FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 52: Inner Beauty

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 52: Inner Beauty
"Pero hindi ba mas maganda kung maganda ka na sa loob tapos maganda ka pa sa labas, para pwede kang lumabas-masok."
KC Concepcion (as Vivian) from the TV-series 'Lovers in Paris (2009)'



They say first impression last.

Kaya naman di magkamayaw si Baechu sa kanyang preparation para sa kanyang napipintong 'meet and greet plus VIP Access' with Daddy Kang.

How serious is Bae Joohyun when it comes with her first fest-to-fest with her soon-to-be-'father-in-law'?

DEAD SERIOUS mga bakla.

Kailangang pumasok ng lola nyo sa banga, para sa future nila ni Bebiber.


🏺        🏺       🏺
  
As part of her preparation, ni-review na ni Joohyun ang kanyang 'Economics' para masigurado nyang di sya maliligwak kapag chinika sya ni Mr. Kang about business.

For example...


How do we compute GDP (Gross Domestic Product)?

Sagot Baechu!

"Well, I believe...

...the children are our future. Teach them well and let them lead the way. GDP plays a very important role in determining the future of our kids. Thank you."

Leche! Sinasabi ko na nga ba eh. May pa-future future pang nalalaman 'tong lola nyo eh sukat ba namang banatan ng Whitney Houston si Papa Kang kung di ba naman Lady Gaga.

Pero pwede na rin siguro yun. Eh, sa yun lang ang nakayanan ng lola nyo. What can we do? Daanin na lang siguro ni Baechu sa ganda nang delivery.

Pero etong matindi, para makabawibawi ay kinabisado na ni Joohyun yung mga bansa na kasama sa ASEAN (including heads of states 'wag ka). Baka daw kasi biglang ipa-enumerate sa kanya ni Mr. Kang eh mabuti na yung handa yung kuneho.

Pero enough about business.

How about kapag nadako ang usapan sa arts and culture?

Papaano magpapa-impress ang lola nyo kay Papa Kang? Eh malay ba naman ni bakla sa Realism, Fauvism, Expressionism, Cubism, Favoritism... charot!

Pero seryoso, ano ba namang muwang nung aleng taga-Tondo sa mga ganun eh as if naman uso ang painting sa Tondo.

Isang malaking good luck na lang talaga sa araw ng 'meet and greet'.
 
https://ko-fi.com/tengudness
But, do not despair mga baks, kasi ever present naman yung sisterette na tyanak ni Baechu to help your lola out.

Ang suggestion ni Yeri mag-answer daw ng mga questions ang lola nyo ala 'Fast Talk sa Tonight with Boy Abunda' para daw mahasa ang ate nya sa pagsagot ng mga anik-anik nang mabilisan.

So eto nga ang ginawa nung magkapatid.

Gusto nyo ng sampol?

Yeri: What makes you blush?
Beachu: Blush on! (Tama naman.)

Yeri: Huling bagay na naiisip mo bago matulog.
Baechu: Si Bebiber!

Yeri: Unang bagay na naiisip mo paggising.
Baechu: Si Bebiber! (bah... sya ng consistent)

Yeri: Araw o gabi?
Baechu: Syempre gabi! Ang chorva kadalasan sa gabi! (matagal na naming alam teh)

Yeri: Awit ng buhay mo ngayon... SING IT!
Baechu: Ay moment to shine! Okay...


Yeri: First word that comes to mind when you hear the word 'Tagaytay'.
Baechu: Pers time with Seulgi! (wat?!) ... out of town I mean (whew.)

Yeri: Between Xander Ford and Jake Zyrus, sinong pipiliin mo?
Baechu: Both... (dapak?!) AYAW! (same Baechu same)

Yeri: Para sa role na Darna, Liza Soberano or Angel Locsin?
Baechu: Uhmm... uhmm...
[*conflicted si bakla fan kasi both ni Liz at Gel] Ate Vi na lang!

Yeri:  Your most treasured possession.
Baechu: Naibigay ko na! (Ay punyeta wat is dat?!? Yung bato or yung hiyas? Char!)

Yeri: Flowers or chocolate?
Baechu: Cho...CHORVA! (Sabi ko na nga ba eh!)

Yeri: Ate ano ka ba wala sa choices yun!
Baechu: Bakit diba sabi mo 'flowers or chorva?'

Yeri: Flowers or cho...colates ate! CHOCOLATES!
Baechu: Sorry naman. Uhmm... chocolates!

Yeri: Sex or chocolates?
Baechu: Ay 'bat ganun? Uhmm... chocolates! (wuchu...)

Yeri: Best time to eat chocolates.
Baechu: During S*EX!!! (I knew it!)
 

