FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 64: Better

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 64: Better

 "...pero 'di ako bitter, kung sabihin kong ayaw ko na, 'cause now I am stronger... BETTER kung wala ka na." 
"Bitter Song"  Performed by Callalily & Maysh Baay



Setting: Slums of Tondo, Manila... where life is poor... and very sad... pero may pa-silver lining ditey wag ka.

Hindi mo plinano?! Anong ginawa mo? Di mo plinano, tinikman mo ganun?! Nasarapan ka? Tapos yun na? Ganun lang?

Gusto nyo yun? Umpisa pa lang INTENSE na agad. Oh eto pa…
 

Mamahalin nya daw ako kahit pokpok ako.
Ilang buwan pa lang kaming kasal, may katukaan nang iba.


Hala sinong may katukaan?! Sinong pokpok?!

Masaya ka sa sitwasyon mo?
Masayang kang tinatago?
Masaya kang niloloko?
Masaya kang kabit?

 

Hala ka...

Kailangan kong makausap si Fred.
Security Guard 1: Hindi pwede ma'am, empleyado lang po ang pwedeng pumasok sa loob.
Kabit nya ako, pwede na?
Security Guard 2: Maam, mas lalong bawal pumasok sa loob.


Hala hala ka nyetakels nagkanda-kabit-kabit na...

Kailangan mo ng pera? Bibigay ko.
Kailangan mo ng bahay? Bibigay ko.
Kailangan mo ng atensyon? Bibigay ko.
Kailangan mo ng chorva? BIBIGAY AKO.


Huh? Wait! Whut?

Medj may something off dun sa last line.

Teka wala pala sa mga linyahan ni Lino sa 'Halik' yung huling kemberloo.

Sorry naman na-carried away ako.

Pero wait there's more...

Obrey, Obrey, mahal kita kahit pok pok ka!

Gusto nyo yun? Pati "My Special Tatay" pinatos ng lola nyo.

Sabagay... kapag talagang marami kang free time kung ano ano ang inaatupag mo.

Kaw ba naman ang...

Walang Beshie.

Walang work.

Walang jowa.

Walang ganap sa gabi... sa umaga... sa tanghali...sa hapon.

Wiz na everything.

Waley na waley na si Ateng Joohyuna.
 

Sina Obrey at Lino na lang ang kumukumpleto sa mga gabi ni bakla kaya pagbigyan na natin.

"Ano ba naman yang pinapanood mo ate? Puro na lang 'ang kapal ng mukha mo' at 'Obrey, Obrey' yung naririnig kong lines. Wala na bang ibang pwedeng mapanood ate?

"Che! Tyanak! Bumili ka ng sarili mong TV kung gusto mo!"


"Sunget!" Nanggigigil na sigaw ni Yerimi sabay walkout pabalik sa comforts ng kuwarto nila ni tyang kung saan walang TV at mahina ang wifi.

"Panget!" Ganting sigaw ni ateng ninyo.

Hay na-miss nyo ba yung awayang kuneho't squirtle nung mag-ate?

Well you're in for a treat kasi sa araw araw na ginawa ni lord ay yun ang ginagawa nung dalawa.

At dahil di na ma-take ni Tyang Taeyeona ang pag-riring girl everytime na nagsasabong yung mga alaga nya ay oras na para wakasan ang kasungitan ni Ateng Joohyuna.


"Joohyuna magusap nga tayo."

Waw, ang kalma ni Tyang.

"Bakit po tyang?"

"Hutena kang bata ka! Kailan ka ba makakamove on!


...Punyeta halos isang taon ka nang walang jowa! Two months ago nagkrus ang landas nyo ni Seulgi pero anong ginawa mo? Nagwalk out ka lang! Gaga ka! Pinaiyak ka. Iniwan na parang basahan nung leche mo na ex...

...Tapos nung may chance ka nang todasin yung hayup na yun, wala kang ginawa! Sa ibang tao mo ibinabaling ang galit mo. Lagi kang masungit! Ang dali mong mainis. Ang super bitter bitter mo...

...Tangnang yan! Nakamove na kami lahat! Ikaw na lang ang hindi! Lahat naka get over na sa heartache pwera lang sa iyo! Ikaw na lang as in ang hinihintay!"

