FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Crash Landing On COVID Ch 01: Lockdown

Crash Landing On COVID Ch 01: Lockdown
Irene 🐰

“Enhanced community quarantine declared all over Luzon.”

Ayan na!

Sinasabi ko na nga ba eh, sooner or later ilo-lockdown na rin nila ang Pilipinas katulad lang nang nangyari sa Woohan!

Mga in denial pa kasi sila. Eme eme pa sila na safe ditey. 

Mga feelingerang reptilya na taga-Malapanyang! Anong akala nila sa Philippine Island, Wookanda? May immunity sa sakit? 

Eh ayan nga padami na ng padami ang pos sa Covid-19, nagsisimula nang humayo at magpakarami yung bruhang virus.

So now no choice sila kundi ilockdown ang beautiful island of Luzon. 

At syempre ang itinalaga nilang mag-announce ng not so good news ay walang iba kundi yung bida bidang kween of the lizarding world walang iba kundi si Presidential SpokesReptile, Salvadore Ferregamo.

“Work is suspended. All modes of public transportation is also suspended. Walang papayagan na makalabas or makapasok hanggat ipinapatupad ang enhanced community quarantine. Ang mga non-essential personnel ay hindi pinapayagan na makapagbiyahe at pumasok sa kanilang mga trabaho o opisina. Tanging ang mga frontliners lamang ang papayagan na makalabas. Ang mga ATM ng mga bangko ay mananatiling bukas. Gayundin ang mga grocery, mananatili silang bukas, ngunit hindi lang ako sure kung papapasukin kayo.”

Parang gago lang, bukas grocery pero di sure kung papasukin yung customer?

That’s the last straw that broke the kuneho’s back. Hindi na tinapos ni Irene yung sh’it show of a press conference na pinapanood nya dahil naka-activate na yung panic button ng lola nyo.

Eto yung panahon na kapag sinabi nila na “everything is under control, we’re okay,” that’s the time that you panic, run and start preparing for the worse, which is exactly what Irene is doing. Dating girls scout si bakla, at nakailang camping na din sya sa bundok, so for sure kaya nyang mabuhay in this time of crisis.

https://tengudnessfanfics.blogspot.com/p/blog-page_26.html


Hatak-hatak yung trolley ng kanyang housemate kapag nagpapa-laundry, nagmamadaling nagpunta ng palengke si ateng ninyo kasi magiimbak si bakla ng fudangs. Mahirap na no, you can never can tell what will happen in the coming days.

Sa bungad pa lang ng palengke dama na ni Irene that panic is in the air, kasi halos lahat ng tao ay busy sa pagbili ng stocks nila. 

Yung mga nakakasalubong ng ate ninyo tray tray ng itlog ang mga dala-dala, animo magsisipag-leche flan. Pero ang pinakapanalo sa lahat ay yung nakasalubong ni Irene na si Ate Pekpek Shorts na may mala-lamb chops na hita, kasi si ate ang tangan tangan ay isang 20’s pack ng coke sakto, panalo ang priorities ni Ate Pekpek Shorts, di bale na magutom basta may coke. Coke is lifu.

After an hour ay natapos na sa pagpapanic buying si Irene. 

Nakabuyla na ng delata, bigas, gulay, karne, kape, asukal, gatas, harina, cheese ring, boy bawang at Fita si ate n’yo. Ready for armagedon na si bakla. 

Kung iimbentaryo natin yung supply na chibug ni Irene sa bahay pwedeng pwede syang tumagal ng 3 months, walang labasan. Magmula kasi nung pumutok yung Bulkang Tala ay napagdesisyunan ni Irene na from that moment on ay magiging “prepper” na sya.

Kaya wag kayong magtataka na may stock ng box box na MREs, Spam, Vienna sausage, canned beans, canned fruits, at can…dila (ang korni nun punyeta) ang lola nyo. Eto nga humirit pa ng dagdag na stocks ang ateng ninyo. Sa super dami ng kanyang pinamili medyo nahirapan si bakla sa paghatak sa kanyang trolley habang papasok ng elevator.

At parang eksena sa isang pelikula, habang unti unting papasara ang pinto ng elevator ay may nadinig ang lola nyo.

Isang tinig ang pumukaw sa kamalayan ni Irenea.

Tinig na animo orkestra sa kanyang pandinig.

Tinig na nagpatalon sa kanyang puso, nagpasirko sa kanyang kalamnan at bumuhay sa kanyang pagkababae.

Tinig na tila nakaukit na sa kanyang memorya.

Tinig na matagal na niyang pinapangarap na mabigkas ang kanyang pangalan at ang mga katagang, “mahal kita.”

Pero mukhang yung “mahal kita” suspended na muna kaya magkasya na muna si ateng nyo sa…

“Hold the elevator please.”

Hinold naman ng lola nyo yung elevator, and as expected matapos ang ilang sandali ay bumungad na sa harapan ng lola nyo ang isang magandang babaeng, mukhang oso na hinihingal at may bitbit na mamawis-mawis na baso ng milktea.

