahina at wala sa loob na sagot ni Joohyun.
 
"Im sorry?"
 
"Ah eh ang sabi ko, nice to meet you."
  
"Ah okay, its nice to meet you too.  Irene, try mo itong carrot cake... masarap to promise."
 
Wala na nalaglag na ng tuluyan ang anes ng lola nyo after nyang makita up close and personal yung eye smile ni Seulgi.
 
"Sa-salamat. Sya nga pala you can call me Joohyun instead of Irene."
 
"Joohyun... I love your name." 
 
"I love you too," tila lutang na sagot ng lola nyo.
 
"Sorry, ano ulit yun?"
 
" . . . "
 
And the rest... is as they say history. 
 
Spring has finally arrived for Joohyun.
 
https://tengudnessfanfics.blogspot.com/p/blog-page_13.html

Present time...
 
Maya maya pa narinig na ng magkapatid ang mga katok at di kalakasang pagtawag ni Seulgi sa pangalan ni Joohyun mula sa labas.
 
Nagsimula nang maglakad si Yeri patungo sa front door, pero naunahan na sya ng kanyang ate. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay pasalakay na niyakap ng lola nyo ang bagong dating.
 
"I miss you Bebiber."
 
Natatawang niyakap ni Seulgi ang kanyang girlfriend.
 
"Ow... miss you too. Wow, you smell good Hyun."
 
Kinilig na naman ang lola nyo, at dahil dito lalo pa nito hinigpitan ang pagkakayakap kay Seulgi.
 
Maya maya pa nang konti ay nasa front door na rin si Yeri.
 
"Ate, ano ba ate tantanan mo na nga muna yang paglinkis mo kay Ate Seulgi. Sa Makati sya galing, hindi sa Dubai. Kung makayakap ka akala mo naman anim na taon kayong di nagkita."
 
Tiningnan nang masama ni Joohyun ang kanyang kapatid, pero bumaba na rin ito mula sa pagkakalambitin sa leeg ni Bebiber. 
 
Sa loob loob ng lola nyo, "Patay ka sa akin mamaya tyanak ka. Just wait."
 
Hinila ni Joohyun ang kanyang Bebiber patungon sa kusina para makapag merienda.
 
Matapos kumain at makapagpahinga sandali, ay sinimulan nang ayusin ni Joohyun ang kanyang mga anik-anik na dadalhin nya sa kanyang boarding house sa Makati.
 
Matapos magayos ng gamit sa kuwarto ay bumalik na ulit sa  sala si Joohyun. Naabutan ng lola nyo si Yeri na tila aliw na aliw na nakikipag kuwentuhan kay Seulgi.
"Eh, eto anung kulay to Ate Seulgi?"
 
"Uhmm, green?"
 
"Mali."
 
"Blue?"
 
"Mali..."
Kaya naman pala... pinag-tritripan na naman nung kapatid ng lola nyo yung utuutong oso.
 
Dali daling kinonyatan ni Joohyun yung tyanak.
 
"Aray, ate naman eh!"
 
"Langya ka anung tingin mo sa Bebiber ko?"
 
"Parang nagkakatuwaan lang naman kami ate."
 
"Naku Yerimi..."
 
"Okay lang yun Bebibani, I'm also having fun." 
 
Putol ni Seulgi sa diskusyon ng magkapatid. Syempre kokontra pa ba ang lola nyo eh na "Bebibani" na sya ni Bebiber. F na F kaya ang lola nyo kapag tinatawag sya ng ganern ni Seulgi. 
 
"Tapos mo na bang ayusin ang mga gamit mo Bani?" 
 
"Oo naayos ko na."
 
"Ganun ba, tara alis na tayo para di ka naman masyadong gabihin pauwi ng boarding house."
 
Naglakad patungo sa paradahan ng tricycle sila Joohyun at Seulgi.
 
Magtra-tricycle sila hanggang sa may gasoline station sa may kanto, kung saan naghihintay ang sundo nila.
 
Nabanggit ni Seulgi kay Joohyun na inihatid sya ng kanilang driver papunta. At dahil wala naman parking sa bahay nila Joohyun at puro eskinita ang daanan dun, sinabihan na lang nya ang kanyang driver na dun na lang maghintay malapit sa may gasoline station.

Maya maya pa ay isang black na Montero ang pumarada sa tapat nila.
  
Nung binaba nung driver yung bintana sa may side nya, napansin ni Joohyun na maliban sa driver, may isa pang pasahero ang kotse.
"Hyun okay lang ba kung dito ka na lang sa harap maupo, mas kabisado mo kasi ang pasikot sikot palabas ng Tondo, para mas madali mong ma-guide yung driver."
 
"Uhmm.. o-kay."
 
"Thanks. Sa likod na lang ako mauupo kasama si Yuju."
 
"Yuju?" bulong ni Irene sa sarili.
 
This is the start of something new. 

Alamin sa mga susunod na chapters kung papaanong ilampaso ni ante Joohyun yung mga nag-fefeeling Katniss Everdeen na mga indays na willing mag-volunteer as tribute matikman lang yung icing ni Seulgi. Bit*ch over Joohyun's dead and gorgeous body that will never happen. Because there can only be one, 'Girl on Fire' and that's BAECHU!
 


#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt


Read Next 02: Jealous Baechu
 

May nagseselos na kuneho, pano ba naman kasi may isang inday na balak atang maging isang major tinik sa lalamunan ni Bebibani. Naka-full on Cherrie Gil as 'Lavinia' mode na si Irene. Yung tipo ng babaeng nanaboy bigla ng tubig sa fest ng karibal nya sabay lilinya nang..."you're nothing (pause) but a second rate (pause) trying hard (pause) copy cat! (sabay saboy ng champagne sa mukha ni Tita Shawie)" 



2 comments:

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]