Nyak! Calm before the storm pala...

Pero may point naman talaga si Tyang eh. Ang daming hanash ni bakla nung time na hinahanap at pinababalik nya yung ex nyang oso. Hanggang sa nadevelop na into  super laki laking galit yung nadadama nya.

At nung finally nagbalik na at may chance na ang lola nyo na makrompal to the left and right yung lapastangan na oso eh wala namang ginawa si tanga. Nag-walk out lang sya.


Kung kailan finally nag-sink in na ang mga bagay bagay eh huli na ang lahat. There's no way na para makaharap ni Joohyuna si Seulgi. At si Tyang na rin mismo ang nagbawal kay Irenea na huntingin yung oso.

Para sa kanya aksaya ng oras at effort.

Kung ayaw, wag pilitin.

Ganun lang yun. So simple.

Wala sa dugo ng mga Bae-Kim ang naghahabol sa jowa.

(Charot! Lelang nyo lokohin nyo si Tyang kaya naghabol kay Panyang)

Pero eto talaga, ang concern lang naman ni Tyang ay yung well being ng kanyang alagang kuneho.

Ang main agenda lang naman ni Tyang ay ang maka-move on si Baechu sa lalong madaling panahon.

 https://c.lazada.com.ph/t/c.Yayg?url=https%3A%2F%2Fwww.lazada.com.ph%2Fproducts%2Fblackpink-kill-this-love-black-mini-album-vol-2-official-on-hand-kpop-i309288146-s609174812.html&

💔        💔         💔 
 
"Tyang ano to?"

"Bucher. Di ka pa ba nakakakita ng bucher sa tanang buhay mo?"

"Bucher?"

"Oo bucher. Alam mo maganda ka sana, tanga ka lang. Ngayon ka pa lang ba nakakita ng bucher ng 'Metrodeal?"

Hutenang Tyang to. Nyeta VOUCHER! Voucher tangene naman oo.

"Aish..." naiinis nang slight si Baechu pero keri lang "... okay voucher ito Tyang. Pero saan? At para saan?"

"Pumunta ka ng Baguio, mag-soul searching ka."

Huwaw mag-sosoul searching si Ateng Joohyuna nyo, at sa Baguio pa meow meow. Uma-Angelica lang ang peg.

"Huh? Ano ulit Tyang?"

"Ibinook kita ng 'That Thing Called Tadhana Tour'."

Sinabi ko na sa inyo eh, uma-Angelica lang ang peg ni ateng nyo.

"That thing what Tyang?"

 "'That Thing Called Tadhana Tour', TT CT Tour! Yung movie nina JM (Anthony) at ni Angelica (Mace). Oras na para mag-move on ka."

"Huh? Ayaw ko nga Tyang!"

"Anong ayaw?! Bayad na yang tour gaga ka! Pupunta ka sa ayaw o sa gusto mo! At wag na wag kang babalik ng Maynila hanggat di ka nakakamove on!"

Patay kang Kuneho ka. Its either magmomove on ka, or magmomove on ka. Ayan na may ultimatum ka na kay Tyang, kaya gorabels na sa "TT-CT Tour" (Parang ang weird nung pangalan ng tour pero kebs lang)

SPOILER ALERT: Para sa mga di pa nakakapanood ng "That Thing Called Tadhana," ano ba naman kayo mga ateng at kuya? Sang bundok ba kayo nakatira, sa Mt.Tralala? My gas di kayo abot ng internet? Huwat happened to you? Ba't di nyo pa napanood yung movie? Hay ewan ko sa inyo. Balakayojan.


"Good evening! Welcome to our 'Tadhana Tour.' TT for SHORT! Pero kung gusto nyo ng LONG pwede rin naman, charot!  Ang tour kung saan magmomove on ka, habang nagmo-move tayo from places to places. Ang tour na sasagot sa tanong na, where do broken hearts go? From Timog - Kezon City to Zagada, sisiguraduhin naming makakamove on ka, twenty percent money back guaranteed! By the way, my name is Bubbles your tour guide. So mga ka-TT (while making the I'm-like-TT pose ng Twice), sit back relax and enjoy the tour! Let's... MOVE ON!