“Thanks.”

“You’re welcome,” pabebeng sagot ng lola nyo.

Ay nalaglag!

Yung panty mo Irenea nalaglag!

“Ah uhmm…” Tila may sinisipat si Ate Girl na mukhang oso sa may bandang side kung saan nakatayo ang lola nyo kaya si bakla na-conscious bigla.

“Yes?” Sagot nung kuneho sabay inanggulo pa yung ulo para maganda sa picture.

Hunyeta pabebe pa more Irenea! Kairita! Talandi ni bakla!

“Uhmm… 11th floor please.”

Leche ayan landi mo kasi Irene, feeling mo ikaw ang tinitingnan eh chini-check lang pala ni ate kung napindot na yung floor nya.

“Okay na.”

“Thanks.”

Sa loob loob ni Irene, “thank you ka dyan eh pareho lang tayo ng floor.”
🐻      🐰

Tatlumpong segundo, may 30secs. ang lola nyo para namnamin ang elevator moment nila ni CRUSH, kaya naman si bakla sinusulit na ang bawat segundo. 

Ilang buwan na niyang pinapantasya si Ateng Mukhang Oso, at sa loob ng ilang buwan na iyon eh zero development pa rin ang pangarap na lovelife ng lola nyo. 

Real talk na tayo mga sizt, mas mabilis pa ang paggalaw ng mga continental plates kesa sa buhay pag-ibig ni Irenea sa totoo lang.

Ding!

Ayan see, butata na naman si bakla kasi heto natapos ang elevator ride nang waley ganap. Ni “hi” o “hello” waley… hay Irene Bae better luck next time.

Hatak-hatak ang kanyang trolley full of fudangs ay naunang lumabas ng elevator ang lola nyo na sinundan naman ni Ateng Mukhang Oso.

Ilang hakbang lang naman ang distansya ng condo unit ng lola nyo mula sa elevator kaya hindi nagtagal lumabas na rin ang tunay na kulay! Wait, ano daw? Salbakuta?

https://tengudnessfanfics.blogspot.com/p/blog-page_26.html
Unit 1114, bet na bet ni Irene yung numero ng kanilang condo unit kasi sakto sa birthday nya, November 14 (11/14).

Pero alam nyo ano o sino ang mas bet ng lola nyo?

Ano pa edi yung nakatira dun sa katabing unit nya, si Ateng na Mukhang Oso.

Unit 1116, kung saan ang basa ng dirty dirty mind ng lola nyo dun sa numero ay “S*EXteen.”  Sa unit na ito nakatira ang laman ng mga wet dreams ni bakla, ang matagal na niyang pinapantasya na si…

“Uhmm, Seulgi.”

Teka, tama ba dinig ko? Ang lola nyo kinakausap si wet dreams este si neighbor Seulgi?

“Yes?”

Punyeta! Totoo nga!

“I hope may supply ka ng food sa unit ninyo.”

Kahit medyo nawi-wirduhan si Seulgi sa banat na statement ng kanyang kapitbahay eh sinagot pa rin niya ito ng maayos.

“Uhmm, I’m not sure kung meron hehe kasi yung flatmate ko na si Wendy ang in charge sa food. She’s the one who does the groceries.”

“Ah ganun ba, if ever wala, katok ka lang sa amin.”

Nakanampota ang pabebe ng lola nyo. Dahil ba panahon ng pandemic ngayon kaya itong lola nyo sinasamantala ang pagkakataon na bago pa magkanda-leche-leche and everything ay ma-experience nya yung matagal na niyang gustong ma-experience iyon ay walang iba kundi ang IPATIKIM ANG KANYANG MATAMIS NA PI… PININYAHANG MANOK. Cheret!

“Ah eh no, no, no it’s fine hehe. Thanks pero okay lang naman usually sa labas naman ako kumakain or pa-deliver ng Grab Food.”

“Pa-deliver? Ah okay, okay, basta kung sakaling need mo ha katok ka lang. Mahirap kasi ngayon lalo na LOCKDOWN.”

“Thanks again.”

“Okay, see you around Seulgi.”

Ngiti na lang ang isinagot ni Seulgi sa kanyang friendly neighbor kasabay ng pagpihit nya sa doorknob ng pinto. 

Palaisipan sa kanya kung bakit sya kinausap bigla ng kanyang kalapit unit. Sa ilang buwan kasi niya na paninirahan sa building ay never sila nagusap nung kapitbahay nyang maganda pero medyo weird.

Pero alam ninyo ang mas palaisipan kay Seulgi?

Palaisipan sa kanya ay yung isang word na binanggit ng kanyang kapitbahay.

“LOCKDOWN?” 😕
 

#seulrene #asianfanfics #tagalog #CLOC

https://tengudnessfanfics.blogspot.com/2020/03/CLOC-Chap02.html
Walang kamalay-malay yung oso na naka-lockdown ang buong Luzon. 'Di s'ya prepared. Buti na lang meron siyang Kuneho in Shining Shimmering Splendid.

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]