🍴        🍴        🍴  

Lesson 2: Table Etiquettes

Eto ang sunod na inaral ng lola nyo.  And its hard... so so hard as in.

Ang hirap talagang magpanggap na ALTA kung lumaki ka na ang ulam mo sa araw araw ay DELATA.
 

Pero don't cha worry kasi there's Tyang to teach our Granny some table manners.

"Okay, basta eto tandaan mo, pagkaupo na pagkaupo mo getchlakin (kunin) mo kaagad yung napkin tapos ilagay mo sa lap mo. Hindi yun isinasabit sa leeg ng t-shirt na parang bib so wag kang tatanga-tanga."

"Napkin sa lap. Okay got it Tyang."

"Good. Now holding utensils naman tayo."

"Okay so pano nga ba Tyang?"

"Actually hindi rin ako sure."

"HUUUWATTT?!"

"Pasensya naman kasi paghawak ng chopstick yung minaster ko kasi diba si Ate  Fany mo half-Korean."

"So pano na Tyang?"

"Basta ang alam ko, ang mga mayayaman di gumagamit ng spoon kapag kumakain."

"Huh? Seriousness?"

"Oo kasi yun ang sabi ni Paniya sa akin dati, so tinidurin mo yung pagkain."

Ayan na! Nag-overload na yung utak ng lola nyo.

(Inner Monologue) Pano nga naman kung sinigang ang ulam?
Nyetakels kasi tong mayayaman na to, kakain na lang pinahihirapan pa ang mga sarili.

"So san ang tinidor Tyang? Kanan o kaliwa?"

Patay tayo dyan...

"Uhhmmm... ka...liwa?"

"Sa kaliwa Tyang? Sure?"

"Basta sa kaliwa! Kung mali man pagpalitin mo na lang yung knife at fork, o kaya sabihan mo na lang sila na kaliwete ka. Or mas maganda before ka magdadampot ng kung ano ano ay panoorin mo na muna sila. Basta kaya mo na yan, malaki ka na!"

Wow ah! Ang laking tulong ni Tita Cute Cute.

Ayan Baechu, you are on your own. So you better wing it na lang.

Basta bakla don't forget when you are eating, "Chew like you have a secret." 


💎       💎       💎
  
Beauty, brain and grace.

Yan ang pa-effect ni Baechu sa araw ng meeting nya with Amang Oso.

We've got the BRAIN covered na kanina... well sort of... medyo tagilid yung mga sagot ng lola nyo pero pwede na yun, papasa na sa next round.

Then we've also done something with GRACE (again sort of) salamat sa tulong (weh di nga?) ni Tyang.

And sa BEAUTY aspect naman di mauubusan nun yung kuneho. Eh yun na nga lang ang kanyang redeeming factor duh... And plus, full-force kaya ang sang-kabaklaan sa eskenita ng lola nyo para sa kanyang hair and makeup. Tapos she also got Ate Fany to help her out with her outfit...

"Anong mas-maganda Ate Fany sa dalawa?"

"Hmmm... yung long sleeves na lang siguro."

"Long sleeves? Di ba bagay yung off-shoulder ate?"

"Well you are meeting Seulgi's dad for the first time so mas maganda kung medyo magpa-demure ka na muna ng konti. Next time mo na lang i-showcase yung balikat mo."

"Okay." Sagot ng kuneho na kasalukuyang nakaharap sa kanyang i-pad habang ka-chika sa Skype ang kanyang Ate Fany.

"Are you nervous?"

"Aketch? Hmmm... slight ate."

"You'll be fine don't worry, I'm sure Seulgi's dad will love you. Ano nga palang pangalan ni Mr.Kang?"

"Pangalan? Hala I forgot to ask Seulgi."

"Whut?! You must know these things ano ka ba naman Joohyun. Call Seulgi, ask her now."

Di tinawagan ni Baechu si Seulgi kasi syempre nahihiya si ate mong kuneho. She asked Joy instead. So na subject na naman for interrogation yung kawawang manok.

"First name ng tatay ni Seulgi."

"Ricardo Ate Irene."

"Okay...Ricardo." Binuklat ng lola nyo ang kanyang mini-notebook saka isinulat sa first page yung name ni Papa Kang.

"Birthday."

"Uhmmm... December 24."

"Huh? Sigurado ka Joy?"

"Oo naman Ate Irene kasi that's why palaging out of the country sina Seulgi pag-Pasko kasi parang double-celebration na yun."

"Okay..."

"Favorite color."

"Huh? Uhmmm... I don't know."

"Favorite  food."

"Eh?"

"Nubayan di mo alam... favorite sport na nga lang."

"Ah yan alam ko, basketball kasi parang nakuwento ni Seulgi na naglalaro talaga ang dad nya dati nung college."