Di pa man din nag-start yung tour, yung kilay ng lola Baechu nyo nagto-tour na paitaas.

Judging from the looks nung bekla-bekla nilang tour guide na si babols eh kinikinita-kinita na ni Joohyun na isang malaking pagkakamali itong pagsunod nya sa orders ng Tyang. It's so TT talaga, as in tanginang tour na to. 



💔         💔        💔
Nishigo Sushi & Shabu Shabu (sa Timog) - First stop sa itinerary ng TT.

"Hindi. Na. Kita. Mahal. Makakaalis. Ka. Na. Seven words. 'Yung 8 years namin, tinapos n'ya in 7 words. Yan po mga ka-TT ang mga binitiwan na mga lines ni Ate Angelica during their scene dito sa restaurant blah bla blah"

Don't touch your lola. Wala syang paki sa mga lines na binitiwan ni Angelica during the restaurant scene sa movie. Ang paki lang ng lola nyo ay gutom na sya. So moving on can wait, yung sikmura nya won't, kaya naman...

"Waiter! Pa-order nga ng tig-isang tempura and chicken teriyaki bento. Tsaka isang malaking baso ng red iced tea."

Second stop, Karaoke!

🎶 So here I am, and can you please tell me...

"Sabay sabay mga kapatid!" Sigaw nung bekla-beklang tour guide.

🎶 Where do broken hearts go?
Can they find their way home?
Back to the open arms...


Hutena! Pang 5th time nang nakakanta yung WDBHG . Kung sino man yung dimunyung ulit ulit na pumipindot nung number nung kanta eh tubuan sana ng gamunggong pimple sa ilong.

Alam nyo yung, oo lahat tayo may pinagdadaanan pero utang na loob naman. Naestablish na natin from the very beginning na sa Baguio nagpupunta ang mga broken hearted so please leggo na sa Baguio!

Sabi nga ni bekla-beklang tour guide... LETSSSSSS MOVE ON!

And just like magic ay fafast forward tayo dun sa moment na nag-arrive na sa Baguio ang pangkat TT.

Eto na talaga ang start ng pagmomove ni Ateng Joohyuna kaya tara na, LET'S MO... wag na nga korni.

Ben Cab Museum.

Wala na yung painting na pinakita sa movie, blank space na lang yung naabutan nung grupo ni na Babols.

So yung mga ka-TT ni ateng nyo kanya kanyang pose na lang dun sa blank space. Kanya kanya interpret dun sa dingding na walang anything. Vogue vogue, adjust ng filter, vogue vogue ulit. Edit ng photo. Caption caption, the deeper the thought is, the better. Hashtag hashtag. Post sa IG.

"Gusto mo picturan kita?"

Ang gameplan lang talaga ni Baechu ay yung mairaos yung tour with the littlest human interaction as possible. Yung tipong sakay ng coaster, tulog. Baba ng coaster lakad konti then upo sa sulok. Balik ng coaster, then repeat.  Ganun.

Kaso lang etong si Ateng Picture Picture ang mukhang sisira sa gameplan nung Kuneho.  Mukha namang sincere ito sa pagooffer ng photography services nya sa lola nyo. Pero wala talaga sa mood si baklang pumosing posing.


"No, no thank you. Okay lang ako."

"Ganun ba... tutal ayaw mong picturan kita eh mabuti pa ako na lang picturan mo."

Di ba sinabi ko kanina na mukha namang sincere si Ateng PIcture Picture? Uhmm nevermind.

"Ah eh... sige ba."

Wow si lola nyo bait baitan.

Click.

"Miss isa pa dito naman."

Click.

"Miss isa pa."

Para kay Baechu one time thing lang yung pagmamagandang loob nya kay Ateng Picture Picture.

Kaso lang nawili ata masyado si Ateng PP,  kada stop over nila hinahagilap nya si Baechu para magpa-P. Kahit na saang sulok sumuot yung ay kuneho naha-hunting at naha-hunting pa rin nya ang lola nyo.

"There you are! Hey can you take a picture for me?"

