FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Crash Landing On COVID Ch 02: Food Supply

Crash Landing On COVID Ch 02: Food Supply

Seulgi 🐻



“Hello, Wendy?”

“Seulgi-ah!”

“Wendy, anong ibig sabihin ng ‘lockdown?’”

Totoo ba ‘tong oso? Seryoso di informed si ateng na under lockdown or enhanced community quarantine ang buong Luzon?

“Seulgi, ano ka ba?! Hindi mo ba alam na bawal na lumabas at bawal na rin ang mass transportation? May social distancing din na ipinapatupad. Bawal na ang magpakalat-kalat sa labas lalo na kung walang quarantine pass, warrantless arrest kapag nahuli ka sa labas na wala nito. Ako pwede ako kasi frontliner ako. Oo nga pala di na muna ako uuwi ng bahay, dito na muna ako matutulog sa ospital super daming pasyente I swear. At sya nga pala bumili ka na ba ng food mo? Sorry ha kasi nung isang araw hinakot ko na lahat ng stock natin kasi nga sa ospital na muna ako titira mahirap na. Iniwan ko yung debit card pang-groceries sa may kitchen counter, nakita mo ba? Basta stay put ka lang muna d’yan sa bahay. May curfew, travel ban, gun ban, alcohol ban, dating ban (wait, ano daw?) so don’t go anywhere ha.” 

Whew! Ang haba ng koda nung doktorang roommate ni Seulgi, kaya naman yung brain nung oso nag-ooverload na.

Pero sa dami nung kinoda ni Wendy isa lang ang naintindihan nung oso, yung part about sa bawal ang date… charot!

“Walang food?”

Oo Seulgi walang food kasi yung magaling na hamster mong roommate binitbit lahat.

“Walang foooooood?”

Oo wala, nakita mo ba yung iniwan ni beshie na debit card na pang-grocery sa may kitchen counter?

“WaLanG FuuOoOdDDD?”

Oo Seulgi, wala! Akala mo lang meron! Pero wala, WALA, WALAAAA!

“Wendiyah!!! Walang food???!!!” 

“Oo wala sorry naman, di ka pa ba nag-grocery?”

“Hindeeeee… huhu tulog ako buong araw, lumabas lang ako saglit kasi nag-crave ako ng milktea.”

“Huwwwaaaattt?!!!”
https://tengudnessfanfics.blogspot.com/p/blog-page_26.html


Pila! Pila! Pila!

Lahat na lang ng puntahan ni Seulgi ang hahaba ng pila. Sa lokal na grocery, sa Hypermarket, sa Mercury, pati sa Sibin/Ilibin pila din.

Well ano pa bang aasahan natin, may enhanced kemerloo daw na kwarantine so yung may mga pambili nagpa-panic buying, habang yung mga isang kahig, isang tukey panic lang ang afford nila.

Naisip ni Seulgi na sa palengke na lang sya bibili ng food na iibimbak nya. 

Tama Seulgi! Bright idea yan, kasi yung aleng kasabay mo sa elevator kanina dun din galing, so yeah, gora ka na beh sa palengke at baka mapagsarhan ka pa at gabi na.

🥫      🥫     🥫

“Miss, hindi kami tumatanggap nyan.”

“Po?”

“Di kami tumatanggap ng credit card miss. Palengke ‘to cash lang ang tinatanggap namin.”

Anak ng kamote! Bright idea nga ang pagpunta ng palengke, ang kaso yung oso not so bright. San ka naman nakakita ng namamalengke na walang cash na dala? May dala syang konting barya pang-tricycle pero kamusta naman eh walang pang isang daang piso yung laman nung coin purse nung oso.

“Hindi po credit card ‘to, debit card po.”

Tamo! Hutena sumasagot pa!


“Balikan mo na lang miss itong pinamili mo kapag may cash ka na, mag-withdraw ka na muna.”

“Ah okay…”

💸     💸     💸

Alam nyo maganda sana si Seulgi, kaso lang talaga minsan may pagka-shunga shunga.

Hindi kaya nahulog sya sa kuna nung baby pa itong oso kaya medj naalog yung brain? O baka naman kinulang sya sa Star Margarine at Bonakid nung lumalaki.

Pasalamat na lang talaga sya at kasama nya sa bahay ang kanyang BFF na si Wendy.

Swerte sya kasi beshie do the cooking, beshie do the cleaning. Beshie also do the budgeting and the laundering… este the laundry (last ko na promise).

And eto nga it’s BFF Wendy to the rescue once again. Tinawagan kasi kanina ni Seulgi si beshiecakes. At dahil nagaalala si Wendy sa kahihinatnan ng kanyang alagang oso eh gumawa sya ng paraan para masiguradong  may fudangs na maiuuwi ito.

“Uhmmm, excuse me.”

Saglit na nilubayan ni Seulgi yung siomai na kasalukuyang niyang tino-toothpick para tingnan kung sino ba yung tumawag ng kanyang pansin. Sa panahon na may global pandemic at kabikabila ang mga lockdown, itong oso walang sense of urgency (parang DOH lang, NOT CHAROT). Dahil mahaba ang pila sa ATM, si ateng naisipan pang mag-meryenda ng siomai sa gilid. Sabi nya mauubos din naman daw yung mga nagsisipag withdraw, kaya later na lang daw sya pipila (oh diba ang cute cute talaga nung oso 🥴).

Anyway balikan na nga lang natin yung girl na kumakausap kay Seulgi, medyo familiar yung mukha ni ate girl in fair…

“Hi, Seulgi, it’s me again. Uhmmm… Wendy called me, nagaalala sya kasi sa iyo, kaya pinakisuyuan nya ako kung pwede tulungan daw kitang mamili ng ii-stock mo na food habang may pinapatupad na quarantine.”