"Favorite position."

Halos malaglag si Chicken Joy sa kanyang upuan ng dahil sa tanong ng lola nyo.

"Position Ate Irene? Like--"

"Oo position like forward, center..."

"Ahhh sa basketball okay..." Nakahinga naman nang maluwag si Joy.

"Syempre sa basketball. Ano pa bang position yung iniisip mo ha?"

"Uhhmmm..."

At mukhang nagka-idea na yung lola nyo kung ano nga ba yung nasa utak nung manok kaya naman...

"Punyeta ka Joy!" Sabay hampas ng mini-notebook dun sa kawawang jowa ni Yerimi.

"Aray Ate Irene!"

"Leche kasalanan tong lahat ng Tyanak kong kapatid eh. Kung ano-ano kasing kagagahan ang nasa kukote nun kaya pati utak mo polluted na."

Nung medyo nahimasmasan ay nag-sorry naman agad ang lola nyo sa kanyang pananakit dun sa manok.

"Okay lang Ate Irene, di naman gaanong masakit." Pero deep inside, it hurts talaga.

"Okay mabuti naman. Oh tapusin mo na yang pagkain mo, sayang yung pasta lumamig na."

At sinimulan nang ubisin nung manok yung inorder na pasta para sa kanya ni Joohyun.

This is the first time na mineet nya ang ate ng kanyang jowa without Yerimi. Usually kasi laging kasama yung Tyanak, pero this time it's just them.

In fair mabait naman pala si Ate Irene, ngayon lang napagtanto ni Chicken Joy.

Well,  mukha lang talagang butangera si ateng kuneho sa unang kita, pero kalaunan ma-rerealize mo na rin that she is a good person.

She's prangka, she says whats on her mind. Kung galit, galit. Kung naiinis, naiinis talaga. Pero ang maganda kay Ate Irene, is that she's also honest. And she is also not plastic. Kung bet ka, bet ka talaga. Ganun lang kasimple yun. Kung nayayabangan sya sa iyo, she'll tell it to you straight... "alam mo mayabang ka." She doesn't mince her words just to appear pleasing to others.

Kaya naman mataas yung approval ratings ni Baechu kay Joy kahit na madalas nyang sinisindak yung manok. Weird pero somehow Joy was able to look at Irene in a different way, past the 'punyetas' and the 'leches'... she sees Ate Irene as someone na ang sarap i-close kasi para sya  yung bully sa school mo who terrorizes everyone tapos naging friend mo sya all of sudden. Now everyone in school is afraid to mess with you kasi yung friend mong bully ang bahalang bumali sa mga buto nila. Do you get me? Well maybe, medyo off yung bully-Baechu comparison pero siguro naman gets nyo na kahit papano kung ano yung sinasabi ko.

Basta for Joy, Ate Irene is someone who will love you forever if you give her the chance. Kaya naman she's happy na naging sila nung pinsan nyang oso. Ate Irene is perfect for Seulgi.

 
At dahil feeling close yung manok, she took her chance na maka-one-on-one ang kanyang sister-in-law na hilaw.

"Uhhmmm... Ate Irene, sa tingin mo handa ka na bang makilala si Tito Ricky?"

"Medyo kinakabahan ako pero keri naman."

"So nasabi na sa iyo ni Seulgi..."

"Na may unang asawa yung daddy nya? Yup she told me na."

"Well, that and the other thing..."

"Whut?! Anong other thing? Don't tell me may pangatlong asawa si Mr.Kang!"

Ayan na nagigising na naman yung dugong Gabriella ng lola nyo.

Kasi naniniwala pa naman si bakla sa kasabihang, "Fool me once, shame on you. Fool me twice, shame on me. But fool me thrice, aba foo-tangina ano to gaguhan? Asan ang samurai?! Halika dito at puputulin ko na yang si Junjun mo!"

"No no no no no... that's not what I meant Ate Irene."

"Eh ano yung mini-meant mo aber?!"

"That..."

"Ano?!"

"That Tito Ricky is... well may pagka-homo--"

WHUTTT?
Homo-sexual?
Don't tell me halamang dagat si Daddy Kang?
Like... berde ang dugo?
Member ng Federasyon?
Ano yun, mala-Bibi Gandang Hari?
Late-bloomer ganern? Di nga?



"--phobe si Tito Ricky."

Ang reaction ng lola nyo...

Punyeta! Sana naging halamang dagat na lang sya.
 

#Seulrene #Seulgi #Irene #Fanfics #RedVelvet
  
https://c.lazada.com.ph/t/c.bCF2
Eto na ang pinakahihintay na meet-and-greet with the pemily ni Bebiber. Ano kayang kahihinatnan ng ating lab na lab na Team BaniBer? 

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]