Labag man sa loob eh inabot na lang ng lola nyo yung phone ni Ateng PP para matahimik na ito. Last stop naman na nila for the day yung spa place kung saan nagpamassage sina Mace at Anthony. So after dun eh pwede na silang magpahinga sa hotel.

"Thanks ha."

"You're welcome"

Good. Now your lola can rest in peace.


 ðŸ’”        💔         💔
"Hey!"

Oh no! Its Ateng PP once again. Nyeta ano bang problema nitong si ateng? Kinulang ba ito sa attensyon at pagmamahal nung bata? Lech hanggang sa hotel sinusundan nya si Baechu.

Yung rest in peace na binabalak ng lola nyo for the rest of the evening mukhang magiging rest in PICTURE.

"Uhm... anong ginagawa mo dito?" Nagtataka with a hint of sungit na yung tone ni Joohyuna.

"I'm your roommate! Di ba ang saya!"

Oo ateng. Ang saya saya... meow.

"Alam mo, buong araw tayo magkasama pero parang di ko ata na-introduce yung sarili ko. I'm Jennie nga pala, what's your name?"

Blackpink in your area!

Meet Jennie.

Ang new found best friend ng lola nyo. (Seohyun who? Charot!)

Tulad nung kuneho, soul searching at pagmomove on din ang goal in life at the moment ni Ateng Jen. Kaya heto ngayon sila nina Joohyun currently "nag-momove on", nag momove on sa second bottle of wine nila. Mga lasenggera ampota!

Anyare?
 

Well, kilala nyo naman ang lola nyo nasabihan lang ng "Alam mo ang ganda ganda mo talaga. Grabe as in."  Ayun instant beshie na nya si Ateng Picture Picture. Nagbond na sila nang bongga.

What is sleep? Eh mas masarap pagkuwentuhan ang mga exes lalo na kung nakainom.

 
"Tanginang ex kong gago!  Alam mo bang ako pa nag-loload dun. Hayup na yun, load ako ng load tapos reregister sa unli ang gago tapos iba ang ka-text. Mag-tetext ng, 'Baby paload 120 please'. Ako naman si tanga, lalabas ng bahay kahit wala pang bra para lang maloadan sya tapos kung di ko pa tinext na napaloadan ko na sya di pa mag-thathank you ang gago! Kaya di makareply kasi busy sa pakikipagcall-center dun sa nilalandi nya."

"Ay siraulo naman yang ex mo!" Galit si lola Baechu. Ang siraulo naman kasi talaga nung ex ni new beshie nya.

"Sinabi mo pa. Tapos nung una at huli naming Valentine's together. May pa press release si gago na di daw sya nagcecelebrate ng ganun chenes chenes, ako naman si tanga naniwala naman kaya keri keri lang parang ordinary day lang. Tapos malaman-laman ko may ka-date na Susan ang hayup!"

"Ay punyeta! San nakatira yang ex mo na yan? Ipakukuyog ko sa mga tropa ko sa Tondo!"

"Bigay ko sayo address mamaya beshie."

"Ha ha ha ha"

Huwaw lasing na talaga ang mga bakla kung san san na napunta ang chismisan nila.


Nag-bond over their hate sa mga exes nila and their love for the Kpop girl group 'Blackpink'. Salamat kay new found beshie, mas na-enjoy ni Baechu yung tour.

At dahil time goes by quickly specially if you are having fun di namalayan ng lola nyo na nasa finale part na pala sila ng TT tour.


Mt. Kiltepan.

Dito naganap yung eksena kung saan sumigaw si Angelica ng, "Ayoko na! Ayoko na! Pagod na pagod na ako! Ayoko na!"

Shout shout sa bundok ang activity. Ang sabi ni bekla-beklang tour guide by pairs ang akyat. They have 10mins para sumigaw sigaw tapos pak baba, next pair. Ganern.

And of course sino pa ba ang ka-pair ng lola nyo kundi si New Found Beshie.

"Alam mo na ba ang isisigaw mo?"

"Di ko pa naiisip eh, ikaw ba meron na?"

"Oo meron, naglista ako kagabi."