“Ah, eh…”

Medyo loading yung diwa nung oso, iniisip nya kasi kung bakit ganun na lang ang pagaalala ng kaibigan nyang si Wendy sa kanya, eh tumawag lang naman sya kanina to tell her na ayaw tanggapin ng kuya sa palengke yung debit card nila. Tinanong din nya si Wendy kung saan ba syang bangko pwedeng mag-withdraw, kung ano yung pin nung card nila at kung ano-ano ang ingredients ng pancake at omelette.

Di nya alam kung bakit may pagka-OA mag-react si beshie (seryoso Seulgi di ka aware?), to the point of asking a complete stranger. (para sayo Seulgi ‘strangers’ kayo, pero dun kay ateng na pinakisuyuan ni Beshie, more than friends kayo, as in na-picture na ni bakla in great details ang relasyon ninyo pati yung detalye about kung sino ba ang top at bottom sa inyo, cheret!)

“Uhhmmm, miss…”

“Irene.”Ayun oh! Si Irenea na talaga!
 
🐻      🐰

Take two nung eksenahan nina Seulgi at Irene sa elevator. This time ang may tangan-tangan nung ever reliable na trolley ni Irene ay si Seulgi naman.

Abot sa anit yung ngiti ng Lola Irene ninyo. Kung sinusuwerte nga naman talaga yung kuneho oh, sinong magaakala na sa panahon kung saan lahat ay sinasara, school, offices, government agencies, stores and malls. Ang lablayf ng lola nyo open na open for business! Bukas na bukas ang puso at p… pinto ni Irene para kay Seulgi.

“Uhmm, Irene thank you sa pagsama sa akin na mamalengke. And thank you sa pagpapahiram sa akin ng pambili ng pagkain. I’ll return the money immediately the moment na nakapag-withdraw na ako.”

“Ano ka ba wala yun, kahit tsaka mo na ibalik yung money. Ang importante may food ka na-stock.”

“Salamat ulit.”

“Walang anuman.”

Ding!
https://tengudnessfanfics.blogspot.com/p/blog-page_26.html

Gaya kanina, oras na para maghiwalay na ng landas ang dalawang soon to be lovers (in Irene’s mind).

“Uhmmm, Irene thank you ulit dito.” Sabay turo ni Seulgi sa hatak-hatak ‘nyang trolley na puno ng mga pinamili nilang food.

“Ano ka ba Seulgi? Kanina mo pa ako pinasasalamatan sa daan pa lang nagtha-thank you ka na, sa elevator nag-thank you ka na rin. Tapos ngayon andito na tayo sa tapat ng mga units natin ‘thank you’ ulit?”

“Basta, thank you talaga hehe. Irene, okay lang ba kung bukas ko na lang isauli sa iyo ‘tong trolley?”

Sa loob loob ng lola nyo, “Okay na okay! Kahit pagkasoli mo bukas sa amin ka na tumira!”

Bakla kalma, remember yung pinagusapan natin Irene? Maria Clara na muna ang peg mo habang getting-to-know-you stage pa lang kayo ni Seulgi, tsaka mo na i-reveal yung Sisa side mo.

“Ah eh, sure.” 

Yan, ganyan ang pagsagot nang matino Irene, tuloy tuloy mo lang yan.

“Sa tingin mo ba Irene magtatagal ‘tong quarantine period?”

“Hindi ko alam Seulgi.”

“Ah okay, sige tomorrow na lang ulit. Good night Irene.”

“Good night Seulgi.”

Pagkapasok na pagkapasok sa unit nya, ang lola nyo di ma-contain ang kilig. Napasandal pa nga sa may pinto si bakla. Busit kala mo SHS kung maka-arte eh nung time na grumadweyt sya ng High School di pa uso K-12.

After a few minutes ang kaninang kinikilig na Maria Clara by the door ay biglang nag-change character.

“Isinusumpa ko! Bago matapos itong quarantine period, ikaw Seulgi! Magiging akin ka! Bwahahahaha (*Sisa laugh)”🤡

Feeling ko after quarantine si bakla dirediretso sa mental. Hay... inside Irenea's mind ang kinakanta ni ate... (play video below).
 
Tengudness' Quarantine Diary:

Yes, I do the cooking. Yes, I do the cleaning. 

Ako na ang masipag. Hunyeta ang dami kong na-achieve today. Una, hindi na itlog ang ulam ko today. Masarap ang ulam ko no, ginisang sayote. Tapos dahil nga masipag ako, naglaba, nag-vaccum, nag-isis ng dingding at naglinis ng bintana din ako, san ka pa I'm so productive.

At wag kayong urat, habang busy ako sa pagNi-Nicki Minaj buong araw nakuha ko pa magsulat ng update. I'm your woman, your girl, your baby na talaga cheret!

Kayo anong na-achieve nyo today? :)
#seulrene #asianfanfics #tagalog #CLOC

https://tengudnessfanfics.blogspot.com/2020/03/CLOC-Chap3.html
Read Next 03: Crash Landing
Tsansa nung kuneho ang ma-experience maging si Yoon Se-Ri ngayong panahon ng kwarentina. Tulad nung character ni Son Ye-Jin sa Korean drama na “Crash Landing On You,” hoping si bakla na makaka-landing sya sa puso Seulgi.  Bae Irene as Yoon Se-Ri… or rather Yoon Se-RaUlo, si ateng nyo nabuang na hutenang yan!

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]