Wow si Ateng Jennie na ang prepared.

Top of the mountain, moment to shine na ni Joohyuna pero nagloloading ang utak ni bakla.

"Gusto mo ako na mauna girl?"

"Oo sige mauna ka na."

Umaktong pasigaw si Jennie Unnie. Here we go.

"TANGINA MO KAI! BAYARAN MO LAHAT NG UTANG MONG LOAD SA AKIN!"

Gigil nyo si ateng. Kai bayaran mo na daw yung utang mong load.

"See, madali lang. Ikaw naman, anong gusto mong sabihin sa ex mong si Seulgi?"

"Uhmm... I don't know. Sa dami kong gustong sabihin di ko alam kung san magsisimula."

Buffering talaga ang lola nyo.

"Start with small things, gaya nito, GAGO KA KAI! INAMO! DI KO NA MIMISS ABS MO!"

Wow mukhang may nabuhay na mga neurons sa utak ng lola after nyang marinig yung word na ABS ah. Mukhang may isisigaw na ang lola nyo.

"Ikaw naman dali. Go girl!"

Hinga ng malalim...
 

"PUNYETA KANG KANG SEULGI KA! TINGIN MO SA AKIN DI MABUBUHAY NG WALANG CHORVA! LECHE KANG OSO KA! MAGKA-LBM KA SANANG HAYUP KA!"

Sinong nageexpect ng something deep from Baechu? Taas ang kamay. Hay lola nyo talaga.

"Great! See sarap sa feeling di ba? Pero let's not be too morbid girl ha, kasi bad yun."

"Okay okay less morbid."

"Okay. Girl ako naman ulit ha, salitan tayo."

"Okay go."

"TARANTADO KA SUSAN! SAKSAK MO SA BUNGANGA MO YUNG NOTA NI KAI! POTA KA! MABILAUKAN KA SANA!"

"Uhm... girl sabi mo less morbid di ba? Pwede medyo rated PG din, kasi baka may bata na makarinig."

"Nasa mountain naman tayo keri lang yan."

"Eh kasi medyo ang..."

"Sige fine fine rated PG got it."

"Okay."

"Oh ikaw naman."

"Tutal nabanggit mo si Susan, NYETA KA CHEWY! LECHE KANG CHEKWA KA! MAS MAGANDA AKO SA IYO!"

"Yes nice one!" Sabay nagapir pa yung mag-beshie. Mga luka luka ang sarap ihulog sa bangin.

"TANGINA MO KAI! DI KITA KAILANGAN! MAS MABUTI PANG MAGSOLO NA LANG AKO! BITCH IM GOING SOLO!"

"Korak Beshie! Mainam pang magsolo ka na lang. PUNYETA KA SEULGI! MAGSOSOLO NA LANG RIN AKO! ANG TANGA MO MAY DYOSA KA NG JOWA PERO MAS GINUSTO MO PA YUNG MADE IN CHINA!"

Waw birds of the same feather, they flactuate together.

"OO NGA SEULGI! WHOEVER YOU ARE! SINAYANG MO YUNG GANDA NITO O! NASA KAMA KA NA LUMIPAT KA PA SA BANIG! MAGDUSA KA NGAYON!"

"KAI DI KITA KILALA PERO I KNOW THAT YOURE A VERY VERY BAD BOY."

"PAG NAGKITA TAYO SEULGI SISIGURADUHIN KONG BOBOOMBAYAHIN KO YANG ULO MO! AT MA HI-HIT YOU WITH A DDU DU DDU DU KO YUNG KATAWAN MO! MAPAPA-AYE AYE KA SA SAKIT TALAGA."

"MAGTAGO KA NA OSO KA!  MARKADO KA NA SA NEW BESHIE KO! DI NA KITA MAHAL! BAHALA KA NA SA BUHAY MO!"

"Tama yan beshie, ang mga di worth it na tao di na pinagaaksayahan ng effort. Let's kill this love!"

"OO LET'S KILL THIS LOVE!"

"YEAH LET'S KILL THIS LOVE!"

Sabay sabay yung dalawang luka, "LET'S KILL THIS LOVE! YEAH! LET'S KILL THIS LOVE!"



Enjoy na enjoy yung dalawang mag-beshieng murit sa mga pinagagagawa nila nang may biglang sumingit, "Uhmmm excuse me, mawalang galang lang po 'Blackpink' pero overtime na po kayo." 

💔        💔         💔

Manila. 6:45PM

"Huy text mo ako kapag nakarating ka na sa inyo ha."

"Oo naman Joohyun I will."

"Bye ingat!"

"Later girl!"

And with that ay sumukay na ulit ng taxi si New Found Beshie.  Habang ang lola nyo naman ay pauwi na sa tahanan ng mga Bae-Kim.

Masaya si bakla kasi may maganda syang mairereport kay Tyang. Sa tinagal tagal na nagpakabitter si ateng, finally ngayon masasabi na nyang walang halong kaplastikan na nakamove na talaga sya. She's over Seulgi. She's over Seulgi na kasalukuyang nakatayo sa harap ng eskinita na dadanan nya, as in right now at may tangan-tangan na flowers.

Hutena ganitong-ganito ang nangyari sa movie na 'That Thing Called Tadhana' ah!

"Joohyun!"

No ateng mali ka ng lingon, to your left to your left.

Lingon si Ateng Baechu sa left at dun nakita nya yung taong tumawag sa pangalan nya.

"Seulgi."

"Joohyun can we talk please?"

"Huh?"

Lech anyare dun sa kill this love kill this love sa mountain. Nakaface to face lang yung oso, si ateng nyo nag-buffering na naman.

"Joohyun, I'm sorry."

"Huh?" Still buffering.

"I'm sorry."

"You left me Seulgi." Finally may nasabi na ring may sense ang ateng nyo.

"I don't have a choice."

"Iniwan mo ako."

"I'm sorry I thought that was for the best."

"Iniwan mo ako." Ulit-ulit talaga?

"I'm sorry."

"Iniwan mo ako."

"I'm so--"

"PUNYETA! ULIT-ULIT TAYO!" Wala na, napasigaw na si Joohyun.

"Ano bang gusto mong sabihin ko?"

"Na-iniwan mo ako."

"Iniwan kita but I have my reasons."

"Iniwan mo ako." Ulit-ulit ulit?

"What?"

"Iniwan mo ako."

"So yun ba ang gusto mong marinig? Okay fine, INIWAN KITA. Is that what you want to hear? OO INIWAN KITA."

"Thank you."

"Joohyun..." 



"You know what I learned about life Seulgi? Minsan for you to be able to solve things you have to look at things simplier, alisin mo yung mga anik-anik na di naman nag-mamatter. I love you and I wanted to be with you, malinaw pa sa sikat ng buwan yung statement. Pero ang problema ikaw itong maraming kyeme kyeme eh."

Hinga ng malalim, tingin sa kalangitan, sabay deliver ng lines...

"Tapos heto ka ngayon... Nag-sosorry ka nga pero yung sorry mo may kalakip na 'pero I have my reasons.' So ano yun? You're only saying sorry for the sake of saying sorry. Na gusto mong intindihin ko na umalis ka kasi may dahilan. Na kung isusummarize natin ang nangyari, lalabas you were left with no choice. Na ikaw yung hero sa story kasi you were willing to sacrifice everything."

"I don't want to hear your reasons Seulgi kasi di na mahalaga yun. Nasaktan na ako, ilang baldeng luha na yung iniluha ko, ilang box at rolyo na ng tissue ang nakunsumo ko."

"Di ko kailangan ng closure from you Seulgi. I got my closure nung panahon na di mo na sinasagot ang mga tawag at text ko."

"Okay na ako Seulgi naka-move on na ako. Better nang ganito."

"Better kung wala ka na."
 
 
#Seulrene #Seulgi #Irene #Fanfics #RedVelvet

Sa kaibuturan ng ka-anik-anikan ni Baechu ay hoping pa rin syang matatama ang mga tadhana nila ni Bebiber. Umaasa si Baechu na may pa-Avengers: Endgame ang lablayf nya.  Pero bago yun eh magso-soul searching na muna si bakla sa Japan Japan sagot sa kahirapan.

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]